01 August 2015

May nagaganap bang pagnanakaw sa kabang-yaman ng Iglesia o sa abuloy ng mga kapatid??



ANSWERING THE “FALLEN ANGELS”
part 2

SAGOT NA PUNTO-POR-PUNTO SA MGA AKUSASYON NA
IBINABATO NG MGA "FALLEN ANGELS"

   

MAY NAGAGANAP BA NA PAGNANAKAW
SA KABANG-YAMAN NG IGLESIA?


ANG paulit-ulit pa na ipinangangalandakan ng mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala ay “ninanakaw” raw ng ilang mga ministro ang abuloy ng Iglesia. Ito ang sinasabi nilang matibay daw na katunayan na may kurapsiyon sa Iglesia at ang Iglesia ay wala na sa malinis at marangal niyang kalagayan na gaya nang una. Katotohanan ba ang sinasabi nilang ito o isang kasinungalingan lamang?


 Ang “Pagnanakaw” sa Kabang-yaman ng
Gobyerno o Isang Organisasyon

Madaling malaman kung may “pagnanakaw” na naganap o nagaganap – “nawala” ang yaman, salapi o mahalagang bagay na kinuha ng palihim ng iba (hindi ang may-ari o namamahala). Sa gobyerno, kapag sinabing “kurapsiyon” ay “pagnanakaw sa kabang-yaman ng gobyerno na ang salapi ng pamahalaan ay napunta sa bulsa ng ilang indibiduwal” – sa madaling salita ay “nawala ang pondo o salapi ng gobyerno at napunta lamang sa bulsa ng iba.”

Madaling matunugan kung mayroong “kurapsiyon” sa pamahalaan (national o local government unit) – bayad ng bayad ng taxes ang mga mamamayan subalit wala namang nakikitang mga proyekto o pinupuntahan ang buwis na ibinabayad ng mga tao. Sa isang organisasyon, negosyo o kahit pa sa tahanan ay may pagnanakaw na naganap kung “nawala ang salapi at hindi alam kung saan na napunta.”

Ito ang ibinibintang at pinalalabas ng mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala ang mga tinatawag natin na “Fallen Angels” – “abuloy daw  ng abuloy ang mga kapatid ngunit ibinubulsa lamang ng mga taga-Sanggunian.” Totoo ba ito?

May pagnanakaw nga ba sa  kabang-yaman ng Iglesia? May  nagaganap nga ba na pagnanakaw sa mga abuloy ng mga kapatid? Para mapatunayan nilang ito’y totoo, kailangang maipakita nila na “nawawala” ang pondo o salapi ng Iglesia, kailangang maipakita nila na walang napupuntahan ang “abuloy” ng mga kapatid, kailangang maipakita nila na sa “personal” o bulsa lamang ng iilan napupunta ang abuloy at hindi sa Iglesia rin.

Tingnan natin ngayon kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nagsisinungaling.


KITANG-KITA KUNG SAAN NAPUPUNTA
ANG “ABULOY” NG IGLESIA

Gaya ng ating nabanggit sa unahan, malamang na may kurapsiyon o pagnanakaw kung “bayad ng bayad ng buwis ang mga mamamayan subalit wala namang nakikitang ginagawa ang pamahalaan” at sa isang organisasyon ay “nagbibigay o nag-aabuloy ang mga miembro subalit wala ring nakikitang “pinatutunguhan.” Ito rin ang matibay na katunayang napupunta lamang sa bulsa ng ilan o mga indibiduwal kung wala nga namang nakikitang tamang napupuntahan ang “pondo” ng pamahalaan o isang organisasyon. Kaya, kung wala ring nakikitang napupuntahan ang abuloy o pondo ng Iglesia ay tama na may kurapsiyon, may pagnanakaw at naibubulsa lang ng iba, SUBALIT, KUNG KITANG-KITA NAMAN NA MAY NAPUPUNTAHAN ANG ABULOY O PONDO NG IGLESIA AY ISANG KASINUNGALINGAN LAMANG ANG PAGSASABING MAY KURAPSIYON, NINANAKAW LAMANG O NAIBUBULSA LAMANG NG IBA ANG ABULOY O PONDO NG IGLESIA.

Ano ba ang totoo? May maliwanag bang nakikitang napupuntahan ang abuloy o pondo ng Iglesia o wala?

Ang mga sumusunod ang mga gusaling natayo sa panahon ng pamamahala ni Kapatid na Eduardo V. Manalo (mula 2009 hanggang 2015):

(1) Philippine Arena, Philippine Sports Stadium at Philippine Sports Center
Sinimulang gawin noong 2011 at natapos noong 2014 (sa panahon ng pamamahala ni Kapatid na Eduardo V. Manalo). Pag-aari ng Iglesia at nakapangalan sa Iglesia at hindi ng isang indibiduwal lamang. Ang Philippine Arena lamang ay nagkakahalaga ng kabuuang P 9 bilyon (205 million US Dollars).

NOTA: Sinasabi ng mga kumakalaban sa Pamamahala na ang Philippine Arena ay katibayan daw ng “kurapsiyon” o “katiwalian”. BALIGTAD PO ATA? Sa “laki” ng Philippine Arena (ang largest domed arena in the world), hindi ba’t kung may kurapsiyon ay hindi makapagpapatayo ng ganito? Samakatuwid, ang Philippine Arena pa nga mismo ang malinaw at pagkalaki-laking katibayan na hindi nawawala o nananakaw lamang ang ating abuloy o ang pondo ng Iglesia, kundi may “pinatutunguhan.”

 
(2) New College of Evangelical Ministry Building
Ang bagong  gusali para sa College of Evangelical Ministry (ang paaralan ng mga nagmiministro) na ang gusali pa lamang ay nagkakahalaga na ng P900 milyon at ang mga kagamitan at pasilidad ay nagkakahalaga ng may 100 milyon, kaya may kabuuang halaga na 1 bilyon.



(3) Honorata De Guzman Building
Isang gusali na matatagpuan sa Central Office complex na kinaroonan ng mga opisina ng Legal Department at Finance Department ng Iglesia.

(4) Pilar Manalo Danao Multimedia Center
Isang gusali na matatagpuan din sa Central Office complex na kinaroroonan naman ng opisina ng Music Department.

(5) NEU Professional Building
Isang gusali na matatagpuan sa New Era University complex na kinaroroonan ng College of Medicine, College of Law at Graduate School.

(6) Mga Gusaling Sambahan
Hindi rin ipinagwalang bahala ang pagtatayo ng mga gusaling sambahan sa Pilipinas at sa labas ng Pilipinas (o sa iba’t ibang parte ng mundo). Ito ang buod ng mga naipatayong kapilya:

2011 – 119 (107 sa Pilipinas at 12 sa ibang bansa)
2012 – 139 (123 sa Pilipinas at 16 sa ibang bansa)
2013 – 154 (138 sa Pilipinas at 16 sa ibang bansa)
2014 – 168 (81 kapilya, 79 barrangay chapels at 8 sa ibang bansa)
2015 – 293 (mula Enero hanggang Hulyo lamang)

Ang kabuuang naipatayo mula 2011 hanggang 2015 ay 873.

NOTA: Samakatuwid, kung nagpatayo man ang kasalukuyang Namamahala sa Iglesia ng Philippine Arena at iba pang mga gusali na kailangan at ginagamit ngayon ng Iglesia, ngunit HINDI PA RIN IPINAGWAWALANG-BAHALA ANG PAGTATAYO NG MGA KAPILYA.

 Ang Bagong Gusaling Sambahan ng Lokal ng Capitol
Isa sa mga Gusaling Sambahan na naihandog noong 2014



(7) Iba pang naipatayong mga Gusali

Ang mga sumusunod ang iba pang mga gusaling naipa-ayos, nabili at naipatayo:

(a) 500 housing units para sa mga Yolanda victim
(b) INC Engineering and Construction building
(c) INC Minister’s Apartelle
(d) Green Condo
(e) Central Condo
(f) Net 25 building
(g) Building ng CEM Extension sa Rizal, Pampanga at Bulacan
(h) INC School for Ministry building sa California, London at Rome
(i) Iba pang mga gusali at pabahay sa iba’t ibang distrito
 
(8) Mga Gusaling Kasalukuyan pang Itinatayo
Sa kasalukuyan ay undersconstruction ang mga sumusunod:

EVM Convention Center
INC Museum
NEGH Extension
3 Building CEM dormitory (Central Avenue)
1 Housing condo (Central Avenue)
Housing para sa mga naglilingkod sa Iglesia
Housing para sa mga biktima ng Kalamidad
Mga Gusaling Sambahan sa iba’t ibang dako

Sa panahon din ng pamamahala ni Kapatid na Eduardo V. Manalo natatag ang INC TV at INC radio. Bukod na ang Net 25 at INC TV. Hindi tulad ng NET 25 na income generating, ang INC TV ay isang TV station na ang gugol ay binabalikat ng Iglesia. Mayroon na ring INC radio ngayon sa America. Sa Templo Central naman ay naipagawa ang Pipe Organ na nagkakahalaga rin ng milyon bago dumating noon ang Sentenaryo ng Iglesia.


KONKLUSYON

Samakatuwid, ang sinasabing may nagaganap daw na pagnanakaw ngayon sa abuloy ng mga kapatid o sa kabang-yaman ng Iglesia ay ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN. Ang sinasabi nilang nagaganap daw ngayon na “kurapsiyon” ay pinabubulaanan ng tunay na pangyayari o realidad – sapagkat sa realidad ay nananatili ang “transparency” ng Iglesia dahil patuloy na kitang-kita natin ang pinatutunguhan ng ating iniaabuloy – patuloy na may naitatayong mga mehoras at gusaling sambahan. Ang Philippine Arena, mahigit sa 800 gusaling samabhan, at iba pang mga mehoars at gusali na naipatayo ng Iglesia Ni Cristo ang matibay na katunayan na walang kurapsiyon sa Iglesia.

Pinipilit lang nilang palabasin na may “kurapsiyon” sa Iglesia upang maipakita na “walang kakayahan” ang kasalukuyang Namamahala sa Iglesia upang magawa nilang mahikayat ang mga kapatid na mag-aklas laban sa Pamamahala upang mailagay sa posisyon ang nais nilang mapuwesto.


Patuloy nating iisa-isahin at sasagutin ang mga paninirang ibinabato
nila ngayon sa Iglesia. Abangan ang mga susumod pa nating pagtralakay.


KUNG HINDI PA NINYO NABABASA ANG PART 1:


 

YOU MIGHT ALSO LIKE:

12 comments:

  1. Hindi nila mabubuwag ang Iglesia..

    ReplyDelete
  2. Ako po ay lubusang sumasampalataya na ni I sang kusing o kalahating kusing man lang sa anumang offerings na natatangap ng Iglesia sa mga kapatid ay ginamit o ginagamit o gagamitin sa mga bagay na hindi ang kapupuntahan ay para sa napakaraming gugulin ng Iglesia!

    At ang mga desisyon ng pamamahala tungkol sa paggugol ng mga pera sa pondo ng Iglesia ay itinuturing kong may gabay ng ating panginoon.

    Ihahayag po at ihahayag ng Ama kung me katiwalian na nangyayari. Alam ko din po na ang pananalapi sa Iglesia ay napakaselang bagay na ang tunay na myembro ng Iglesia ay hindi po magtataksil sa mga turo sa loob ng Iglesia.

    Patuloy po akong magaabuloy sa ating panginoon with cheerfulness in my heart.

    Ka EVM, Mahal na mahal po namin kayo...Lalo po sana kayong patnubayan ng ating Ama at ang banal niyang Iglesia.

    Sumasampalataya din po ako na in due time, GOD will show to the world, especially the enemies of His Holy Church, that the ones they are trying to destroy will stand mightily in the face of such accusations and allegations, and will never be shaken for He, our almighty GOD, will always be there to strengthen the entirety of the church, from all the true members of His holy church all the way up to ka EDUARDO V. MANALO, the man entrusted by Him to lead His people in these last days.

    Mga Kapatid, hwag nating sayangin ang ating pagkaIglesia ni Cristo...konti na lang ang ating ipagtitiis...malapit na po.

    Sana po ay lubusan po tayong magpakatatag.

    Let's pray, and pray,hard for our God to guide
    us.

    Happy 101st anniversary of the Iglesia ni Cristo!!!!! PRAISE BE TO GOD!!!!!!





    ReplyDelete
  3. Ang handog ng Iglesia ay nagagamit nito sa talagang kaukulan, at kitang kita naman kung saan napupunta at hindi maipagkakaila. Hindi kailanman sisirain ng Pamamahala ng Iglesia ang bagay na ukol sa Panginoong Diyos. Maraming salamat po Kapatid na Eduardo V. Manalo sa pagmamalasakit sa kapanan ng Iglesia.

    ReplyDelete
  4. Hindi man kami o ako dapat makialam sa panloob na usapin ng INC, subalit ang inyong mga Kapilya at ang Philippine Arena ay yaman na din namin, partikular sa Arkitekturang Pilipino.
    Nalulungkot ako na sa kabila ng inyong mga proyekto na hindi maikakaila na maipagmamalaki naman talaga ng isang Pilipino.
    Ang isang puno kapag hitik ng bunga, asahan ninyo maging ang pinakamalapit na tao sayo ay matutuksong bumato.
    Kung magpapatuloy ang inyong mga proyekto, hindi lamang mga INC ang makikinabang. Mula sa konstruksiyon hanggang sa operasyon ng anumang gusali ninyo, mga nakapalibot nito ay magkakaroon ng aktibidad pang ekonomiya. Sa makatuwid, maaaring pagsimulan kayo ng pag unlad sa anumang lugar.

    Ang mga isyu na inyong hinaharap ay isang hamon upang kayo lalu pang tumatag at ipakita na kapakipakinabag ang inyong mga proyekto.

    ReplyDelete
  5. Hindi po nila nalalaman sa una't-huli kung ano po ang Iglesia Ni Cristo. Kulang na kulang po ang kaalaman nila tungkol sa Iglesia Ni Cristo. Marami po sa kanila ay nadadaig lang sa usap-usapan para makumbinsi ang ilan para lumaban sa pamamahala. This is common sense po. Kung may Kurapsyon sa Iglesia Ni Cristo papaano po nagkaroon ng Philippine Arena? Bakit po nakapagpatayo ng mga gusaling sambahan sa maraming territoryo sa labas ng ating bansa? Dapat bago sila mag-isip o magbuka ng bibig ng hindi dapat. Ang Iglesia Ni Cristo ay kilalang-kilala na sa buong mundo at patuloy pang lumalago at dumarami pa ang mga kapatid. Dahil ito ay pangako sa huling araw marami pang tatawagin. Ang nanghihina sa pananampalataya ay nadadaig ng gawa ng diablo at ang matibay sa pananampalataya lalo pang naninindigan hanggang masapit ang putong ng buhay. Sana po maunawaan po nila.

    ReplyDelete
  6. Walang kurapsyon sa INC.. silang mga sumisira at tumutuligsa ang silang gustong mangurakot..

    ReplyDelete
  7. Isinasakdal mo ang sarili mong kapatid sa laman at sa pananampalataya sa mga taga sanlibutan... Felix Nathaniel Manalo, kaya hindi ka tinawag sa tungkulin sapagkat sa puso mo ay maroon kang masamang hangarin.

    ReplyDelete
  8. Kurapsiyon? Sa napakarami na pinagkakagastusan ng INC sa pilipinas and abroad para sa kabutihan ng pagsamba sa Diyos ng mga miyembro nito at ng ikatatatag ng pananampalataya ng mga kaanib sa iba't ibang panig ng daigdig, nagkamali ang mga naninira sa Iglesia ng piniling topic para sa kanilang lisyang layunin. Gabundok po ang mga ebidensiya ng napakaayos na Pananalapi ng Iglesia.

    ReplyDelete
  9. sabi nga sa kasabihan.." it takes one to know one" meaning ung mga taong naninira ngayon sa iglesia ay isang matibay na katibayan na sakanila din nggaling ang korupsiyon.. galit na galit sila kask inalis sila sa tungkulin kasi skla mismo ung korup..

    ReplyDelete
  10. Walang makahahadlang sa pagtatagumpay ng iglesia,binabato man tayo ng kahihiyan at kasinungalin tiyak na sila din ang aani niyan,sa kabila ng lahat lalo lng nilang pinagtibay ang pananampalataya ng mga tunay na iglesia ni cristo at sa mga madadala ng pag subok na ito sa atin sila yung mga natapon sa batuhan at buhanginan at biglang dumaan ang unos at silay natangay,para sa mga matatalino hindi ba lalong natatalos natin ang ama sa paglalagay nya ng magiting na pamamahala ,na handang sumunod at mag buwis ng buhay alang alang sa banal na iglesia na katawan ng ating panginoong hesus,MAHAL NA KA EDUARDO ISA KA PONG HUWARAN SA PAGLILINGKOD SA AMA AT SA ATING MANUNUBOS ANG PANGINOONG HESUCRISTO,,MAHAL NA MAHAL KAPO NAMIN,,IM ONE EVM...

    ReplyDelete
  11. Mahal na ka eduardo huwaran kapo ng tunay na mga lingkod ng ama at ng panginoong hesucristo salamat po sa ama sa pagkapili sa inyo upang kaming mga tupa ay inyong mapangunahal hanggang sa bayang banal....

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)