30 April 2016

Ang isa sa ibinabala na magaganap bago ang wakas ay maliwanag na nakikitang nagaganap ngayon



NGAYON AY KITANG-KITA NATING MALIWANAG ANG KATUPARAN NG IBINABALA NG BIBLIA NA PAGDATING NG MGA ANTICRISTO KAPAG MALAPIT NA ANG WAKAS
I Juan 2:18-19 MB



 ANG ibinabala ng Diyos sa pamamagitan ng mga apostol at nasulat sa Banal Na Kasulatan na mga magaganap bago dumating ang wakas ay pawang natutupad o nangyayari. Sa panahon natin ngayon ay may ibinabala ang Panginoong Diyos sa pamamagitan ni Apostol Juan na kitang-kita nating malinawag ang katuparan.


MAY IBINABALA NA MGA ANTICRISTO NA DARATING
KAPAG MALAPIT NA ANG WAKAS

May ibinabala ang Panginoong Diyos sa pamamagitan ni Apostol Juan na nasulat sa Banal Na Kasulatan na kapag malapit na ang wakas ay darating ang mga anticristo:

 “Mga anak, malapit na ang wakas!  Tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-Cristo.  Ngayon nga'y marami nang lumitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. (I Juan 2:18 MB)

Maliwanag sa Banal Na Kasulatan na inihayag noon pang una kung anu-ano ang mga palatandaan na malapit na ang wakas o ang Ikalawang Pagparito ni Cristo tulad ng mga digmaan, mga malalakas na lindol, kagutom at kahirapan (cf. Mateo 24:6-8). Subalit, maliban dito, kalakip din na ibinabala sa atin ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ni Apostol Juan na ang isa pa sa magaganap bago ang wakas ay ang paglitaw ng mga anticristo. Iba pa ito sa anticristo na may bilang na 666 na hinuhulaan ng Apocalipsis at sa mga anti-Cristo na tumatangging si Cristo ay naparito sa laman, sapagkat ito ang mga anticristo na lilitaw bago pa ang wakas o kung malapit na ang wakas.


SINO ANG MGA ANTINCRISTO NA DARATING
KAPAG MALAPIT NA ANG WAKAS?

Ibinabala ni Apostol Juan na “…malapit na ang wakas! Tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-Cristo.” Ayon kay Apostol Juan, sa pagdating ng mga anticristo ay matitiyak nating “malapit na ang wakas” kaya ito ay magaganap sa panahon natin. Sino ang mga anticristo na ibinabala ni Apostol Juan na darating kapag malapit na ang wakas?

 “Mga anak, malapit na ang wakas!  Tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-Cristo.  Ngayon nga'y marami nang lumitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. Bagamat sila'y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon.  Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin.  Ngunit umalis sila, kaya't maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.” (I Juan 2:18-19 MB)

Ang mga anticristo na darating bago ang wakas ayon kay Apostol Juan ay “sila’y dating kasamahan natin”. Nasaan ba ang mga apostol na kabilang si Apostol Juan na ang mga anticristo na darating bago ang wakas ay dati nilang kasama rito? Ganito ang sinasabi ng Banal Na Kasulatan:

 “Kayo nga ang katawan ni Cristo, at bawa't isa'y samasamang mga sangkap niya. At ang Dios ay naglagay ng ilan sa iglesia, una-una'y mga apostol, ikalawa'y mga propeta, ikatlo'y mga guro, saka mga himala, saka mga kaloob na pagpapagaling, mga pagtulong, mga pamamahala, at iba't ibang mga wika.” (I Corinto 12:27-28)

Sa Iglesia inilagay ng Diyos ang mga apostol. Sa Iglesia bilang katawan ni Cristo “sama-samang sangkap” ang mga hinirang ng ating Panginoong Jesus. Kaya, dito sa Iglesia dating kasama ang mga anticristo na darating kapag malapit na ang wakas. Aling Iglesia ang katawan ni Cristo? Ganito ang sagot sa atin ng Biblia:

“For just as the human body is one and yet has many parts, and all its parts, many as they are, constitute but one body, so it is with the Church of Christ.”
(I Corinthians 12:12 NTME)

Samakatuwid, dati nating kasamahan sa Iglesia Ni Cristo ang ibinabala ni Apostol Juan na mga anticristo na darating kapag malapit na ang wakas.


ANG IKAKIKILALA SA MGA ANTICRISTO NA DARATING
KAPAG MALAPIT NA ANG WAKAS

(1) MGA TIWALAG AT HUMIWALAY
SA IGLESIA NI CRISTO

Bakit sinabi ni Apostol Juan na ang mga anticristo na darating kapag malapit na ang wakas ay “dating kasamahan natin”? Muli nating sipiin ang I Juan 2:18-19 at ganito ang malinaw na sagot ni Apostol Juan sa ating tanong:

“Mga anak, malapit na ang wakas!  Tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-Cristo.  Ngayon nga'y marami nang lumitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. Bagamat sila'y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon.  Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin.  Ngunit umalis sila, kaya't maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.” (I Juan 2:18-19 MB)

Ang mga anticristo na darating kapag malapit na ang wakas ay dating kasamahan sa Iglesia Ni Cristo sapagkat mga dati silang kaanib ngunit “umalis sila.” Samakatuwid, ang ibinabala ni Apostol Juan na anticristo na darating kapag malapit na ang wakas ay mga TIWALAG at HUMIWALAY sa Iglesia Ni Cristo.

Bakit ang tiwalag at humiwalay sa Iglesia Ni Cristo ay tinatawag ng Biblia na anticristo? Tandaan natin ang kahulugan ng salitang “anticristo” ay “kalaban ni Cristo.” Kaya, bagamat nag-aangkin na sila’y kay Cristo pa rin, subalit KINALABAN nila ang mga salita ng Panginoong Jesus. Ano ang isa sa mga salita o utos ng Panginoong Jesus na kanilang kinalaban? Ganito ang pahayag ng Panginoong Jesucristo sa Juan 10:9:

“Kaya muling nagsalita si Jesus: Buong katotohanang sinsabi Ko sa inyo, Ako ang pintuan ng kulungan ng mga tupa…Ako ang pintuan: ang sinumang pumasok sa loob ng kawan sa pamamagitan Ko ay maliligtas…” (Juan 10:7 at 9 REB, Isalin sa Pilipino)

Ang utos ni Cristo ay pumasok sa “kawan” at ang “kawan” ay ang “Iglesia Ni Cristo” (cf. Gawa 20:28 Lamsa). Subalit, tumiwalag, nagpatiwalag, natiwalag, nahiwalay – kaya kinalaban nila ang salita ng Panginoong Jesucristo. Ito ang isa pa sa mga utos ni Cristo na kanilang kinalaban:

“Subalit  kung kayo ay nananatiling [tapat, mga tunay na mananampalataya] hanggang sa [katapusan o kamatayan] kayo ay maliligtas.” (Mateo 24:13 CEV, salin sa Pilipino)

Maliwanag ang sinabi ni Cristo na manatiling tapat at tunay na mananampalataya hanggang sa katapusan o kamatayan. Subalit, UMALIS SILA KAYA KINALABAN NILA ANG SALITA NI CRISTO, KALABAN SILA NI CRISTO, SILA’Y ANTICRISTO.

Sa sinasabing “Declaration of Loyalty” ng mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala na kanilang ipapahayag ngayong Abril 30, 2016 ay ganito ang kanilang isinasaad:

“To the Locale Leadership:
“It is with a combination of sadness and relief that I write to you to let you know that I have decided to voluntarily LEAVE THE CHURCH for now...”

Ang kanilang deklarasyong ito, anuman ang kanila pang ikatuwiran, ay maliwanag na TAHASANG PAGLABAN SA UTOS NI CRISTO, kaya tunay na kinalaban nila ang salita ni Cristo, kinalaban si Cristo, kaya ANTICRISTO.


(2) KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA
NA INILAGAY NG DIYOS SA IGLESIA

Kung bakit umalis sa Iglesia Ni Cristo ang mga tinawag ni Apostol Juan na “mga anticristo bago ang wakas” ay kaniya ring ipinaliwanag:

“Mga anak, malapit na ang wakas!  Tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-Cristo.  Ngayon nga'y marami nang lumitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. Bagamat sila'y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon.  Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin.  Ngunit umalis sila, kaya't maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.” (I Juan 2:18-19 MB)

Ang sabi ni Apostol Juan, “Bagamat sila'y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon.” Kapag sinabing “hindi kaisa” ay kalaban, samakatuwid baga’y kumakalaban sa Iglesia at sa Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia. Bakit “anticristo” ang kumakalaban sa Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia? 

“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.” (Mateo 18:18-19)

Sa Pamamahala ng Iglesia ipinagkaloob ng Panginoong Jesucristo ang karapatang magtali at magkalag, at ang kanilang pagtibayin sa lupa ay pinagtitibay sa langit. Kaya ang paglaban sa kanila ay katumbas ng paglaban sa Panginoong Jesus. Ganito inilarawan ni Apostol Pedro ang mga kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia:

“Datapuwa't lalong - lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop.  Mga pangahas, mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na magsialipusta sa mga pangulo.”
(II Pedro 2:10)

Tupad na tupad ito ngayon sa mga tiwalag at mga nagdeklarasyon na hihiwalay daw sa Iglesia na higit pang pinaniwalaan ang mga “paratang” kaysa sa pinagtiwalaan ng Panginoong Diyos na magturo ng Kaniyang mga salita:

“Allegations of corruption continue to plague the Church, unaddressed and unresolved that it has tainted everyone from the Executive Minister himself to the Sanggunian to district ministers and on down to the locale ministers. Thanks to corrupt and shameless ministers, the Church, which non-members used to look at with admiration, is now the object of ridicule and contempt. “Pera pera lang lahat yan”, they now say...  And yet, under this Administration, no investigation was ever done and no minister who was accused of corruption was ever suspended to ensure the integrity of the Church Administration. Instead, brethren who report the corruption wind up expelled, harassed and defamed.
“The underhandedness of the current Administration has not escaped our notice either. With the help of the Sanggunian, the Church Administration has successfully transformed God’s nation from a religious organisation into a Mafia, ordering the kidnapping and illegal detention of ministers they want to silence. They act as though they’re above the law, with no regard for basic human rights, as they harass, threaten and coerce, and even use the police force in carrying out their illegal activities. During election, they sell our votes, and indirectly, the sanctity of our doctrine on unity, in exchange for favors and personal material gain. They brazenly meddle in politics but when an incident happens where they feel they’ve lost control, they take that control back by asking members to take to the streets to clamor for “separation of Church and State”, exposing their hypocrisy to the public even more. And we, by virtue of our membership in the Church and our loyalty to the Executive Minister, are made to bear the shame and humiliation for their actions and decisions.”

Tupad na tupad sa kanila ang sinabi ni Apostol Pedro na “mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop.  Mga pangahas, mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na magsialipusta sa mga pangulo.” Dahil dito, ganito ang ipinasiya sa kanila ng ating Panginoong Diyos:

“Sapagka't kung ang Dios ay hindi nagpatawad sa mga anghel nang mangagkasala ang mga yaon, kundi sila'y ibinulid sa impierno, at kinulong sa mga hukay ng kadiliman, upang ilaan sa paghuhukom;
“Datapuwa't lalong - lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop.  Mga pangahas, mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na magsialipusta sa mga pangulo:
“Samantalang ang mga anghel, bagama't lalong dakila ang lakas at kapangyarihan, ay hindi nagtataglay ng paghatol na may alipusta laban sa kanila sa harapan ng Panginoon. Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng mga kinapal na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin, na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang lilipulin sa kanila ring pagkalipol.” (II Pedro 2:4, 10, 11-12)


(3) LUMILIKA NG PAGKAKAMPIKAMPI
AT PAGKAKABAHA-BAHAGI

Ano ang inihayag ng pag-alis sa Iglesia Ni Cristo ng mga tinawag ni Apostol Juan na mga anticristo na darating kapag malapit na ang wakas?

“Mga anak, malapit na ang wakas!  Tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-Cristo.  Ngayon nga'y marami nang lumitaw na mga anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. Bagamat sila'y dating kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon.  Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili sana silang kasama natin.  Ngunit umalis sila, kaya't maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.” (I Juan 2:18-19 MB)

Ang sabi pa ni Apostol Juan, “Ngunit umalis sila, kaya't maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.” Hindi sila mga tunay na kay Cristo o hindi mga tunay na Iglesia Ni Cristo. Ano ang isa sa kahayagan ng mga hindi tunay na kay Cristo, hindi tunay na naglilingkod kay Cristo?

“Ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, tandaan ninyo ang mga lumilikha ng pagkakampi-kampi at nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga aral na tinanggap ninyo; iwasan ninyo sila. Ang mga gayong tao ay hindi naglilingkod kay Cristo na ating Panginoon, kundi sa kanilang makasariling hangarin, at sa pamamagitan ng kanilang magaganda at matatamis na pangungusap ay inililigaw nila ang mga mapaniwalain.” (Roma 16:17-18 MB)

Hindi tunay na naglilingkod kay Cristo, hindi tunay na kay Cristo, hindi tunay na Iglesia Ni Cristo, ang mga naghahasik ng pagkakampi-kampi o pagkakabaha-bahahagi. Tupad na tupad ito sa mga tiwalag at humiwalay ngayon sa Iglesia Ni Cristo at kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia.


KUNG BAKIT HINDI MAAARING MAGING SA DIYOS,
KAY CRISTO AT MAGTATAMO PA RIN NG KALIGTASAN
ANG HIWALAY SA IGLESIA NI CRISTO

Inaangkin nila na ang deklarasyon nila sa paghiwalay sa Iglesia ay deklarasyon daw ng kanilang katapatan sa Diyos, at naniniwala rin sila na bagamat gawin nila ito ay mananatili silang sa Diyos. Ito ay isang malaking kasinungalingan sapagkat maliwanag sa Biblia kung kanino sila:

“Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo. Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.” (Santiago 3:14-16)

Hindi rin sila maaaring manatiling kay Cristo sapagkat ang “sangang hiwalay sa puno” ay hiwalay kay Cristo:

“Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa. Kung sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya'y  matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog.” (Juan 15:5-6)

Maliwanag din sa pananalita ng Panginoong Jesucristo na ang hiwalay sa Kaniya, sangang hiwalay sa puno, hiwalay sa Iglesia Ni Cristo, ay “ihahagis sa apoy at masusunog.”

Hindi rin maaaring magkaroon ng pakikisama sa Diyos at kay Cristo ang walang pakikiisa o pakikisama sa Pamamahala na inilagay ng Diyos sa Iglesia:

“Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo.” (I Juan 1:3)


SAMAKATUWID, NGAYONG ABRIL 30, 2016 AY MAKIKITA NATIN ANG ISA NA NAMANG MALINAW NA KATUPARAN NG IBINABALA NG BIBLIA NA PAGDATING NG MGA ANTICRISTO NA LILITAW KAPAG MALAPIT NA ANG WAKAS – SILA ANG MGA TIWALAG AT HUMIWALAY SA IGLESIA NI CRISTO NA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALANG INILAGAY NG DIYOS SA IGLESIA.

Mga kapatid, anuman ang mangyari at masagupa pa natin sa paglalakbay natin sa buhay na ito ay mahalin natin, pagtapatan at ingatan ang ating pagka-Iglesia Ni Cristo sapagkat ito ang hinihingi sa atin ng Panginoong Jesucristo:

“Subalit  kung kayo ay nananatiling [tapat, mga tunay na mananampalataya] hanggang sa [katapusan o kamatayan] kayo ay maliligtas.” (Mateo 24:13 CEV, salin sa Pilipino)

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)