14 August 2016

Inilaglag ni Benito Affleck ang sarili sa kaniyang baluktot na pangangatuwiran



INILAGLAG NI BENITO AFFLECK ANG SARILI SA KANIYANG BALUKTOT NA PANGANGATUWIRAN


SA kaniyang post noong Agosto 13, 2016 na hindi naman natin matawag na “tugon” sa ating hamon sapagkat nagpakatanggi-tanggi siya sa pagtanggap sa hamon. Sa kaniya namang post nang Agosto 14, 2016 (na limang oras lang ang pagitan sa kaniyang naunang post) ay "INILAGLAG" LAMANG NIYA ANG KANIYANG SARILI AT MAGING ANG MGA AMO NIYA.Siyasatin natin natin ang kaniyang naging sumunod na post:

(1) Sa ginawa niya na sa sumunod niyang post ay hindi na niya tinalakay ang ukol sa sagot namin sa mga idinadahilan niya kaya nagpakatanggi-tanggi sa pagtanggap sa aming hamon bagkus ay naglabas ng ibang isyu kaya lalo lang nagpapakita na TAKOT NA TAKOT SIYA SA HAMON.


(2) Sa sumunod niyang post ay iniwasan na niya ang PAGBANGGIT sa kaniyang “kaso” – hindi na niya masabing “gawa-gawa” lang namin dahil muli naming ipinost ang kopya ng mga warrant of arrest laban sa kaniya. Sa pagtahimik niya rito ay katumbas na rin na inamin niyang totoo na may mga pending cases siya sa korte na estafa at illegal recruitment, at may warrant of arrest na laban sa kaniya na ang latest pa nga ay may nakasulat na “no bail.” Bakit nga naman hindi matatakot na mahuli ng pulis, eh hindi na makapagpipiyansa.

(3) INILAGLAG NIYA ANG KANIYANG SARILI. Sa pagyayabang niya ay inilaglag niya mismo ang kaniyang sarili. Siya mismo ang nagpakita ng kahinaan ng kaniyang mga ebidensiya at nagpakita na malakas ang aming ebidensiya. Ang sabi niya:

“Ano yun kinuha ko rin sa Internet ? Akala ko ba mga "techy" kayo ? nasa 21st Century na po tayo ngayon at lahat nakukuha na ONLINE, kung bangko nga nakakapag transfer ng milyones at bilyones sa pamamagitan ng ONLINE ... RESEARCH works pa kaya ??”

Pagkatapos ay pinatunayan niya na ang ebidensiya namin ay hindi kinuha sa internet kundi isang pertinenteng dokumento:

“Yung from NON-STOCK to STOCK Corp ? Ano yung TYPO error lang ? Hindi katunayan... eto dokumento, na nag request kayo ng 6 copies ng SEC REGISTRATION na ginamit para sa abroad ...”

Isipin ninyo, siya na mismo ang “naglaglag” sa ebidensiyang hawak niya – nakuha niya sa internet, at siya rin mismo ang nagtaas (nagpatunay na matibay at mapagtitiwalaan) ang hawak naming ebidensiya – mga dokumento na galing sa SEC (Securities and Exchange Commission).

(4) PATULOY PANG INILAGLAG ANG SARILI. Ang latest post niyang ito ay SINALUNGAT ang sinabi niya sa huli niyang post na 5 hrs lang ang agwat ng dalawa. Ganito ang sinabi niya sa una niyang post:

“At huwag nyo akong -DARE dahil , anuman ang hawak ninyong papeles mas MARAMI akong hawak pang tapat diyan.”

Iyong mga “papeles” daw na hawak niya na marami at maipangtatapat niya sa hawak namin ay LEGAL DOCUMENTS:

“Pag ako ang naglabas ng mga LEGAL DOCUMENTS ...hindi ninyo alam kung paano at saan ko kinuha...kaya ang HAMUNIN ninyo sarili ninyo ..”

Wow. Subalit, after 5 hrs. sa kaniyang sumunod na post ay umamin ang “duwag na aso”:

“Ano yun kinuha ko rin sa Internet ? Akala ko ba mga "techy" kayo ? nasa 21st Century na po tayo ngayon at lahat nakukuha na ONLINE, kung bangko nga nakakapag transfer ng milyones at bilyones sa pamamagitan ng ONLINE ... RESEARCH works pa kaya ??”

LEGAL DOCUMENTS na kinuha niya sa internet? Hahh!

Ang sabi niya sa nauna niyang post ay “hindi ninyo alam paano at saan ko kinuha” NGAYON ALAM NA NAMIN, sa intenet na ikaw mismo ang may sabi!


(5) INILAGLAG NIYA ANG MGA AMO NIYA. Sa post niya ngayon ay SINASALUNGAT NIYA ANG MGA BOSS NIYA. Ang sabi ng mga Fallen Angels ay Walang kakayahan ang Iglesia na itayo ang Philippine Arena kaya nag-loan”. SINALUNGAT ITO NI BLESS GRACE. Sa kaniyang post ngayon ang sabi niya:

“Saan ninyo dinala ang mga KAPERAHAN na ni loan ninyo ? Hindi sa PA dahil may pera pa ang Iglesia nung pinagawa ninyo ang ARENA , yung phasing ng mga LOANS ninyo hindi yun ginamit sa panggastos sa PHILIPPINE ARENA ...ginamit ninyo yun sa ibang bagay na pang PERSONAL.. sabagay, mahahanap ko rin kung saan-saan ninyo dinala ang pera....”

Naku, tuwiran mong sinalungat ang post ni Antonio Ebangelista tungkol sa Philippine Arena na may pamagat pa na “Philippine Arena build through Loan”. Magagalit na naman si Lowell Menorca sa iyo niyan, baka itiwalag at sipain ka na naman? LOL

(6) TULUYANG IPINAHAMAK ANG MGA AMO NIYA. Ang “status quo” ay sina Angel at Marc ang nasa likod ng Schutzengel Telecom sapagkat una nang nabigyan ito ng paunang patotoo (prima facie). Sa halip na pabulaanan ay gumawa si Benito Affleck ng “counter accussations” na ang tunay daw na nasa likod ng STI ay ang PAMAMAHALA NG IGLESIA. Dahil dito, hinamon natin siya na maglalabas tayo ng pertinenteng dokumento na nagpapatunay na sina Angel at Marc talaga ang tunay na nasa likod ng STI. Subalit, nagpakatanggi-tanggi siya sa pagtanggap sa ating hamon. Sinagot natin ang mga idinadahilan niya sa pagtanggi. Ang sumunod niyang post ay “pawang pag-akusa lamang laban sa PAMAMAHALA, subalit wala pa siya hanggang ngayon na naipakikitang patotoo, ni kahit sa mga screenshots ng mga online news na pinost niya ay WALA KAHIT KATITING na mababasa na nagsasaad o nagli-link sa PAMAMAHALA na sila ang nasa likod ng STI. Subalit tayo ay nakapagbigay na ng paunang mga patotoo at mayroon pang mga pertinenteng dokumento na nagpapatunay na sina Angel at Marc ang nasa likod ng Schutzengel Telecom.

KUNG ANG ESTABLISHED NA NASA LIKOD NG SCHUTZENGEL TELECOM AY SINA ANGEL AT MARC SAMAKATUWID AY SILA RIN ANG NASA LIKOD NG PAGBEBENTA NG SHARES NG BOW ARKENS HOLDINGS AT NG PAGSASANLA NG MGA ARI-ARIAN NA ANG SABI NI BLESS GRACE AY PAG-AARI NG SAN MIGUEL.

(May bukod na artikulo ukol dito)

NAKU, SA LATEST POST MO (AS OF AUGUST 14, 2016), AY INILAGLAG MO NG HUSTO ANG MGA AMO M.
___________________________________________________

KAYA, TUNAY NA BALUKTOT ANG PANGANGATUWIRAN NI BLESS GRACE HERNANDEZ AKA BENITO AFFLECK NA ITO RIN ANG "NAGLAGLAG" SA SARILI NIYA AT SA MGA AMO NIYA.

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)