AE…REMEMBER ME?
(HOW PRISTINE TRUTH PUT YOU IN BIG SHAME)
008
008
Mula noong Abril 1, 2016 ay
inire-repost po namin ang mga naging sagutan nina “Antonio Ebangelista” at
“Pristine Truth” noong 2015 upang ipaala-ala kay AE, at sa kaniyang mga
napapaniwala, at upang malaman ng madla na noon pa ay sinagot na si AE sa
kaniyang mga paratang laban sa Iglesia at KUNG PAPAANO SIYA NALAGAY SA MALAKING
KAHIHIYAN.
AE, REMEMBER
THIS
Noong Abril 21, 2015 ay may inilathala si “Antonio
Ebangelista” na artikulo na may pamagat na “The Story of the Coffee Table
Books.” Ayon sa kanila ay ang “pagbebenta” raw ng nasabing mga Coffee Table
Books ay katunayan daw na may anomalya ngayon sa Iglesia sapagkat nilabag daw
ang tuntunin sa Pananalapi, sapilitan daw ito sa mga ministro at mga kapatid,
sinaula raw ang pagsamba at ang handugan. Subalit, sa SAGOT sa kaniya ni
Pristine Truth ay NAPATUNAYANG PURO LANG KASINUNGALINGAN ANG MGA SINASABI NI
“ANTONIO EBANGELISTA.” Isa na namang naglagay kay AE sa MALAKING KAHIHIYAN.
Tunghayan natin ang SAGOT ni Pristine Truth kay Antonio Ebangelista na
nalathala noong Mayo 3, 2015.
___________________________
“The Story
of the Coffee Table Book”?
SAGOT SA MGA “NAGSASALITA NG MASAMA”
LABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA:
“MAY KATIWALIAN NGA BA SA COFFEE TABLE
BOOKS?”
Ukol sa pagsisiwalat ng
katotohanan, ang sabi ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix
Y. Manalo:
“…Kung hahalungkatin ninyo – Hindi ugali sa akin na ang mali ng isang tao
ay ibunyag ko. Iyan ang ayaw ko. Bakit? Magkakasala ako noon. Hindi ko ugali
iyan. Ibinubunyag ko ito (ang maling aral o itiinuro) sa kapakanan ng kaluluwa
ng lahat ng tao, sa pagsunod sa Diyos – ipangaral mo ang Ebanghelyo…Ito ang
aking ginagawa. PERO HALUKAYIN KO PA ANG ISANG TAONG NAGKAMALI AT SIYANG AKING
IPANGARAL…IYAN AY HINDI GAWA NG ISANG MABUTING MINISTRO, NANG ISANG MABUTING
TAO.” (Manalo, Felix Y., “Kung Nasaan Ngayon ang mga Patay,” Recorded Sermon, Amin ang pagbibigay-diin)
Hindi ang ibig sabihin nito ay
ipagwawalang-kibo na natin ang “mali” na ginagawa ng isang tao, kundi may
tamang proseso para rito. Ang maling “proseso” na binabanggit ng Sugo na ayaw
niya niyan ay ang halungkatin ang “mali” ng iba at siyang ipagsigawan sa mga tao.
Ang isa sa tinutukoy niya na “mali” ay ang ugaling “maghanap ng butas,” “mapanilip
sa mali ng iba,” o ipinipilit na pasamain ang isang tao sa pagsisigawan ng
kaniyang diumano’y “kamalian” subalit hindi naman pala kayang patunayan, kaya
lumalabas na naninira lamang.
Nagtatago sina “Antonio
Ebanghelista” at ang kaniyang mga kasama sa pagsasabing “mahal na mahal daw
nila ang Ka Eduardo, kaya hidi raw sila lumalaban sa Pamamahala, kundi doon
lamang sa katiwalian na namamayani sa Iglesia.” Subalit, hindi po ba’t ilang
beses nang sinabi ng Tagapamahalang Pangkalahatan na “WALANG KATIWALIAN O
CORRUPTION SA IGLESIA”? Kaya, ang patuloy nilang pagsisigawan na mayroon daw
katiwalian o corruption sa Iglesia ay hayag na PAGLABAN sa Pamamahala ng
Iglesia. Kaya, masasabing isang “PAGTATAGO” lamang ang pagsasabing hindi raw
ang Pamamahala ang kanilang kalaban, sapagkat alam nilang hindi sila papansinin
ng mga kapatid kung tuwiran nilang sasabihin na sila’y lumalaban sa Pamamahala.
Hindi ba’t ito ay isang uri ng pandaraya?
Isa-isa nating siyasatin ang
mga sinasabi nilang “katibayan” daw na “may katiwalian” sa Iglesia (na
maliwanag naman na tuwirang paglaban sa sinasabi ng Tagapamahalang
Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na “walang katiwalian sa Iglesia”).
Isa sa sinasabing “katunayan” daw
ng “katiwalian” at may paglabag daw sa tuntunin ng Iglesia lalo na ang tuntunin
sa Pananalapi ay ang sinasabing “pagbebenta” ng coffee table book ng kasaysayan
ni Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Eraño G. Manalo. Alamin natin ang kanilang akusasyon ukol dito
at isa-isa nating sagutin:
(1) Ipinipilit nilang sapilitan daw sa mga ministro at manggagawa ang
pagbili ng coffe table book:
“Ang
Coffee Table Book (FYM + EGM) ay inilunsad ng Kapatid na Glicerio B. Santos Jr.
“sa atas daw ng Tagapamahalang Pangkalahatan” upang pakinabangan ng lahat ng
mga kapatid na malaman ang kasaysayan ng mga unang namahala sa Iglesia. Ito ay
kaniyang unang ipinakita noong nagdaang Video Conferencing ng lahat ng mga
Ministro at Manggagawa at itinatagubilin na dapat ang lahat ng Lokal ay
magkaroon ng File nito na kukunin sa pondo ng Lokal. Dapat ang lahat ng mga
Ministro at Manggagawa at estudyante ay magkaroon din nito. Dapat lahat ng mga
Maytungkulin ay magkaroon din nito. HINDI NAMAN DAW MASAMA NA ANG BAWAT KAPATID
AY MAGKAROON NITO. Ang halaga po ng isang aklat ay Php 1,500 kaya ang dalawang
aklat ay nagkakahalaga ng 3,000 dito sa Pilipinas subalit mas mahal pa sa
abroad dahil $50 ang isa. Hindi ito maaaring bilhin ng pa-isa-isa, kailangan ay
magkasama ang dalawa o isang pares lagi. Automatic bawat tulong ito
linggo-linggo hanggang sa mabuo ang Php 3,000. Sa Lokal ay sisimulan na rin
itong ibenta subalit sa Pamamagitan ng “Tanging Handugan”. Ipapaliwanag ko sa
inyo kung paanong nililinlang nila ang Iglesia sa pamamaraang naisip na ito ng
Ka Jun.”
Sapilitan nga ba sa mga ministro
at manggagawa ang pagbili ng coffee table book ukol sa kasaysayan ng Kapatid na
Felix Y. Manalo at Kapatid na Eraño G. Manalo?
Dito ay nakapagtataka na
inaangkin ng bumabatikos na ito na siya ay isang ministro, subalit sinasabi
niyang “sapilitan” ang pagbili ng coffee table book. Bakit po? Alam na alam ng
lahat ng mga kapatid lalo na ng mga kamag-anak at malalapit sa mga manggagawa
na ang isa sa mga itinuturing ng mga
ministro at manggagawa na “malaking kayamanan” ay ang kaniyang mga aklat.
Isang kultura at kalakaran sa mga ministro at manggagawa ang lubhang pagpapahalaga
sa pagbili, pagkolekta at pag-iingat ng mga aklat referencia at iba’t ibang
salin ng Biblia. Ganito rin ang pagpapahalaga ng mga ministro at manggagawa sa
mga leksiyon, PASUGO at mga lathalain ng Iglesia.
Mayroon ngang mga estudiante
pa lamang ay tinitipid na ng husto ang kaniya allowance para lamang makabili ng
mga aklat referencia at iba’t ibang salin ng Biblia. Kasama talaga sa itinatabi
o sa budget ng mga manggagawa at ministro ang ukol sa gugulin sa pagbili ng mga
aklat referencia at iba’t ibang salin ng Biblia. Natuto ang mga ministro at
manggagawa sa itinuro ni Kapatid na Eraño G. Manalo na “Ang isa sa
pinaka-kayamanan ng ministro ay ang kaniyang mga aklat.”
Kung ganito ang pagpapahalaga
ng mga ministro at manggagawa sa pag-iipon sa mga aklat referencia, hindi ba’t
lalo nang higit na malaki ang pagpapahalaga ng mga ministro at manggagawa sa
mga aklat na may kinalaman sa Ka FYM at Ka EGM? Kaya ang lahat ng tunay na ministro ay hindi pinipilit sa pagbili
ng coffee table book ukol sa Ka FYM at Ka EGM sapagkat sila mismo ang may
malaking pagpapahalaga ukol dito! Walang tunay na kapatid ang tututol sa pagsasabing tiyak na
malulungkot pa nga ang isang tunay na ministro kapag hindi siya nagkaroon ng
sipi ng mga aklat na ito. Alam kasi ng mga tunay na ministro na hindi lamang
ito isang mahalagang koleksiyon, kundi magagamit sa pagtuturo ukol kay Ka FYM
at Ka EGM sa mga anak at apo, at sa mga kapatid sa pananampalataya.
Nagpapasalamat nga ang mga
ministro at manggagawa sa Pamamahala dahil “bawas tulong” ito sapagkat mabigat
kung babayaran ng buo sa isang pagkakataon. Dahil dito ay nagkaroon ang mga
ministro at manggagawa ng NAPAKAHALAGANG aklat na ito sa NAPAKAGAANG paraan.
Nakapagtataka po na
nag-aangkin siya (na kumakalaban sa Pamamahala na ayaw lang tuwirang aminin) na
siya’y ministro na naglilingkod sa Tanggapang Pangkalahatan, subalit
itinuturing niya itong sapilitan at minamasama niya ang magaang paraan ng
pagbabayad nito?
(2) Ipinipilit nilang sapilitan daw sa mga kapatid ang pagbili ng coffe
table book:
Ukol dito ay ganito ang
kanilang akusasyon:
“Nararamdaman
na ito ng Tagapangasiwa, Ministro at Manggagawang, maytungkulin at mga Kapatid
na nananatiling tapat sa Diyos. Ramdam natin kung gaano kapangahas na ang Ka
Jun Santos para haluan ng pagnenegosyo ang banal na Pagsamba at Handugan. Kung
paanong ginagamit pa nya ang banal na kasaysayan ng Sugo at Ka Erdy para
pagkakitaan ang libro ukol sa kanila at IPIPILIT ITONG IBENTA SA MGA KAPATID.”
(Amin ang pagbibigay-diin)
Sapilitan nga ba o ipinipilit sa
mga kapatid ang pagbenta ng coffee table book? Tunghayan ninyo ang mismong
sinasabi nila:
“…HINDI
NAMAN DAW MASAMA NA ANG BAWAT KAPATID AY MAGKAROON NITO…”
Sila mismo ang nag-highlight
nito. Ang mga salitang ito na “HINDI NAMAN MASAMA NA ANG BAWAT KAPATID AY
MAGKAROON NITO”. Ito ba ay nangangahulugang sapilitan o pinipilit ang lahat na
bumili? Alam nating HINDI.
Kapansin-pansin na para
PALABASIN na “sapilitan” ang pagbili ng coffee table book ay may isinama silang
“kopya” ng talaan ng mga kinuhang sipi sa bawat lokal sa Japan. Subalit, kung
mag-iisip lamang na mabuti, ito mismo ang katunayan na hindi ITO SAPILITAN! Pansinin
ninyo:
“MINISTRO 22…
“AYABE
KYOTO 2…
“CHIBA 15…
“FUKUI-KEN 3…
“FUKUOKA-SHI 3…
“GIFO 10…
Hndi na natin itinuloy dahil sa
hahaba tayo, ngunit mapapansin natin na kung “sapilitan o ipinipilit sa LAHAT”
ay lalabas na dalawa (2) lang ang mga kapatid sa Lokal ng Ayabe Kyoto. Tama ba ito? Tatlo
lang ba ang mga kapatid sa Fukui-Ken at Kukuoka-Shi? At kahit labin-lima ang
nakatala sa Chiba, subalit iyon nga lang ba ang bilang ng mga kapatid doon?
Sampu lang ba ang mga kapatid sa Gifo? Bagamat sa Tokyo ay 50 copies, subalit
maniniwala ba kayo na gayon lang ang bilang ng mga kapatid doon? Ang totoo ay nakararami sa mga lokal ay mababa sa
pito (7) ang kinuhang sipi, at anim na lokal ang isa lang ang kinuhang sipi! Hindi ba’t pinatutunayan lamang nito na
KUSA at hindi sapilitan ang pagkuha ng sipi ng coffee table book? Dahil dito ay
nagppasalamat ako sa inyo (Antonio Ebangelista at mga kasama) sapagkat kayo pa
ang nag-provide sa amin ng ebidencia na hindi nga ito sapilitan!
(3) Hinaluan daw ng negosyo ang banal na pagsamba at Handugan:
Inaangkin ng mga “Kumakalaban
sa Pamamahala” na ang “coffee table book” daw ay “negosyo” kaya hinaluan daw ng
negosyo ang banal na pagsamba at Handugan:
Nararamdaman
na ito ng Tagapangasiwa, Ministro at Manggagawang, maytungkulin at mga Kapatid
na nananatiling tapat sa Diyos. Ramdam natin kung gaano kapangahas na ang Ka
Jun Santos para HALUAN NG PAGNENEGOSYO ANG BANAL NA PAGSAMBA AT HANDUGAN. Kung
paanong ginagamit pa nya ang banal na kasaysayan ng Sugo at Ka Erdy para
pagkakitaan ang libro ukol sa kanila at ipipilit itong ibenta sa mga kapatid.”
(Amin ang pagbibigay-diin)
Dalawa ang ating sasagutin
dito: (a) tunay bang hinahaluan ng negosyo ang pagsamba; at (b) negosyo ba ang
coffee table book.
Totoo bang hinahaluaan ng negosyo
ang pagsamba dahil sa coffee table book?
Aba, kung magkagayon ay lalabas
na sa panahon pa ng Kapatid na Eraño G. Manalo ay “hinahaluan ng negosyo” ang pagsamba!
Tandaan na sa panahon ni Kapatid na Eraño G. Manalo, siya mismo ang nagpasiya,
na ang PASUGO, HIMNARIO, at birth certificate ay sa panahon na may pagsamba ito
“binabayaran.” Alam natin na HINDI ito paghahalo ng negosyo sa pagsamba
sapagkat ang mga ito ay HINDI NEGOSYO.
Negosyo ba ang coffee table book?
Pagsinabing “negosyo” ay “kinokomersiyo.”
Hindi kailanman “kinomersiyo” ang coffee table books na ito – hindi ito
ipinagbibili kung kani-kanino at kung saan-saan. Bakit ginugugulan? Hindi
sapagkat ginugugulan ay komersiyo o negosyo na, kung magkagayon ay papaano ang
PASUGO, Himanario, birth-certificate? Ang “gugol” dito ay para “to compensate”
sa naging gugol sa paggawa nito. Tandaan na ang negosyo ay hindi sapagkat “ginugulan”
kundi may “pagpapatubo” o “profit income.” Kaya
gumugol man subalit hindi naman sa layunin magpatubo kundi “to compensate” sa
naging gugol sa paggawa, ay hindi maituturing na negosyo.
Siguro ang itatanong nila ay “kung
hindi negosyo at hindi nagpapatubo bakit P1,500 ang halaga ng coffe table book
na ito?” Nakapagtataka na nag-aangkin na siya’y ministro ngunit mukhang hindi
siya nakabili ni minsan ng isang aklat o kahit isang salin ng Biblia? Ang
karaniwang textbook ngayon ng isang nag-aaral sa elementary ay nasa P400-500
na. Ang Dating salin ay nagkakahalaga ng P600-700 na. Eh ang isang “coffee
table book”? Kung halagang P1,500 at mas mababa pa ay higit na manipis at
maliit kaysa sa coffee table book ni Ka FYM at Ka EGM, subalit kung kasukat
(ka-level ika nga) sa quality at size, ganito ang halimbawa:
National
Geographic Simply Beautiful Photographs, price 27.50 pounds (P2,000+)
Visions of
Earth, price 25.00 pinds (P1,800+)
Celebrity
Pets by Edward Quinn (teNeues), $75.00 (P3,000+)
(see Amzon
books)
Kaya, HINDI NEGOSYO ang “coffee table books” na ito.
(4) May “anomalya raw ukol sa “paraan ng pagbabayad” sa coffee table
books
Ukol sa “paraan ng pagbabayad”
sa coffee table books ay ganito ang kanilang akusasyon:
“…Sa
Lokal ay sisimulan na rin itong ibenta subalit sa Pamamagitan ng “Tanging
Handugan”. IPAPALIWANAG KO SA INYO KUNG PAANONG NILILINLANG NILA ANG IGLESIA SA
PAMAMARAANG NAISIP NA ITO ng Ka Jun.” (Amin
ang pagbibigay-diin)
Kaya nila sinabing may
panlilinlang sa “paraan ng pagbabayad” dahil AYON SA KANILA ay ganito raw ang “paraan
ng pagbabayad sa lokal”:
(1)
Pababayaran nila ito sa mga kapatid na ito daw ay nakasobre na pang-Tanging
Handugan at ihuhulog din sa Tanging Handugan Box na parang karaniwang Tanging
Handugan. (2) Ang sobre nila ay lalagyan nila ng salitang “COFFEE TABLE
BOOK”(3) Pagkatapos pagdating ng bilangan, ihihiwalay ang mga sobreng ito at
“ibubukod ng pagbibilang” at HINDI isasama sa talaan ng P-13 (Talaan para sa
Tanging Handugan). (4) Magkakaroon ng bukod na P-13 form na pagtatalaan ng mga
Tanging Handugang ito SUBALIT HINDI ITO ISASAMA sa iba pang P-13 Form AT HINDI
RIN ISASAMA SA OPISYAL NA RESUMEN NG P-13 FORM, gagawa na lamang ng sariling
talaan ang Lokal para sa denomination at resument para dito. (5) Ang perang
malilikom na ito ay HINDI ISASAMA SA OPISYAL NA RESIBO NG P-1 o yung tinatawag
na RESIBO OPISYAL SA PAGSAMBA na opisyal na pinagtatalaan ng lahat ng salaping
nagugugol sa panahon ng pagsamba. (6) HINDI RIN ITO ISASAMA SA SOBRE NG
IE-ENTREGO sa Tanggapan ng Central. Ito ay bukod na bibilangin at BUKOD NA
SOBRE na ipapadala sa Tanggapan ng Ka Jun Santos.”
Iginigiit nila na ang “bayad”
sa coffee table books ay sa Tanging Handugan ihuhulog, ngunit hindi isasama sa
P-13, hindi isasama sa opisyal na resibo, kundi nakabukod na sobre at ipadadala
sa tanggapan ni Ka Jun Santos.
Kaninang umaga (May 3, 2015),
binanggit ko sa mga maytungkulin sa Pananalapi habang “nagbibilang” ang
sinasabing ito ng grupo nila Antonio Ebangelista na “paraan daw ng pagbabayad
sa coffee table books na “ang “bayad” sa coffee table books ay sa Tanging
Handugan ihuhulog, ngunit hindi isasama sa P-13, hindi isasama sa opisyal na
resibo, kundi nakabukod na sobre at ipadadala sa tanggapan ni Ka Jun Santos.” Ano ang kanilang naging reaksiyon? GALIT
NA GALIT. Ang sabi ng Ingat-Yaman ng lokal, “Napakasinungaling ng mga taong
iyan.”
Tinanong ko kung bakit? Ang sagot
nila ay ito:
Bakit inihulog sa Tanging Handugan?
“Ganon po talaga ang kalakaran kapag hindi naka-indicate sa resibo opisyal,
inihuhulog sa Tanging Handugan na nasa sobre ang pangalan at kaukulan. Ito po
ay sa gayon ay tiyak na walang likuman na nangyari kundi kusa na sila mismo ang
naghulog.”
Hindi raw po itinala sa
P-13 form? “Talagang hindi po isasama dahil ang P-13 ay pondo ng lokal
o pondo ng distrito. Ang gugol sa coffee table books ay hindi gayon. Kaya bakit
doon itatala? Mali nga na doon itala.”
Bakit po hindi itinala sa Rcibo
Opisyal bagkus ay ipinadala ng direkta sa tanggapan ni Ka Jun Santos? “Sinungaling
siya!” Sabi ng Ingat-yaman. “Tayo ang may pinakamalinis at pinaka-tansparent
pag ang pinag-uusapan ay pananalapi.” Dagdag pa ng ingat-yaman na napag-alaman
ko na isa palang nagtatrabaho sa bangko. Ipinakita niya ang Resibo Opisyal at
ang sabi niya, “Iyan po maliwanag na nakatala sa Resibo Opisyal sa bahaging “refund”
na naka-indicate pa na ‘coffee table books.’ At hindi lang po iyan, nakatala pa
iyan dito sa Refund slip, na nakasulat ang halaga, petsa ipinasok sa Resibo
Opisyal at ang serial number ng resibo opisyal.”
Pagkatapos nito ay sama-sama
na sinabi ng mga maytungkulin sa pananalapi na naroon na “Wala lang alam sa
tuntunin sa pananalapi ang madadaya niya at mapapaniwala sa kasinungalingang
iyan.” Dagdag ng auditor ng lokal, “Alam ninyo, hindi iyan tunay na ministro
dahil kung ministro iyan ay alam niyang pumasok iyan sa resibo opisyal dahil isa
siya sa lumalagda sa resibo opisyal.”
Buong pagkakaisa silang
sumang-ayon na walang nalabag na tuntunin at pinatunayan nilang walang bagong
bagay sa ginawang iyan dahil iyan din daw talaga ang tuntunin. Dagdag pa nila
na lahat ng maytungkulin sa pananalapi ay makapagpapatotoo na WALANG TUNTUNIN
SA PANANALAPI ANG NALABAG.
Pagkatapos nito ay nakadama
ako ng awa sa mga “Kumakalaban sa Pamamahala.” Natakpan na ang kanilang mga
mata sa katotohanan kaya ang ginagawa na lamang nila ay naghalukay ng
maghalukay ng “mali” para ma-justify ang kanilang “tisod” laban sa Pamamahala. Muli
ay naalala ko ang sinabi ng Sugo:
“…Kung hahalungkatin ninyo – Hindi ugali sa akin na ang mali ng isang tao
ay ibunyag ko. Iyan ang ayaw ko. Bakit? Magkakasala ako noon. Hindi ko ugali
iyan. Ibinubunyag ko ito (ang maling aral o itiinuro) sa kapakanan ng kaluluwa
ng lahat ng tao, sa pagsunod sa Diyos – ipangaral mo ang Ebanghelyo…Ito ang
aking ginagawa. PERO HALUKAYIN KO PA ANG ISANG TAONG NAGKAMALI AT SIYANG AKING
IPANGARAL…IYAN AY HINDI GAWA NG ISANG MABUTING MINISTRO, NANG ISANG MABUTING
TAO.” (Manalo, Felix Y., “Kung Nasaan Ngayon ang mga Patay,” Recorded Sermon, Amin ang pagbibigay-diin)
Mga kapatid, yamang tayo po
ang nasa kahalalan pa kaya tayo ang may karapatang lumapit sa Ama, magkaisa po
tayong idalangin sa Ama na sana’y muli nilang makita ang katotohanan at maalis
na ang “tisod” sa kanilang mga puso na siyang dahilan kaya halukay sila ng
halukay ng “mali” at para sa kanila ay pawang mali” na ang lahat kahit ito pala
ang tama. Sana ay kaawaan ng Diyos na makapagbalik-loob sila.
PRISTINE TRUTH
hindi ka na talaga makakabalik, puro paninira nlng kasi nasa isipan mo.
ReplyDelete