ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-punto na Pagsagot sa mga "Fallen Angels"
Punto-por-punto na Pagsagot sa mga "Fallen Angels"
part 10
MULING “INILAGLAG” SI JOY YUSON NG KANIYANG SARILING “PANANALITA” AT LALO NA SI ANGEL MANALO
SAGOT SA “RESPONSE”
NI JOY YUSON SA ATING ARTIKULO NA MAY PAMAGAT NA “SINO SI JOY YUSON?” (UNANG
BAHAGI)
HINDI pa po ito ang ikalawang
bahagi ng ating artikulo tungkol kay Joy Yuson. Ito po ay sagot natin sa
kaniyang “response” sa ating unang artikulo na pinamagatang “SINO SI JOY YUSON?”
na posted noong 10 Agosto 2015 (kaya maliban dito ay may karugtong pa ang una
nating artikulo). Bilang “response” sa ating artikulo ay muling nag-post si Joy
Yuson a.k.a. “Kelly Ong” sa kaniyang FB page ng “Pangalawang Liham” (11 Agosto 2015).
Subalit, sa halip na mapabulaanan ang ating mga sinasabi ay MULING “INILAGLAG”
NI JOY YUSON ANG KANIYANG SARILI.
Bago natin talakayin ito, nais
muna naming ipapansin na:
(1) wala tayong sinasabi sa
naunang artikulo ukol sa mga taga-Bukidnon. Saan kaya ito nakuha ni Yuson? Totoo
kaya na kung anu-ano na ang pumapasok sa isipan niya?
(2) wala tayong sinasabi na “humawak
siya ng bilyones sa pagbili ng gamit” kundi sinundan lamang natin ang kaniyang
sinabi na siya ang may pananagutan ng “financial matters” ng napakaraming
tanggapan, gusali at proyekto na dahil dito kung susumahin ay hindi
milyon-milyon ang pinag-uusapan kundi bilyon-bilyon (mali ba na sabihing
bilyon-bilyon ang pinag-uusapan sa financial matters ng GEMNET, NET 25, GEM TV,
DZEC, DZEM, mga radio stations sa Pangasinan, Quezon at Cebu, installation ng
sound system” ng lahat ng mga kapilya sa buong mundo, at pati na ang network
system ng Central Office, housing distribution, security matters,
beautification ng Central Office at mga pangunahing gusali (kasama rin ang
Templo Central, College of Evangelical Ministry, New Era University, at New Era
General Hospital), logistical support ng lahat ng tanggapan, pati production ng
TV stations at mga malalaking okasyon (gaya ng 95th anniversary presentation),
at ang pagbili ng mga “communication equipment” ng Iglesia? Di ba’t siya rin
naman ang nagsabi nito?;
(3) Ang sabi niya, “26 times
daw ako nagpunta sa Japan para bumili ng equipment…2 times lang po ito sa buong
buhay ko kasama ang KA ANGEL at KA MARC. Hindi para bumili ng gamit kundi para
makipag-partner ang GEMNET sa mga hapon” Una, hindi natin sinabing 26 times
nagpunta sa Japan upang bumili ng gamit, kundi 26 times nagpunta sa Japan. Ang
totoong “2x lang” ay ang kasama sina Angel at Marc, subalit paano iyong mga “sikretong”
pagpunta?
(4) Ang sabi pa niya, “Alam ni
ka Jun Santos na inihabla ko sa tanggapan niya si Ka Raquel, nagpaparenta ng
mga sound system sa Iglesia sa mga malalaking aktibidad…” Teka, “inihabla”?
Ganon ba ang ginagawa natin, “inihahabla” sa isang “tanggapan” ang isang
kapatid? Kung tunay ang “kuwento” niya, di pa dapat ay sa Pamamahala, kay Ka
Eduardo V. Manalo?
(5) Ang sabi rin niya, “NAKAKAAWA
RAW AKO DAHIL NAG-AALAGA NA LANG NG BABOY, MANOK AT KAMBING. Maraming mga
kilalang ministro ng Central ang kumausap sa akin noon na bumalik. Ang totoo po
ay inalok nila ako ng mga posisyon.” UNA, ikaw ang may sabing “nakakaawa ka”
hindi kami, at IKALAWA, Papaano mo kami mapapaniwala na “may mga kilalang
ministro sa Central ang kumausap sa iyo noon para bumalik at nag-alok pa ng
posisyon samantalang ang PAMAMAHALA LANG ANG MAKAPAGBABALIK, may “seminar” pa
sa pagbabalik, at “mag-aalok ng posisyon sa isang wala sa karapatan”?
SAMAKATUWID, DITO PA LANG AY
HAYAG NA HAYAG NA PURO KASINUNGALINGAN ANG SINASABI NIYA.
Siguro ay sabik na kayo na
mabasa ang sinasabi natin sa pamagat na “MULING ‘INILAGLAG’ NG KANIYANG
SARILING ‘PANANALITA’ SI JOY YUSON AT LALO NA SI ANGEL MANALO.” Ito ang
kaniyang sinabi na hindi lamang “naglaglag” sa kaniyang sarili kundi LALO NA
KAY ANGEL MANALO:
“Alam ni Ka
Caloy Ortiz na lahat ng mga supplier ng GEMNET ay dumadaan sa Purchasing
Department. Pagkatapos ma-endorse ng GEMNET ang mga kailangang gamit ay sila ka
Caloy Ortiz na ang kausap. Ang GEMNET ay naghihintay lamang at nagpa-follow-up
ng deliveries ng mga gamit. Ang transaction sa mga ito ay kina ka Caloy Ortiz
na bata ni Jun Santos. Ang mga legal documents ay dumadaan sa Legal Department
na hawak ni Resty Lazaro na bata rin ni Jun Santos. Ang katotohanang ito ay
bukas at alam ng lahat ng mga nag-oopisina sa Central at ng mga ministro sa
buong mundo.” [“Pangalawang Liham ni Joy Yuson,” 11 Agosto 2015]
Dito ay napatunayan natin sa
mismong “pananalita” ni Joy Yuson na:
Hindi sila
dumadaan sa karaniwang proseso o tuntunin
ng
pananalapi sa Iglesia
Ang mga kapatid, lalo na ang
mga maytungkulin sa pananalapi at ang mga nasa opisina Central, ang aming
tatanungin: ang proseso ba natin sa Pananalapi ay “i-endorse” lang ang “bibilhin”
sa Purchasing Section at pagkatapos ay bibilhin na ito ng purchasing at gaya
nga ng sinabi ni Joy Yuson ay naghihintay na lang sila at magpa-follow-up sa
deliveries? ALAM NATING HINDI.
Muli ay “inilaglag” ni Joy
Yuson ang kanilang grupo lalo na si Angel Manalo sapagkat ngayon ay mayroon
kaming ebidensiya na mula sa grupo nila mismo na nagpapatunay na “HINDI NGA
DUMARAAN SA KARANIWANG PROSESO NG PANANALAPI O SA TUNTUNIN NG PANANALAPI NG
IGLESIA” ANG GRUPO NINA ANGEL MANALO NOONG SILA PA ANG NASA POSISYON.
Alam natin ang proseso ng
Pananalapi sa Iglesia: (1) Kahilingan ng lokal/distrito/departamento sa
Pamamahala; (2) Canvassing (at least ay tatlong dealer/supplier); (3) Pagsumite
ng P-10 kalakip ang canvass form at iba pang requirements; (4) Pagsisiyasat at
pag-process ng Finance Department; (5) pagpapatibay ng Pamamahala; (6) ang
Finance Department ang magbibigay sa Purchasing Department upang gumawa ng “Purchase
Order” sa napagtibay na supplier/ dealer; (7) pagkatapos nito ay saka lamang
maaaring makapag-deliver ang napagtibay na supplier/dealer.
Subalit, IBINUNYAG NI JOY
YUSON NA HINDI GANITO ANG KANILANG PROSESO SA PAGBILI NG MGA GAMIT, bagkus ay ganito
ang nabunyag na nangyayari sa GEMNET o sa grupo nina Angel Manalo noon ayon kay
Joy Yuson mismo:
Direkta sila sa Purchasing Section (sila
ang mag-endorse ng mga bibilhing gamit sa Purchasing Section) na labag sa
tuntunin ng Pananalapi ng Iglesia:
Ang kahulugan ng “anomalya” ay
“deviation from rules, law, regulation). Pansinin ninyo na ibinunyag ni Joy
Yuson na DERETSO ang GEMNET sa Purchasing Section (isang malaking anomalya
sapagkat labag sa tuntunin na kailangang may pagsisiyasat ang Finance
Department sa kahilingan, may canvassing, may kahilingan at pagpapatibay muna
ng Pamamahala, at ang Finance Department ang magbibigay sa Purchasing
Department). Kahit nga sa gobyerno ay “anomalya” iyan na hindi dadaan sa “legal
na process.”
Bakit pinadadaanan pa nila sa
Purchasing Section? Ang pinadadaan nila Purchasing Section ay ang “kailangan”
ng supplier o dealer ang “P.O.” (Purchase Order). Ang Purchasing Section lamang
kasi ang gumagawa nito. Subalit ang tamang “proseso” bago ang paggawa ng P/O.
ay wala o hindi nasusunod. Ika nga ay “ganiyan sila ka-astig.” Basta i-endorse
nila sa Purchasing Section ang kailangang nilang bilhin, at ang “kaawa-awang”
nasa Purchasing Section, sina ka Caloy, ay walang magawa, kailangan nilang “sumunod”
sa paggawa ng “P.O.” kahit hindi nasunod ang tamang proseso ukol dito dahil
iyan ay “sa mga prinsepe.” TAMA KA JOY YUSON, ALAM NA ALAM NG MGA TAGA-OPISINA
CENTRAL AT NG MGA MINISTRO SA BUONG MUNDO ANG “KATIWALIANG” ITO NA GINAGAWA
NINYO NOON KUNG GAANO KAYO NOON “KA-ASTIG” NA NAKAKA-DERETSO SA PAGPAPAGAWA NG
P.O. NA HINDI NA ISINAALANG-ALANG ANG TAMANG PROSESO UKOL DITO. Salamat, Joy at
nadagdagan na naman kami ng “Katibayan” na mula sa inyo mismo na totoo ang
sinasabi namin na “KAYO ANG HINDI SUMUSUNOD NOON SA TAMANG PROSESO O SA TUNTUNIN
NG IGELSIA SA PANANALAPI.”
Kaya walang “kabuluhan” ang
sinabi ni Joy Yuson na pagka-endorso nila ng bibilhing gamit sa Purchasing
Section ay sina Ka Caloy (ang head ng Purchasing Section) na ang
nakikipag-transaction para patunayan nila na wala silang katiwaliang ginagawa
sapagkat ang “katiwalian” o “anomalya” ay hindi naman sa pag-process at transaction
ng Purchasing Section nagaganap kundi doon sa bago makarating sa Purchasing
Section – may katiwalian o anomalya sapagkat hindi nasusunod ang tamang proseso
o tuntunin ng Pananalapi ng Iglesia na dapat masunod bago dumating sa
pag-process ng Purchasing Department.
Isa pa, ang sinasabi lamang ni
Joy Yuson na dumadaan sa Purchasing Section ay ang mga bibilhing gamit ng
GEMNET, papaano ang sinasabi niya na “housing at housing distribution ng kanilang
mga kawani (ang pakikialam dito ng GEMNET ay anomalya pa rin sapagkat ang
GEMNET ay para sa “technical support” ngunit sinasaklaw na nila ang trabaho ng
Housing Section). Pati nga “beautification at security matters at sinasaklaw
din ng grupo nina Angel at Yuson. HINDI LANG PALA ANG IBINIBINTANG NILANG “PAGLABAG
SA PANANALAPI NG IGLESIA” ANG GINAGAWA NILA NOONG NASA POSISYON PA SILA KUNDI
MAGING ANG IBINIBINTANG NILANG “SINASAKLAW” NA RAW ANG LAHAT NG “GAMPANIN”
KAHIT NA HINDI NAMAN TALAGA SAKLAW NG KANILANG TANGGAPAN. Para huwag masabing
nagbibintang lamang tayo ay muli nating sipiin ang sinabi ni Joy Yuson sa
kaniyang unang sulat:
“Ako po ang
Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng
Iglesia ni Cristo (GEMNET)…bahagi po ng aking pananagutan ang coordination sa
mga financial matters ng opisina at ang mga bagay na pang administratibo
kalakip ang mga special task mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan na
ipinagagawa sa amin sa pamamagitan ng dalawa nilang mga anak na siyang
nangangasiwa sa aming tanggapan.”
“Saklaw po ng operasyon ng aming tanggapan ang
networking system ng Central Office, CCTV installations and monitoring system,
House of Worship Sound and Video System installations, Technical and
Administrative support ng mga Radio and Television Stations ng Iglesia sa buong
mundo kalakip po rito ang mga programming at monitoring sa mga himpilan. Bukod
po rito ay saklaw ng aming Tanggapan ang ilang bahagi ng housing distribution
para sa aming mga kawani, ang Security Matters ng Iglesia at Central Office,
beautification ng Central Office at mga pangunahing gusali ng Iglesia,
logistical requirement ng iba't ibang departamento sa ilalim ng aming
pangangasiwa. Ang aming tanggapan ay ang siyang systems support ng mga
tanggapan at technical support ng buong Iglesia ni Cristo.
“Ang GEMNET din
po ang nasa likod ng mga malalaking program presentations and television shows
ng iglesia sa mga malalaking okasyon nito.
Maging ang mga
communication equipment na ginagamit ng iglesia ay nagmumula po sa mga research
ng aming tanggapan.” [Unang Lihan ni Joy Yuson, 10 Agosto 2015]
Ang “malawak na kapangyarihang”
ito na tinataglay nina Yuson at lalo na ng kaniyang mga amo na sina Angel at
Marc ay hindi ba masasabing “isang anomalya” o “Katiwalian”?
SAMAKATUWID, NOONG PANAHON NA
HINDI PA SI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN AT SA
PANAHONG “MATANDA” NA ANG KAPATID NA ERANO G. MANALO, “NAPAKALAWAK” NG
KAPANGYARIHAN NINA ANGEL MANALO AT NG KANIYANG GRUPO, AT ANG IBINIBINTANG
NILANG “KATIWALIAN” (PAGLABAG SA TUNTUNIN SA PANANALAPI AT PAGSAKLAW SA
GAMPANIN NG IBA) AY TUNAY NA NASUMPUNGAN SA KANILA. ITO ANG INALIS, ITINUWID AT
NILINIS NI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO NOONG SIYA NA ANG TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN
NA IKINAGALIT NG GRUPO NINA ANGEL AT
YUSON NA HUMANTONG SA KANILANG PAGHIHIMAGSIK LABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA.
Mayroon tayong bukod na
artikulo na detalyadong tinatalakay ang ukol sa “KATIWALIAN AT ANOMALYA NA
NAGAGANAP NOON NA ITINUWID NI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO NA NAGING DAHILAN NG
PAGHIHIMAGSIK NG MGA ‘FALLEN ANGELS’.” ABANGAN.
ANSWERING “FALLEN
ANGELS”
Punto-por-punto na pagsagot sa mga
Kumakalaban sa Pamamahala
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 9
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.