Know the
whole truth:
GINAMIT LANG
NILA ANG PANGALAN NI KA ERDY PARA SA SARILING KAPAKINABANGAN
Sinamantala nina Angel at Marc ang kalagayan ni KA ERDY’s noong taong
2009 para maitatag ang SCHUTZENGEL TELECOM, subalit walang alam at walang
kinalaman ang kanilang ama ukol dito
NATATANDAAN ba ninyo ang RA
9857? Ang legislative franchise na ito ay ibinigay ng kongreso sa Schutzengel
Telecom noong July, 2009 at nilagdaan noong December, 2009 ng Presidente noon ng
Pilipinas.
Subalit, kinunsinti ba ni KA
ERDY ang kaniyang mga anak na sina Angel at Marc sa pagtatayo ng negosyong ito?
Ang totoo, kung ito ay nakarating sa kaalaman ng KAPATID NA ERANO G. MANALO ay
tiyak na hindi niya kukunsintihin o pahihintulutan ito sapagkat hinding-hindi
niya pahihintulutan ang anumang paglabag sa “Wastong Kondukta ng mga Ministro”
(ang ministerial ethic). Maliwanag na isinasaad sa “Wastong Kondukta ng mga Ministro”
na dapat na ihandog ng isang ministro ng Ebanghelyo ang kaniyang buong buhay sa
banal na ministeryo at hindi kailanman dapat makialam sa anumang gawain na
walang kinalaman sa kaniyang ministeryo, sa kaniyang gawain sa IGLESIA, sa
iniaatas sa kaniya ng PAMAMAHALA NG IGLESIA.
Nang itatag nina Angel at Marc
ang Schutzengel Telecom sila noon ay mga aktibo pang ministro ng IGLESIA. Kaya,
isang malinaw na paglabag sa wastong kondukta ng isang ministro ang kanilang
ginawang ito.
GINAMIT LANG NILA ANG PANGALAN NG KANILANG AMA,
NGUNIT WALANG KINALAMAN SI KA ERDY SA BAGAY NA ITO
PANSININ NA ANG SCHUTZENGEL
TELECOM AY NATATAG NOON LAMANG 2009! Samantalang ang KA ERDY ay namatay noong August,
2009. Balita noong 2009 na mahina na at bedridden na ang KA ERDY.
Hindi nila maitatatag ang
kanilang negosyo bago ang taong 2009 sapagkat tiyak na hindi sila
pahihintulutan ni KA ERDY. Nagawa pa ni KA ERDY ng pagsamba noong 2007, at kahit papaano ay may mga balita pa na
patuloy pa ring nakapagpapasiya at may kaunting aktibidad pa siya noong 2008. Ngunit,
hindi-hindi na nakita ang KA ERDY at walang anumang balita ukol sa kaniya noong
2009. Ito ang panahong ganap na itinago nina Tenny, Angel, Marc at Lottie ang
KA ERDY mula sa publiko, kahit kay KA EDUARDO at sa Sanggunian. Itinanyag nina Angel
at Marc ang kanilang mga sarili bilang “personal secretaries” ng KA ERDY, na
ang lahat ng ipararating kay KA ERDY ay sila ang magpaparating, at ang lahat ng
tagubilin ng KA ERDY (na ito ang kanilang pinalalabas) ay ipararating sa
pamamagitan nila. Ito ay pinatutunayan ng kanilang “punong tagalaglag” na si Joy
Yuson”:
“Walang plano si
Ka Erdy na magtayo ng PA kasi alam iyan nina Ka Angel at Ka Marc kasi sila ang
personal secretaries noon ni sir” [Kelly Ong, August 24, 2015]
Samakatuwid, walang alam at
walang kinalaman si KA ERDY sa pagkakatayo ng Schutzengel Telecom. Sinamantala
nina Angel at Marc ang kalagayan noon ni KA ERDY nang siya ay mahina na at bedridden
noong 2009. Ginamit ng magkapatid ang kaniyang pangalan at ang pangalan ng
IGLESIA upang makuha ang pagpapatibay ng Kongreso sa legislative franchise ng
kanilang Schutzengel Telecom.
TUNAY NA GINAMIT LAMANG NINA ANGEL
AT MARC ANG PANGALAN NG KANILANG AMA AT NG IGLESIA PARA SA KANILANG PANSARILING
KAPAKINABANGAN AT MAKASARILING LAYUNIN.
Nakakalungkot
na hindi nila iginalang at pinahalagahan ang DANGAL ng pangalan ng kanilang
ama, Ang Kapatid na Erano G. Manalo. Kung nagawa nila na gamitin ang pangalan
ng kanilang ama sa pagtatayo ng isang negosyo na lumabag sa tuntunin ng
ministeryo at sa doktrina ng Iglesia, kaya hindi rin kataka-taka na ginagamit
nila ngayon ang pangalan ng kanilang ama sa paninira sa Iglesia at sa kanilang
panganay na kapatid, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, para lamang sa kanilang
makasariling hangarin. Natupad lang kanila Angel, Marc, Lottie at kasama na ang
kanilang ina ang sinasabi ng Biblia na:
I Timoteo 6:10
“Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan;
na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang
kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.”
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.