THE IGLESIA
NI CRISTO
facebook.com/TheIglesiaNiCristo
theiglesianicristo.blogspot.com
SI SAMSON AT
SI DE-LEILA:
Isang Paglilinaw sa Ginawa
ng Iglesia Ni Cristo na
“Pagkilos” sa harap ng DOJ
ANG isa sa katanungan ng
marami, lalo na ng mga hindi kaanib sa Iglesia Ni Cristo, ay bakit daw gumawa
ng ganitong “pagkilos” ang Iglesia Ni Cristo na tinututulan ang “aksiyon” na
ginagawa ng Department of Justice (DOJ) na pinangungunahan ni Sec. Leila De
Lima laban sa Sanggunian ng Iglesia? Ang isa sa pangunahing ipinakikipaglaban
ng Iglesia Ni Cristo ay ang kaniyang karapatan, ang tinatawag na “religious
freedom.” Ukol sa “religious freedom” ay ganito ang isinasaad ng isang desisyon
ng Supreme Court ng Pilipinas:
THE PHILIPPINE SUPREME COURT
ON RELIGIOUS FREEDOM
“The case at bar
takes us to a MOST DIFFICULT AREA OF CONSTITUTIONAL LAW WHERE MAN STANDS
ACCOUNTABLE TO AN AUTHORITY HIGHER THAN THE STATE. To be held on balance are
the states interest and the respondents religious freedom. In this highly
sensitive area of law, the task of balancing between authority and liberty is
most delicate because to the person invoking religious freedom, the
consequences of the case are not only temporal. The task is not made easier by
the American origin of our religion clauses and the wealth of U.S.
jurisprudence on these clauses for in the United States, there is probably no
more intensely controverted area of constitutional interpretation than the
religion clauses. The U.S. Supreme Court itself has acknowledged that in this
constitutional area, there is considerable internal inconsistency in the
opinions of the Court. As stated by a professor of law, (i)t is by now
notorious that legal doctrines and judicial decisions in the area of religious
freedom are in serious disarray. In perhaps no other area of constitutional law
have confusion and inconsistency achieved such undisputed sovereignty.
Nevertheless, this thicket is the only path to take to conquer the mountain of
a legal problem the case at bar presents. Both the penetrating and panoramic
view this climb would provide will largely chart the course of religious
freedom in Philippine jurisdiction. That the religious freedom question arose
in an administrative case involving only one person does not alter the
paramount importance of the question for THE CONSTITUTION COMMANDS THE POSITIVE
PROTECTION BY GOVERNMENT OF RELIGIOUS FREEDOM -NOT ONLY FOR A MINORITY, HOWEVER
SMALL- NOT ONLY FOR A MAJORITY, HOWEVER LARGE- BUT FOR EACH OF US.”
[Estrada Vs Escritor,
Philippine Supreme Court Decision, A.M. No. P-02-1651. August 4, 2003]
Wala pong hangarin ang Iglesia
Ni Cristo na ipakita na higit siyang mataas kaysa sa estado, kundi iginigiit
lamang ang kaniyang KALAYAAN (“religious freedom”) at KARAPATAN na ipagtanggol
ang sarili laban sa anumang panggigipit at pagsikil sa karapatan lalo na ng
gobyerno o nasa gobyerno.
Upang ganap na maunawaan ng
lahat ang ukol sa ipinakikipaglaban ng Iglesia Ni Cristo, amin pong
ipinakikiusap sa lahat na alamin po muna natin ang tunay na pangyayari.
SI SAMSON
Hindi sinasabi ng Iglesia Ni
Cristo na hindi dapat makialam ang gobyerno sa Iglesia kahit pa may nalabag na
batas. Subalit, sa “kaso” ba ni Jun Samson ay tunay bang may nalabag na batas? Tunay
bang may naganap na “Illegal detention”?
Si Isaias (“Jun”) Samson, Jr.
ay isang dating kabilang sa Sanggunian ng Iglesia Ni Cristo (Church Advisory
Council). Siya ang nangangasiwa noon ng Foreign Department (Overseas Mission
Department) ng Central Office. Subalit, siya ay na-demoted, nababa sa mataas na
posisyon at naging “tagapangasiwa” na lamang ng babasahing PASUGO. Sa mga hindi
nakaka-alam, di hamak po na mas mataas na posisyon ang head ng Foreign
Department (na kabilang pa nga siya noon sa Sanggunian) kaysa “editor-in-chief”
ng PASUGO (isang seksiyon lamang ng Evangelism Department ng Central Office).
Noong July, 2015, dahil sa
matitibay na ebidensiya na siya ay sangkot sa “kilusan” na paghahasik ng
pagkakabaha-bahagi sa Iglesia, siya ay sinuspinde. Dahil dito, sinabihan siya
na manatili siya at ang kaniyang sambahayan sa kanilang tahanan habang
sinisiyasat ang kaniyang kaso at hintayin ang pasiya ng Tagapamahalang
Pangkalahatan ukol sa kaniya. Hindi na siya naghintay na matapos ang
pagsisiyasat at makapagpasiya ang Pamamahala. Siya ay “tumakas.” Nagtago siya
at ang kaniyang pamilya na nag-upload ng ilang video sa Youtube at
nagpa-interview sa media. Nitong huli ay muli siyang lumitaw, kasama ang
kaniyang mag-ina, at muling nagpa-inteview sa media. Pagkatapos ay “pumutok”
ang balita na tinulungan siya ng DOJ na magsampa ng kaso na “illegal detention”
laban sa mga miembro ng Sanggunian.
Kitang-kita naman ang
pagsisinungaling ni Jun Samson na sila daw ng kaniyang pamilya ay “illegally
detained”: (1) noong araw na sinuspinde na siya ng Pamunuan ng Iglesia Ni
Cristo, noong gabi ay malaya siyang nagtungo sa tahanan ng kaniyang kasamahan
sa opisina na si “Ka Celing” na nagsabing siya ay sinuspinde na at
nakipagkuwentuhan pa si Jun sa kaniya; at (2) ang sinabi niya mismo na kaya daw
sila “nakatakas” ay dahil daw sinabi niya sa guardia na siya at ang kaniyang asawa
at anak ay sasamba ay nagpapakita nga na siya nga ay nagsisinungaling.
Sa hindi nakaka-alam, ang dako
na kinaroronan ng tahanan ni Jun Samson ay wala sa loob ng Central Office
complex at hindi katabing-katabi ng Templo Central kundi may humigit-kumulang
isang kilometro ring lakarin (na babagtasin pa ang Tandang Sora Avenue at Commonwealth
Avenue para marating ang Templo Central). Kung totoo na siya ay “illegally detained,”
bakit sila pinayagan ng guardia na lumabas ng compound at maglakad na walang
escort o bantay para sumamba (magtungo sa Templo Central)?
Ang Iglesia ay may
ipinatutupad na disiplina sa mga ministro. Ang pagsuspinde at ang pananatili sa
tahanan habang sinisiyasat ang kaso at naghihintay ng pasiya ng Pamamahala ng
Iglesia ay isang karaniwang kalakaran at hindi maituturing na “illegal detention.”
Alangan namang ipagtabuyan agad-agad sa tinatahanan kung sinisiyasat pa ang
kaso? Alam na alam iyan ng buong Iglesia na maghihintay ka muna sa iyong
tahanan na suspindido sa iyong mga gampanin at pananagutan habang naghihintay
na matapos ang pagsisiysat at makapaglapat ng pasiya ang Pamamahala sa kaniyang
kaso.
Bilang dating kabilang sa
Sanggunian at ministro, maraming nakitang ganitong sitwasyon noon si Jun Samson,
ngunit hindi niya tinignan at isinigaw na “illegal detention.” Ngayon siya ang
nagka-kaso ay sumisigaw siya ng “illegal detention.” Kaya dito ay kitang-kita
natin ang “buktot” na layunin ni Samson sa pagsasampa ng kaso laban sa
Sanggunian.
SI LEILA DE LIMA
Masyadong binigyan ni Sec. De
Lima ng “special treatment” ang dating ministro na ngayon ay tiwalag na sa
Iglesia Ni Cristo na si Jun Samson. Siya mismo ang gumagabay sa pagsasampa ng
kaso ni Samson laban sa Sanggunian ng Iglesia Ni Cristo. Kapansin-pansin ang
kaniyang pagiging “bias” sa isyung ito. Ang kaso ng “Mamasapano” kung saan ay
44 na mga miembro ng SAF ang napatay ay hindi nagbigay si De Lima ng “special
treatment” dito na gaya ng ibinigay niya sa kaso ni Jun Samson kung saan ni “isang
lamok ay walang namatay.”
Sabi ni De Lima ay ginagawa
lamang daw niya ang kaniyang katungkulan. Ginagawa lamang ang katungkulan? MAS
PINAGTUUNAN NI DE LIMA NG PANSIN ANG “ALLEGED ILLEGAL DETENTION” KAYSA SA MALINAW
NA “44 COUNTS OF MURDER”!
Tandaan na balitang-balita na
kakandidato siya sa pagka-Senador sa darating na 2016 eleksiyon. Subalit,
naging “batik” sa kaniya ang kaso ng “SAF 44 massacre” sapagkat pagkalipas ng
ilang buwan ay wala ni isa mang nakasuhan sa malagim na krimen na nagbunga ng
pagkamatay ng 44 na magigiting na mga alagad ng batas. Dagdag pa ang maraming
mga mabibigat na kaso na hindi pa rin nabibigyan ng hustisya. Kapansin-pansin
din na idineklara na ni Pangulong P-Noy na ang kanilang “pambato” sa 2016
presidential election ay si Sec. Mar Roxas. Subalit, si Mar ang “pinaka-kulelat”
sa mga survey.
Nang pumutok ang paghihimagsik
ng mga “Fallen Angels” noong Hulyo, 2015, inakala nila na hihingi ng tulong sa
kanila ang Iglesia. Subalit, sila’y nabigo. Ang paghingi sana ng tulong ng
Iglesia ang “pag-asa” nila para maisiguro ang pagsuporta ng Iglesia kay Mar
Roxas sa 2016 election. Kilalang-kilala kasi ang Iglesia Ni Cristo na ganap na
nagkakaisa sa pagboto.
Ang “Fallen Angels rebellion”
naman kasi ay nababatid ng buong Iglesia sa pasimula pa lamang ay ganap na mabibigo
sapagkat pinangungunahan ng mga “tiwalag” (ang mga kapatid ay hindi sumusunod
sa mga tiwalag) at nais lamang maghasik ng pagkakabahabahagi (matibay kasi ang
aral ng Iglesia ukol sa ganap na pagkakaisa kaya laban ang lahat sa anuman o
sinuman na maghahasik ng pagkakabahabahagi o sisira sa kaisahan ng Iglesia).
Gaya ng ating nakita, sa kabila na sinakyan ng media ang isyung ito ay “bigong-bigo”
ang mga “Fallen Angels.” Bigong-bigo rin ang malacanang na lalapit at hihingi
ng tulong sa kanila ang Iglesia.
Sa pamamagitan nga naman ng
pagsasampa ng kaso laban sa Sanggunian ay “baka” humingi na ng tulong ang
Iglesia sa Malacanang, at kung hindi man ay iniisip nilang “masisira” ang
Iglesia, sa ganon ay hindi pakikinabangan ng mga karibal na kandidato sa 2016
election. Subalit, dito man ay mabibigo sila. Hindi hihingi ng tulong sa kanila
ang Iglesia at lalong hindi nila masisira ang Iglesia. Sa nakikita natin ngayon
na “vigil” sa harap ng DOJ ay SOLIDONG-SOLIDO PA RIN ANG KAISAHAN (“UNITY”) NG BUONG
IGLESIA. Marahil ay naniwala sila sa “mga tiwalag” na diumano’y “hati” na ang
Iglesia, na “marami” nang kakampi ang mga Fallen Angels. Hindi ba nila nakita
na 15 lang nagtungo sa “vigil” ng mga Fallen Angels noong Hulyo, 2015?
ANG BUONG IGLESIA NI CRISTO AY SOLIDO PA RIN
AT GANAP PARING NAGKAKAISA!
Sa mga pulitiko na nasa likod
ng pakikipagsabwatan sa mga tiwalag upang magsampa ng kaso laban sa Iglesia
at sa kanilang mga kaalyado sa pulitika, sa palagay ba ninyo sa ginagawa
ninyong ito ay makukuha pa ninyo ang suporta ng Iglesia sa darating na
eleksiyon? WRONG MOVE mga pulitiko. BUONG-BUO PA RIN ANG KAISAHAN NG IGLESIA NI
CRISTO.
Sa mga tiwalag na patuloy na
naghahangad na masira ang Pamamahala ng Iglesia, sa palagay ba ninyo kung
makasuhan at makulong pa ang Sanggunian ay makukuha na ninyo ang simpatya ng
mga kapatid at kakampi na kami sa inyo? Iniisip ba ninyo na dahil sa pagsampa
ng kaso sa Sanggunian ay napatunayan ninyo na sila ang masama at kayo ang
mabuti? WRONG MOVE mga Fallen Angels (mga tiwalag). Noong Hulyo, 2015 ay
nakadama ng awa at lungkot ang mga kapatid dahil sa inyo, SUBALIT SA GINAWA
NINYONG ITO AY MALINAW NA IPINAKITA NINYO ANG INYONG “BUKTOT” NA HANGARIN AT
ANG TUNAY NINYONG KULAY ANG HANGAD NINYO AY MASIRA ANG IGLESIA AT ANG
PAMAMAHALA NG KAPATID NA EDUARDO V. MANALO. PAGKATAPOS NG PANGYAYARING ITO, TIYAK
NA TIYAK NA GANAP NANG WALANG MANINIWALA SA INYO.
THE IGLESIA
NI CRISTO
facebook.com/TheIglesiaNiCristo
theiglesianicristo.blogspot.com
Ang Iglesia ay patuloy na magkakaisa.
ReplyDeleteSure will!
DeleteMula sa Distrito ng Palawan North, Mabuhay Ang Iglesia Ni Cristo.
ReplyDeleteMabuhay!
DeleteYung salaysay po ni Mang Samson na nagpaalam siyang sumamba kaya siya nakatakas ay isang malaking KATUNAYANG hindi siya ILLEGALLY DETAINED noong panahong sinisiyasat sya. At ang patuloy niyang pagkilos ngayon laban sa pamamahala (o sa Iglesia sa kabuuan) ay KATUNAYAN DIN NG KANIYANG PAGIGING MALAYA at malayo sa panganib.
ReplyDeleteBuhay ko man ay hilingin, aking ibibigay..........
ReplyDelete#akoayIglesiaNiCristohanggangwakas
Sa ginagawa ng mga namumuno sa gobyerno at pakikipagsabwatan sa mga itiniwalag sa Iglesia ay mararamdaman nila ang napakalaking kamalian na ginawa nila. Ginalaw nila ang mga napakaraming mga nanahimik na kapatid at itinulak nila upang lumabas sa kalye at gamitin at ipaglaban ang karapatan bilang mga mamamayan at mga kaanib sa INC. Hindi kami papayag sa gusto ng sinuman na ang INC ay gipitin o wasakin
ReplyDeleteNgayon naunawaan ko na ang tungkol kay isIas samson salamat po.un na kang po partisipasyon ng ka tenny ang di ko maunwaan
ReplyDeleteNgupload po kc cla ng video sa utube.at cnsabi nsa panganib cla.smantala nsa abroad po c ka tenny dat time.gumagawa po ng labag sa inc c angel manalo.ang gusto po kc nla mangyari cla ang mamahala sa inc.mga pansarili interes po.hnd po pwd un dhil ang inc hnd family institution kundi relihiyon.d tulad po s politika.tnx
DeleteMahal daw nila ang iglesia eh bakit iglesia ang kinakalaban nila.kaya lumalabas lamang na may interest silang pakialaman ang pamamahala sa loob ng iglesia
ReplyDeleteAko'y Iglesia Ni Cristo hanggang wakas. Magpakatatag po tayo mga kapatid
ReplyDeletekapatid.
Talagang ang Ama ay mabuti..ihahayag nya ang mga taong nasa loob na pero may masamang hangarin. #iamsolidinc #iamproudinc
ReplyDeleteNakakita ang kaaway ng taong magagamit pra wasakin ang Iglesia ngunit ang Diyos ay napakabuti. Talagang ihahayag nya ang mga taong may masamang hangarin kahit pa sinasabi nilang sila ay concern sa kapakanan ng Iglesia. Nangyayari na ang sinabi sa bible na marami ang tinawag ngunit kakaunti ang maliligtas. I am a proud INC member hanggang wakas. Patnubayan tayo ng Ama na makapanatili hanggang wakas.
ReplyDeleteBe strong mga kapatid
ReplyDeleteLaban Lang mga kapatid :)
ReplyDeleteIglesia Ni Cristo po tayo kahit anong mangyari.
Sabi ni ka Erdy noong mga panahon nya," humanay na kayo kung saan kayo hahanay sa pagpapakabuti? o sa pagpapakasama? kung piliin mo ang pagpapakabuti, ay humanay ka sa mga maliligtas. kung hahanay ka sa mga maliligtas ay sumunod ka sa lahat ng mga kautusan na itinuturo ng banal na kasulatan sa loob ng Iglesia , wala kang pipiliin kahit isa". Kaya ako at ang aking Sambahayan dito kami sa maliligtas at lubusang susunod kahit ano ang mangyari, at kahit ano man ang dumating sa aming buhay.
ReplyDelete