08 April 2016

SAGOT SA "Hindi raw nasunod ang 'due process' sa pagtitiwalag sa mga kumakalaban sa Pamamahala"



Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo
007


Tanong:

“Hindi nga ba makatuwiran at walang katarungan ang pagtitiwalag ngayon ng Pamamahala ng Iglesia dahil hindi na nasusunod ang tuntunin o wala nang due process?”


Sagot:


Ang nagsasabing ang pagtitiwalag ngayon ay hindi na makatarungan at hindi na makatuwiran sapagkat diumano’y hindi nasusunod ang tuntunin o wala nang due process ay KAHAYAGAN NG KAMANG-MANGAN O NAGMAMANGMAANGAN SA DOKTRINA, TUNTUNIN AT KASAYSAYAN NG IGLESIA, AT SA TUNAY NA PANGYAYARI. Subalit, sa panig ba ng mga “Fallen Angels” (sapagkat sila’y dating mga ministro,  manggagawa, o maytungkulin, “kamangmangan” ba ito sa panig nila?


KAMANGMANGAN AT NAGMAMARUNONG LANG
SA TUNTUNIN SA PAGTITIWALAG

Ang mga tiwalag na kumakalaban ngayon sa Pamamahala ng Iglesia ay nagmamarunong lamang subalit nahahayag ang kanilang kamang-mangan sa tuntunin ng Iglesia. Pinipilit nilang i-apply ang isang “proseso” sa pagtitiwalag sa lahat ng sitwasyon o kalagayan. Ito ay mali at kamang-mangan.

Batid ng mga kaanib sa Iglesia, lalong-lalo na ng mga maytungkulin na may magkaka-ibang “sitwasyon” sa bawat “kaso” o paglabag. Mayroong nagiging paglabag ang isang kapatid na binibigyan pa siya ng pagkakataon, pinapayuhan, pinapagbabago upang huwag matiwalag. Halimbawa ay ang nasusumpungan sa paglalasing, pagsusugal at iba pang tulad nito. Sa tuntunin at proseso natin ay pinapayuhan sila ng mga maytungkulin, pinapagbabago. Kapag nagbago at tumigil ay hindi itinitiwalag, ngunit kung hindi nagbago o hindi tumigil sa paglabag ay itinitiwalag.

Subalit, may “paglabag” na kapag ginawa ay “agad” na ititiwalag. Halimbawa, nagpakasal sa ibang relihiyon, nagpabinyag ng anak, nabuntis na hindi naman kasal, at iba pa. Ang isang nagpakasal sa taga-sanlibutan at ikinasal sa ibang relihiyon ay maaari bang i-apply sa kaniya ang proseso na ginawa sa nasumpungan sa paglalasing, pagsusugal at iba pang mga paglabag na maaaring maituwid o makapagbago? Alam nating HINDI. Puwede mo bang sabihin sa nagpakasal sa ibang relhiyon na “Itigil mo na iyan at sa susunod ay huwag ka nang magpapakasal sa ibang relihiyon dapat ay sa Iglesia ka ikakasal sa mga susunod na pagkakataon ha?” Gayon din ang iba pang kaso na may katulad na sitwasyon.

May pagkakataon nga na kahit hindi na kausapin ang nasabing kapatid, lalo na’t ipinatatawag at siya pa mismo ang ayaw nang makipag-usap, kapag may matibay na ebidensiya tulad ng marriage certificate, mga larawan at matitibay na saksi, ang gayon ay itinitiwalag agad.

May “paglabag” pala na ang proseso ay binibigyan ng pagkakataon ang nasumpungan sa gayong paglabag, at may “paglabag” na agad na itinitiwalag. SUBALIT SA MGA TIWALAG NA KUMAKALABAN NGAYON SA PAMAMAHALA NA NAGMAMARUNONG, PARA SA KANILA IISANG PROSESO LAMANG PARA SA LAHAT NG PAGLABAG, KASO O SITWASYON.

Di ba’t ang iba sa kanila ay mga dating ministro at maytungkulin? Ang mga ito ay hindi nagmamarunong lamang, kundi NAGMAMANG-MANGAN sa talagang proseso ng Iglesia, kaya mga TALAGANG SINUNGALING AT NANLILINLANG LAMANG.


KAMANGMANGAN SA KASAYSAYAN NG IGLESIA

Noong 1922, may mga nagkalat ng paninira laban kay Kapatid na Felix Y. Manalo na siya raw ay naglayaw lamang sa Amerika noong magtungo siya rito noong 1919-1920 (parang katunog ng ipinaparatang ng mga tiwalag ngayon laban sa Tagapamahala  at sa mga katuwang niya). Nagpatawag noon ng Pulong si Ka Felix sa dating Tanggapang Pangkalahatan na dinaluhan ng mga ministro, mangagawa at mga maytungkulin at ipinatawag ang tatlong naulat na nagpapakalat ng paninira – sina Teofilo Ora, Januario Ponce at Basilio Santiago. Nang mapatunayan sa pulong na sila nga ang nagpapakalat ng paninira laban kay Kapatid na Felix Y. Manalo ay AGAD-AGAD NA ITINIWALAG SILA.

Kaya, kung nabubuhay noon ang mga tiwalag ngayon na kumakalaban sa Pamamahala ay tiyak na KUKUWESTIYUNIN nila ang Kapatid na Felix Y. Manalo at paparatangan na hindi makatarungan ang ginawa niyang pagtitiwalag sapagkat hindi dumaan sa karaniwang proseso na kakausapin muna ng maytungkulin, maaaring papagsalaysayin pa, kapag hindi nagbago ay ipatatawag at kakausapin ng ministrong distinado at pamunuan, kapag hindi nagbago ay ipapatawag at kakausapin ng distrito, at kung hindi nagbago ay saka hihilingin sa Pamamahala ang pagpapatibay sa pagtitiwalag. SUBALIT, ANG MAGSASABI NG GANITO AY HINDI NAG-IISIP.

Kung ang Tanggapang Pangkalahatan na ang nagpatawag o representative na mismo ng Tagapamahalang Pangkalahatan ang nag-usisa at nagsiyasat, ibabalik at padadaanin pa ba sa purok, lokal at distrito? Alam nating hindi na sapagkat tuwiran ng ang Tanggapang Pangkalahatan ang nagsiyasat hindi man sa pamamagitan mismo ng Tagapamahalang Pangkalahatan kundi ng kaniyang inutusan o pinagtiwalaan. Ito ang sitwasyon noon kaya agad-agad na itiniwalag sina Ora, Ponce at Santiago.

Tulad lang ito sa judicial system sa ating bansa. Kung Supreme Court na mismo ang humawak ng kaso at agad na pinasiyahan ang kaso, maikakatuwiran ba na naging mali ang proseso ng Supreme Court dahil pinasiyahan niya ang isang “kaso” na hindi na niya pinadaan pa sa lower courts? Hindi ba’t sa talagang pangyayari ay may mga kasong diretso na sa Supreme Court (lalo na kung may kinalamn sa national security o pambansang interes), at kung pasiyahan na ng SC ay hindi na maikakatuwiran pa na dapat padaanin sa lower courts? SA ATIN NAMAN SA IGLESIA, BAKIT KAILANGANG PABALIKIN SA LOWER LEVEL (PUROK, LOKAL AT DISTRITO) KUNG ANG MISMONG TANGGAPANG PANGKALAHATAN NA ANG HUMARAP AT HUMAWAK SA KASO?

Bukod sa mga natitiwalag na “kumakalaban sa Pamamahala” ay may mga natitiwalag din ngayon na iba ang kadahilanan sa kanila (paglabag sa pamumuhay Cristiano), subalit hindi nila kinukuwestiyon ang ibang mga itiniwalag (itiniwalag sa “paglabag sa pamumuhay Cristiano”). Ang kinukuwestiyon nila ay ang pagtitiwalag sa “mga kumakalaban sa Pamamahala.” Hindi ba’t ang  kinuwestiyon nilang ito ay ang mga itiniwalag NA ANG NAGPATAWAG, KUMAUSAP AT NAGSIYASAT AY ANG MISMONG TANGGAPANG PANGKALAHATAN? Ito palang nangyayari ngayon na ang Tanggapang Pangkalahatan ang kumausap at nag-usisa, at nang sa halip na magpakumbaba ay nagmataas o nagmatigas pa ay agad itiniwalag (na hindi na pinadaan sa purok, lokal at district level) ay HINDI ISANG BAGONG BAGAY KUNDI KALAKARAN NA MAGING SA PANAHON PA NG KAPATID NA FELIX Y. MANALO, at ang totoo ay maging sa panahon ni Kapatid na Erano G. Manalo.

Alam naman ito ng mga “Fallen Angels” dahil dati silang mga maytungkulin sa Iglesia, nagmamang-mangan lamang sila para lang palabasin na “masama” ang Pamamahala sa Iglesia.


KAMANGMANGAN SA DOKTRINA NG BIBLIA

Ang Pamamahala ay may “diskresyon” o may “awtoridad” na makapagpasiya ng mga bagay ukol sa Iglesia at may kinalaman sa paglilingkod sa Diyos. Ito ay nasa PANDOKTRINA na itinuturo sa lahat ng umaanib sa loob ng Iglesia. Ang tanong sa PANDOKTRINA ay “Ano ang karapatan ng Pamamahla ng Iglesia na magpasiya sa mga bagay ukol sa Iglesia o sa lahat ng may kinalaman sa paglilingkod sa Diyos?” Ang sagot natin ay mababasa sa Mateo 18:19:

Mateo 18:19
19Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.

Ang mga “Fallen Angels” sapagkat mga dating ministro, mangggawa at maytungkulin, noon ay naninindigan na itinuturo ng Mateo 18:19 na ang Pamamahala sa Iglesia ay may karapatang magpasiya sa lahat ng may kinalaman sa Iglesia at sa paglilingkod sa Diyos, na ang ipinasiya nila ay pinagtitibay ng Diyos sa langit. Noong sila’y matiwalag ay KINALABAN O SINALUNGAT na nila ito na dati nilang buong giting na pinaninindiganan. Bakit nila ngayon sinasalungat? Para pangatuwiran ang pagkakatiwalag sa kanila at pagtakpan ang katotohanan na sa kanilang pagkaka-alis sa Iglesia ay nangangahulugang wala na silang kaligtasan at karapatang maglingkod sa Diyos, hindi na sila sa Diyos at kay Cristo.

Kaya, sa bagay na ito, ang mga “Fallen Angels” ay nagmamaangmaangan sa katotohanan para makapanlinlang lamang.


KAMANGMANGAN O NAGMAMAANGMAANGAN
SA TUNAY NA PANGYAYARI?

Alam naman nila ang tunay na pangyayari subalit nagkakaila lang sila para ang maging “masama” sa harap ng iba ay ang Pamamahala ng Iglesia.

Gaya nang ating nakita, may “paglabag” na binibigyan ng pagkakataong magbago o tumigil, subalit may paglabag na kapag ginawa ay agad dinidisiplina o itinitiwalag. Sa ginawa ng mga Fallen Angels na pati ang kasagraduhan ng banal na pagsamba ay sinira, na sa kapulungan pa nga hayagang inilabas ang kanilang tahasang paglaban sa Pamamahala ng Iglesia, kaya makatuwiran lang na sila’y agad itiwalag.

Subalit, may mga kasamahan sila na binigyan pa ng pagkakataon na ipinatawag at kinausap, subalit may mga NAGMATIGAS at hindi na nakipag-usap, at ang iba naman ay nakipagkita subalit NAGMATIGAS pa rin at nakipagtalo o nakipag-away pa. Hindi ba’t makatuwiran lamang na sila’y itiwalag?

Sa mga napapaniwala nila, marami sa kanila ang binigyan ng pagkakataon at HINDI ITINIWALAG sapagkat NAGPAKUMBABA AT NAGPASAKOP.

SAMAKATUWID, NASUNOD ANG “DUE PROCESS”, “DUE” O
“AYON SA TUNTUNIN AT KALAKARAN NG
IGLESIA” ANG NASUNOD.

HINDI NAMAN KASI ANG “TUNTUNIN AT KALAKARAN NG IGLESIA” NA IPINATUTUPAD MULA PA NG UNA ANG “DUE PROCESS” NA HINAHANAP NG MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA, KUNDI ANG “DUE SA KANILANG GUSTO” O ANG “AYON SA KANILANG NAIS”. KAYA, ANG “DUE PROCESS” NA BINABANGGIT NG MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA NA HINDI NASUNOD AY IYONG KANILANG “GUSTO.”


THE IGLESIA NI CRISTO
Facebook.com/TheIglesiaNiCristo     theiglesianicristo.blogspot.com
Sagot sa Tanong, Pagtuligsa at Paninira sa Iglesia Ni Cristo
PART 007





2 comments:

  1. Mula pa man ng una - alam ninyo ang dapat gawin, subalit hindi ninyo ginawa bagkus ay inilagay ninyo sa kahihiyan ang buong Iglesia, binalak pa ninyong sirain ito. Malapit na araw ninyong mga naninira sa Iglesia, subalit habang may pagkakataon pa, magbalik-loob na kayo't talikdan mga kasamaang ginawa ninyo. Ipagpasa-Diyos na lamang ninyo lahat ng mga bagay.

    ReplyDelete
  2. Kayo Fallen Angels ang ayaw sumunod sa Due Process sapagkat ang gusto nyong masunod ay ang sariling tuntunin. Simulat simula p lng...me tuntunin n sinusunod sa loob ng Iglesia...nagmamaang mangan lang kasi kayo at feeling maraming alam. Bumalikwas n kau habang me panahon p...ang Ama kinakalaban nyo...

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)