AE…REMEMBER ME?
(HOW PRISTINE TRUTH PUT YOU IN BIG SHAME)
Mula noong Abril 1, 2016 ay
inire-repost po namin ang mga naging sagutan nina “Antonio Ebangelista” at
“Pristine Truth” noong 2015 upang ipaala-ala kay AE, at sa kaniyang mga
napapaniwala, at upang malaman ng madla na noon pa ay sinagot na si AE sa
kaniyang mga paratang laban sa Iglesia Ni Cristo at KUNG PAPAANO SIYA NALAGAY SA MALAKING
KAHIHIYAN.
AE, REMEMBER
THIS
Ang artikulo ni Antonio Ebangelista na sinasabi
niyang “Tax Evasion Case ng INC sa Japan” ay naging isang malaking BANGUGOT sa
kaniya. Inilathala niya ito sa kaniyang blog noong Abril 24, 2015 at SINAGOT ni
Pristine Truth noong Mayo 5, 2015. May isang kapatid na nakabasa ng ating SAGOT
kaya agad siyang nag-message kay AE. Sa tugon sa kaniya ni AE ay
ipinakatanggi-tanggi niya na may Tax-Exempted status ang INC sa Japan.
Nag-message sa amin ang kapatid na ito na ipinadala ang sagot ni AE sa kaniya.
Sinagot namin at ipinadala ng kapatid kay AE ang aming sagot. Ang naging tugon
niya sa kapatid ay “Siguro po ay pabayaan na lang natin sila sa kanilang
pagpapaliwanag” Sinabi niya ito noong Mayo 7, 2015. Subalit, kinabukasan lang
(Mayo 8, 2015) ay naglathala si AE ng “tugon” (“kinain” niya ang kaniyang
salita kaya noon pa ay isang taong walang prinsipyo o paninindigan ang AE na
ito sa kaniyang mga salita). Kung ang SAGOT ni Pristine Truth kay AE ay naging
isang “malaking sampal” sa kaniya, ang kaniyang tugon na inilathala niya noong
Mayo 8, 2015 ay LALONG NAGLUBLOB SA KANIYA SA MATINDING KAHIHIYAN. TUNGHAYAN
NATIN ANG NAGING SAGOT NI PRISTINE TRUTH SA TUGON NI "AE" SA KANIYANG SAGOT SA NAUNANG ARTIKULO NI "AE" NA MAY TAX EVASION CASE DAW ANG INC SA JAPAN:
___________________________
Response to AE's "Paglilinaw sa Tax Evasion
Case ng INC sa Japan"
ANOTHER
FABRICATION TO COVER HIS EXPOSED FABRICATION
Nilinaw ba o lalong nilabo ang alleged
“Tax Evasion Case” ng INC sa Japan?
First posted last 22 May 2015
SA artikulo sa blog ng
“Kumakalaban sa Pamamahala” na may pamagat na “GRAVE PROBLEM: TAX EVASION CASE
OF INC DISTRICT OF JAPAN” na inilathala nila noong April 24, 2015 ay sinasabi
nila ang ganito:
“Ito
po ang isa sa napakaraming pagkakautang ng Iglesia ngayon….
“Ang
mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa
ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay
ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal
Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan. Ang report na ito ay
mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan
ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN na
kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa gobyerno ng Japan. At dahil po sa
hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL
SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN. Ang bagay na
ito ay ilang beses ng isinulat ng mga kapatid kay Ka Benedicto at maging sa
Tanggapan ng Ka Jun Santos subalit laging hindi ito binibigyan ng
pagpapahalaga. BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG DAPAT SANA AY NABAYARAN NA NG
IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG RESULTA AY NAGKAROON TAYO NG
UTANG NAKAILANGANG BAYARAN NA 40MILLION YEN. Mabuti sana kung ang problema lang
ay pera na maaari namang bayaran subalit dahil sa ito ay overdue, marami pang
penalties na kaakibat nito at ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na
mapasara at mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at
mapaparusahan ang Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad
sa kahihiyan dahil sa kasong TAX EVASION.” )Antonio Ebangelista, INC Silent No
More, “Grave Proble: Tax Evasion Case ng INC Distrit of Japan,” emphasis mine)
Malinaw po ang panahayag ni
Antonio Ebangelista dito:
(1) ANG IGLESIA NI CRISTO RAW
PO ANG MAY KINAKAHARAP NA TAX EVASION CASE. Ang sabi niya, “Ito po ang isa sa napakaraming pagkakautang
ng Iglesia ngayon….ito ay mula po sa translated-japanese report na ginawa ng
Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG
IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN”
(2) ANG IGLESIA NI CRISTO SA
JAPAN AY MAYROON DAW PONG TAXATION DUTIES NA HINDI BINABAYARAN. Ang sabi niya,
“dahil po sa hindi masinop na
napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL SA TAXATION
DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN.”
(3) DAHIL DAW SA HINDI
PAGBABAYAD NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN NG KANIYANG “TAXATION DUTIES” AY
MAYROON DAW 40 MILLION YEN NA UTANG ANG IGLESIA. Ang sabi niya, “BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG DAPAT
SANA AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG
RESULTA AY NAGKAROON ANG IGLESIA NI CRISTO (ANG ORGANISASYON) NG UTANG NA
KAILANGANG BAYARAN NA 40 MILLION YEN.”
(4) ITO RAW AY AYON SA ISANG
CONFIDENTIAL REPORT NA GINAWA RAW NG ISANG JAPANESE NA PANGULONG DIAKUNO. Ang
sabi niya, “Ang mababasa po ninyo ay
isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa ng Japan na si Kapatid
na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay ang Japanese na Pangulong
Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal Department sa Central at sa
Japanese na abogado sa Japan.”
Sinagot po natin ang kanilang
bintang na ito sa artikulo natin na may pamagat na “TAX EVASION CASE OF INC IN
JAPAN?” na inilathala natin sa blog na ito noong May 5, 2015. Narito po ang
link ng artikulong ito para sa mga hindi pa nakababasa:
Ang artikulong ito ay nagsilbing malaking “sampal” sa mga “Kumakalaban sa Pamamahala” dahil maliwanag po na pinatunayan dito na HINDI KAILANMAN MAAARING MAGKAROON NG TAX EVASION CASE ANG IGLESIA NI CRISTO SAPAGKAT MAY TAX EXEMPTED STATUS ANG MGA RELIHIYON SA JAPAN. Kaya nga po ang tanong na ating ibinigay sa kanila ay:
“Papaano magkakaroon ng tax evasion case
ang exempted sa
pagbabayad ng tax?”
Dahil sa hindi maitatangging
katotohanan na tax exempted ang mga relihiyon sa Japan kaya lumalabas po na
isang kamalian ang mga ipinahayag niyang “hindi (raw) nagbabayad ng “taxation
duties” ang INC sa Japan, na may utang ang INC sa pamahalaan ng Japan, at na
may kinakaharap na kasong tax evasion ang INC sa Japan. Dahil din po
dito, ang sinasabi niyang “confidential repot na ginawa ng isang Japanese na
pangulong diakuno sa Japan” ay lumalabas na isang fabrication lamang.
ITINANGGI NIYA SA KANIYANG PAGSAGOT SA
MESSAGE NG MGA KAPATID SA KANIYA NA MAY
TAX EXEMPTION ANG MGA RELIHIYON SA JAPAN
Dahil sa hindi maitatanggi ang
katotohanang ito (na tax exempted anbg mga religions sa Japan), marami ang
nag-message na mga kapatid at nagtanong sa kaniya ukol sa bagay na ito. Ganito
po ang naging pag-uusap nila na ipinadala sa atin ng isang kapatid:
“Magandang
araw po. Ang account na ito ay hindi po bogus. Wala pong dahilan para magtago
ako sa likod ng isang dummy account. Nabasa ko po ang sagot nyo sa tungkol sa
rebelasyon ni Antonio Ebanghelista tungkol umano sa Japan tax Evasion case. Nag
send po ako ng pm sa kaniya para tanungin ang reaksyon nya tungkol sa sagot po
ninyo. Heto po ang sagot nya sa pm.
“Antonio
Ebangelista: Kilala ko po ang mga bumasa ng mga yan at sa kanilang layunin na
itago ang tunay na kalagayan ng Iglesia sa Japan ay ang mga kapatid mismo sa
Japan ang magpapatunay na totoo ang mga isiniwalat ko dahil iyon mismo ay kopya
ng ginawa nilang rekomendSyon sa tagapangasiwa dahil sa mahaharap ang INC sa
isang napakalaking problema kapag hindi naiayos ng inc ang mga ito. ANG JAPAN
AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON. Kaya nga po
kakarehiatro lang ng inc sa japan bagaman matagal na pong nasa japa ang inc.
Kaya ang kailangan po nilang ipakita ay ang mandate ng japanese government ukol
sa registration ng inc sa japan. Ang mga bahay sambahan at mga mehiras ng
Iglesia ay nakapangalan sa mga japanese nationality na kapatid kaya kapag di
ito naayos ng inc ay sila ay magkakaproblema sa gobyerno. Subukan po ninuong
magtanong sa mga kapatid dun sa Japan para sila mismo ang makapagsabi ukol sa
cover up na ginagawa ngayon ng blog na yan. My function is to expose the
corruption. I ask nothing in return, only that the church be returned to it's
rightful place as a clean and righteous church. That any and all of thise who
blemishes the reputation of the church be acted upon. I do not seek fame nor
fortune, i live a simple and basic life as a minister with my family, officiating
my functions. I welcome those who answer my expositions and even encourage
others to read them because in the end, the reader will be the one to weigh
everything. You will not believe me because I says so, you will not believe
them because they say so, you will believe what your mind and heart will lead
you to believe. SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR
MY EXPOSITIONS, they have the ball to prove whether the evidences I presented,
which also came from the brethren concerned, are factual or not. All of us will
be answerable to our own actions in this life.” (Emphasis mine)
Maliwanag po ang sinabi ni G.
Antonio Ebangelista dito na “ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT
ANG RELIHIYON..” Maiwanag din po ang sinabi niya na “SO IT IS NOT FOR ME TO
REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS” para po palabasin na
“confident” siya na totoo ang kaniyang sinasabi.
NAGULANTANG SI AE SA PAGLABAS
NG KATOTOHANAN
Pagkatapos na i-send sa amin
ng kapatid ang sagot niyang ito ay ganito po ang aming naging sagot:
“THE
IGLESIA NI CRISTO
“May
7th, 11:34am
SALAMAT
PO KAPATID, Mapapansin ninyo na isa na naman pong pagsisinungaling ang kaniyang
sagot na ipinagpipilitan po niya na HINDI tulad sa Pilipinas ay walang tax-exemption
ang religion sa Japan. Subalit, wala po siyang naibigay na katunayan. Maliwanag
po sa 1951 Religious Corporation Law ng Japan (maaari po ninyo itong i-search
sa internet at maging ang "religion and taxation sa Japan" at maging
sa 2008 Basic Law on Foundation in Japan ay maliwanag po na isinasaad ang
provision na tax-exempted ang mga religions sa Japan. Hindi po maaring maging
"cover up" ito sapagkat ito po ang katotohanan. Kailanman ang
"facts" ay hindi maaaring maging cover up." Ang cover up po ng
kahihiyan na inabot niya ay ang ang pagsasabing "sabi ng mga kapatid sa
Japan" HE WIL NOT REFUTE THIS BECAUSE HE CANNOT REFUTE THE FACTS. Wala po
kasi siyang makukuhang referencia na magsasabing WALANG tax exemption ang mga
religions sa Japan at wala rin po siyang makukuhang anumang katibayan na ang
Iglesia Ni Cristo ay HINDI nakarehistro bilang relihiyon sa Japan o hndi tayo
inire-recognize ng Japanes government na religion. AS LONG AS THE FACTS REMAIN
na tayo po ay isang relihiyon, nakarehistro sa Japan bilang isang relhiyon, at
may batas na umiiral sa Japan na tax-exempt ang relihiyon, NANANATLI PO ANG
KATOTOHANAN NA FABRICATED O KASINUNGALINGAN NA GINAWA LAMANG NILA ANG DIUMANO'Y
TAX EVASION CASE NG INC SA JAPAN.
Pagkatapos, ang pakiusap po ng
kapatid ay kung maaaring i-send niya ang naging pagtugon po nating ito:
“I
hope you don't mind po. Ika copy paste ko po ito and then send it to him.”
Ito naman po ang naging tugon
namin sa kapatid na ito:
“Opo,
para po malaman po natin ang mga kasagutan niya.”
Nang i-send nG KAPATID ang
aming naging tugon sa sagot ni AE sa nasabing kapatid, ito po ang isinend niya
na naging tugon daw ni Antonio Ebangelista:
“Antonio
Ebangelista
“Siguro
po ay pabayaan na lang natin sila sa kanilang pagpapaliwanag. Tutal kapag di po
sila nakabayad sa Tax Center ng Japan ay ibabalita naman po sa News ng Japan
iyon. Then we will know who is telling the truth. Sent from Messenger”
ANOTHER FABRICATION TO COVER FOR
HIS EXPOSED FABRICATION
Natatandaan po ba ninyo ang
sinabi ni Antonio Ebanghelista sa isang kapatid na nakipag-usap sa kaniya
through message? Ang sabi niya, “ANG
JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON.” Sinabi rin
niya na, “SO IT IS NOT FOR ME TO REFUTE
WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS.” Ang ang isa pang naging
tugon niya ay “Siguro po ay pabayaan na
lang natin sila sa kanilang pagpapaliwanag. Tutal kapag di po sila nakabayad sa
Tax Center ng Japan ay ibabalita naman po sa News ng Japan iyon. Then we will
know who is telling the truth.”
Is Antonio Ebanghelista true to his words?
Mayo 7, 2015 po ang kanilang
pag-uusap ng kapatid na ito at ito po ay sa hapon ng araw na iyon naganap, na
ang sinabi niya na HINDI NIYA SASAGUTIN (ang sabi niya, “SO IT IS NOT FOR ME TO
REFUTE WHATEVER THEY SAY AGAINST ME OR MY EXPOSITIONS.” At “Siguro po ay
pabayaan na lang natin sila sa kanilang pagpapaliwanag”).
KINABUKASAN (Mayo 8,
2015) ay naglathala po siya sa kaniyang blog ng isang artikulo na ang pamagat
ay “PAGLILINAW UKOL SA TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN.”
Sa artikulo niyang ito ay may
isang ministro ang diumano'y sumulat sa kaniya ukol sa isyung ito [Ang bilis ano po? Noong Mayo 7 ang sabi
niya ay hindi niya sasagutin, subalit Mayo 8 ay may sumulat daw sa kaniya na
isang ministro na “nagbibigay linaw” raw sa isyung ito]. Kung ang sulat na
ito ng isang “ministro” ay hawak na niya before May 8 dapat ay nabanggit na
niya ito sa kaniyang pakikipag-usap sa kapatid na nagtatanong sa kaniya ukol
dito. DI PO BA OBVIOUS NA MAY HOKOS-POKOS DIYAN? Ganito po ang naging
“introduction ng “ministrong” ito sa kaniyang sulat kay Antonio Ebangelista:
“Magandang
araw po kapatid na Antonio. Ako po ay isang Ministro din. Dito po ako
nakadestino sa Japan. Nabasa ko po ang inyong isinulat ukol sa Tax Evasion Case
ng INC dito sa Japan. Nabasa ko rin po ang inilabas sa isa pang blog ukol sa
sagot daw po sa inyong mga pahayag para ito ay pasinungalingan. Pasensya na po
kayo kung hindi po ako makapagpapakilala sa inyo sa dahilang mahigpit po ang tagubilin
sa amin ng aming Tagapangasiwa dito, maging ng Ka Jun Santos. Noong una ko pong
nabasa ang inyong mga posts ay aaminin ko pong nagalit ako at gusto ko po
kayong murahin. Subalit ng unti-unti ko pong binasa ang lahat ng mga pahayag
ninyo mula ng simula ay naramdaman ko po ang inyong malasakit, na wala po
kayong hangaring lumaban o lumapastangan sa Kapatid na Eduardo V. Manalo kundi
ang inyong pagnanais na labanan ang katiwalian alang-alang sa Tagapamahalang
Pangkalahatan at sa kapakanan ng Iglesia. Ito po ang dahilan kaya ako naglakas
ng loob na sumulat na sa inyo upang ipaalam ang katotohanan ukol sa bagay na
ito na mariin na pinabubulaanan ng kampo ng Ka Jun Santos sa pamamagitan po ng
mga ipinakakalat nila sa internet para di-umano ay pasinungalingan ang inyong
mga isiniwalat ukol sa kalagayan ng Iglesia dito sa Japan. Kaya upang
makatulong po sa kahit na maliit na paraan ay hayaan nyo po sanang ako na ang
sumagot sa mga isyus ukol po sa totoong kalagayan ng INC dito sa Japan:”
Iyon pong source niya nang una
na “pangulong diakuno” ay na-promote po ngayon at naging ministro na. Siguro po
kung gagawa siyang muli ng sagot sa artikulo nating ito ay baka ma-promote na
po ang source niya sa Tagapangasiwa. HINDI PO KAILANGAN ANG EXPERT PA ANG
MAGSIYASAT (subalit kung may kilala po kayong professional writer, editor o
professor sa literature ay tanungin po ninyo) – OBVIOUS PO na ang style,
vocabulary at grammar ng diumano'y sulat ng isang ministro ay katulad na
katulad po ng kay Antonio Ebangelista. I-compare po ninyo ang “sulat” na ito sa
mismong pahayag ni Antonio Ebanghelista sa ibaba ng sulat na ito at maging sa
iba pa niyang sulat ay MAKIKITA PO NINYONG WALANG PAGKAKAIBA, PAREHONG-PAREHO
PO.
OBVIOUS din po ang panahon ng
paglitaw ng "sulat" na ito na galing daw sa isang ministro sa Japan
at ang nilalayon na saguting isyu. OBVIOUS NA OBVIOUS PO TALAGA NA FABRICATED LANG
NIYA ANG DIUMANO'Y "SULAT" NA ITO NG ISANG MINISTRO.
Ganito po ang sinasabi ng
diumano’y “ministrong” ito na mula sa Japan:
“1.
Totoo po na walang tax ang religion, pero kaming mga ministro po ay may
kaukulang report at kinakailangan i-apply mula ng ito ay marehistro sa Japan…
(Antonio Ebangelista, INC Silent No ore, “Paglilinaw sa Tax EvasioN ng INC sa
Japan” May 8, 2015)
Kung tinatatanggap ni Antonio
Ebanghelista ang pahayag na ito ng diumano’y ministro sa Japan na “Totoo po na
walang tax ang religion (sa Japan),” samakatuwid ay inaamin po niyang
NAGSISINUNGALING siya sa pahayag niya na ““ANG JAPAN AY HINDI GAYA NG PILIPINAS
NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON”:
“Antonio
Ebangelista: Kilala ko po ang mga bumasa ng mga yan at sa kanilang layunin na
itago ang tunay na kalagayan ng Iglesia sa Japan ay ang mga kapatid mismo sa
Japan ang magpapatunay na totoo ang mga isiniwalat ko dahil iyon mismo ay kopya
ng ginawa nilang rekomendSyon sa tagapangasiwa dahil sa mahaharap ang INC sa
isang napakalaking problema kapag hindi naiayos ng inc ang mga ito. ANG JAPAN
AY HINDI GAYA NG PILIPINAS NA TAX EXEMPT ANG RELIHIYON…” (Emphasis mine)
Kaya ang paglilinaw na ito ng
"ministro" ay HINDI NAKATULONG sa kaniya, KUNDI NAGING MALINAW NA
NAGSISINUNGALING SI ANTONIO EBANGELISTA.
Kung isang katotohanan na may
tax exemption sa Japan ang mga relihiyon, kaya hindi po maling sabihin na
KASINUNGALINGAN ang mga pahayag na ito ni Antonio Ebanghelista na:
(1)
Ang Iglesia Ni Cristo raw po ang may kinakaharap na tax evasion case. Ang sabi
niya, “Ito po ang isa sa napakaraming
pagkakautang ng Iglesia ngayon….ito ay mula po sa translated-japanese report na
ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA
KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN”
(2)
Ang Iglesia Ni Cristo sa Japan ay mayroon daw pong taxation duties na hindi
binabayaran. Ang sabi niya, “dahil po sa
hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL
SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN.”
(3)
Dahil daw sa hindi pagbabayad ng Iglesia Ni Cristo sa Japan ng kaniyang
“taxation duties” ay mayroon daw 40 million yen na utang ang Iglesia. Ang sabi
niya, “BILANG KATUNAYAN AY OVERDUE NA ANG
DAPAT SANA AY NABAYARAN NA NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN KAYA ANG
RESULTA AY NAGKAROON TAYO NG UTANG NAKAILANGANG BAYARAN NA 40MILLION YEN.”
At dahil sa TINANGGAP na ni
Antonio Ebangehlista na may tax-exemption sa Japan, kaya totoo po na isang
FABRICATION ang ipinakita niyang diumano’y confidential report na nagsasabing
nahaharap ang Iglesia Ni Cristo sa tax evasion case sa Japan dahil sa hindi
pagbabayad sa kaniyang “taxation duties”:
“Ang
mababasa po ninyo ay isang confidential report na naka-adres sa Tagapangasiwa
ng Japan na si Kapatid na Manny Benedicto. Ang gumawa po ng report na ito ay
ang Japanese na Pangulong Diakono na siyang nakikipag-ugnayan sa Legal
Department sa Central at sa Japanese na abogado sa Japan. Ang report na ito ay
mula po sa translated-japanese report na ginawa ng Japanese Lawyer sa Japan
ukol po sa NAPAKALING SULIRANIN NA KINAKAHARAP NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN na
kamakailan lamang po ay naiparehistro na sa gobyerno ng Japan. At dahil po sa
hindi masinop na napangangasiwaan ng Tagapangasiwa na si Ka Benedicto ang UKOL
SA TAXATION DUTIES NG IGLESIA NI CRISTO SA PAMAHALAAN NG JAPAN…” emphasis mine)
Ang akala po ni Antonio
Ebangelista ay nakakuha siya ng matibay na “sandata” laban po sa ating
ibinunyag na isang fabrication lamang ang sinasabi niyang “tax evasion case” ng
INC sa Japan. Ang “sandata” niyang ito ay nag-“backfire” sa kaniya sapagkat
lalo nitong pinatutunayan ang aming panig na tax exempted ang Iglesia Ni Cristo
sa Japan kaya kasinungalingan ang pagsasabing may utang sa tax ang INC sa Japan
at nahaharap daw sa tax evasion case. G. Antonio Ebanghelsta, nananatili po na
ang aming tanong ay hindi ninyo nasasagot na: “PAPAANO MAGKAKAROON NG TAX
EVASION CASE ANG INC SA JAPAN KUNG TAX EXEMPTED ANG INC SA JAPAN?
“PAGLILINAW BA O PAGBABAGO SA ISYU?”
Pansinin na ang pinag-uusapan
(paksa) sa una niyang artikulo ay gaya nang kaniya mismong isinaad ay:
“PAKSA:
PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY
NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI
CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS”
Subalit sapagkat nabunyag ang
katotohanan na bandang huli ay inamin din ni Antonio Ebangelista na kami ay
tama na exempted ang INC sa pagbabayad ng tax sa Japan. Upang makaiwas sa
matinding kahihiyan ay pinalalabas niya na ang sumunod niyang artikulo ay isang
“PAGLILINAW.” Ang titulo ng kaniyang sumunod na artikulo ay “PAGLILINAW UKOL SA
TAX EVASION CASE NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN.”
SUBALIT ITO BA AY PAGLILINAW O
PAGBABAGO NG PAKSA? Tandaan na kapag “paglilinaw” ay “the same issue” gumawa ka
lang ng clarification.” SUBALIT HINDI GANON ANG SUMUNOD NIIYANG ARTIKULO.Gaya
nang ating nakita, ang isyu ay ang Iglesia Ni Cristo (ang organisasyon) ang may
utang sa pamahalaan dahil hindi raw binabayaran ng INC ang “taxation duties” o
buwis na dapat niyang bayaran sa pamahalaan ng Japan. Subalit sa kaniyang
ikalawang artikulo (May 8, 2015) ay IBA NA ANG PAKSA. Ganito ang kaniyang
sinabi:
“1.
Totoo po na walang tax ang religion, pero kaming mga ministro po ay may
kaukulang report at kinakailangan i-apply mula ng ito ay marehistro sa Japan.
Sa Pipilipas po ay talagang wala kayong mga tax para sa tulong ng
ministro,subalit dito sa Japan po ay may hinihinging kaukulang filing para sa
mga ministro at workers, dahil ang kategorya nito sa pamahalaan ay ‘sweldo’.”
(Antonio Ebangelista, INC Silent No ore, “Paglilinaw sa Tax Evasio ng INC sa
Japan” May 8, 2015)
Ang una niyang pinapaksa ay
magkakaroon ng tax evasion case ang INC dahil sa hindi pagbabayad ng INC (ang
organisasyon) sa kaniyang obligasyon o tax na dapat bayaran. Napatunayan kasi
na tax exempted po ang INC kaya ISANG KASINUNGALINGAN na sabihing may utang o
obligasyon (tax) na dapat bayaran ang INC sa Japan, anupat NAPAHIYA sa bagay na
ito kaya ang sumunod niyang artikulo ay nagtatangka siyang BAGUHIN ANG PAKSA O
ISYU, hindi na ang diumano’y “utang na buwis” ng Iglesia mismo, kundi ang
"utang na buwis daw ng mga ministro” ang kaniyang tinutukoy.
Talagang ang mga ministro sa
Japan, tulad din po sa ibang bansa, ay may “buwis” na dapat bayaran sa gobyerno
na kanilang kinaroroonan. Suubalit, gaya ng sa lahat ng bansa sa buong mundo,
ang “income tax” (ang buwis na ikakaltas sa “suweldo” – sapagkat sa ibang bansa
ay “suweldo” ang turing sa “tulong” sa mga ministro) ay itinuturing na
“personal obligation” o “individual obligation” ng isang tao. Ganito ang
isinasaad sa atin na definition ng isang Law Book:
“A
tax that governments impose on financial income generated by all entities
within their jurisdiction. By law, businesses and individuals must file an
income tax return every year to determine whether they owe any taxes or are
eligible for a tax refund. Income tax is a key source of funds that the
government uses to fund its activities and serve the public.”
Ang “income tax” ay isang
“individual obligation” – kaya iyon bang doktor na hindi nagbayad ng kaniyang
“income tax” ay pananagutin din ang ospital na kaniyang pinagtatrabahuhan
(ipasasara ang ospital at aalisan ng lisensiya dahil sa doktor na ito)? Iyon
bang empleyado sa SM kung hindi nagbayad ng kaniyang “income tax” ay isasara
ang SM at aalisin sa kaniyang business corporation status?
Sa sinasabi ni Antonio
Ebangelista na “paglilinaw” sa kaniyang ikalawang artikulo ay ang tinutukoy daw
pala niya ay hindi “tax obligation ng Iglesia" kundi ang “tax obligation
ng mga ministro," bakit ipinangangalandakan niya sa una niyang artikulo
na:
“PAKSA:
PROBLEMANG PANGPANANALAPI SA DISTRITO NG JAPAN DAHIL SA TAX EVASION AY
NASASAPANGANIB NA MAPATAWAN NG PARUSA, MAGMULTA AT MAPASARA ANG IGLESIA NI
CRISTO SA JAPAN DAHIL SA HINDI PAGBABAYAD NG BUWIS”
“Nilinaw” niya sa kaniyang
ikalawang artikulo na ang tinutukoy pala niya ay “income tax” ng mga ministro
at "tak duties ng mismong Iglesia", bakit ipinangangalandakan niya sa
una niyang artikulo na:
“Ang Iglesia Ni Cristo sa
kabuuan ang siyang malalagay sa kahihiyan at mapipinsala kapag ito ay hindi
naagapan ng Central.”
Kung anong “pinsala” sa
Iglesia sa kabuuan ang tinutukoy niya ay ganito ang sinasabi niya mismo:
“Bilang
katunayan ay overdue na ang dapat sana ay nabayaran na ng Iglesia Ni Cristo sa
pamahalaan ng Japan kaya ang resulta ay nagkaroon tayo ng utang nakailangang
bayaran na 40Million Yen. Mabuti sana kung ang problema lang ay pera na maaari
namang bayaran subalit dahil sa ito ay overdue, marami pang penalties na
kaakibat nito at ang pinakamabigat pa sa lahat ay nanganganib na mapasara at
mapawalang bisa ang pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan at mapaparusahan ang
Iglesia Ni Cristo, ibo-broadcast sa Japanese TV at malalantad sa kahihiyan
dahil sa kasong TAX EVASION.”
Sa unang artikulo niya ay
sinabi niya na "nanganganib na mapasara at mapawalang bisa ang
pagkakarehistro ng Iglesia sa Japan" SAMANTALANG sa ikalawa niyang
artikulo ay sinabi ni Antonio Ebanghelista na “Hindi naman po nai-wawala o na
wi-withdraw ang cancellation ng registro sa Japan dahil sila ay maluwag naman.”
SAMAKATUWID, ANG SINASABI NI
ANTONIO EBANGELISTA NA "PAGLILINAW" SA KANIYANG IKALAWANG ARTIKULO AY
MALINAW NA PAGPAPAKITA NA PUNONG-PUNO NG KASINUNGALINGAN ANG KANIYANG MGA
PINAGSASABI SA UNA NIYANG ARTIKULO.Si Antonio Ebangelista rin ang nagpabulaan
at nagpatunay na nagsisiungaling siya sa unang artikulo sa pamamagitan ng
kaniyang ikalawang artikulo.
MALIWANAG NA NAGTAGPI-TAGPI
LANG TALAGA NG KASINUNGALINGAN SI ANTONIO EBANGELISTA UPANG GUMAWA NG ISANG
MASAMANG “SCENARIO” PARA PALABASIN NA TALAGANG MAY NAGAGANAP DAW NA “ANOMALYA”
AT “MISMANAGEMENT” NGAYON SA IGLESIA NI CRISTO.
Sa huli po ang aming iiwanan
sa inyo ay ang payo ni Apostol Pablo upang huwag po tayong mawalan ng tiwala sa
mga namamahala sa atin:
Roma 16:17-18 MB
"Ipinamamanhik ko sa inyo, mga
kapatid, tandaan ninyo ang mga lumilikha ng pagkakampi-kampi at nagiging sanhi
ng pagtalikod sa mga aral na tinanggap ninyo; iwasan ninyo sila. Ang mga gayong
tao ay hindi naglilingkod kay Cristo na ating Panginoon, kundi sa kanilang
makasariling hangarin, at sa pamamagitan ng kanilang magaganda at matatamis na
pangungusap ay inililigaw nila ang mga mapaniwalain."
PRISTINE TRUTH
___________________________
ADMIN’S NOTE:
Ang lahat ng sinabi ni
“Antonio Ebangelista sa una niyang artikulo (dated April 24, 2015) ay pawang
kinontra at pinatunayang kasinungalingan ng kaniyang “paglilinaw” sa kaniyang
ikalawang artikulo ukol dito (dated Mayo 8, 2015). Kung papaanong obvious na
fabricated lang ang inilakip niyang “confidential report” sa kaniyang unang
artikulo ay obvious din na fabricated lang ang kaniyang “sulat ng isang
ministro mula sa Japan” na inilakip niya sa kaniyang ikalawang artikulo ukol
rito. BULAG O NAGMAMAANG-MAANGAN NA LAMANG SA KATOTOHANAN ANG MAGSASABING HINDI
NAGSISINUNGALING SI ANTONIO EBANGELISTA SA KANIYANG DALAWANG ARTIKULONG ITO UKOL
SA SINASABI NIYANG TAX EVASION CASE DAW NG IGLESIA NI CRISTO SA JAPAN. Hindi
natatapos dito ang “pagkakalat” ni Antonio Ebangelista dahil mayroon pa siyang
ikatlong artikulo na inilabas ukol dito na di lang naglublob kundi naglibing na
sa kaniya sa kahihiyan. Subaybayan.
Please like and
share
THE IGLESIA NI CRISTO FB page
https://www.facebook.com/TheIglesiaNiCristo
AE sinungaling ka nahuli ka sa sarili mong mga salita
ReplyDeleteBULAG O NAGMAMAANG-MAANGAN NA LAMANG SA KATOTOHANAN? Marami ka pa talagang dapat matutunan, hindi ka mananaig sa katotohanan kung puro kasinungalingan at fabricated lang ang ilalantad mo.
ReplyDelete