09 April 2016

Ika-3 Artikulo ni AE sa Tax Evasion case ng INC sa Japan isang bangungot na ibig niyang kalimutan dahil naglibing sa kaniya sa kumunoy ng kahihiyan



Mula noong Abril 1, 2016 ay inire-repost po namin ang mga naging sagutan nina “Antonio Ebangelista” at “Pristine Truth” noong 2015 upang ipaala-ala kay AE, at sa kaniyang mga napapaniwala, at upang malaman ng madla na noon pa ay sinagot na si AE sa kaniyang mga paratang laban sa Iglesia at KUNG PAPAANO SIYA NALAGAY SA MALAKING KAHIHIYAN.


AE, REMEMBER THIS

Ang pagpapahayag ni “Antonio Ebangelista” na “May tax evasion case ang Iglesia Ni Cristo sa Japan” ay nagsilbing malaking bangungot sa kaniya sapagkat naglagay sa kaniya sa kahihiyan, nagpakita na siya’y tunay na nagsisinungaling at gumagawa (fabrication) na mga diumano’y “sulat” ng kung sinu-sino para gamiting pang-depensa niya. Subalit ang “kasinungalingan” ay isang “kumunoy ng kahihiyan” na habang itinataguyod at pinangangatawanan ay lalong maglulublob sa kahihiyan.
Ang una nating SAGOT kay “AE” ay nagsilbing “sampal” sa kaniya sapagkat hindi niya maitatanggi na may tax exempted status ang mga religions sa Japan. Gumawa siya ng tugon dito, subalit lalo lang naglublob sa kaniya sa kahihiyan sapagkat gaya ng ating naipakita sa ating SAGOT sa kaniya ay lumabas na siya pa mismo ang nagpatunay sa kaniyang ikalawang artikulo na nagsisinungaling siya sa kaniyang mga pinagsasabi sa kaniyang unang artikulo.
Nagtangkang makabangon sa pagkakalugmok sa kahihiyan, gumawa siya ng ikatlong artikulo na inilathala niya noong Mayo 26, 2015, apat na araw pagkatapos nating ilathala ang ating ikalawang tugon sa kaniya (Mayo 22, 2015). DITO NA SIYA NALIBING SA MALALIM NA HUKAY NG KAHIHIYAN NA HINDI NA MAKABABANGON PA. Ang ikatlong sulat ay lalo lang niya pinatunayan (opo, si “Antonio Ebangelista” mismo) na NAGSISINUNGALING siya sa kaniyang unang artikulo. Kaya pagkatapos nito ay hindi na siya nagtangka pang guumawa ng tugon sa ating ikatlong SAGOT.
TUNGHAYAN PO NATIN ANG SAGOT NI PRISTINE TRUTH KAY ANTONIO EBANGELISTA SA KANIYANG IKATLONG ARTIKULO UKOL SA “TAX EVASION CASE DAW NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN”:

___________________________

SINO ANG NAGSISINUNGALING AT SINO ANG NAGSASABI NG TOTOO?

First posted last 28 May 2015 as Response to AE’s "Iglesia Ni Cristo in Japan is Silent No More" (May 26, 2015)


ANG unang artikulo ng mga “Kumakalaban sa Pamamahala” ay may pamagat na “GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE OF INC DISTRICT OF JAPAN” na inilathala nila noong April 24, 2015. Sinagot po natin ang kanilang bintang na ito sa artikulo natin na may pamagat na “TAX EVASION CASE OF INC IN JAPAN?” na inilathala po natin sa blog na ito noong May 5, 2015.


Dahil dito, “pinutakti” siya (ang Kumakalaban sa Pamamahala) ng maraming tanong ng mga kapatid sa pamamagitan ng PM at e-mail. Noong May 7, 2015 ay may nakausap siyang isang kapatid sa pamamagitan ng PM at sinabi niya na hindi niya ito sasagutin at pabayaan na lamang daw, ito ang payo niya sa naturang kapatid. Ngunit, hindi siya naging totoo sa kaniyang salita dahil kinabukasan (May 8, 2015) lamang ay naglathala siya ng artikulo ukol dito na may pamagat na “PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN.” Sinagot po natin ito sa pamamagitan ng artikulo na inilathala natin sa ating blogsite noong May 22, 2015:


Isang kasabihan po ng matatanda na “Ang isang taong umaray at dumaing ay ang tinamaan at nasaktan.” Nagulantang at parang isang malakas na “sampal” sa kaniya ang dalawang artikulong ito na ating Inilathala sapagkat ito’y napatunayan na siya po ay nagsisinungaling SA PAGSASABI NIYANG ANG INC AY NAHAHARAP SA TAX EVASION CASE SA JAPAN. Alam niyang matinding dagok ito sa kaniyang “kredibilidad” (sapagkat kung mayroon siyang “pahayag” na mapatunayang isang malaking kasinungalingan ay tiyak na hindi na siya agad paniniwalaan ng mga kapatid). Dahil dito, ay muli siyang naglathala ng isang artikulo upang makabangon sa matinding kahihiyan na inabot niya sa una at ikalawang artikulo po namin. Inilathala niya noong 26 May 2015 ang ikatlong artikulo niya ukol dito na may pamagat na “IGLESIA NI CRISTO IN JAPAN IS NOW SILENT NO MORE.” Sa kaniyang ginawang ito, hindi ba’t isa itong pag-amin niya na hindi epektibo at hindi siya pinaniwalaan ng mga mambabasa sa kaniyang ikalawang artikulo kaya napilitan siyang gumawa ng ikatlong artikulo? Makikita natin sa kaniyang ikatlong artikulo ang tunay niyang nilalayon:

“Unang una po sa lahat nababasa ko po ang lahat ng mga inilalahathala ninyo sa post ng fb, lahat halos ng mga kapatid na nasa Japan ay alam at nasa panig ng katwiran, ibig pong sabihin ay nasa panig po ninyo. Ang akin pong asawa ay isang Hapon, lagi po syang nakasubaybay sa mga isinusulat po ninyo maging ang isinusulat po ng iglesianicristo blog site, ako na lamang po ang nagiinterpret para sa kaniya. Kaya ipinaabot po ng aking asawa na yung tungkol sa kasagutan sa theiglesianicristo.blogspot.com ay dismayadong dismayado sya, tangi sa lumalabas na wala talaga silang kaalaman sa kultura ng Japan, eh GINAGAWA PA KAYONG SINUNGALING SA MGA IPINAHAYAG NINYO.” (Antonio Ebangelista, “IGLESIA NI CRISTO IN JAPAN IS NOW SILENT NO MORE.” 25 May 2015)

Lumalabas na sa “sulat” na ito na inilathala niya sa kaniyang ikatlong artikulo ukol dito ay naglalayon siyang makaahon sa matinding kahihiyan na kaniyang inabot, ang ipakita na siya diumano’y hindi nagsisinungaling. Di ba’t ang ginawa niyang ito ay isang pag-amin na tinatanggap niya na siya nga ay lumabas na sinungaling sa ating dalawang artikulong inilathala bilang sagot sa kaniya?

Nakaahon nga ba si G. Antonio Ebanghelista sa pagkapahiya sa kaniyang ikatlong artikulo? Naiahon ba niya ang kaniyang “kredibilidad” at napasinungalingan na siyay hindi sinungaling sa inilathala niyang “sulat ng isang kapatid sa Japan na asawa ng isang Hapones”?

Tingnan natin kung nagtagumpay siya sa kaniyang ginawang pag-iimbentong muli ng isang “sulat” na inilathala niya sa kaniyang ikatlong artikulo ukol dito. Alamin natin ngayon kung:


SINO BA ANG NAGSISINUNGALING AT SINO BA ANG NAGSASABI NG TOTOO?


Ang sabi ni G. Antonio Ebangelista sa kaniyang ikatlong artikulo ay:

“…ang TAXES na kailangang bayaran ay ang mga property ng Iglesia na ipinangalan nila sa mga Japanese Citizen na kapatid lalo nga at hindi pa narerehistro ang Iglesia noon. Bawat property ng Iglesia na nakapangalan sa mga kapatid na Hapon ay MAY KAUKULANG TAXATION dahil hindi siya considered religious organization dahil hindi pa nga rehistrado. Subalit simula ng mairehistro ito, legal na at kinikilala na ang Iglesia, DAPAT sana ay nailipat na rin sa INC ang pagkakarehistro ng mga Properties ng Iglesia mula sa pagkakarehistro nito sa mga kapatid na hapones. At dahil hindi pa rin naita-transfer sa INC, KAKAILANGANING BAYARAN NG KAPATID ANG TAXES NITO NA DAPAT SANA ANG INC ANG MAGBABAYAD. Kapag hindi nabayaran, katumbas ito ng isang tax evasion case sa Kapatid, dahil nakapangalan sa kaniya ang PROPERTY NG IGLESIA…”
“Inuulit ko po, HINDI PO ANG IGLESIA NI CRISTO ANG PINAPATAWAN NG TAX, MAY BENEFITS PO ANG RELIGION (TAX BENEFITS) subalit ANG MAY TAX AY ANG MGA INDIVIDUAL NA KAPATID kung kanino ipinangalan ang mga properties ng Iglesia, yun ang mga kailangang bayaran, at kailangan din pong naisusumite ang mga kaukulang document na hinihingi ng TAX CENTER sa kahit anong religion at kasama po sa isusumiteng ulat ay ang list of officers that received remuneration (mga Ministro na tumanggap ng tulong) at marami pang iba…” (Antonio Ebangelista, “IGLESIA NI CRISTO IN JAPAN IS NOW SILENT NO MORE.” 25 May 2015, emphasis mine)

IKUMPARA NATIN ITO SA SINABI NIYA NOONG UNA:

#1 Wala raw tax exemption ang mga religion sa Japan

ANG SABI NI ANTONIO EBANGHELISTA:
“…ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON. Kaya nga po kakarehittro lang ng inc sa japan bagaman matagal na pong nasa japa ang inc. Kaya ang kailangan po nilang ipakita ay ang mandate ng japanese government ukol sa registration ng inc sa japan…” (Antonio Ebangelista conversion with Sister Cristiana P., emphasis mine)

Samakatuwid, ANTONIO EBANGELISTA VS ANTONIO EBANGELISTA.
Ang sabi ni Antonio Ebangelista: “…ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON.” Na sinalungat ni Antonio Ebangelista: “…HINDI PO ANG IGLESIA NI CRISTO ANG PINAPATAWAN NG TAX, MAY BENEFITS PO ANG RELIGION (TAX BENEFITS)…”

Bakit pinili ni Antonio Ebanghelista ang SALUNGATIN ang sarili? Sapagkat mas malaki pong problema niya kung patuloy niyang paninindiganan ang sinabi niya sa kaniyang unang sulat sapagkat lalabas na – ANTONIO EBANGELISTA VS KATOTOHANAN. Hindi kasi maitatanggi ang katotohanan na ang mga relihiyon ay tax exempted sa Japan:

“Local as well as national lawmakers and bureaucrats, starving for new forms of revenue, have ecouraged greater public scrutiny of religions, especially their tax-exempt status.” (Handbook of Contemporary Japanese Religions, edited by Inken Prohl, John K. Nelson, p. 168)

Mas pinili pa ni Antonio Ebangelista na salungatin ang SARILI kaysa salungatin ang katotohanan. Ngunit, sasang-ayon po ang lahat na ang SUMATUTAL nito ay (1) NAGSISINUNGALING PA RIN SIYA SA KANIYANG UNANG PAHAYAG, AT (2) Ang kaniyang IKALAWANG PAHAYAG na “…hindi po ang iglesia ni cristo ang pinapatawan ng tax, may benefits po ang religion (tax benefits)…” AY ISANG PAG-AMIN NA NAGKAMALI SIYA SA KANIYANG UNANG PAHAYAG.

SAMAKATUWID, ang sinasabi namin na may tax exemption ang mga religion sa Japan ang katotohan, at ang sinasabi ni Antonio Ebangelista ang kasinungalingan.

#2 Ang Iglesia Ni Cristo raw ay may “taxation duties” sa Japan

ANG SABI PA NI ANTONIO EBANGHELISTA:
“…Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….
“Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan. Ang report na ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa napakaling suliranin na kinakaharap ng Iglesia Ni Cristo sa Japan na kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa gobyerno ng Japan. At dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN… (Antonio Ebangelista, “Grave Problem: Tax Evasion Case ng INC Distrit of Japan,” 5 May 2015, emphasis mine)

Para pong may dalawang Antonio Ebangelista ano po? Ang isa kumakalaban at tumututol sa amin. Ang isa naman ay sinasang-ayunan po kami. Sa palagay po ninyo mga mambabasa, sino sa dalawang Antonio Ebangelista ang nagsasalita ng totoo? SABAGAY ANG SUMATUTAL pa rin NAGSISINUNGALING SI ANTONIO EBANGELISTA.

Sana po ay mapansin ninyo mga kapatid na ang tama ay ang sinasabi namin na walang tax duties ang Iglesia Ni Cristo sa Japan. As long as the fact remains na ang Iglesia Ni Cristo ay isang duly registered religious corporation sa Japan at dahil sa 1951 Religius Corporation law sa Japan na nagbibigay ng tax exemption sa mga religion sa Japan, ang Iglesia NI Cristo ay walang “taxation duties” sa Japan na gaya ng sinasabing ito ni Antonio Ebangelista.


#3 Ang INC raw ang may kinakaharap na tax evasion case sa Japan

ANG SABI NI ANTONIO EBANGHELISTA:
“GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE NG INC DISTRIT OF JAPAN
“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS
“…ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.” (Antonio Ebangelista, “Grave Problem: Tax Evasion Case ng INC Distrit of Japan,”24 April 2015, emphasis mine)

Pansinin ninyo ang sinabi ni Antonio Ebangelista sa kaniyang ikatlong artikulo ukol dito: “At dahil hindi pa rin naita-transfer sa INC, KAKAILANGANING BAYARAN NG KAPATID ANG TAXES NITO NA DAPAT SANA ANG INC ANG MAGBABAYAD. Kapag hindi nabayaran, katumbas ito ng isang tax evasion case sa Kapatid, dahil nakapangalan sa kaniya ang PROPERTY NG IGLESIA…” Samantalang maliwanag na maliwanag sa kaniyang UNANG ARTIKULO ay ang INC ang (ang organisasyon) ang may kinakaharap na malaking tax evasion case sa Japan.

Sana po ay mapansin ninyo mga kapatid na ang tama ay ang sinasabi namin na walang maaaring kaharapin na tax evasion case ang INC sa Japan dahil sa kaniyang kasalukuyang kalagayan na siya’y may tax exempted status.


THE GREAT DEBATE:
Antonio Ebangelista VS Antonio Ebangelista


SA KANIYANG UNANG ARTIKULO AY GANITO ANG SINABI NI
ANTONIO EBANGHELISTA NA INILATHALA NOONG 24 APRIL 2015:

“GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE NG INC DISTRIT OF JAPAN
“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS
 “…Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….
“Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan. Ang report na ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa napakaling suliranin na kinakaharap ng Iglesia Ni Cristo sa Japan na kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa gobyerno ng Japan. At dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang ukol sa taxation duties ng Iglesia ni Cristo sa pamahalaan ng Japan. Ang bagay na ito ay ilang beses ng isinulat ng mga kapatid kay Ka Benedicto at maging sa Tanggapan ng Ka Jun Santos subalit laging hindi ito binibigyan ng pagpapahalaga. Bilang katunayan ay overdue na ang dapat sana ay nabayaran na ng Iglesia Ni Cristo sa pamahalaan ng Japan kaya ang resulta ay nagkaroon tayo ng utang nakailangang bayaran na 40Million Yen. Mabuti sana kung ang problema lang ay pera na maaari namang bayaran subalit dahil sa ito ay overdue, marami pang penalties na kaakibat nito at ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.”
“Kung mapapansin ninyo ay pawang purong kapabayaan sa pananalapi ang isyu kaya napipinsala ang malinis na pangalan ng Iglesia at napapasapanganib ang paglilingkod ng mga kapatid.
“Itong dokumentong ito ay nakalagay sa isang folder na may nakasulat na STRICTLY CONFIDENTIAL at ipapadala sa Tagapangasiwa ng Japan sa layunin na ito sana ay maaksyunan na. Sa layunin ng mga kapatid na matiyak na hindi ito ma-cover up na naman gaya ng mga nagdaang pangyayari sa layunin na huwag mapasama ang imahe ng Tagapangasiwa. Dahil sa ilang beses na itong ipinagsawalang bahala ng Tagapangasiwa, may ilang mga kapatid ang nagpasyang kunan ito ng larawan at ipinadala sa amin upang maisiwalat natin ang matagal ng nagaganap na problema sa Japan ng dahil sa hindi masinop na pananalapi at pangangasiwa. Ito ang pangunahing dahilan kaya pupunta ang Ka Jun Santos sa Japan, upang matiyak na kung hindi ito masusulusyunan, ay makagawa ng isa pang dummy account kung saan maaaring i-deposit ang pera upang huwag na itong maisama sa financial review na gagawin ng Japanese government.
“Sa halip na pagtakpan pa ang problemang ito at maisapanganib pa ang paglilingkod ng mga kapatid sa Japan na kay tagal na hiniling sa Panginoong Diyos na sila ay malayang makapagsagawa ng paglilingkod sa Ama, ng dahil lang sa kapabayaan at kapangahasan ng ilang mga tiwaling Ministro sa hanay ng Ka Jun Santos, Ka Manny Benedicto at mga kasama pa nila na pilit na binabaluktot ang batas ng dahil sa pansariling pakinabang. Sana, ngayon na ito ay nalalaman na ng lahat ng mga kapatid na sumusubaybay dito, sana naman ay gawan nyo na ng tamang aksyon at hindi ang pagtakpan pa ang problemang ito at ipagwalang bahala uli.” (Antonio Ebangelista, “Grave Problem: Tax Evasion Case ng INC Distrit of Japan,”5 May 2015, emphasis mine)
Antonio Ebangelista

Mga kapatid, lalo na ang mga nasa Japan, sa unang artikulo ba niya ay may binanggit siya na ang talagang isyu ay “humihiling ang mga kapatid na Hapones na mailipat na ang mga properties na nakapangalan sa kanila sa pangalan ng Iglesia sapagkat maaaring sila ang habulin ng Tax Center ng Japan gayong mahalaga pa naman sa kanila ang dangal? WALA PO. WALA PONG NAKASULAT NA GANOON, KUNDI PAWANG PAGLAIT SA MGA NANGANGASIWA SA IGLESIA AT PAGGAMIT SA ISYUNG ITO UPANG “GALITIN” ANG MGA KAPATID dahil daw sa matinding kapabayaan ay matatanggalan ng rehistro ang INC sa Japan, mapapaalis ang mga ministro at mga kapatid na hindi Hapones, at magkakaroon daw ng matinding kahihiyan ang INC sa Japan. Subalit, pansinin ninyo ang malaking kaibahan ng kaniyang ikatlong sulat:


SA KANIYANG IKATLONG ARTIKULO AY GANITO ANG SINABI NI
ANTONIO EBANGHELISTA INILATHALA NOONG 26 MAY 2015:
“Salamat po sa inyong liham sa akin ukol sa inyong tunay na kalagayan diyan sa Japan. Nauunawaan ko rin po ang inyong damdamin simula nang mabasa ninyo ang paliwanag at pilit na pangangatwiran ng mga tagasulat sa blog ng Sanggunian. Kapareho po ninyo ang maraming mga kapatid na bumasa ng kanilang blogsite, at dahil sa kanilang ginawa ay lalo lang nagliwanag ang katotohanan sa aming artikulo. Kung talagang uunawain lang ng mga bumabasa ang ipinupunto ng artikulo, ang TAXES na kailangang bayaran ay ang mga property ng Iglesia na ipinangalan nila sa mga Japanese Citizen na kapatid lalo nga at hindi pa narerehistro ang Iglesia noon. Bawat property ng Iglesia na nakapangalan sa mga kapatid na Hapon ay MAY KAUKULANG TAXATION dahil hindi siya considered religious organization dahil hindi pa nga rehistrado. Subalit simula ng mairehistro ito, legal na at kinikilala na ang Iglesia, DAPAT sana ay nailipat na rin sa INC ang pagkakarehistro ng mga Properties ng Iglesia mula sa pagkakarehistro nito sa mga kapatid na hapones. At dahil hindi pa rin naita-transfer sa INC, KAKAILANGANING BAYARAN NG KAPATID ANG TAXES NITO NA DAPAT SANA ANG INC ANG MAGBABAYAD. Kapag hindi nabayaran, katumbas ito ng isang tax evasion case sa Kapatid, dahil nakapangalan sa kaniya ang PROPERTY NG IGLESIA. Pangalawang punto na dapat isaalang-alang: ang mga Ministro na tumatanggap ng tulong ay considered ng Japan as sweldo, kaya may kaukulang porsyento din ito for TAXATION. Ang pagsusumite ng mga requirements sa TAX CENTER ng Japan, hanggang ngayon ay hindi pa rin naisusumite. Sana po ay kumuha ng Japanese interpreter ang Sanggunian at ipa-interpret ang ipinadala ng kapatid nating hapon para lalo nilang maintindihan ang ibig sabihin ng batas ng Japan ukol sa taxation…
Inuulit ko po, hindi po ang Iglesia Ni Cristo ang pinapatawan ng tax, may benefits po ang religion (tax benefits) subalit ang may tax ay ang mga individual na kapatid kung kanino ipinangalan ang mga properties ng Iglesia, yun ang mga kailangang bayaran, at kailangan din pong naisusumite ang mga kaukulang document na hinihingi ng TAX CENTER sa kahit anong religion at kasama po sa isusumiteng ulat ay ang list of officers that received remuneration (mga Ministro na tumanggap ng tulong) at marami pang iba. Nawa po ay nakatulong ito sa ating pagsusuri ukol sa kalagayan ng Iglesia Ni Cristo sa Japan. Sana sa halip na magaksaya pa sila ng panahon kakaisip kung papaano pa nila palalabuin ang mga ebidensyang ito, sana ay gamitin na lang nila ang kanilang panahon upang asikasuhin na ang mga pangangailangan ng Iglesia Ni Cristo sa Japan upang mailagay na sa ayos ang lahat at hindi na manganib sa batas ang mga kawawang kapatid dahil sa nananatiling nakapangalan sa kanila ang mga properties ng Iglesia na dapat sana ay inaasikaso na ng kanilang tagapangasiwa na mailipat na sa pangalan ng Iglesia Ni Cristo ay maisagawa ang wastong pag-uulat sa gobyerno ng Japan upang huwag manganib ang pagkakarehistro ng Iglesia Ni Cristo sa Japan. Maraming salamat po.
Antonio Ebangelista
 

MGA KAPATID, LALO NA SA MGA KAPATID SA JAPAN,

IKUMPARA PO NINYONG MABUTI ANG SINABI NIYA SA UNA NIYANG ARTIKULO SA KANIYANG IKATLONG ARTIKULO: HINDI BA’T MAKIKITA NINYO ANG MALAKING KAIBAHAN AT SALUNGATAN? Pansinin na sa kaniyang Ikatlong Artikulo ay hindi na nga niya mabanggit-banggit ang inimbentong niyang "Tax Evasion Case ng INC sa Japan" katunayan lang na kahit siya ay alam niyang HINDI ITO TOTOO.

Kung mayroon pang properties ng INC na nakapangalan sa mga kapatid na Hapones ay TAMA na ito ay malipat na sa pangalan ng Iglesia. Dapat din na ang mga ministro sa Japan ay magbayad ng buwis kung ito ang hinihingi ng Pamahalaan doon. SUBALIT HINDI ITO ANG ISYU NA IPINANGALANDAKAN NI ANTONIO EBANGELISTA SA UNA NIYANG ARTIKULO KUNDI ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN AY NAHAHARAP DAW SA ISANG TAX EVASION CASE NA NANGANGANIB PA RAW NA MAWALA ANG KANIYANG PAGKAREHISTRO AT MAPASARA ANG INC.

Kaya, mga kapatid, pansinin po ninyo ang “maitim na espiritu” ng “Kumakalaban sa Pamamahala.” SIYA PO ANG TUNAY NA NAGPALABO NG TUNAY NA ISYU SA JAPAN. Ang simpleng kahilingan ng mga kapatid nating Hapones na mailipat na sa pangalan ng Iglesia ang mga properties sapagkat baka sila ang habulin ng Tax Center at na may babayarang buwis sa pamahalaan ang mga ministro sa Japan ay PINALALA NI ANTONIO EBANGELISTA, PINALABO, HINALUAN NG MALISYA AT MGA MASASAMANG KUWENTO UPANG GUMAWA NG ISANG MASAMANG SCENARIO AT PASAMAIN ANG PAMAMAHALA NG IGLESIA.

Ngayon po na nakita ninyo ang tunay na “kulay” at “layunin” ng taong ito – ang pasamain ang Iglesia, mga kapatid, lalo na sa mga kapatid sa Japan, HUWAG PO TAYONG PAKAKASANGKAPAN AT PAGAGAMIT SA KANILA.

Ang Pamamahala at ang mga katuwang ng Pamamahala ay nagsisikap na lubos upang masinop na mapangasiwaan ang Iglesia. Sa lawak ng Iglesia Ni Cristo ngayon na nakalaganap na sa buong mundo na may milyon-milyong mga kaanib ay tunay na halos wala na silang pahinga sa pag-asikaso sa mga pangangailangan ng Iglesia. Opo, tunay na mga tao rin sila kaya maaaring magkamali, subalit kung sila man po ay maaaring magkamali ngunit masasabi pa rin natin sa kabuuan na maayos at maganda ang takbo ng Iglesia. Saksi po kayo na sa realidad ay masinop na napapangasiwaan ng Pamamahala ang buong Iglesia. ALAM NA ALAM NATIN ANG KANIYANG HIRAP AT PAGPAPAGAL, HUWAG PO NATING HAYAAN NA TAYO AY MAGAMIT PA NG MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA UPANG MAGDAGDAG NG “BIGAT” SA KANILANG PASANIN. ANG SIKAPIN PO NATIN AY ANG MAKATULONG TAYO SA PAMAMAHALA NA MAPAGAAN ANG KANILANG PASAN.

Mailalarawan po natin ang ginagawa ng mga “Kumakalaban sa Pamamahala” sa mga bumitaw sa pagtulong sa pagbuhat sa “Iglesia,” at sa halip na tumulong ay pumuna nang pumuna at nilait pa ang mga nagpapasan.

Mga kapatid, HUWAG PO TAYONG BIBITIW SA PAGPASAN O SA PAGTULONG SA PAMAMAHALA. Mahal natin ang Iglesia, mahal natin ang Pamamahala, ang sikapin po natin ay huwag tayong makadagdag sa pasanin ng Pamamahala. Lagi po nating idalangin sa Diyos na patuloy niyang gabayan ang Tagapamahalang Pangkalahatan at ang mga kinatuwang ng Pamamahala upang ang Iglesia ay maihandang lubos sa Ikalawang Pagparito ng Panginoong Jesucristo.



PRISTINE TRUTH

___________________________


ADMIN’S NOTE:
Fabrication, Fabrication, fabrication
Ito na ang “trademark” ni “Antonio Ebangelista” at ng kaniyang mga kasamahan. Napatunayan natin na gawa-gawa lamang niya ang “confidential report” na inilakip niya sa una niyang artikulo. Fabrication din ang “sulat ng ministro na taga-Japan” na inilakip niya sa kaniyang ikatlong artikulo. At obvious din na gawa-gawa lamang niya ang “sulat ng asawa ng isang kapatid na Hapon” na inilakip niya sa kaniyang ikatlong artikulo.
MODUS NA TALAGA NILA MULA NOON AT HANGGANG NGAYON NA MAG-IMBENTO NG MGA “SULAT” PARA MAGAMIT NILANG PANG-DEPENSA AT DIUMANO’Y EBIDENSIYA.
Pagkatapos ng ikatlong SAGOT ni Pristine Truth kay “AE” ukol sa isyu na “Tax Evasion case ng INC sa Japan” ay PINILI NA LAMANG NI ANTONIO EBANGELISTA NA MANAHIMIK UKOL DITO sa pag-asa niyang ito’y makakalimutan at maitatago niya. Hindi ba’t kaniyang inirerepost ang mga dati niyang artikulo sa bago nilang blog, subalit ang mga artikulo niyang ito ukol sa “Tax Evasion case daw ng INC sa Japan” ay hindi niya inirepost. HINDI ITO KATAKA-TAKA DAHIL SA NAKITA NATING LAKING KAHIHIYAN NA INABOT NI ANTONIO EBANGELISTA UKOL DITO.
MARAMI PA IYAN AT ISA-ISA NATING IRE-REPOST SA ATING BLOG. SUBAYBAYAN!


Please like and share
THE IGLESIA NI CRISTO FB page
https://www.facebook.com/TheIglesiaNiCristo
 


AE…REMEMBER ME
(How Pristine Truth put you in big shame)
003



3 comments:

  1. naglagay sayo sa kahihiyan ay ang iyong sarili, walang ibang kumakalaban sayo kundi ang sarili mo mismo dahil alam naming alam mo hanggang ngayon ang tunay na aral subalit ipinapanaig mo pa rin ang sarili mong kagustuhan makamtan lang ang pinapangarap mong posisyon sa loob ng kawan. nakakahiya ka talaga.

    ReplyDelete
  2. Salita ng salita ng walang alam kaya talagang napapahiya sina AE and Friends

    ReplyDelete
  3. Paulit ulit kn lng AE, para kang sirang plaka! Wag km uy!!!

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)