ANG ISA PANG
MAHALAGANG ITINATAG NI KAPATID NA FELIX Y. MANALO NA INSTITUSYON SA IGLESIA NI
CRISTO AY ANG PATAKARAN AT KALAKARAN SA PAGHAHANDA NG SUSUNOD NA TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN
“1. Ang pagpili
ng kahalili. Noong Enero 28, 1953, ipinahayag ni Felix Manalo sa kapulungan ng
mga ministro’t manggagawa na nagkakatipon sa kapilya sa Riverside, San Juan,
Rizal ang kaniyang balak na paghahanda ng lalaking itatalaga sa pamamahala ng
iglesia sakaling sumapit ang panahong siya’y pumanaw.
“Matapos
maipaliwanag ni Manalo ang kaniyang layunin at maihayag na ito’y nababatay sa
ginawang paghahanda ng mga unang lider na sinugo ng Dios sa mga hahalili sa
kanila, ito’y buong pagkakaisang pinagtibay ng kapulungan.
“Ang paghahalal
ng kahalili sa Sugong-Lider ay pinasimulan nang araw na yaon sa ganap na ika-2
ng hapon sa pamamagitan ng maningas na panalangin na pinangunahan ni Joaquin
Balmores. Pagkatapos nito ay ipinasok ang mga pangalang iminungkahi para sa
tungkuling nabanggit: Eraño Manalo, Isaias Samson, Sr. at Isaias Reyes. Ang
kapulungan ay nagkaisa kay Eraño Manalo upang siyang kilalaning Tagapamahalang
Pangkalahatan ng buong Iglesia pagkamatay ng Sugong-Lider.”
Sa makasaysayang araw na iyon,
bago isgawa ang halalan para sa hahaling TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN,
ipinahayag ni KAPATID NA FELIX Y. MANALO sa kapulungan ng mga tagapangasiwa at
mga pangunahing katuwang sa pamamahala sa IGLESIA ang BATAYAN SA BIBLIA nang
kanilang isasagawa – ang tulad ng paghalal at paghahanda na ginawa ni Moises
kay Josue sa paghalili sa kaniya bilang lider ng bayang Israel.
Pagkatapos na mahalal si KAPATID
NA ERANO G. MANALO na siyang hahalili sa Sugo bilang Tagapamahalang
Pangkalahatan, sinimulan ang pagsasanay sa kaniya ni KAPATID NA FELIX Y. MANALO.
Mula 1953 hanggang 1963 ay sinanay si Ka Erdy ng Sugo, kaya may sampung taon na
sinanay, inihanda at tinuruan ni KAPATID NA FELIX Y. MANALO si KAPATID NA ERANO
G. MANALO sa pamamahala sa IGLESIA NI CRISTO. Sa mga taong ito ng pagsasanay ay
unti-unting isinasalin kay KAPATID NA ERANO ang mga pananagutan ng TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN sa pamamahala sa IGLESIA. Kaya noong pinapagpahinga na ng Diyos
si KAPATID NA FELIX Y. MANALO ay tanggap na tanggap ng buong IGLESIA na si KAPATID
NA ERANO G. MANALO bilang kasunod na TAGAPAMAHALANG PANGKAHATAN ng IGLESIA NI
CRISTO.
Samakatuwid, hindi lang ang
itinatag ni KAPATID NA FELIX Y. MANALO ay ang patakaran na paghahalal sa hahaling
TGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN, kundi maging ang PAGSASANAY ng hahaliling
TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.
Ang itinatag na ito ni KAPATID
NA FELIX Y. MANALO noong Enero 28, 1953 ay naging isang INSTITUSYON sa IGLESIA
NI CRISTO (established practice) sa pagsunod ni KAPATID NA ERANO G. MANALO sa
pamamaraang ito ng paghahanda ng susunod na TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.
Ganito naman ang naging kasaysayan ng paghahanda sa susunod na TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN sa pagpanaw ni KAPATID NA ERANO G. MANALO ayon sa isang
eyewitness (isang ministro na naroon mismo sa pagtitipong iyon:
“Noong Mayo 6,
1994, sa pagtitipon ng mga tagapangasiwa ng distrito at ng mga pangunahing
kinakatuwang sa pamamahala sa Iglesia, isinagawa ang dalawang eleksiyon.
“Unang isinagawa ang eleksiyon sa pagiging Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan dahil sa kailangang ang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan ang magtutungo at mananatili ng ilang panahon sa Roma upang pahintulutan ng gobyerno roon na marehistro ang Iglesia Ni Cristo. Si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang nahalal bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan. Si Kapatid na Glicerio B. Santos, Jr. ang nagnomina kay Kapatid na Eduardo sa posisyong Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan.
“Unang isinagawa ang eleksiyon sa pagiging Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan dahil sa kailangang ang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan ang magtutungo at mananatili ng ilang panahon sa Roma upang pahintulutan ng gobyerno roon na marehistro ang Iglesia Ni Cristo. Si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang nahalal bilang Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan. Si Kapatid na Glicerio B. Santos, Jr. ang nagnomina kay Kapatid na Eduardo sa posisyong Pangalawang Tagapamahalang Pangkalahatan.
“Subalit, hindi
ba’t nabanggit ko sa iyo na dalawa ang eleksiyon? Alam mo kung bakit dalawa?
Pagkatapos ng eleksiyon para sa magiging Pangalawang Tagapamahalang
Pangkalahatan, muli nagsagawa ang kapulungan ng mga tagapangasiwa at mga
pangunahing ministro na kinakatuwang sa pamamahala ng Iglesia ng isa pang
eleksiyon. Ito naman ang eleksiyon para sa hahalili bilang Tagapamahalang
Pangkalahatan kapag pinapagpahinga na ng Diyos ang kasalukuyang Tagapamahalang
pangkalahatan noon. Ang nahalal na hahalili bilang Tagapamahalang Pangkalahatan
ay si Ka Eduardo pa rin, at ang nagnomina sa kaniya ay si Kapatid na Arnel A.
Tumanan.” [Panayam kay Kapatid na Pedro Briones Sr. noong Enero 21, 2001]
Kinabukasan, si KAPATID NA
EDUARDO V. MANALO ay nanumpa bilang PANGALAWANG TAGAPAMAHALANG PANGKAHATAN
(Deputy Executive Minister) sa isang ordenasyon na sinaksihan ng libo-libong
mga kapatid hindi lamang ng mga natitipon sa Templo Central, kundi maging mga
kapatid na natitipon sa iba’t iba pang panig ng daigdig. Sa loob ng labinlimang
(15) taon ay sinanay at inihanda ni KAPATID NA ERANO G. MANALO si KAPATID NA
EDUARDO V. MANALO. At sa pagpanaw nga ng KAPATID NA ERANO G. MANALO noong 2009,
si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ang humalili bilang TAGAPAMAHALANG PANGKAHATAN ng
IGLESIA NI CRISTO. Bago pa man ang petsang ito ay alam na ng buong Iglesia at
maging ng buong daigdig na ang inihandang hahalili ay si KAPATID NA EDUARDO V.
MANALO.
PANSININ PO NATIN ANG ITINATAG
NI KAPATID NA FELIX Y. MANALO:
Itinatag ni KAPATID NA FELIX
Y. MANALO ang paghahalal ng hahaliling TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN ng IGLESIA
NI CRISTO upang sa mata ng mga ministro at manggagawa, lalo na ng mga
tagapangasiwa at mga pangunahing katuwang ay makitang ang lehitimong hahalili
ay ang nahalal sa eleksiyong ito.
Sinanay ng maraming taon at
iniharap sa buong IGLESIA ang nahalal na hahalili bilang TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN upang sa harap ng Iglesia ay makilala nila ang lehitimong
hahaliling TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN at sa gayon nga ay naging magaan sa
buong IGLESIA ang pagtanggap kay KAPATID NA ERANO G. MANALO bilang kahalili ng KA
FELIX.
Ang katitikan (minutes) ng
nasabing eleksiyon noong Enero 28, 1953 ay ipinadala sa Securities and Exchange
Commission upang sa harap ng gobyerno o pamahalaan ng Pilipinas ay makita nila
ang “legal” na hahalili bilang TAGAPAMAHALANG PANGKAHALATAN sa pagpanaw ni KAPATID
NA FELIX Y. MANALO.
Higit sa lahat, ang
pagkakatatag ng institusyong ito ng paghahanda sa susunod na TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN ay udyok ng Diyos kay KAPATID NA FELIX Y. MANALO, kaya ang
nahalal noon at kaniyang inihanda ang sa harap ng Panginoong Diyos ay ang
lehitimong hahalili bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.
Ito rin ang NAGANAP kay KAPATID
NA EDUARDO V. MANALO. Inihalal siya ng kapulungan ng mga tagapangasiwa at
pangunahing katuwang sa pamamahala sa Iglesia upang sa harap ng mga ministro at
manggagawa ay maipakita na siya ang “legal” na hahaliling TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN sa pagpanaw ni KAPATID NA ERANO G. MANALO. Kaya pala, wala kahit
isang ministro o manggagawa, tagapangasiwa o pangunahing katuwang, ang tumutol
sa paghalili ni KAPATID NA EDUARDO V. MANALO bilang TAGAPAMAHALANG
PANGKALAHATAN noong 2009, sa pagpanaw ni KAPATID NA ERANO G. MANALO.
Ang katitikan (minutes) ng
nasabing eleksiyon ay isinumite sa Securities and Exchange Commission noon ding
1994 upang maging “legal” (naaayon at sinasang-ayunan ng batas) maging sa harap
ng Pamahalaan o gobyerno ang paghalili ni KAPATID NA EDUARDO V. MANALO kay KAPATID
NA ERANO G. MANALO.
Sinanay at ipinakilala ni KAPATID
NA ERANO G. MANALO si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO bilang hahalili sa kaniya na
TAGAPAMAHALANG PANGKAHALATAN sa loob ng labin-limang (15) taon (mula
1994-2009). Kaya nga ang katotohanang ito ay batid ng buong IGLESIA, ng lahat
ng mga kapatid, at ang totoo ay maging ng mga taga-sanlibutan bago pa ang
pagpanaw ni KAPATID NA ERANO G. MANALO noong 2009. Kaya isang katotohanan na sa
harap ng IGLESIA ay si KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ang “legal” na hahalili
bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN. Noong 2009 ay wala kahit isang kapatid ang
tumutol sa paghalili ni KA EDUARDO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN.
At sapagkat ang Panginoong
Diyos ang nag-udyok kay KAPATID NA FELIX Y. MANALO na itatag ang institusyong
ito, at Siya rin ang nag-udyok kay KAPATID NA ERANO G. MANALO na ipagpatuloy
ang institusyong ito sa paghahanda ng hahaliling TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN sa
IGLESIA, KAYA SA HARAP NG DIYOS AY SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ANG
LEHITIMONG HAHALING TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN KAY KAPATID NA ERANO G.
MANALO.
Ngayon lamang 2015, pagkalipas
ng anim na taon, saka lamang may tumutol sa paghalili ni KA EDUARDO, kaya
lumalabas na noong 2009 ay sang-ayon sila sa legalidad ng paghalili ni KA
EDUARDO bilang TAGAPAMAHALANG PANGKAHATAN, kaya hindi maling sabihin na IBA
TALAGA ANG LAYUNIN nila sa pagtutol NGAYON.
SUBALIT, TUMUTOL MAN NGAYON
ANG IBA, ISANG KATOTOHANAN NA SA HARAP NG PANGINOONG DIYOS, NG MGA MINISTRO AT
MANGGAGAWA, NG BUONG IGLESIA, KAHIT PA NG GOBYERNO NG ATING BANSA AT MGA
TAGA-SANLIBUTAN, SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ANG LEHITIMONG KAHALILI NI
KAPATID NA ERANO G. MANALO BILANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN NG IGLESIA NI
CRISTO.
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.