25 May 2015

Tanong ng Simpleng Kapatid di masagot nila AE, kundi binastos at kinutya pa



MAY “CORRUPTION” NGA BA
NGAYON SA IGLESIA?

Tanong ng Isang Simpleng Kapatid ay hindi masagot nila Antonio Ebangelista, kundi binastos pa at kinutya


MAY mga kapatid na hindi makatiis dahil sa nakikita nilang pamiminsala na ginagawa ng mga  Kumakalaban sa Pamamahala kaya sa mismong FB account ng mga Kumakalaban sa Pamamahala ay nagpo-post sila ng kanilang “objection” sa ginagawa ng grupong ito. Ang nasa ibaba ay ang pagpost ng isang kapatid sa FB account ni Antonio Ebangelista:

M.PALAM > ANTONIO EBANGELISTA
21 mins · Edited ·
“Ano ang magiging kahihinatnan ng ipinaglalaban nyo G. Antonio Ebangelista? Ito bang ginagawa ninyo ay para sa kabutihan ng Iglesia o para ba kahihiyan at ikatitisod ng maraming kapatid lalo na sa mga di kapananampalataya? Kayo po ba ay nakakatulog pa sa ginagawa ninyo? Nalalaman ba ninyo na kalat na sa social media ang pagsisiwalat mo na diumanoy katiwalian na wala namang konkretong ebedensya? Nagtatanong lang.. kc apektado ang mga kapatid sa mga ginagawa mong ito. lalo't kaisahan ng iglesia ang nasisira mo.”

Ang nag-post na ito ay isang simpleng kapatid lamang at wala po siyang kaugnayan sa amin ni hindi po namin siya kilalang personal. Nakita lamang po namin ang kaniyang account nang mag-post sa account ng mga Kumakalaban sa Pamamahala. Ang siumusunod po ay ang conversation na naganap sa pagitan ng kapatid na ito at ng grupo ni Antonio Ebanghelista. Dito ay makikita ninyo kung ano ang talagang tunay nilang “kulay” (kung papaano sila makipag-usap sa mga kapatid sa Iglesia at kung ano talaga ang kanilang “nilalayon.” Ang unang nag-comment sa post ng kapatid na ito ay ang kilalang kasamahan nila (hindi maaaring itanggi ni G. Antonio Ebangelista na ito’y kasamahan nila) na may account name na “Claire Fuentes Dela Cruz”:


CLAIRE FUENTES DELA CRUZ M. Palam, mag abuloy ka nalang para mas maraming manakaw ang mga communistang sanggunian.
17 mins

Wala po kaming ini-edit sa kanilang conversation. Iyan po mismo ang kanilang sinabi at naging usapan. Ito ang tugon ng kapatid sa kanila:

M. PALAM nag aabuloy ako hindi para sa tao kundi para sa Dios. At ang Dios na ang bahala sa handog ko. Ngayon kung meron kayong ipakikita na konkretong ebedensya nang katiwalian.. lumatad kayo at iharap nyo ang ipinaglalaban nyo
14 mins · Edited

Ganito siya sinagot ng isa sa mga kumakalaban sa Pamamahala:

CLAIRE FUENTES DELA CRUZ payag ka pala na ang abuloy mo sa Dios e ninanakaw lang ni Jun Santos...hehe! un naman pala e, gawin mo kung ano gusto mo. mag tanung tanong at magbasa ka kasi, para mabuksan yang isip mo.
13 mins

Ganito ang naging sagot ng tunay na sumasampalataya:

M. PALAM para saan? para panigan yang walang kabuluhang mga paratang at magdulot ng pagkakabaha bahagi? Ano ba ang ikinasasakit ng kalooban nyo? Kung totong anak kyo ng Dios bakit kayo nababahala sa inihahandog nyo? may tiwala pa ba kayo sa Dios o tagilid na kayo?
12 mins

Ito ang sagot sa kaniya ng isa sa mga Kumakalaban sa Pamamahala:

CLAIRE FUENTES DELA CRUZ hindi yan paratang, di mo ba nakikita inday na may mga evidence na. kaya nga may ganitong nangyayari kasi kailangang maalis ang mga tampalasan sa INC, para bumalik ang dating dalisay at malinis na INC.
9 mins

Ito ang tugon sa kaniya ng tunay na kapatid:

M. PALAM nasaan? bakit di nyo mailantad? asan? yung madramang pagsusulat ba sa blog? at yung maduming istilo ng pangungutya sa tao? ganon ba ebedensya nyO?
8 mins

Wala namang isinagot ang Kumakalaban sa Pamamahala kundi lalo lamang niyang pinatunayan ang sinasabi ng kapatid na “puro lang sila pangungutya.” Ito ang sunod-sunod niyang pinost (talagang sunod-sunod po ito at hindi po ito edited):

CLAIRE FUENTES DELA CRUZ hala, hahaha! wow!
7 mins
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ asawa ka ata ni Jun Santos...hehehe!
6 mins
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ mahirap talaga paliwanagan ang sarado ang isip at ung mga taong nakikinabang sa gawaing masama ni Jun Santos...hehehe!
5 mins

Ganito siya sinagot ng kapatid:

M. PALAM Bka gusto mo ang posisyon ni Ka Jun? ha claire? ikaw din ba si Anton?
4 mins

Ganito lang ang naging tugon ng isa sa mga Kumakalaban sa Pamamahala (inuulit po namin, hindi po ito edited):

CLAIRE FUENTES DELA CRUZ hahaha! wow!
4 mins
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ Gumawa ka nalang ng sarili ninyong page ni JS, at doon kayo mag sama sama...hahaha! asawa ka nya cguro o kabit...
2 mins
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ kaya pinagtatangol mo kasi mawawalan ka ng sustento..hehehe!
1 min

Ang sumusunod ay mappansin ninyo na “nag-iba” ang time ng posting. Dahil kinokopya na namin agad dahil alam po namin na idi-delete nila agad ang pag-uusap na ito. Ganito pa nagpatuloy ang kanilang usapan:

M. PALAM sa pananalita mong yan.. amoy kambing ka.
1 min
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ hahaha!
Just now
M. PALAM iligo nyo na lang yan.. dami mong Dummy Acount ha.. multiple personality teh? hehe.
Just now
CLAIRE FUENTES DELA CRUZ hahahaha!
1 min

Pagkatapos nito’y sumabat na si Antonio Ebangelista (ang kaniyang account):

ANTONIO EBANGELISTA Ka M. Palam hindi po ako nagpost dito para makipagtalo o makipagaway. Kung talagang gusto ninyong malaman ang sagot ko sa tanong nyo, narito po, pakibasa na lang po (pinost niya ang link ng kaniyang blog).

Pagkatapos na pagkatapos ng comment ni Antonio Ebangelista ay ganito ang sabat ng kaniyang kasama:

CLAIRE FUENTES DELA CRUZ meeee....meeee,...
Just now

Ganito siya tinugon ng kapatid:

M. PALAM Puro kadramahan mo lang naman ang nakalagay sa blog mo G. Antonio Ebangelista.. Ginagawa mo ito para sa kasiraan at hindi para sa ikatitibay sa hanay ng mga kapatid at sa mga dapat pang maakay sa loob ng Iglesia. Nakakalungkot isipin kung bakit mo ito ginagawa. Kumakalat na itong blog na ito sa hanay ng mga kaibayo. at ang nakataya dito ay ang kabuuan ng iglesia at hindi sa iisang tao lang. Buhay ang Dios ng INC. Yan lang ang masasabi ko G. Antonio Ebangelista.
2 mins

Sumabat naman ang isa pa sa kanilang kilalang kasamahan (sina “Claire” at “Eddie” ay kasamahan ni Antonio Ebangelista, kung another account niya ay hindi ko po alam):

EDDIE SY SANTOS Get out Palam...
3 mins

Tumugon tuloy ang kapatid nang ganito:

M. PALAM Another Dummy Account Eddie Sy Santos? iisang tao lang iba ibang personalidad
2 mins

Si Antonio Ebanghelista po muli ang sumagot (o iyong account niya na nakapangalan sa kaniya):

ANTONIO EBANGELISTA At kung marunong lang po sana kayong magbasa ay mababasa ninyo ang paliwanag kung bakit dito sa social media inilabas ito at kung paanong no-bearing kahit pa gamitin ito ng nga kaibayo sa pananampalataya. Nagtanong kayo, sumagot ako. Ayaw nyong basahin at unawain ang sagit ko, wala na po akong magagawa kung sakaling nagsasalita na lang kayo ng bagay na wala kayong pagkaunawa. Salamat po.
1 min

Pagkatapos nito ay sumabat muli ang isang pang kasamahan nila (o isa pang account):

EDDIE SY SANTOS Get lost palam...
1 min

Hindi na pinansin ng kapatid iyong isang nambabastos sa kaniya. Ito ang naging tugon niya sa sinabi ni Antonio Ebanghelista:

M. PALAM Iminamatuwid nyo po ba na tama ang ginagawa nyo G. Antonio Ebangelista? na tamang mabasa ito ng kaibayo at pagpiyestahan sa ibat ibang forum? sa ganoong paraan po ba kayo natutuwa? ito ba ay para sa ikalulugod ng Dios ginoong Antonio Ebangelista?

PAGKA-POST NG KAPATID SA COMMENT NIYANG ITO, MAYA-MAYA AY BINURA NA NI ANTONIO EBANGHELISTA ANG THREAD NA ITO. 

Ang totoo po ay maraming mga kapatid ang nagsabi at nagpadala ng kopya ng kanilang conversation sa grupong ito na pinangungunahan ni Antonio Ebangelista na sila'y binastos at kinutya ng grupong ito.



YOU MIGHT ALSO LIKE:



 
 














 

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)