02 June 2015

Valido ba ang kanilang ebidensiya? "May Corruption nga ba Ngayon sa Iglesia? PART 3



MAY “CORRUPTION” NGA BA
NGAYON SA IGLESIA?
Part 3


 “Dapat ay authetic ang ebidencia at credible ang sources, kung hindi, ang sinasabing ebidencia ay hindi valido, hindi mapanghahawakan, at walang kabuluhan”



SA sinasabi ng mga “Kumakalaban sa Pamamahala” na “may corruption sa Iglesia” ang kanilang ibig sabihin ay “may pagnanakaw daw sa kabang-yaman ng Iglesia” o “ninanakaw daw ang handog ng mga kapatid.” Ipinagsisigawan nila ito sa social media sa kabila na may pahayag ang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, na “Walang corruption sa Iglesia” at nananatiling “Malinis at transparent ang Pananalapi ng Iglesia.” Sa kanilang tahasang pagsalungat na ito sa Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia, kayahindi isang kamalian na tawagin silang “Kumakalaban sa Pamamahala.”

Sa unang bahagi ng seryeng ito na “May Corruption nga ba Ngayon sa Iglesia?” ay napatunayan natin na sa pamamagitan ng “bunga” ng kanilang ginagawa, paraan o kilusan kung sino ang tunay na nasa likod ng kanilang kilusan.




Sa ikalawang bahaging ng seryeng ito ay napatinayan natin na sa dinami-dami ng mga ipinagsisigawan nila sa social media na diumano’y “ebidencia” (tinatawag nilang ebidencia, subalit ang totoo’y mga “akusasyon” pa lamang ang mga ito) na may nagaganap daw na pagnanakaw sa kabang-yaman ng Iglesia o sa handog ng mga kapatid ay pawang HINDI VALIDO sapagkat nahuhulog sa: (1) Hindi lohikal o taliwas sa realidad; (2) walang kinalaman sa tema o dapat nilang patunayan; (3) nauuwi lang sa “tsismis” (“rumor” o “hearsay”); at (4) kuwento lamang dahil walang maipakitang ebidencia.




Gaya ng atin nang nabanggit sa ikalawang artikulo ng seryeng ito, hindi tayo dapat agad na maniwala sa isang “akusasyon.” Ang isang “akusasyon” ay mananatiling “akusasyon” lamang at lalabas pa na isang paninira lamang kung hindi ito mapatutunayan. Ang tatlong proseso sa pagpapatunay sa isang akusasyon ay ang sumusunod:

(1) Valido ba ang akusasyon?
(2) Valido ba ang “ebidensiya”?
(3) Katangap-tanggap ba na isang konkretong katunayan”?

Natalakay na natin sa ikalawang bahagi ng seryeng ito ang una, talakayin natin sa bahagi ng seryeng ito ang ikalawa.


“VALIDO” BA ANG KANIILANG EBIDENSIYA?

Ang “ebidensiya” ay maaaring “materIal evidence” o “physical evidence” at mayroon ding ebidensiya na pahayag ng mismong saksi (“eyewitness”) o ang higit na mapanghahawakan ay ang pahayag mismo o pag-amin ng inaakusahan. Ang mga “ebidensiya” ay dapat na “valido” (na ang ibig nating sabihin ay mapanghahawakan o maaaring mapanghawakan).

Hindi ang nag-aakusa ang magpapasiya kung mapanghahawakan o hindi ang isang ebidenwiya upang magamit sa paglilitis o pagsisiyasat. Mayroon tayong magagamit na sukatan upang malaman kung “valido” o mapanghahawakan ba ang isang “ebidensiya” upang magamit sa paglilitis. Ito ang sumusunod:

(1) Genuine o authentic ba ang ipinipresenta na “katibayan” o “ebidensiya? Hindi “fabricated” o “fictitious.”
(2) Katanggap-tanggap ang ebidensiya para sa sinasabing kaso o akusasyon?
(3) May kredibilidad ba?

SAMAKATUWID, sa isyu na kung may corruption ba sa Iglesia (totoo bang ninanakaw ang handog ng mga kapatid), hindi lang pala ang “problema” ng mga Kumakalaban sa Pamamahala upang mapatunayan ito ay ang makapaglabas ng ebidensiya, kundi isa pang problema nila ay patunayang “valido” o mapanghahawakan ang “ebidensiya” na kanilang iprinisinta. Kaya, bago ninyo tanggapin o paniwalaan ang sinasabi ng mga Kumakalaban sa Pamamahala na mga diumano’y ebidensiya na may corruption sa Iglesia o ninanakaw ang handog ng mga kapatid ay siyasatin muna nating mabuti ang kanilang “ebidensiya.”


“Genuine” ba o “authentic” ang kanilang ebidensiya?
Hindi “fabricated” o “fictitious”

Ang ibig sabihin nito ay hindi “gawa-gawa” lamang nila ang “ebidensiya” na kanilang sinasabi. Halimbawa, ang kaso ay “pagpatay.” Ang nag-akusa ay hindi maaring sabihin lang niya na “may baril ako bilang ebidensiya.” Kaialangan niyang ilabas ang sinasabi niyang “baril.” At kung naglabas man ang nag-aakusa sa korte ng “baril” subalit nang siyasatin ang iprinisinta niyang baril ay “baril-barilan” pala o laruan lang, o gawa-gawa lang ng nag-aakusa, hindi rin ito mapanghahawakan bilang ebidensiya. Ang gayung ebidensiya ay ituturing na “gawa-gawa” lamang o “fabricated.”

Mapapansin natin na ang karamihan sa binabanggit ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ay hanggang banggit lamang subalit wala silang ipinakikita. Halimbawa, binanggit ang “money transfer” pero wala nasaan ang “reciept”? Binanggit ang O.R., ang D.R., binanggit ang dokumentong ito, nasaaan na? Samakatuwid, ang mga ganito’y hindi dapat paniwalaan, kundi dapat na ibilang na mga “gawa-gawa” lamang (“Fictitious” lamang).

Paano kung may maipakita? Tandaan natin na hindi sapat ang may maipakita lamang , kundi mapatunayan din na ito’y “totoo” (“authentic”). Tulad nga sa “baril” – ang inilabas naman ay “larawan” lang ng baril, o kaya ang inilabas ay “baril-barilan” o kaya ay “imitation” lang.

Ang mga Kumakalaban sa Pamamahala ay may inilalabas sa kanilang blog at post sa social media na mga larawan ng “dokumento” na nagpapatunay daw sa kanilang sinasabi. Subalit, sa isang may matinong pag-iisip ay HINDI ITO SAPAT at hindi ito basta paniniwalaan. Lalo na sa panahong ito na totoong napaka-unlad na ng teknolohiya na kahit anong “dokumento” ay kayang i-reproduce. Kaya, hindi sapat na ang mga Kumakalaban sa Pamamahala ay makapagpakita ng isang “dokumento” o “larawan ng isang dokumento,” ang isa pa nilang malaking problema ay ang patunayan ang “authenticity” ng gayung dokumento, kung hindi mapatunayan ang “authenticity” ay ibibilang ito na “gawa-gawa” laang (“Fabrication” lamang). Kung iiwasan nila ang pananagutang patunayang “authentic” ang ipinakikita nilang katibayan, alam na po ng lahat ang kahulugan nito.

Samakatuwid, milyon man ang maipakita nilang “mga dokumento,” kung hindi nila maipapakita o mapatutunayan ang “authenticity” nito ay patuloy pa rin na ibibilang ito bilang “fabricated documents” o gawa-gawa lamang nila.

Ganito rin sa “witness.” Tunay na “tao” ba o “personalidad” ang inihaharap na “witrness”? At kung may maiharap na tao ay siya nga ba talaga ang tinutukoy? Sa court of law, kahit nga sa barangay court ay hindi maaaring sabihin lang na “May isa pong nagsabi na nakita niyang siya ang pumatay.” Kailang ay i-identify ang sinasabi niya at patunayan niya na hindi “fictitious” o gawa-gawa lamang ang sinasabing “taong” ito. Hanggat hindi nai-i-identify o napatutunayang “totoong tao” ang sinasabi ng nag-aakusa ay ibibilang iyan na “fictitious” o “gawa-gawa” lamang.

Ganiyan ang ginagawa ng mga Kumakalaban sa Pamamahala. Mahilig silang magsabi na “Ang sabi ng isang ministro…” “ang sabi ng isang kapatid…” HINDI ITO MAPANGHAHAWAKAN sapagkat madaling gumawa ng “kuwento” at magpalusot na “kasi nag-iingat siya sa kaniyang seguridad eh.” Di ba’t obvious po na ito’y “alibi” lamang?

Napansin ba ninyo ang mga expose’ lalo na sa media at sa Senado? May ipriniprisinta silang mga “tao” (na nakatakip ang ulo o mukha) bilang “whistle blower.” Ito ay ginagawa nila upang ipakitang hindi “fictitious” ang sinasabi nilang mga tao. Subalit, HINDI GANITO ang ginagawa ng mga Kumakalaban sa Pamamahala. ANG MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA AY HINDI MAKAPAGPAKITA NG VALID NA KATIBAYAN NA “TUNAY NA TAO” AT HINDI “FABRICATED” LAMANG NILA ANG MGA SINASABI NILANG MGA “SUMULAT,” “NAGKUWENTO,” “NAGSABI” SA KANILA. KAYA, LUMALABAS NA PARA LANG SILANG “BLIND ITEM” SA ISANG TABLOID! Ang may mga matinong pag-iisip ba ay tatanggapin agad ang mga ito?

Samakatuwid, milyon man ang ilathala nila o i-post na mga sumusulat o nagpapadala sa kanila ng impormasyon, SUBALIT MAIBIBILANG PA RIN ANG MGA ITO BILANG FICTITIOUS.


Katanggap-tanggap ba ang sinasabing ebidensiya
para sa sinasabing kaso o akusasyon?

Hindi lang pala sapat na makapagpakita sila ng “ebidensiya” at mapatunayan nila na “authentic” ang ebidensiya, kundi dapat din na ang ebidensiya ay katanggap-tanggap ba sa nasabing kaso o akusasyon. Halimbawa, naglabas ang nag-aakusa ng pagpatay sa isang tao ng “baril” subalit sira naman pala ang baril o kaya naman ay hindi naman “baril” ang ginamit sa sinasabing kaso ng pagpatay kundi “kutsilyo.” Kaya, totoo mang “baril” ang inilabas, ngunit hindi ito katanggap-tanggap sa kaso.

Tulad lang ng isang ipinangalandakan ng isa sa mga kumakalaban sa Pamamahala. Nag-post siya ng larawan ng “recibo ng money transfer” at ang conversation sa text ng isang dating ministro (wala sa karapatan) na nanghihingi ng pera sa isang contractor. Sabihin man na tunay ang “resibo” at “tunay” ang conversation na ito, ngunit ito’y “ebidensiya” ng isang kaso ng pagmomolestiya ng isang wala sa karapatan sa isang contractor AT WALANG KINALAMAN SA ISYU NA PAGNANAKAW SA HANDOG NG IGLESIA.

MALI ANG PAGMOMOLESTIYA, SUBALIT HINDI ITO “KATIBAYAN” NA MAY PAGNANAKAW SA KABAN NG IGLESIA O PAGNANAKAW SA MGA HANDOG O ABULOY NG MGA KAPATID. Iyon namang kinikilala nilang “lider” ay naglathala ng mga artikulo ukol sa pagmomolestiya ng ILANG ministro  (siya rin naman ang nagsabi na marami pa rin ang mga ministrong tapat), inuulit po namin, mali ang pagmomolestiya subalit WALANG KINALAMAN sa diumano’y pagnanakaw sa kabang-yaman ng Iglesia o pagnanakaw sa handog o abuloy ng mga kapatid.

Samakatuwid, milyong “kuwento” man ang ilathala nila sa kanilang blog at i-post sa social media na mga diumano’y maling ugali o kagawian ng mga ministro at manggagawa, milyon mang “kaso” ng “pagmomolestiya” ang mailabas nila subalit HINDI ITO EBIDENSIYA SA SINASABI NILANG PAGNANAKAW SA MGA HANDOG NG KAPATID at HINDI ITO NAGPAPATUNAY sa kanilang akusasyon na “may corruption (raw) ngayon sa Iglesia.”

[Inuulit po namin na hindi namin sinasang-ayunan ang pagmmolestiya at hindi namin ito kinukunsinti, subalit IBANG ISYU ito at hindi katibayan ng sinasabi nilang may pagnanakaw sa handog o abuloy ng mga kapatid]


May kredibilidad ba ang sinasabing “ebidensiya?

Higit na tumutukoy ito sa mga “witnesses.” Kapag ang isang “material evidence” ay napatunayang “fabricated” o mapag-aalinlangan ang “authenticity” – ang gayon ay walang kredibilidad. Ganon din sa mga “witesses” o “sources” ay DAPAT HANAPIN ANG CREDIBILITY. Kung ang “witness” o “source” ay hindi “credible,” ang gayon ay tiyak na hindi magagamit sa pagpapatunay ng kaso.

HOW CREDIBLE THE WITNESSES AND SOURCES OF ANTONIO EBANGELISTA?

Noong Abril 30, 2015 ay naglathala si tonio Ebangelsita ng artikulo ukol sa DIUMANO’Y pagtitiwalag kay Ka Mark at Ka Angel na may pamagat na “Panalangin para sa mga Anak ng Ka Erano G. Manalo”:

“Pls share this to anyone and everyone... Ngayon tayo lalong dapat na magkaisa sa pananalangin sa Ama...

Kaya noong May 1, 2015 (kinabukasan) ay ganito ang ipinahayag nI Antonio Ebangelista sa kaniyang artikulo na may pamagat na “Ang Katusuhan ng Sanggunian”:

“Marahil at nakarating nap o sa inyong kaalaman, maging sa inyong mga kaibigan at mahal sa buhay sa iba’t-ibang panig ng mundo ang ukol sa di-umano’y pagbasa ng sirkular kung saan ay itinitiwalag na daw si Ka Angel at Ka Marc Manalo. Bago po ako naglabas ng official statement ko ay nakipag-ugnayan muna ako sa iba’t-ibang CREDIBLE SOURCES ng balitang ito upang matiyak na ito ay totoo. Sa tindi ng balita ay napakabilis nitong lumaganap at mabilis ding nakapagdulot ng galit, hinagpis at kaguluhan sa napakaraming mga kapatid sa buong mundo.” (Antonio Ebanghelista, “Ang Katusuhan ng Sanggunian” 1 May 2015 emphasis mine)

Pansinin ninyo ang kaniyang sinabi na “Marahil at nakarating na po sa inyong kaalaman, maging sa inyong mga kaibigan at mahal sa buhay sa iba’t-ibang panig ng mundo ang ukol sa di-umano’y pagbasa ng sirkular kung saan ay itinitiwalag na daw si Ka Angel at Ka Marc Manalo.” Upang matiyak daw niya na ito’y totoo ang sabi pa niya, “Bago po ako naglabas ng OFFICIAL STATEMENT KO ay nakipag-ugnayan muna ako sa iba’t-ibang CREDIBLE SOURCES ng balitang ito upang matiyak na ito ay totoo.” Tandaan ang sinabi niya na NAKIKIPAG-UGNAYAN daw siya sa iba’t ibang CREDIBLE SOURCES. Pagkatapos na umuugnay sa kaniyang iba’t ibang “CREDIBLE SOURCES,” kaya noon ding May 1, 2015 ay ganito ang kaniyang IPINAHAYAG sa madla:

“This JUST IN: Confirmed kababasa lang po ng Pagtitiwalag ng SANGGUNIAN kina Ka Marc at Ka Angel Manalo. Samantalang ang mga taong gaya nito na ie-exposè ko ay nanatiling kaanib sa Iglesia Ni Cristo. How ironic, kabi-kabilang panawagan sa Tanging Handugan, pagbebenta ng tickets sa Phil. Arena, Sapilitang pagbebenta ng Coffee Table Books, kabi-kabilang paglabag sa tuntunin at doktrina ang ginagawa ng Sanggunian, pagkatop ito, ITINIWALAG NA ANG KAPATID NA ANGEL AT MARK MANALO. Ngayon natin masasaksihan ang lubos na pagkilos ng kamay ng Diyos laban sa mga taong tampalasan!

Pansinin ninyo na si Antonio Ebanghelista mismo ang may sabi na “confirmed” na kababasa lang daw po pagtitiwalag kanila Ka Mark at Ka Angel. Tandaan natin na sinabi niyang “confirmed” pagkatapos nang ayon din sa kaniya ay pag-ugnay niya sa “iba’t ibang credible sources.”

CREDIBLE SOURCES NGA BA?

PANSININ PO NATIN NA SI ANTONIO EBANGELISTA ANG NAGSABI NA UMUGNAY SIYA SA “IBA’T IBANG CREDIBLE SOURCES” AT PAGKATAPOS AY SIYA RIN ANG MAY SABI NA “CONFIRMED”. Pagkatapos nito ay ano ang sumunod niyang sinabi? PAGKALIPAS NG SINABI NIYANG “CONFIRMED” AY NAGLAGAY SIYA NG “ERRATUM” (pagtutuwid) sa kaniyang artikulo na may pamagat na “Panalangin para sa mga Anak ng Ka Erano G. Manalo”). Ganito ang sinabi ni Antonio Ebanghelista sa kaniyang “erratum”:

“[ERRATUM: This message was posted after numerous reports reached us regarding the expulsion of Bro. Angel and Bro. Marc Manalo. After further investigation, we were able to pinpoint the source of the news that spread worldwide. It was actually a plot by the Sanggunian to spread this rumors to discredit any and all information coming from us. Unfortunately the elaborate scheme of Ka Jun Santos is only short-lived. Read the full article: ANG KATUSUHAN NG SANGGUNIAN…”

Ang paglalagay ni Antonio Ebanghelista ng “erratum” sa kaniyang artikulo ay PAG-AMIN NA SIYA’Y NAGKAMALI. Pansinin na inamin niyang siya’y magkamali pagkatapos na sabihin niyang “umugnay siya sa iba’t ibang credible sources” at sabihin niyang “confirmed.” At kataka-taka ba na ang Sanggunian ang kaniyang sisihin at sabihing sila ang may kasalanan sa kaniyang naging pagkakamali? Ano lamang ang pinatutunayan ng pangyayaring ito?

UNA, ipinakikita nito ang tunay na kulay ng kaniyang layunin: Gagamitin niya basta magagamit niya laban sa Sanggunian. PANSININ NA PAGKATAPOS NA SIYA’Y MAGKAMALI, ANG SANGGUNIAN PA RIN ANG KANIYANG SINISI SA KANIYANG PAGKAKAMALI. Lumalabas na hindi ang layunin niya ay ang maghayag ng totoong pangyayari kundi maglathala ng ikasisira ng mga taong kaniyang kinakalaban. Isang “gawa” o “layunin” na hindi maka-Cristiano.

IKALAWA, sinalungat ni Antonio Ebangelista ang sinabi niya na hindi siya naglalathala sa kaniyang blog ng “speculation.” Sa nakita ninyo na nangyari ay totoo kaya na hindi siya naglalathala ng “speculation” at totoo kaya na gumagawa muna siya ng verification”? Lumalabas na “pambobola” lamang ang sinabi niyang “umuugnay siya sa iba’t ibang cridible sources.”

IKATLO, hindi talaga “credible ang mga sources” niya o nagiimbento lamang siya (gawa-gawa lamang niya). Anuman sa dalawa (WALA TALAGA SIYANG “SOURCES” O HINDI “CREDIBLE ANG KANIYANG SOURCES), iisa lang ang pinatutunayan nito na HINDI CREDIBLE ANG KANIYANG “MGA EBIDENSIYA.”


PRISTINE TRUTH

YOU MIGHT ALSO LIKE:



 
 














 

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)