KRITIKA SA DIUMANO’Y PRIVATE COMPANY RESEARCH NI BENITO AFFLECK
Source: Bro. Hagia x Cristiana’s FB
KRITIKA SA DIUMANO’Y
PRIVATE COMPANY RESEARCH NI BENITO AFFLECK NA MAY PAMAGAT NA: Schutzengel
Telecom, Inc. A CORPORATION owned by INC Hierarchy (Posted August 11, 2016)
UNANG BAHAGI
Ang gagawin natin sa
pagkakataong ito ay susuriin natin ang artikulo na na-publish ng nagtatago sa
pangalang Benito Affleck. Uunahan ko na, kung ikaw yung klase ng taong
madaling mapaniwala makakita lang ng mga website at dokumento na hindi mo naman
naiintindihan na mala-fallen angels ay hindi ito para sa iyo.
Umpisahan natin dun sa title
na ibinigay niya sa article niya. Ano sabi mo? Schutzengel is owned by INC
heirarchy di ba? Fallacy of Presumption. So tinapos mo na istorya.
Binanggit mo na na sa INC yung Schutzengel, alam na naming kung ano
pinupuntirya mo. Gusto mong ituro sa amin kung sino ang may-ari ng STI di ba?
Edi sana man lang inumpisahan mo na walang halong bias. Ang tawag sa
ginagawa mo, mind conditioning. Unconsciously para sa mambabasa, binibigyan
mo na agad sila ng pre-existent bias and prejudice laban sa INC. Hindi ko
maintindihan kung Private Company Research ba o Investigative expose’ ang gusto
mong palabasin – o mas malala, gusto mo lang ng creative writing.
Diyan na tayo sa intro mo,
sabi mo. Ang THE IGLESIA NI CRISTO blogspot ay gumagawa ng cover-up at ng
mis-information. Tanong ko sayo, sino ba unang nagbulgar ng tungkol sa
Schutzengel? Diba yung blog na sinasabi mong cover-up? Naalala mo yung
collaboration ninyo ni Antonio Ebangelista? Diba sabi niyo binubulgar niyo ang
korupsiyon? O eeh kung talagang sa INC ang STI edi dapat noon niyo pa inilatag
yan. Hindi naman ganun kahirap hanapin yang issue na iyan. ABS-CBN News,
Telegeography, at iba pa. Hindi ang THE IGLESIA NI CRISTO ang nagko-cover-up.
Kayo ang noon pa eh ayaw kantiin yang topic na yan dahil alanganin at masusunog
kayo kapag ibinintang niyo sa Iglesia. O ngayon na ibinulgar ng TINC blogspot,
siyempre sasagot kayo. Yang ginagawa mong inunahan mo ng sabihing cover-up at
misinformation, ang tawag diyan ay causing cognitive dissonance.
Nililito ninyo ang mambabasa sa tanong na: sino ba talaga ang nagsasabi ng
totoo? Tapos babanatan mo ng mga pang-uri na stinky at dirty pati yung
pang-abay na maliciously? Beinto, nasa investigative research ka. Statistics at
documentary evidence ang kailangan naming hindi appeal to emotion at mga
qualitative modifiers.
So eto na, sabi mo nag-start
ka ng assignment mo sa Bloomberg. Siyempre, wala ka naman kasing ibang alam na
pang-cross reference na Private Company Research kundi kung ano lang yung
readily available sa Google. Hindi mo alam na may Business Reference Services
sa Science, Technology and Business Division ng Library of Congress. Wala kang
alam sa Ward’s Business Directory at sa Graham and Whiteside, dun and
Bradstreet at Hoovers. Hindi mo alam lahat yun. Kasi nga asa ka lang sa
internet. Hindi totoong sa Bloomberg ka naghanap. Tinype mo lang ang
Schutzengel Telecom at lahat ng may relative searches ay nilista mo. Ganun lang
kasimple. Tapos para magmukhang matalino ipapakilala mo ang Bloomberg. Para
ano? Para nga naman may appeal to authority. Benito, sa academic circles
at peer review hindi ka na papasa. Ano source mo? Wikipedia. Sana man lang
hinayaan mong sa Bloomber LP ka mismo maghanap ng pagpapakilala nila. Huwag
mong tangahin ang mga mambabasa mo. Dahil alam naming inosente ka pagdating sa
citing sources at bibliography. Eto ah free advise, yung mga superscript sa
Wikipedia, sundan mo lang, makikita mo yung sources. Simple cross-reference
skills lang yan.
At siyempre komo nga Bloomberg
ang source mo, pakiramdam mo naman omniscient ka na. Ganun ka eh. Hindi ka
aware sa tinatawag na disclaimer at terms of service ng data provider
nila like Capital IQ at Standard and Poor’s, pati dun sa liability clause nila
na nagsasabing hindi nila ginagarantiyahan ang truthfulness, accuracy,
legality, at completeness at ikaw na writer mismo, “assumes responsibilities
and obligations for decisions and advice you make”. Kaya ayun na nga. Binasa ko
na ng buo article mo. Ang dami mong pasikot-sikot. Kung sa dulo pala eh ididiin
mo ang Gerodias Suchiangco Estrella Law Firm, hindi mo na kailangan
magpaligoy-ligoy pa. Marunong ka sa intelligence di ba? Sana sinearch mo na din
na yung contact number na nandun sa profile ng Schutzengel sa Bloomberg ay
ireredirect ka sa isa sa abogado ng GSE Law Firm na ang office nila ay nasa ADB
Avenue Ortigas Center. Oh eto tanong ko sa iyo ngayon. Paano nangyare na ang
company address sa Bloomberg ay Central Avenue Quezon City pero ang contact
number ay located sa Ortigas, Pasig? Hindi mo masasagot iyan.
Masyado ka kasi nakaasa sa
Google search at sa ipinagmamalaki mong Bloomberg.
IKALAWANG
BAHAGI (08142016)
Ngayon lulundag ka sa Republic
Act 9857. An ACT GRANTING THE SCHUTZENGEL TELECOM, INC. A FRANCHISE TO
CONSTRUCT, INSTALL, ESTABLISH, OPERATE AND MAINTAIN TELECOMMUNICATIONS SYSTEMS
THROUGHOUT THE PHILIPPINES.
Tandaan mo Benito, batas na
ang pinapakialaman mo. Para ano? Wala lang. Basta makpag-cite ka lang ng batas
pero as usual sasablay ka sa statutory interpretation mo. Pinag-aralan mo yung
Republic act di ba? Sige bonus round na sa iyo. Saan diyan sa batas na iyan
tumuturo sa INC hierarchy? Wala. Para lang maintindihan mo, iyang RA 9857 ay
una munang House Bill 6612 at consolidated sa Senate Bill 3387. Kailan
nagumpisa ang Third Regular Session ng Fourteenth Congress? July 27, 2009. Kaya
ang Schutzengel kalian ang incorporation? Hindi mo alam? Mamaya malalaman mo.
Basta ang base date natin ay July 27, 2009 pababa. Si Ka Eduardo na ba
ang Tagapamahalang Pangkalahatan noon? Hindi pa. Ang ginagawa mo kasi Benito
kaya ka nababalahaw ay showbiz nit-picking of historical data. Oo totoo
na may Schutzengel, totoo na may RA 9857, totoo na may congressional franchise.
Ang problema isisisi ninyo sa wala namang kinalaaman sa mga pangyayaring ito.
Sa inyo baliktad ang cause and effect (causality). Para sa inyo, may
naganap na anomalya noong hindi pa si Ka Eduardo ang Namamahala kaya siya ang
may pagkukulang. Benito, huwag mong hayaang itulak ng kabayo ang karitela
ha? Nahuhulog kayo sa pagka-absurdo.
Diyan na tayo sa sinasabi mong
2010 na nag-apply ng 3G application ang STI. Ano nanaman ang sasabihin mo?
Nakakita ka lang ng loans at credits pati internally generated funds sasabihin
mo nanaman ninakaw ng Sanggunian ang internally generated funds tapos ibinaon
sa utang ang Iglesia? Benito business entity concept ha? Magkaiba ang INC at
ang Schutzengel. Mamaya din malalalaman mo kung sino ang talagang stockholders
ng STI. Saan galing ang internally generated funds nila at sino yung mga
nag-loans o nangutang. At please, huwag mong gawing hobby na tinatanga ang
mambabasa mo ha. Capex at Equity infusion ay alam na alam namin. Ang problema,
hindi mo kayang patunayan na ang may kagagawan eh yung sinasabi mong INC
hierarchy.
4.37 Billion Capex?
Mage-expect ka ng 22 Billion projected revenue sa loob lang ng limang taon?
Alam mo Benito kung tutuusin lang, mahina ang ganyang kaliit na halaga bilang
Capex. Sa feasibility studies, research, development at execution pa nga lamang
ay umutang ang Globe Telecom PH ng tig 7 Billion sa Philippine National Bank,
sa Metro Bank at sa Land Bank sa March at October 2015 at March 2016. Tapos
ibabangga mo ang Schutzengel na 4.37 Capex for a beginner? Napakataas ng
expectation nila ng 22 Billion Revenue sa limang taon lang.
Sundan lang natin, mamaya si
Benito mismo ang kokontra sa mga sinasabi niya. Ngayon, sa news article na
binanggit niya, mapapansin na puro underline at box sa mga hindi naman
importanteng detalye pero nag take for granted pagdating dun sa P531 Million
initial capitalization. Babalikan nanaman ni Benito yung kesyo walang
nakalagay na owner sa Republic Act dahil komo si Ka Eduardo daw ang may-ari.
Mali nanaman ang pagkaakaintindi mo. Hindi mo siguro alam na ang RA 4916 (An
Act Granting the Eagle Broadcasting Corporation a Franchise to Establish,
Maintain and OperateRadio Broadcasting and Television Stations in the
Philippines) at ang RA 7299 ( An Act extending the franchise granted to the
Eagle Broadcasting Corporation) ay hindi rin binabanggit ang pangalan ng
may-ari?
Komo ba hindi binanggit kung
sino ang may-ari ay sa Ka Erdy na kaagad ang EBC? Mali ka nanaman.
IKATLONG
BAHAGI (08142016)
Sunod naman, ipapasok ni
Benito yung postdictum fallacy niya na kung saan lilituhin niya ang mambabasa
sa paraang wala pang naipapakitang ebidensya ay babanat na siya tungkol sa
issue na kung bakit ang PLDT at ang Globe Telecom ay nagkaroon ng 50-50
acquisition ng Vega Telecom Inc. Teka lang ah. Ano ba pinaguusapan natin ditto.
Patutunayan ni Benito na sa INC Hierarchy ang Schutzengel di ba? Kung ano man
ang business ng VTI, ng San Miguel Corp, ng Brightshare at ng New Century
Telecoms eh wala na tayong pakialaam dahil kahit paano natin halungkatin ang
mga General Information Sheet, Company disclosures at financial statements ng
mga corporation na iyan ay hindi naman lilitaw ang pangalan ng INC Hierarchy
diyan. Eh Bakit isinapaw ni Benito yan? Wala lang. Pandagdag impression lang na
matalino at investigative daw. Kasi nga, Google Search lang. At kung ano ang
lumabas doon tungkol sa Schutzengel Telecom papatusin na agad niyan mailahok
lang sa research daw niya. Napakaliwanag naman na ang Schutzengel ay seller ng
shares ng Bow Arken. At kung ibenta man nila ang share nila, katunayan lang ito
na ang Schutzengel ay hindi na isang kumikitang negosyo kundi isang pasara nang
corporation. Hindi naman kumikita eh. Ultimo shares ibinebenta na. Ano
katunayan? Ayun. Ikinanta din ng PLDT disclosure na ang halaga ng Bow Arken
shares na ibinebenta ng Schutzengel ay PHP575,995,788. Familiar ba sa inyo ang
figure na iyan? Ayoko na magsalita. Matatalino naman ang mga mambabasang
kapatid.
Eto matindi sa kalokohan ni
Benito. Diba ang layunin niya sa pagsusulat nung artikulo eh para ibulgar daw
na pagmamayari ng INC Hierarchy ang STI. Pero ang gagawin niya magsasapaw ng
non-sequitur at totally irrelevant topic. Kinasahan pa ng tanong na legal daw ba
ang merger? Una sa lahat Benito sana naintindihan mo na iba ang merger at ang
acquisition. Tingnan mo ah. 50 is to 50 acquisition ang Globe at PLDT. Noon
bang ang 50% shares ng Vega Telecom ay in-acquire ng PLDT nagkaroon ba ng new
company o kaya naman ay joint organization? Wala di ba? Ganun din naman sa
Globe. Sa gamit pa lang ng business terms ay mali ka na agad. Tapos itatanong
mo kung legal ang merger eh una ves, wala namang merger na nangyari. Ano sagot
mo sa tanong mo, kalokohan din diba? Sabi mo the “PCA said that… (tapos sabay
kopya nung ipinadalang notice nung Philippine Competition Commission na may a,
b, at c.)” Alam mo problema sa iyo, nakakita ka lang ng salitang prohibited at
illegal, nagkakasiya ka na. Huwag kang magpaulan ng katangahan dito Benito.
Naintindihan mo ba talaga kung ano yung PCA? Yun yung Philippine Competition
Act (RA 10667). O sige. Assignment mo yan. Saan sa RA 10667 nakasulat iyong
contents na may A B at C? Wala di ba? Intindihin mo kasi. Wala ka sa sarili
habang nagsusulat. San mo lang kinuha? Sa First Pacific Company na isa sa mga
companies ng Stock Exchange ng Hongkong at ang nakakatawa pa eh naroon nga sa
disclaimer nila yung tungkol sa accuracy. Alam mo, sana kung gusto mong malaman
kung legal talaga ang acquisition at hindi ka bias, sana nag-refer ka sa
Disclosure No 1178-2016 ng PLDT. Doon, sinagot nila ang PCC in a letter dated
June 10, 2016 ang tungkol sa enjoyment ng VTI Transaction ng Section 23 nung
sinasabi mong PCA kaya hindi na sila dapat subject sa Retroactive Review ng
PCC.
Eto naman ngayon, pati yung
resolution for inquiry for the purpose of aid of legislation ni Rep. Tomasito
Villarin. Ano nanamang sasabihin mo na lobbying against this ang Iglesia. Saang
lupalop mo nakuha yun. Wala diba. Tingnan mo ah. Dati ang Schutzengel gusto
makipagkumpetensya sa 3G race against Smart, Globe, Bayan at iba pa wayback
2009-2010. Ngayon naman iimbestigahan ng Senado kung papasa dahil sa ibinenta
nito ang shares ng Bow Arken. Kung nakakaintindi ka ng free market competition
sa economics, maiintindihan mo na ang dahilan kung bakit pinaiimbestigahan iyon
ay sapagkat kung lahat ng mahihinang telecom company ay ibebenta ang shares at
ipaaacquire sa iba, baka dumating ang panahon na wala ng competition sa telecom
industry. Magagawa na nilang magtaas ng presyo ng goods at services sapagkat
“duopoly” na ang mangyayari. Bakit nga ba ang dating gustong makipagsabayan sa
Globe at PLDT ay nagbebenta na lang sa kanila ng shares. Simple. Kasi nga hindi
naman nag-fluorish ang negosyo. Balikan ko yung business entity concept. Oh ano
kasalanan nanaman ng INC Hierarchy? Hindi! Kasalanan yan sa una pa lang nung
mga stockholders at officers ng Schutzengel. Walang dahilan para i-lobby ng INC
na hindi pumasa ang inquiry ni Rep. Tomasito Villarin. Maigi nga na gumulong na
iyan para kung kinakailangan ay ipatawag sa Senado ang mga officers ng seller
ng stocks ng Bow Arken.
IKAAPAT NA
BAHAGI (08152016)
Sunod binanatan mo na wala sa
listing ng Philippine Stocks Exchange ang Vega Telecom. Tapos sabi mo pa
imposibleng ma-establish ang accuracy ng investment sa shares sabay banat na
Midas Touch? Alam mo Benito wala namang supernatural diyan eh. Tandaan natin na
iba ang public company (that which stocks and shares are publicly traded)
at ang private company. Ano ngayon kung wala sa listing ng PSE? Kahit yung MDC
ay wala din sa listing ng PSE. Naalala mo dati nagawa mong makakuha ng GIS ng
Maligaya Development Corporation sa SEC? Ganon lang naman kadali iyon. Nandun
na ang stockholders at equity pati liabilities. Confidentiality kaya illegal?
The SEC knows it at yung mga nasa gobyerno. Alam natin ang prinsipyo ng Freedom
of Information. Hindi komo merong 4FOI ay halungkatan na ang mangyayari sa
kahit ano. Ang for public consumption lang ay yung mga may kinalaman sa
strategic security matters. Hindi mo kasi alam ang constitutional remedy ng
tinatawag na Habeas Data.
Eto na tayo ngayon sa sinasabi
mong investigative ek-ek. Alam mo, napakahaba ng ginawa mong connect-the-dots. Ang
problema kasi sa iyo, puro kayo tamang hinala at maling akala. When there
is smoke there is fire. Yan ang paborito niyo. Baka akala mo tama lagi yun. Ang
tawag dun sa informal fallacies ay “jumping to conclusions o hasty
generalization”. Walan rationality, puro instinct. Pilit mong hinanap ang
Brightshare, Bow Arken at ang New Century Telecoms. At komo hindi mo mahanap
ang Brightshare at sumablay ka sa Cyprus. Binalikan mo na lang yung seller sa
disclosure ng PLDT na Attorney ng GSE. Yan ang sinasabi ko sa iyo. Wala ka
talagang alam sa intelligence at sa investigative work. Nagpaaikot-ikot ka na
sa GSE din pala ang babagsakan mo. Samantalang kanina pa kita hinihintay sa
finish line nung inumpisahan mo sa Bloomberg ay na-trace ko na kaagad sa
Ortigas yung naging connection ng Schutzengel at ng PLDT acquisition sa GSE.
Nirarambol mo kasi kaya napakarami mong nalilimutang detalye. Magaling ka sa
Google search diba? Balikan mo yung Bloomberg mo. Nandun yung sinasabi ko.
Eto ka na ngayon sa walang
katapusang appeal to authority at name dropping. Biruin mo ba naman lahat na
halos ng mga boss sa GSE at pati yung Executive Secretary ni President ay
isinasama mo pa. Para ano? Impertinent information that ought to be stricken
off sa thesis ng private company research ek ek mo. Ano naman ang pakialam mo kung
area of expertise ni Attorney Custodio yung loans, real estate, mining, gas
exploration at telecommunications? Kasalanan ba niya yun? Akala ko ba INC ang
binabangga mo ngayon nag-iba ka nanaman ng direksyon. Respeto sa GSE Law Firm.
Trabaho nila na harapin ang mga kliyente nila. Hindi mo mapatunayan ang kamay
ng INC hierarchy sa STI kaya yung GSE na lang ang binabangga mo. Mahiya ka
naman.
Second to the last, kinalawit
mo si Sir Pineda ng New Era University. Nagdamay ka ng sibilyan pwes sunog ka
ngayon. Saan mo kinuha yung vitae niya? Sa LinkedIn diba? Natural tama lang na
magsabi siya ng tamang impormasyon doon. Project involvement niya ang
Schutzengel. At least siya tanggap niya at hindi niya itinatanggi. Alam mo kung
ano ang tinatago mo? Yung katotohanan na dati siyang nasa Sound and Video
Facilities as Audio Systems Engineer from May 1994 to June 1998 at Radio
Communications at Engineer ng INC GEM Networks mula June 1994 to February 2011.
Kumbaga, sakop din siya nina Angel at Mark. O check mo yung timeline Benito.
Ito ang talagang
investigative.
2009, binuo ang
Schutzengel.
2010, sabi ni Yuson
nagkakaproblema na dahil hindi nga nagpapasakop sina Mark at Angel.
2011 natapos
ang tenure ni Sir Pineda sa GemNet.
October 31, 2012, launching
ng INCTV with Brother Angelo Erano Manalo as CEO.
O, sige ka ngayon. Kasalanan
ba ng kasalukuyang Pamamahala? Kung titingnan mo ang timeline. Kaalinsabay ng
pamamayagpag at sa pagbagsak ng barkadahan nina Mark at Angel sa GemNet nung
nainvolve sa Schutzengel si Sir Pineda. Ano magagawa niya eh yung dalawang
kolokoy ang boss niya noon. Pero alam mo kung ano pinagkaiba ni Sir Pineda kina
Yuson at sa iba pang Fallen Angel?
Si Sir Pineda kinakitaan ng
pagpapasakop sa Pamamahala at hindi sumama sa mga lumaban at ngayon ay lalo
pang pinagtitiwalaan sa saklaw ng kakayahan niya sa NEU-CET, at bilang Head ng
Engineering sa EBC. Ang nagpapakababa at nagmamasunurin ay itinataas ng Diyos.
IKALIMANG
BAHAGI (08152016)
Now, let us go to your
conclusion. Ito ang pinaka-absurdo sa lahat. Yung conclusions. Alam mo, ang
tawag diyan, hindi ka lang non-sequitur, circular fallacy ka pa. Yan yung
karaniwang nagiging fallacy kapag wala ka ng maipakitang ebidensiya. Teka lang.
di ba familiar ka sa mga bank heist? Kung may pinuno, sasabihin niya kaniya ang
pinakamalaking share kasi leader siya. Kapag tinanong kung bakit siya ang de
facto leader, sasagutin niya nang “kasi sa kaniya ang pinakamalaking share”.
Ganyan ka din Benito. Sa pagkahaba-haba ng ginawa mong research ek ek, ang
conclusion mo pagmamay-ari ng INC hierarchy ang STI which is totally irrelevant
to your data and fact-finding procedures. Ngayon kapag tinanong ka kung bakit
INC hierarchy ang may-ari, you will again put us into this piece of word salad.
Alam mo kung ano ang kailangan lang naman? Uulitin ko, naalala mo dati nung
nagpresent ka ng GIS ng MDC? Ganun lang kasimple yun. At hndi naman
napakabusisi kumuha ng dokumento sa SEC i-view. 1997 pataas ay available doon.
Pay per use yaan at mura lang naaman ang online transaction diyan. Yan tuloy
naunahan ka mag-post ni Ka Cristy Almenanza. That speaks for it all. Tanong
ng iba, bakit hindi mo ipinost yung GIS ng STI? Simple lang. Masusunog ka kasi.
Alam mong mahihirapan kang magpaliwanag sa mambabasa mo dahil yung
ebidensiya ay pumapabor sa amin at hindi sa iyo. Counter-productive pa sa iyo
yung dokumentong iyon dahil sa halip na makitang INC Hierarchy ang nandoon ay
nakita mo na Edgardo Villanueva at Emmanuel Vina ng #36 Tandang Sora ang
nandun. Kung tutuusin doon pa lang tapos na ang usapan eh. Hindi mo napatunayan
na INC Hierarchy ang may-ari. Lalo pang napagalaman na ang date of
incorporation ng STI ay May 2009.
Siyempre ikaw naman itong
tapang-tapangan, sabi mo gagamitin mo laban sa amin ang GIS ng STI? Ano ka ba
naman Benito. Kung talagang kaya mong gamitin laban sa amin iyan, dapat
inunahan mo na kami sa paggamit niyan. Hindi mo kaya dahil alam mong matatalo
ka kaya itinago mo na lang. Cover-up at its best. Tapos ngayon lang naglabas ka
ng article mo na kung saan ipinakita mo yung mga share holders na komo nga sabi
mo yung mga key positions na nasa GSE ay P 100 lang ang investment nila tapos
yung kay Edgardo Villanueva at kay Noel Vina na P25, 000, 000 hindi mo
ma-touch? Bakit? Simple lang. kasi nga masusunog ka. Hindi mo kayang pagbuhatan
ng kamay yung kakampi mo. Ano tawag mo dun? Corporate Fraud? Ano corporate
fraud dun? May Ponzi scheme ba? Share sale fraud? Account take-over? O kaya
naman ay Business Directory Fraud? Wala. Intra-organizational matters ng Schutzengel,
problema nina Edgardo Villanueva at Noel Vina yun kung bakit sila ang mga major
stockholder eh pumayag silang ma-control ng mga taga GSE yung key positions
gayong nasa kanila ang voting power. Sila may problema dun. Ngayon eto ka.
Hindi mo kayang patunayang sa INC nga ang STI. Kaya binira mo ng binira ang mga
taga-GSE. Ano sabi mo? Dynamic future of you or the Filipinos? Aba eh
talaga namang ang hina ng ulo mo Benito. Iyan ang tinatawag na “think of the
children” deviation. Komo hindi mo na kayang patunayan ang pinupunto mo,
aapila ka sa damdamin sa kinabukasan ng mga Pilipino. Tapos sasabihin mo that’s
how GSE earns money. Anong kikitain eh kakarampot ang shares nila at wala
namang naging major economic activity ang STI maliban na sa pagbebenta ng
200,000 shares ng Bow Arken. Sino kikita dun? Natural yung may pinakamalaking
share. Sina Noel Vina pa rin.
Aminin mo man o hindi, you
just tested the waters. Dalawang bagay yan. either may kopya ka na nung GIS
nung STI pero ayaw mong ilitaw. O talagang naghahagilap ka sa hangin at unaware
ka tungkol dito. Tama ang THE IGLESIA NI CRISTO. Aso ka nga talaga. Sa
pagkakataong ito, aso ka na nakikikain lang sa tira-tira. Nakiki-angkas ka lang
sa mga ebidensiyang nauna nang ipinakita. Yung pagbuo mo ng kung ano-anong
sagot dahil inilitaw na ni Ka Cristy Almenanza yung GIS, plan B na lang yun.
Primer pa lang yan sa mga
kalokohang pinaggagagawa mo sa mga dokumento at iba pa. Salamat at pinatunayan
mo lang sa amin na talagang ikaw ang reyna ng cover-up at ng blame game. Ikaw
ang pinakamalabong tao na wanna-be internet sensation. Ito ang pinakabasura
sa lahat ng investigative work na nabasa ko at ikaw ang pinakamalala
mapa-deductive o inductive reasoning. Benito tandaan mo, walang tatlo na
isa at walang bilog na parisukat. Principle of non-contradiction yan.
Dinaig mo pa yung mga
evolutionist na nag-hoax ng piltdown man para patunayan ang transitional fossil
daw sa last common ancestor ng chimpanzee at modern man. Sila kasi gumamit pa
ng hoax para maipakita yung connection. Ikaw, nakita mo nang kontra sa claim mo
yung ebidensiya pero sa huli conclusion mo pa rin ang ibibida mo? Ang kamukha
mo lang eto. Napatunayan na nina Galileo, Copernicus, at Kepler at kitang kita
sa telescopes ng NASA, terrestrial man o orbiting na ang mundo ang umiikot sa
araw kung gayon, ang araw ang umiikot sa mundo.
Ganyan ang logic and reasoning
the Benito Affleck way – tatak estapadora
ITUTULOY…
e kaya naman pala nangatiwalag ang mga fallen angels e, kung anu-ano palang milagro ang pinaggagawa mula po noong buhay pa ang ka Erdy.
ReplyDeletee kaya naman pala nangatiwalag ang mga fallen angels e, kung anu-ano palang milagro ang pinaggagawa mula po noong buhay pa ang ka Erdy.
ReplyDelete