22 May 2015

Response to "Paglilinaw sa Tax Evasion Case ng INC sa Japan"



ANOTHER FABRICATION TO COVER HIS EXPOSED FABRICATION

Nilinaw ba o lalong nilabo ang alleged “Tax Evasion Case” ng INC sa Japan


Sa artikulo sa blog ng “Kumakalaban sa Pamamahala” na may pamagat na “GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE OF INC DISTRICT OF JAPAN” na inilathala nila noong April 24, 2015 ay sinasabi nila ang ganito:

“Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….
“Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan. Ang report na ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN na kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa gobyerno ng Japan. At dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN. Ang bagay na ito ay ilang beses ng isinulat ng mga kapatid kay Ka Benedicto at maging sa Tanggapan ng Ka Jun Santos subalit laging hindi ito binibigyan ng pagpapahalaga. BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG DAPAT SANA AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG RESULTA AY NAGKAROON TAYO NG UTANG NAKAILANGANG BAYARAN NA 40MILLION YEN. Mabuti sana kung ang problema lang ay pera na maaari namang bayaran subalit dahil sa ito ay overdue, marami pang penalties na kaakibat nito at ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.” )Antonio Ebangelista, INC Silent No More, “Grave Proble: Tax Evasion Case ng INC Distrit of Japan,” emphasis mine)

Malinaw po ang panahayag ni Antonio Ebanghelista dito:

(1) Ang Iglesia Ni Cristo raw po ang may kinakaharap na tax evasion case. Ang sabi niya, “Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN

(2) Ang Iglesia Ni Cristo sa Japan ay mayroon daw pong taxation duties na hindi binabayaran. Ang sabi niya, “dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN.”

(3) Dahil daw sa hindi pagbabayad ng Iglesia Ni Cristo sa Japan ng kaniyang “taxation duties” ay mayroon daw 40 million yen na utang ang Iglesia. Ang sabi niya, “BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG DAPAT SANA AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG RESULTA AY NAGKAROON ANG IGLESIA NI CRISTO (ANG ORGANISASYON)  NG UTANG NA KAILANGANG BAYARAN NA 40 MILLION YEN.”

(4) Ito raw ay ayon sa isang confidential report na ginawa raw ng isang Japanese na Pangulong Diakuno. Ang sabi niya, “Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan.”

Sinagot po natin ang kanilang bintang na ito sa artikulo natin na may pamagat na “TAX EVASION CASE OF INC IN JAPAN?” na inilathala natin sa blog na ito noong May 5, 2015. Narito po ang link ng artikulong ito para sa mga hindi pa nakababasa:


Ang artikulong ito ay nagsilbing malaking “sampal” sa mga “Kumakalaban sa Pamamahala” dahil maliwanag po na pinatunayan dito na HINDI KAILANMAN MAAARING MAGKAROON NG TAX EVASION CASE ANG IGLESIA NI CRISTO SAPAGKAT MAY TAX EXEMPTED STATUS ANG MGA RELIHIYON SA JAPAN. Kaya nga po ang tanong na ating ibinigay sa kanila ay:

“Papaano magkakaroon ng tax evasion case ang exempted sa 
pagbabayad ng tax?”

Dahil sa hindi maitatangging katotohanan na tax exempted ang mga relihiyon sa Japan kaya lumalabas po na isang kamalian ang mga ipinahayag niyang “hindi (raw) nagbabayad ng “taxation duties” ang INC sa Japan, na may utang ang INC sa pamahalaan ng Japan, at na may kinakaharap na kasong tax evasion ang INC sa Japan.  Dahil din po dito, ang sinasabi niyang “confidential repot na ginawa ng isang Japanese na pangulong diakuno sa Japan” ay lumalabas na isang fabrication lamang.


Itinanggi Niya sa Kaniyang Pagsagot sa Message
ng mga Kapatid sa Kaniya na may tax exemption
ang mga relihiyon sa Japan

Dahil sa hindi maitatanggi ang katotohanang ito, marami ang nag-message na mga kapatid at nagtanong sa kaniya ukol sa bagay na ito. Ganito po ang naging pag-uusap nila na ipinadala sa atin ng isang kapatid:

“Magandang araw po. Ang account na ito ay hindi po bogus. Wala pong dahilan para magtago ako sa likod ng isang dummy account. Nabasa ko po ang sagot nyo sa tungkol sa rebelasyon ni Antonio Ebanghelista tungkol umano sa Japan tax Evasion case. Nag send po ako ng pm sa kaniya para tanungin ang reaksyon nya tungkol sa sagot po ninyo. Heto po ang sagot nya sa pm.
“Antonio Ebangelista: Kilala ko po ang mga bumasa ng mga yan at sa kanilang layunin na itago ang tunay na kalagayan ng Iglesia sa Japan ay ang mga kapatid mismo sa Japan ang magpapatunay na totoo ang mga isiniwalat ko dahil iyon mismo ay kopya ng ginawa nilang rekomendSyon sa tagapangasiwa dahil sa mahaharap ang INC sa isang napakalaking problema kapag hindi naiayos ng inc ang mga ito. ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON. Kaya nga po kakarehiatro lang ng inc sa japan bagaman matagal na pong nasa japa ang inc. Kaya ang kailangan po nilang ipakita ay ang mandate ng japanese government ukol sa registration ng inc sa japan. Ang mga bahay sambahan at mga mehiras ng Iglesia ay nakapangalan sa mga japanese nationality na kapatid kaya kapag di ito naayos ng inc ay sila ay magkakaproblema sa gobyerno. Subukan po ninuong magtanong sa mga kapatid dun sa Japan para sila mismo ang makapagsabi ukol sa cover up na ginagawa ngayon ng blog na yan. My function is to expose the corruption. I ask nothing in return, only that the church be returned to it's rightful place as a clean and righteous church. That any and all of thise who blemishes the reputation of the church be acted upon. I do not seek fame nor fortune, i live a simple and basic life as a minister with my family, officiating my functions. I welcome those who answer my expositions and even encourage others to read them because in the end, the reader will be the one to weigh everything. You will not believe me because I says so, you will not believe them because they say so, you will believe what your mind and heart will lead you to believe. SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS, they have the ball to prove whether the evidences I presented, which also came from the brethren concerned, are factual or not. All of us will be answerable to our own actions in this life.” (Emphasis mine)

Maliwanag po ang sinabi ni G. Antonio Ebangelista dito na “ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON..” Maiwanag din po ang sinabi niya na “SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS” para po palabasin na “confident” siya na totoo ang kaniyang sinasabi.


Nagulantang si AE sa Paglabas 
ng Katotohanan

Pagkatapos na i-send sa amin ng kapatid ang sagot niyang ito ay ganito po ang aming naging sagot:

“THE IGLESIA NI CRISTO
“May 7th, 11:34am
SALAMAT PO KAPATID, Mapapansin ninyo na isa na naman pong pagsisinungaling ang kaniyang sagot na ipinagpipilitan po niya na HINDI tulad sa Pilipinas ay walang tax-exemption ang religion sa Japan. Subalit, wala po siyang naibigay na katunayan. Maliwanag po sa 1951 Religious Corporation Law ng Japan (maaari po ninyo itong i-search sa internet at maging ang "religion and taxation sa Japan" at maging sa 2008 Basic Law on Foundation in Japan ay maliwanag po na isinasaad ang provision na tax-exempted ang mga religions sa Japan. Hindi po maaring maging "cover up" ito sapagkat ito po ang katotohanan. Kailanman ang "facts" ay hindi maaaring maging cover up." Ang cover up po ng kahihiyan na inabot niya ay ang ang pagsasabing "sabi ng mga kapatid sa Japan" HE WIL NOT REFUTE THIS BECAUSE HE CANNOT REFUTE THE FACTS. Wala po kasi siyang makukuhang referencia na magsasabing WALANG tax exemption ang mga religions sa Japan at wala rin po siyang makukuhang anumang katibayan na ang Iglesia Ni Cristo ay HINDI nakarehistro bilang relihiyon sa Japan o hndi tayo inire-recognize ng Japanes government na religion. AS LONG AS THE FACTS REMAIN na tayo po ay isang relihiyon, nakarehistro sa Japan bilang isang relhiyon, at may batas na umiiral sa Japan na tax-exempt ang relihiyon, NANANATLI PO ANG KATOTOHANAN NA FABRICATED O KASINUNGALINGAN NA GINAWA LAMANG NILA ANG DIUMANO'Y TAX EVASION CASE NG INC SA JAPAN.

Pagkatapos, ang pakiusap po ng kapatid ay kung maaaring i-send niya ang naging pagtugon po nating ito:

“I hope you don't mind po. Ika copy paste ko po ito and then send it to him.”

Ito naman po ang naging tugon namin sa kapatid na ito:

“Opo, para po malaman po natin ang mga kasagutan niya.”

Nang i-send nG KAPATID ang aming naging tugon sa sagot ni AE sa nasabing kapatid, ito po ang isinend niya na naging tugon daw ni Antonio Ebangelista:

“Antonio Ebangelista
“Siguro po ay pabayaan na lang natin sila sa kanilang pagpapaliwanag. Tutal kapag di po sila nakabayad sa Tax Center ng Japan ay ibabalita naman po sa News ng Japan iyon. Then we will know who is telling the truth. Sent from Messenger”


ANOTHER FABRICATION TO COVER FOR
HIS EXPOSED FABRICATION

Natatandaan po ninyo ang sinabi ni Antonio Ebanghelista sa isang kapatid na nakipag-usap sa kaniya through message. Ang sabi niya, “ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON.” Sinabi rin niya na, “SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS.” Ang ang isa pang naging tugon niya ay “Siguro po ay pabayaan na lang natin sila sa kanilang pagpapaliwanag. Tutal kapag di po sila nakabayad sa Tax Centrr ng Japan ay ibabalita naman po sa News ng Japan iyon. Then we will know who is telling the truth.”

Is Antonio Ebanghelista true to his words?

May 7 po ang kanilang pag-uusap ng kapatid na ito at ito po ay sa hapon ng araw na iyon naganap, na ang sinabi niya na HINDI NIYA SASAGUTIN (ang sabi niya, “SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS.” At “Siguro po ay pabayaan na lang natin sila sa kanilang pagpapaliwanag”). 

 KINABUKASAN (Mayo 8, 2015) ay naglathala po siya sa kaniyang blog ng isang artikulo na ang pamagat ay “PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN.”

Sa artikulo niyang ito ay may isang ministro ang diumano'y sumulat sa kaniya ukol sa isyung ito [Ang bilis ano po? Noong Mayo 7 ang sabi niya ay hindi niya sasagutin, subalit Mayo 8 ay may sumulat daw sa kaniya na isang ministro na “nagbibigay linaw” raw sa isyung ito]. Kung ang sulat na ito ng isang “ministro” ay hawak na niya before May 8 dapat ay nabanggit na niya ito sa kaniyang pakikipag-usap sa kapatid na nagtatanong sa kaniya ukol dito. SI PO BA OBVIOUS NA MAY HOKOS-POKOS DIYAN? Ganito po ang naging “introduction ng “ministrong” ito sa kaniyang sulat kay Antonio Ebangelista:

“Magandang araw po kapatid na Antonio. Ako po ay isang Ministro din. Dito po ako nakadestino sa Japan. Nabasa ko po ang inyong isinulat ukol sa Tax Evasion Case ng INC dito sa Japan. Nabasa ko rin po ang inilabas sa isa pang blog ukol sa sagot daw po sa inyong mga pahayag para ito ay pasinungalingan. Pasensya na po kayo kung hindi po ako makapagpapakilala sa inyo sa dahilang mahigpit po ang tagubilin sa amin ng aming Tagapangasiwa dito, maging ng Ka Jun Santos. Noong una ko pong nabasa ang inyong mga posts ay aaminin ko pong nagalit ako at gusto ko po kayong murahin. Subalit ng unti-unti ko pong binasa ang lahat ng mga pahayag ninyo mula ng simula ay naramdaman ko po ang inyong malasakit, na wala po kayong hangaring lumaban o lumapastangan sa Kapatid na Eduardo V. Manalo kundi ang inyong pagnanais na labanan ang katiwalian alang-alang sa Tagapamahalang Pangkalahatan at sa kapakanan ng Iglesia. Ito po ang dahilan kaya ako naglakas ng loob na sumulat na sa inyo upang ipaalam ang katotohanan ukol sa bagay na ito na mariin na pinabubulaanan ng kampo ng Ka Jun Santos sa pamamagitan po ng mga ipinakakalat nila sa internet para di-umano ay pasinungalingan ang inyong mga isiniwalat ukol sa kalagayan ng Iglesia dito sa Japan. Kaya upang makatulong po sa kahit na maliit na paraan ay hayaan nyo po sanang ako na ang sumagot sa mga isyus ukol po sa totoong kalagayan ng INC dito sa Japan:”

Iyon pong source niya nang una na “pangulong diakuno” ay na-promote po ngayon at naging ministro na. Siguro po kung gagawa siyang muli ng sagot sa artikulo nating ito ay baka ma-promote na po ang source niya sa Tagapangasiwa. HINDI PO KAILANGAN ANG EXPERT PA ANG MAGSIYASAT (subalit kung may kilala po kayong professional writer, editor o professor sa literature ay tanungin po ninyo) – OBVIOUS PO na ang style, vocabulary at grammar ng diumano'y sulat ng isang ministro  ay katulad na katulad po ng kay Antonio Ebangelista. I-compare po ninyo ang “sulat” na ito sa mismong pahayag ni Antonio Ebanghelista sa ibaba ng sulat na ito at maging sa iba pa niyang sulat ay MAKIKITA PO NINYONG WALANG PAGKAKAIBA, PAREHONG-PAREHO PO.

OBVIOUS din po ang panahon ng paglitaw ng "sulat" na ito na galing daw sa isang ministro sa Japan at ang nilalayon na saguting isyu. OBVIOUS NA OBVIOUS PO TALAGA NA FABRICATED ANG NIYA ANG DIUMANO'Y "SULAT" NA ITO NG ISANG MINISTRO.

Ganito po ang sinasabi ng diumano’y “ministrong” ito na mula sa Japan:

“1. Totoo po na walang tax ang religion, pero kaming mga ministro po ay may kaukulang report at kinakailangan i-apply mula ng ito ay marehistro sa Japan… (Antonio Ebangelista, INC Silent No ore, “Paglilinaw sa Tax EvasioN ng INC sa Japan” May 8, 2015)

Kung tinatatanggap ni Antonio Ebanghelista ang pahayag na ito ng diumano’y ministro sa Japan na “Totoo po na walang tax ang religion (sa Japan),” samakatuwid ay inaamin po niyang NAGSISINUNGALING siya sa pahayag niya na ““ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON”:

“Antonio Ebangelista: Kilala ko po ang mga bumasa ng mga yan at sa kanilang layunin na itago ang tunay na kalagayan ng Iglesia sa Japan ay ang mga kapatid mismo sa Japan ang magpapatunay na totoo ang mga isiniwalat ko dahil iyon mismo ay kopya ng ginawa nilang rekomendSyon sa tagapangasiwa dahil sa mahaharap ang INC sa isang napakalaking problema kapag hindi naiayos ng inc ang mga ito. ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON…” (Emphasis mine)

Kaya ang paglilinaw na ito ng "ministro" ay HINDI NAKATULONG sa kaniya, KUNDI NAGING MALINAW NA NAGSISINUNGALING SI ANTONIO EBANGELISTA.

At kung isang katotohanan na may tax exemption sa Japan ang mga relihiyon, kaya hindi po maling sabihin na KASINUNGALINGAN ang mga pahayag na ito ni Antonio Ebanghelista na:

(1) Ang Iglesia Ni Cristo raw po ang may kinakaharap na tax evasion case. Ang sabi niya, “Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN

(2) Ang Iglesia Ni Cristo sa Japan ay mayroon daw pong taxation duties na hindi binabayaran. Ang sabi niya, “dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN.”

(3) Dahil daw sa hindi pagbabayad ng Iglesia Ni Cristo sa Japan ng kaniyang “taxation duties” ay mayroon daw 40 million yen na utang ang Iglesia. Ang sabi niya, “BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG DAPAT SANA AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG RESULTA AY NAGKAROON TAYO NG UTANG NAKAILANGANG BAYARAN NA 40MILLION YEN.”

At dahil sa TINANGGAP na ni Antonio Ebangehlista na may tax-exemption sa Japan, kaya totoo po na isang FABRICATION ang ipinakita niyang diumano’y confidential report na nagsasabing nahaharap ang Iglesia Ni Cristo sa tax evasion case sa Japan dahil sa hindi pagbabayad sa kaniyang “taxation duties”:

“Ang mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan. Ang report na ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN na kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa gobyerno ng Japan. At dahil po sa hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN…” emphasis mine)

Ang akala po ni Antonio Ebangelista ay nakakuha siya ng matibay na “sandata” laban po sa ating ibinunyag na isang fabrication lamang ang sinasabi niyang “tax evasion case” ng INC sa Japan. Ang “sandata” niyang ito ay nag-“backfire” sa kaniya sapagkat lalo nitong pinatutunayan ang aming panig na tax exempted ang Iglesia Ni Cristo sa Japan kaya kasinungalingan ang pagsasabing may utang sa tax ang INC sa Japan at nahaharap daw sa tax evasion case. G. Antonio Ebanghelsta, nananatili po na ang aming tanong ay hindi ninyo nasasagot na: “PAPAANO MAGKAKAROON NG TAX EVASION CASE ANG INC SA JAPAN KUNG TAX EXEMPTED ANG INC SA JAPAN?


“Paglilinaw ba o pagbabago sa isyu?”

Pansinin na ang pinag-uusapan (paksa) sa una niyang artikulo ay gaya nang kaniya mismong isinaad ay:

“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS”

Subalit sapagkat nabunyag ang katotohanan na bandang huli ay inamin din ni Antonio Ebangelista na kami ay tama na exempted ang INC sa pagbabayad ng tax sa Japan. Upang makaiwas sa matinding kahihiyan ay pinalalabas niya na ang sumunod niyang artikulo ay isang “PAGLILINAW.” Ang titulo ng kaniyang sumunod na artikulo ay “PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN.”

SUBALIT ITO BA AY PAGLILINAW O PAGBABAGO NG PAKSA? Tandaan na kapag “paglilinaw” ay “the same issue” gumawa ka lang ng clarification.” SUBALIT HINDI GANON ANG SUMUNOD NIIYANG ARTIKULO.Gaya nang ating nakita, ang isyu ay ang Iglesia Ni Cristo (ang organisasyon) ang may utang sa pamahalaan dahil hindi raw binabayaran ng INC ang “taxation duties” o buwis na dapat niyang bayaran sa pamahalaan ng Japan. Subalit sa kaniyang ikalawang artikulo (May 8, 2015) ay IBA NA ANG PAKSA. Ganito ang kaniyang sinabi:

“1. Totoo po na walang tax ang religion, pero kaming mga ministro po ay may kaukulang report at kinakailangan i-apply mula ng ito ay marehistro sa Japan. Sa Pipilipas po ay talagang wala kayong mga tax para sa tulong ng ministro,subalit dito sa Japan po ay may hinihinging kaukulang filing para sa mga ministro at workers, dahil ang kategorya nito sa pamahalaan ay ‘sweldo’.” (Antonio Ebangelista, INC Silent No ore, “Paglilinaw sa Tax Evasio ng INC sa Japan” May 8, 2015)

Ang una niyang pinapaksa ay magkakaroon ng tax evasion case ang INC dahil sa hindi pagbabayad ng INC (ang organisasyon) sa kaniyang obligasyon o tax na dapat bayaran. Napatunayan kasi na tax exempted po ang INC kaya ISANG KASINUNGALINGAN na sabihing may utang o obligasyon (tax) na dapat bayaran ang INC sa Japan, anupat NAPAHIYA sa bagay na ito kaya ang sumunod niyang artikulo ay nagtatangka siyang BAGUHIN ANG PAKSA O ISYU, hindi na ang diumano’y “utang na buwis” ng Iglesia mismo, kundi ang "utang na buwis daw  ng mga ministro” ang kaniyang tinutukoy.

Talagang ang mga ministro sa Japan, tulad din po sa ibang bansa, ay may “buwis” na dapat bayaran sa gobyerno na kanilang kinaroroonan. Suubalit, gaya ng sa lahat ng bansa sa buong mundo, ang “income tax” (ang buwis na ikakaltas sa “suweldo” – sapagkat sa ibang bansa ay “suweldo” ang turing sa “tulong” sa mga ministro) ay itinuturing na “personal obligation” o “individual obligation” ng isang tao. Ganito ang isinasaad sa atin na definition ng isang Law Book:

“A tax that governments impose on financial income generated by all entities within their jurisdiction. By law, businesses and individuals must file an income tax return every year to determine whether they owe any taxes or are eligible for a tax refund. Income tax is a key source of funds that the government uses to fund its activities and serve the public.”

Ang “income tax” ay isang “individual obligation” – kaya iyon bang doktor na hindi nagbayad ng kaniyang “income tax” ay pananagutin din ang ospital na kaniyang pinagtatrabahuhan (ipasasara ang ospital at aalisan ng lisensiya dahil sa doktor na ito)? Iyon bang empleyado sa SM kung hindi nagbayad ng kaniyang “income tax” ay isasara ang SM at aalisin sa kaniyang business corporation status?

Sa sinasabi ni Antonio Ebangelista na “paglilinaw” sa kaniyang ikalawang artikulo ay ang tinutukoy daw pala niya ay hindi “tax obligation ng Iglesia" kundi ang “tax obligation ng mga ministro," bakit ipinangangalandakan niya sa una niyang artikulo na:

“PAKSA: PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS”

“Nilinaw” niya sa kaniyang ikalawang artikulo na ang tinutukoy pala niya ay “income tax” ng mga ministro at "tak duties ng mismong Iglesia", bakit ipinangangalandakan niya sa una niyang artikulo na:

“Ang Iglesia Ni Cristo sa kabuuan ang siyang malalagay sa kahihiyan at mapipinsala kapag ito ay hindi naagapan ng Central.”
  
Kung anong “pinsala” sa Iglesia sa kabuuan ang tinutukoy niya ay ganito ang sinasabi niya mismo:

“Bilang katunayan ay overdue na ang dapat sana ay nabayaran na ng Iglesia Ni Cristo sa pamahalaan ng Japan kaya ang resulta ay nagkaroon tayo ng utang nakailangang bayaran na 40Million Yen. Mabuti sana kung ang problema lang ay pera na maaari namang bayaran subalit dahil sa ito ay overdue, marami pang penalties na kaakibat nito at ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.”

Sa unang artikulo niya ay sinabi niya na "nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan" SAMANTALANG sa ikalawa niyang artikulo ay sinabi ni Antonio Ebanghelista na “Hindi naman po nai-wawala o na wi-withdraw ang cancellation ng registro sa Japan dahil sila ay maluwag naman.


SAMAKATUWID, ANG SINASABI NI ANTONIO EBANGELISTA NA "PAGLILINAW" SA KANIYANG IKALAWANG ARTIKULO AY MALINAW NA PAGPAPAKITA NA PUNONG-PUNO NG KASINUNGALINGAN ANG KANIYANG MGA PINAGSASABI SA UNA NIYANG ARTIKULO.Si Antonio Ebangelista rin ang nagpabulaan at nagpatunay na nagsisiungaling siya sa unang artikulo sa pamamagitan ng kaniyang ikalawang artikulo.

MALIWANAG NA NAGTAGPI-TAGPI LANG TALAGA NG KASINUNGALINGAN SI ANTONIO EBANGELISTA UPANG GUMAWA NG ISANG MASAMANG “SCENARIO” PARA PALABASIN NA TALAGANG MAY NAGAGANAP DAW NA “ANOMALYA” AT “MISMANAGEMENT” NGAYON SA IGLESIA NI CRISTO.

Sa huli po ang aming iiwanan sa inyo ay ang payo ni Apostol Pablo upang huwag po tayong mawalan ng tiwala sa mga namamahala sa atin:

Roma 16:17-18 MB
"Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, tandaan ninyo ang mga lumilikha ng pagkakampi-kampi at nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga aral na tinanggap ninyo; iwasan ninyo sila. Ang mga gayong tao ay hindi naglilingkod kay Cristo na ating Panginoon, kundi sa kanilang makasariling hangarin, at sa pamamagitan ng kanilang magaganda at matatamis na pangungusap ay inililigaw nila ang mga mapaniwalain."


PRISTINE TRUTH


No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)