13 August 2016

Nagpakatanggi-tanggi si Benito Affleck sa pagtaggap sa hamon sa kaniya



NAGPAKATANGGI-TANGGI SI BLESS GRACE HERNANDEZ AKA BENITO AFFLECK SA PAGTANGGAP SA HAMON NATIN SA KANIYA



 SA naging post ni Bless Grace Hernandez aka Benito Affleck patungkol sa ating hamon sa kaniya, ang sumatutal ay NAGPAPAKATANGGI-TANGGI SIYANG TANGGAPIN ANG HAMON NATIN SA KANIYA. Bakit daw siya ang hahamunin, ang sarili raw natin ang ating hamunin. Ito ay malinaw na pahayag ng isang duwag at walang prinsipyo.

Sagutin natin ang mga dahilan ng kaniyang pagtanggi sa ating hamon.

(1) BAKIT DAW MAY KONDISYON PA SA PAGLABAS NG EBIDENSIYA?

Ang reklamo ni Benito Affleck sa PAGKATANGGI-TANGGI niya sa pagtanggap sa hamon natin sa kaniya ay bakit daw hindi na lamang daw ilabas ang ebidensiya, bakit daw may “kondisyon” pa?

“Una, maglalabas kayo ng EVIDENCES na sina Ka Angel at Ka Marc ang may, ari, bakit hindi ninyo mailabas ? Bakit kayo magbibigay ng condition ? Hindi ba sabi nyo kanino ang "benefit of the doubt"

Bakit may ganito pa? Para once and for all ay tapos na agad ang usapan. Diyan makikita ang inyong “paninindigan” kung totoo nga ang inyong sinasabi. Ang totoo kahit sa buhay na ito ay ginagawa ang paghamon ng isang pinararatangan sa nagpaparatang sa kaniya. Halimbawa, kung ang isang tao’y pinararatangan na ang kasama niya ay kalaguyo niya, ano ang karaniwang tugon niya sa nagpaparatang sa kaniya? “Kung mapatunayan ko sa iyo na kapatid ko siya sa laman kaya hindi ko kalaguyo aaminin mo sa lahat ng narito na sinungaling ka at naninira ka lamang?” KARAPATAN NG PINARARATANGAN NA GUMAWA NG HAMON SA NAGPAPARATANG SA KANIYA.

Kayo ang nagpasimula ng pagpaparatang at pagbato ng kung anu-anong paninira at kasinungalingan laban sa IGLESIA, at sa PAMAMAHALA NG IGLESIA. KAYA KARAPATAN LAMANG NAMIN NA MAGHARAP NG HAMON SA INYONG NAG-AAKUSA SA AMIN.

Ang takot sa ganiyang “hamon” ay iyong mga “tsismosa” lamang na alam niyang kasinungalingan lamang ang kanilang pinagsasabi – TAKOT SAPAGKAT ALAM NIYANG MAY MATIBAY NA PINANGHAHAWAKAN ANG HUMAHAMON SA KANIYA.

Ano ang ikatatakot ni Bless Grace Hernandez sa pagtanggap ng “hamon” kung talagang sigurado siyang sila ang nagsasabi ng totoo? ANG NAGPAPAKATANGGI-TANGI SA GANIYANG HAMON AY ANG ALAM NIYANG SILA’Y NAGSISINUNGALING LAMANG. TAKOT MAPATUNAYAN AT MAKITA NG MADLA NA SILA’Y NAGSISINUNGALING LAMANG!

(2) HINDI RAW TOTOO ANG KANIYANG KASO KUNDI GAWA-GAWA LAMANG DAW NAMIN

“Huwag ninyo kong paandaran ng ganyan ninyong TIRADA , dahil FYI , wala pa nga kayong napatunayan ? At ano ang kaso ko? Yung mga gawa-gawa ninyong kaso ? Huwag ka ngayong feeling PAKIALAMERO , at hindi ako TANGA tulad niyo. Tama sinabi ko hindi ako pupunta sa laban na hindi preparado...kaya ko nga kayo sinasagot eh.”

Simpleng-simple ang hamon namin sa iyo, “kung makapaglabas kami ng pertinenteng dokumento” na nagpapatunay na sina Angel at Marc ang nasa likod ng “Schutzengel Telecom” ay tatayo ka sa harap ng gate ng No. 36 Tandang Sora?” Aba, kung wala kang kaso at gaya ng inaangkin mo na gawa-gawa lang namin iyan, di ba walang pulis na dadampot sa iyo sapagkat  hindi naman pala talaga totoong may subpoena ka at warrant of arrest laban sa iyo. Kaya, ano ang ikatatakot mo na tanggapin ang hamon sa iyo?

Kung ang ikakatuwiran mo ay “kasi baka ako gawan ng masama o damputin ng mga kasabwat nilang mga pulis” – di ba maaari ka namang magsama ng media (na gaya ng lagi ninyong ginagawa), magsama ng mga kaibigan mong pulis, at isama ang iyong abogado (kahit naman suspindido si Trixie ay may Ahmed ka pa naman di ba?). Kaya, wala kang dapat ikatakot kung talagang totoo na wala kang kaso. DI BA ONCE AND FOR ALL AY PAGKAKATAON NA IYAN PARA MAPATUNAYAN MO NA WALA KA TALAGANG WARRANT OF ARREST? Kaya kung wala ka talagang kaso at warrant of arrest ay mas tatanggapin mo pa nga ang hamon.

Pero sa pananalita mo ay kitang-kita na takot na takot ka. Alam naming dalawang bagay kaya ka natatakot: UNA, alam mong totoo at matibay ang patotoo na hawak namin na sina Angel at Marc ang nasa likdo ng Schutzengel Telecom, kaya batid mong kapag tinanggap mo ang hamon ay matutuloy na tumayo ka sa harap ng gate ng No. 36 Tandang Sora; IKALAWA, totoo naman kasi na talagang may kaso ka at warrant of arrest (no bail pa man din).




 A Copy of Bless Grace's NBI Record

 A Copy of the Warrant of Arrest for Estafa


Simple lang iyan, Bless Grace Hernandez aka Benito Affleck: Kung kayo ang nagsasabi ng totoo ay hindi kayo matatakot sa anumang hamon sa inyo, subalit kung alam ninyong kayo ang nagsisinungaling at kami ang nagsasabi ng totoo ay talagang matatakot kayo at magpapakatanggi-tanggi sa hamon sa inyo.

Dahil sa ang maliwanag na kitang-kita ngayon ng mga tao ay NAGPAPAKATANGGI-TANGGI KA SA PAGTANGGAP NG HAMON, NATATAKOT KA.  

(3) HUWAG DAW SIYANG I-DARE DAHIL MAS MARAMI RAW SIYANG HAWAK NA PAPELES

“At huwag nyo akong -DARE dahil , anuman ang hawak ninyong papeles mas MARAMI akong hawak pang tapat diyan.”

Nakapagtataka ang takbo ng utak nitong si Bless Grace Hernandez. Huwag daw siyang i-dare dahil mas marami raw siyang hawak na ipangtatapat sa hawak naming ebidensiya. GANON PALA EH BAKIT KA NAGPAPAKATANGGI-TANGGI, DI BA DAPAT NGA MAS MALAKAS ANG LOOB MONG TANGGAPIN ANG HAMON?

Sa sinabing ito ni Bless Grace Hernandez, ang katumbas lang nito ay tulad ng isang nagsisiga-sigaan na nang hamunin siya ng iba ng away, ang sagot niya ay “huwag mo akong hamunin ng suntukan dahil kayang-kaya kitang patumbahin, SABAY TAKBO.” HALATANG-HALATA NA NAGYAYABANG KA LANG SUBALIT ISA KANG MALAKING DUWAG!

(4) ANG HAMUNIN DAW NAMIN AY ANG SARILI NAMIN HUWAG SIYA

“Pag ako ang naglabas ng mga LEGAL DOCUMENTS ...hindi ninyo alam kung paano at saan ko kinuha...kaya ang HAMUNIN ninyo sarili ninyo ..”

Iyan ang halimbawa ng isang taong nagtatapang-tapangan lang, subalit nang hamunin ang isasagot sa iyo ay “Kayang-kaya kitang labanan, pero bakit ako ang lalabanan ninyo, labanan ninyo ang sarili ninyo.” Naalala ko tuloy ang “aso” ng kapitbahay namin, “tahol ng tahol” na papalusob pa, nang harapin mo at ambahan ng suntok ay nagtatakbo na bahag na bahag ang buntot. IYAN ANG “BENITO AFFLECK” NG MGA “DEFENDERS” (O MAS DAPAT AY “NAUTOERS”) ISANG DUWAG NA NAGTATAPANG-TAPANGAN LANG.

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)