REAP THE
WHIRLWIND:
WHAT’S
BEHIND THE INC REVOLT?
By Rigoberto D. Tiglao
Manila Times, 30 August 2015
UMANI NG KAGULUHAN:
ANO ANG NASA
LIKOD NG PAGPROTESTA NG INC?
Tagalog translation
By Pristine Truth
[Disclaimer: Ito po ay salin sa Tagalog ng artikulo ni Gg. Rigoberto D. Tiglao na nalathala sa Manila Times, 20 Agust 2015. Tinagalog namin ito para sa kapakanan ng mga hindi masyadong nakakaintindi ng Ingles, subalit patuloy po ito na pananaw at paninindigan ng orihinal na may akda, at hindi nangangahulugang paninindigan na rin ng THE IGLESIA NI CRISTO]
ANG kampo ng kandidato para sa
presidente sa 2016 na si Manuel Roxas II ay pinagbantaan ang Iglesia Ni Cristo
na gagawin sa kanila ang tulad ng ginawa kanila Napoles at Enrile kung hindi
susuportahan ng relihiyong ito ang kanilang kandidato, o kaya ay maging neutral
(walang susuportahan) sa eleksiyon sa susunod na taon, ayon sa isang
malapit sa ikalawang pinaka-malaking
simbahan sa bansa.
[Nota: Si Mar Roxas ay Manuel Roxas II kaya may banggit ang may akda na Roxas 2nd, at si P-Noy ay Benigno Aquino III kaya may banggit din ang may akda na Aquino 3rd.]
Kung tatanggi ang Iglesia na tumulong
sa ikalawang “pagtakbo” (sa presidential election) ni Roxas, na sa katotohanan, ay tumanggi nga,
tinantiya ng kaniyang kampo na ang pagsisiwalat ng mga akusasyon ukol sa
malawakang katiwalian sa loob ng INC, at ang magkaron sa kaniya ng isang
pagkakabaha-bahagi na pinangunahan ng biyuda ng dating Tagapamahalang
Pangkalahatan ng INC, ay magpapahina sa kapangyarihan nito hanggang sa puntong ang kaniyang mga kaanib
ay hindi na susunod sa pasiya ng namamahala (sa Iglesia) ukol sa pagkakaisahan
sa halalan sa pagka-pangulo sa 2016.
Ang kaso ng illegal detention
laban sa halos buong liderato ng INC, maliban kay Eduardo Manalo, ay isang hindi
naitagong mabuti na pananakot na silang lahat ay ipakukulong kung hindi sila
susunod sa utos ni Roxas.
Kaya hindi kataka-taka na ang
INC ay nasa isang paghihimagsik na hindi kailanman nakita sa kaniyang 101 taong
pag-iral. Ito ay isang desperadong pagkilos sa bahagi ng mga gumagawa ng
istratehiya para kay Roxas sapagkat ipinakikita ng lahat ng surveys na siya ay
tiyak na matatalo sa halalang 2016, na gaya ng konklusyon mismo ni Pangulong
Aquino.
Inaakala nila na kung
pagkakaisahan ng INC na suportahan si Roxas, na tinatayang may 1.4 milyon, o
hingit pa sa kalahati ng bilang ng kaniyang mga kaanib, ay makapagbibigay ng
pag-asang manalo, kahit man lang makapagbigay ng tabing para maitago ang
pandaraya.
Subalit sa kabila ng matinding
panunuyo ni Roxas, ang liderato ng INC ay nagpadala ng pahayag na hindi nila
masusuportahan ang kaniyang kandidatura sa 2016. Ito ay sapagkat nararamdaman
ng INC na si Roxas ay hindi kasiya-siya sa dalawang posisyong hinawakan niya sa
kabinete ng administrasyong Aquino – na kaniyang sinuportahan noong 2010 – na hindi
natupad ang kaniyang mga pangako. Partikular pang ipinahayag ng INC ang
kabiguan ng gobyerno na magbigay hustisya sa Special Action Force commandos na
minasaker sa Mamasapano, na ang dalawa sa kanila ay mga kaanib sa INC.
Subalit, sina Aquino at Roxas,
ay parang nagbaril sa sarili dahil sa lubhang minaliit ang kapangyarihan ng INC
na magpakilos ng libu-libong tao sa kalsada upang magsagawa ng paglusob laban
sa pamahalaang Aquino.
Maaaring nakalimutan ng kampo
ni Roxas na ang INC ay may isang popular na istasyon ng TV at istasyon ng radyo
– isang makapangyarihan (mabisang) instrumento sa malawakang pulitikal na
pagpapakilos at sa kudeta. Ang istasyon ng TV ng INC na NET 25 ay higit na propesyunal
(maayos) na napatatakbo at higit na may malakas na TV signal kaysa sa NBN
station ng pamahalaan na kalunos-lubos na ganap na inutil sa pag-counter sa Net 25. Si Manalo na
namamahala sa INC ay madaling kinilos ang mga pangunahing lider ng Iglesia na
wala isa mang sumama sa maliit na grupo na humiwalay (sa Iglesia) na para bang
nawala na lamang pagkatapos ng kanilang una at huling Youtube propaganda ilang
linggo na ang nakaraan.
Ang sagot ng Katoliko laban sa
aksiyong pulitikal ng INC ay hindi makatuwiran, sapagkat ang Iglesia Katolika
ay walang pagkakaisa sa pagboto. Ginawa ni Roxas ang INC na kaniyang mortal na
kaaway, na ang pananaw ay ang nanganganib ang kaniyang pag-iral. Mukhang gagawin
ng INC ang pakikipagkasundo sa mga kandidato sa lokal na eleksiyon para lang
matiyak ang bulto-bultong boto laban sa Yellow candidate (kandidato ng administrasyong
Aquino).
Halos sa lahat ng pagkakataon
ay nagkakaisa ang INC sa pagboto, marahil ay ito ang unang pagkakataon na
magiging aktibo siya sa pagkampanya laban sa isang kandidato sa
pagka-presidente.
Ayon sa Hosea 8:10: “They that
sow the wind, shall reap the whirlwind.”
“Halos lahat ng mga pulitikal
lider sa panahon pagkatapos ng digmaan (Ikalawang Digmaang Pandaigdig), maliban
kay Cory Aquino, iginalang ang karapatan ng INC sa pagboto at binigyang-dangal
bilang isang panrelihiyong organisasyon gaya ng kanilang ginawa sa mga prinsepe
ng Iglesia Katolika,” sabi ng isang malapit sa INC. “Ang Presidente lamang at
si Roxas ang may tapang na takutin at talagang kalabanin ito.”
Ang ibig sabihin lamang ng mga
matatalino subalit walang pagkukunwaring mga lider ng INC nang sabihin nilang, “igalang
ang paghihiwalay ng simbahan at estado” at ganito: Na hindi madidiktahan ng
administrasyon kung sino ang pagkakaisahan ng INC na iboto. Ito ang isinisigaw ng
kaniyang mga kaanib sa kalsada, pag-isipan ang kahulugan nito.
Sa ngayon ay nakatuon ang
pag-atake ng INC kay Justice Secretary De Lima, gaya nga ng kanilang sinabi na
mayroon silang konkretong katunayan ng kaniyang (De lima) partisipasyon sa
plinanong pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang grupo.
Hindi pa nila hayagang
ipinanawagan ang resignasyon ni Aquino, ito ay lalabag sa kanilang doktrina na
maging masunurin sa legal na pamahalaan. Subalit ito’y isang pagkukunwari sa
kanilang bahagi, sapagkat hindi rin naman nanawagan ang INC para sa pagpapatalsik
kay Gloria Macapagal-Arroyo noong Abril ng 2001, kahit na ang kaniyang mga
kaanib ay kabilang sa mga taong sumama sa tinatawag na EDSA tres uprising laban
sa administrasyon.
HINDI SI AQUINO III KUNDI SI ROXAS II
Hindi alinman hayagang
kinundena ng mga nagpo-protestang INC si Aquino, ang kaniyang mga lider ay
naniniwala na ang Interior and Local Government Secretary na si Manuel Roxas II
o ang mga gumagawa ng kaniyang istratehiya ang nag-isip ng plano na pagbantaan
ang INC o kahit ang kanilang reputasyon.
Isang pinagmulan ng
impormasyon ang nag-angkin na si Cristina (“Tenny”) Manalo, biyuda ng
namayapang Erano Manalo na namahala sa Iglesia hanggang 2009, ay mabuting
kaibigan ni Judith Araneta-Roxas, ang ina ni Roxas (Manuel Roxas II). Si Gng. Manalo,
kasama ang kaniyang anak na si Felix Nathaniel “Angel,” ang nag-post noong
kalagitnaan ng Hulyo ng taong ito sa Youtube na humihingi ng tulong,
nag-aangkin na ang kanilang buhay ay nanganganib at na sila’y hostage (illegally detained) dahil sa
pagsisiwalat ng mga alegasyon ukol sa katiwalian ng hiyarkiya ng INC, na ngayon
ay pinangungunahan ng kaniyang pinakamatandang anak na si Eduardo.
Ang mabilis na pagpapapunta ng
mga pulis at mga ahente ng Commission on Human Rights (CHR) sa compound ni
Angel ay pinaniniwalaan ng INC na isang pagkilos ayon sa utos ni Roxas, yamang
siya ang puno ng Philippine National Police, at yamang ang kaniyang factotum
Liberal Party director general na si Chito Gascon ang umupong chairman ng CHR
nito lamang Hunyo.
Ang nag-udyok sa INC para
lumabas laban sa gobyerno ay ang pagsasampa ng kaso ni Isaiah (sic) Samson,
dating editor ng kaniyang pahayagang Pasugo, ng kasong illegal detention laban
sa walong ministro na bumubuo sa pinakamataas na pampangasiwaang konsilyo ng
INC (Sanggunian).
“Ito ay tulad ng pagsasampa ng
mga kasong kriminal, hindi makapagpipiyansa, laban sa buong executive committee
ng Liberal Party,” pahayag ng aking pinagmulan ng impormasyon. “Sa palagay mo
ay may tapang si Samson o pondo upang labanan ang INC?” “mayroong sumusuporta
sa kaniya (may nasa likod niya), gaya ng may sumusuporta (nasa likod) ni Benhur
Luy, na ang itinuro ay halos mga lider ng oposisyon lamang bilang sangkot sa
pork-barrel scam.” “Sina Gng. Manalo at Angel, sa kabilang dako, ay mukhang
nawala pagkatapos ng kanilang Youtube episode.”
Si Justice Secretary De Lima
mismo ang personal na tumanggap ng reklamo, at gumawa pa ng media event mula
rito. Kaniya na sanang ipupurside ito sa pamamagitan ng personal na pagpili ng mga
fiscal (prosecutors) na hahawak ng kaso sa isang trial court hanggang nilusob
siya ng INC sa kaniyang opisina sa Padre Faura.
ANG THREE YELLOW TACTICS
Ang pagkilos laban sa INC ay
mayroon ng lahat ng tatlong yellow tactics (taktika ng administrasyong Aquino) na
ginamit ni Aquino laban sa hinihinalang kaaway sa mga nakaraang taon. Ito ang
mga sumusunod:
Una, pagsasampa ng kasong illegal
detention, upang agad na maipakulong. Ang kasong illegal detention – na walang
piyansa – laban kay Janet Napoles ang nagsilbing opening salvo (pasimula) para sa kampanya sa pork-barrel scam ng National
Bureau of Investigation ni De Lima na nang malaon ay naging dahilan ng
pakakakulong ng tatlong makapangyarihang oposisyong senador. Kasong illegal
detention din kaya nakulong si Napoles, na dahil din ito ay nahatulan siya ng
40 taong pagkakulong – hindi ang kasong plunder laban sa kaniya. Kinasuhan din
ng illegal detention ang (business) tycoon na si Roberto Ongpin ng kaniyang
dating employee – na inaakala ng mga operatibo ni Aquino ay magagawa nilang
puwersahin na magsalita laban sa dating presidente Arroyo at ng kaniyang asawa.
Ikalawa, gawan sila ng imahe
bilang corrut (tiwali). Ang tatlong oposisyong senador ay nakulong pagkatapos
na sila’y gawan ng imahe bilang mga malaking tiwali (big-time grafters), at ang
media na ginamit nila noon ay siya ring ginagamit ngayon laban sa INC, na sila
Manalo at ang kaniyang mga katuwang (Sanggunian) ay nagnanakaw ng ganito at ng
ganiyan, na ang lider ng INC ay may isang mansiyon sa Forbes park na
nagkakahalaga ng milyon-milyon, na ang kanilang foundations sa ibang bansa ay
ninanakaw na ang lahat.
Ikatlo, pakilusin ang kanilang
mga alipores sa social media (yellow social media), at ang ABS-CBN, lalo na. Ang
nauna ay ang kaparehong “netizens” at mga trolls
na nagpapanggap na netizens, na abalang-abala sa pagpapasama kay Binay, at
ngayon ay inutusang pasamain si Manalo at ang “panatikong” INC. Kilala ninyo
sila – i-check ninyo ang kanilang FB accounts, na ang ipino-post lamang ay
pawang mga masasamang kritisismo (vitriol) laban sa kanilang target. Panuorin
ninyo ang mga pagbabalita ng ABS-CBN sa demonstrasyon ng INC, na inuulit ang
sinabi ni Roxas na ang demonstrasyon ng INC ay lumilikha ng matinding traffic
sa EDSA. Hindi higit sa kakayahan ng kampo nina Aquino at Roxas na palalain ang
traffic upang lumikha ng masasamang
pananalita laban sa INC.
Isang online-only paper
(research sa online lamang) – ang parehong outfit na nagsimula ng kampanya sa character
assassination laban kay Corona para sa kaniyang impeachment trial sa
pamamagitan ng pag-akusa, pawang kasinungalingan, na kaniyang gawa-gawa lang
ang Ph.D. mula sa UST – na bigla na lamang ay nagkaroon ng malalim na serye na
imbestigasyon sa mga gawain at foundations ng INC sa ibang bansa. Ito ay
nangangailangan ng hindi bababa sa isa o dalawang buwan ng pagsasaliksik sa
masikretong iglesia na napakaliit ng mga impormasyon na pinost sa internet.
Winasak nina Aquino at Roxas
ang institusyon ng Korte Suprema at ng kongreso, at pinanatiling nakakulong ang
isang dating presidente sa pamamagitan ng napakahinang ebidensiya.
Kaya inakala nila na kasing
dali lamang gaya ng paglalakad sa parke na wasakin ang isang maliit na sekta ng
relihiyon, na hindi man lamang pinanganlan sa Konstitusyon.
Sila sa halip ay umani ng
kaguluhan.
POSTSCRIPT
Nang tatapusin ko na sana ang
column na ito at ipadala sa email sa aking mga editors, binuksan ko ang aking
Facebook account at nakita ang isang nakapagbibigay-liwanag na post ng aking
matagal ng kaibigan, ang beteranong journalist na si Manny Mogato, na nasa
field at kinakapanayam ang mga nagdedemostrasyong INC sa EDSA.
Si Manny ay tiyak na hindi
pro-INC, at ang kaniyang saradong Katolikong pag-iisip ay nag-udyok pa sa
kaniya na ipunto sa kaniyang post na ang INC “ay hindi naniniwala sa pagiging-Diyos
ni Cristo Jesus,” na para bang binababalaan ang kaniyang mga mambabasa na ang
mga taong ito ay mga erehe.
Magkagayunman, ang pahayag na
kaniyang nakuha sa mga nagdedemonstrasyon, na kaniyang pinost sa kaniyang FB,
ay nagpatibay sa aking mga ipinupunto na iniharap sa unahan, bagamat si Manny
ay nagpakita ng paghanga sa mga ito:
“Ibinoto pa naman namin siya nung 2010, ngayon
gusto niyang pagwatak-watakin ang INC.”
“Hindi kami naniniwalang si de
Lima lang yan, mayroon pang mas makapangyarihan na nasa likod ng kaso ni Isaiah
Samson sa mga taga-pangasiwa namin. Ginamit lang ang DOJ”
“Bakit wala pang nakakasuhan
sa Mamasapano, samantalang bago lang itong kaso ni Samson? May short-cut atang
nangyayari.”
At bilang pinaka-ipinupunto ng
artikulong ito:
“Gusto nilang masira ang aming
pagkakaisa para masabi nilang natalo ang sinuportahan namin sa election, kasi
hindi na kami solid. Gusto nilang pilitin kami na suportahan ang manok nila.” (They
want to wreck our unity, so they could later claim the candidate we supported
lost because we were no longer a solid bloc. They are forcing us to support
their candidate [Roxas, in the 2016 presidential elections.)
Kabaliktaran ng inaangkin ng
Yellow horde (ang grupo ni Aquino), ang mga nagdedemonstrasyon na INC ay tiyak
na alam nila ang dahilan kung bakit sila nasa EDSA, at kung ano ang kanilang
ipinaglalaban.
tiglao.manilatimes@gmail.com
FB: Bobi Tiglao
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.