09 August 2015

Sagot sa ang Philippine Arena ay "Sadyang Para sa Pagsamba kay Baal"



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
part 8

ANO NANG ESPIRITU ANG 
LUMULUKOB NGAYON SA MGA
KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA:
ANG ESPIRITU NG KATOTOHANAN O
ANG ESPIRITU NG KAMALIAN?


IPINIPILIT ng mga kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia na nasa kanila raw ang Espiritu at sila raw ang nasa panig ng Diyos. Madali namang malaman kung sino ang pinapatnubayan ng Espiritu Santo o ng kapangyarihan ng Diyos at kung sino ang hindi o kung wala na ang Espiritu ng Diyos. Tiyak naman na sasang-ayon ang lahat na ang sa Diyos at pinapatnubayan pa ng Espiritu ng Diyos ay kasang-ayon ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia:

Juan 3:34
Sapagka't ang sinugo ng Dios ay nagsasalita ng mga salita ng Dios: sapagka't hindi niya ibinibigay ang Espiritu sa pamamagitan ng sukat.

Hindi maaaring maging sa Diyos ang nagsasalita ng salungat sa mga aral na nakasulat sa Biblia.
I Corinto 2:13
Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iniwawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu.

Dahil dito, natitiyak natin na ang hindi sa Diyos ay salungat sa sinasabi ng mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia ang sinasabi, anupa’t nagsasalita ng pawang kamalian.


SINO ANG TUNAY NA SA DIYOS AT SINO
ANG TUNAY NA SA KALABAN NG DIYOS?

Ang mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala ay ibig palabasin na sila ang sa Diyos at ang Pamamahala ngayon ng Iglesia ay hindi na sa Diyos kundi sa kaaway na raw ng Diyos. Upang palabasin na sila ang nasa panig ng Diyos at ang Pamamahala ng Iglesia ay sa kaaway na ng Diyos, ay mayroong pinost sa social media ang mga “Fallen Angels” para palabasin na ang Pamamahala ay kalaban na ng Diyos. Inaangkin nila na ang Philippine Arena ay diumano’y “para sa pagsamba kay Baal”:



Ang sabi sa post ng kumakalaban sa Pamamahala ay “SADYANG IPINATAYO PO ANG PHILIPPINE ARENA PARA SA MGA PAGSAMBA KAY BAAL.” Si “baal” ay ang diosdiosang sinasamba ng  mga Cananeo sa panahon noon ng matandang bayang Israel. Bakit daw ang Philippine Arena ay “sadyang ipinatayo para sa pagsamba kay baal”? Sapagkat ang Philippine Arena raw ay “hugis baka” o “hugis toro” at sapagkat baka raw ang iniaalay kay baal, kaya raw ang Philippine Arena ay “sadyang ipinatayo para sa pagsamba kay baal.” Ukol dito ay ganito ang ilan sa naging “comment” ng mga kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia:

JHODI FORMEGONES Yan ang gawa ng diablo ngalit ang dyos dhil hindi man cla gumwa ng rebulto pero ito ang hugis at planu ng PA c baal ang hayop na inanyuan isang dyos dyos san…
Like · Reply · 7 · 5 hrs

VILMA CORTEZ sa palagay ko ka kelly,hindi intentional para kay baal kundi dahil sa matinding greed sa pera at kapangyarihan,itinulot na sila sa napakaraming mga pagkakamali na kahit sa simpleng design ng compound ng ciudad de victoria ay makikita nyo na na ang demonyo na ang kanilang kapanalig.
Like · Reply · 12 · 5 hrs · Edited

JHODI FORMEGONES Khit sanlibutan tanungin mo xa itsura ng PA nato sasavhin prang kalabaw ung nsa bunganga pa prang taong nkahiga inihandog
Like · Reply · 2 · 4 hrs

TAE HEE KIM KAwawa ang mga taong naniniwla x knila ito npla ang dyos nila c baal
Like · Reply · 3 · 4 hrs

NABIL MOUNAYER This is the golden calf from Exodus 32 all over again! That's why Ka Erdy never approved this...this is for the glory of man and NOT GOD....
Like · Reply · 7 · 4 hrs

MARIQUIT NA TALA at ang masaklap at hindi katanggap tanggap ay tayo at ang mga kaanib ang ginagawang sacripisyo o offering ky Baal upang manatili sila sa kapangyarihan na tila ba sila ang totoong pinagpapala (hindi ng sa Diyos ) kundi sa diablo kay Baal na ngbibigay sa kanila ng lahat ng kapangyarihan over us... at tayo dahil wala tayong kapangyarihan ay mananatiling sunod-sunuran.. isa lang ang ibig sabihin ng lahat ng ito... tayo ang knilang kinakasangkapan at alay ky Baal habang patuloy silang bibigyan ng katanyagan at kapangyarihan ng sinasamba nilang demonyo..
Like · Reply · 4 · 4 hrs


ANG SAGOT

Sabihin mang “hugis baka” ang aerial view ng Philippine Arena ay dapat bang i-konklusyon na “para na sa pagsamba kay baal”? Ano ang kinalaman ng pagiging “hugis baka” sa pagsamba kay baal? Ang sagot nila ay dahil “baka” raw ang inialay kay baal kaya kung hugis baka raw ang Philippine Arena ay para raw sa pagsamba kay baal. Teka muna, dito ay makikita natin na “iba na talaga ang takbo ng kanilang kaisipan” na tunay na nadimlan sapagkat hindi na nila nakikita ang katotohanan kundi ang kamalian o kasinungalingan. Bakit nagkagayon? Ganito ang sagot ni Apostol Pablo:

II Corinto 4:4
Na binulag ng dios ng sanglibutang ito ang mga pagiisip ng mga hindi nagsisisampalataya, upang sa kanila'y huwag sumilang ang kaliwanagan ng evangelio ng kaluwalhatian ni Cristo, na siyang larawan ng Dios.

Totoong “baka” ang inihahandog kay baal noon ng mga pagano sa Canaan, subalit isang malaking kamalian na sapagkat “hugis baka” ay agad alay na sa pagsamba kay baal sapagkat “baka” rin ang isa sa mga handog sa Diyos ng Israel, sa iisang Diyos na tunay:

Exodo 20:24
Isang dambanang lupa ang inyong gagawin sa akin, at inyong ihahain doon ang inyong mga handog na susunugin, at ang inyong mga handog tungkol sa kapayapaan, ang inyong mga tupa, at ang inyong mga baka sa lahat ng dakong aking ipaaalaala ang aking pangalan, ay paparoonan kita at pagpapalain kita.

Dahil dito, dapat nating pansinin ang mga sumusunod:

(1) Malinaw na naghahandog noon ang Israel ng baka, dahil ba roon ay tamang i-konklusyon na naghahandog at sumasamba sila kay baal dahil baka rin ang inihahandog noon ng mga Cananeo kay baal?

(2) Ang Diyos mismo ang nag-utos sa Israel na maghandog sa Kaniya ng mga handog na tupa at handog na baka, ibig bang sabihin nito ay nag-uutos ang Diyos ng pagsamba kay baal?

(3) Naghahandog ng “baka” noon sa Tabernakulo sa panahong bago si Solomon, at patuloy na naghahandog din ng baka ang Israel sa panahon na nakatayo ang Templo ng Israel sa Jerusalem, kaya kung susundan ang “pangangatuwiran” o “takbo ng isipan” ng mga kumakalaban sa Pamamahala ay lalabas na ang Tabernakulo at Templo ng Israel ay “para sa pagsamba kay baal.”

Samakatuwid, maling sabihin na sapagkat “hugis baka” ang Philippine Arena (gaya ng kanilang inaangkin) ay para na sa pagsamba kay baal sapagkat baka ang iniaalay kay baal. Tunay na nadimlan na ang kanilang mga pag-iisip sapagkat alam naman nila noong una noong nasa liwanag pa sila na hindi lamang tupa at kambing ang ipinag-utos noon ng Panginoong Diyos sa Israel na ihandog sa Kaniya, kundi mayroon ding paghahandog ang Israel sa Diyos ng mga handog na baka. [Tsk tsk Tsk, ganyan po talaga ang nangyayari sa mga hindi na sumsamba at hindi na nahahatdan ng aral ng Diyos na dala ng mga tunay na ministro at bagkus ang pinakikinggan ay mga tiwalag na dating ministro]

Ang lalo pang nagpapakita ng kamalian at kakitiran ng kanilang pag-iisip, ay kung tatanggapin natin na sapagkat “hugis baka” o “may hugis baka” ay alay na sa pagsamba sa diosdiosan o kay baal, PAPAANO NILA NGAYON SASAGUTIN ITO:

I Hari 7:21-25
At kaniyang itinayo ang mga haligi sa portiko ng templo: at kaniyang itinayo ang kanang haligi, at pinanganlang Jachin: at kaniyang itinayo ang kaliwang haligi, at pinanganlang Boaz. 22At sa dulo ng mga haligi ay may yaring lila: sa gayo'y ang gawain sa mga haligi ay nayari. 23At kaniyang ginawa ang binubong dagatdagatan na may sangpung siko mula sa labi't labi, na lubos na mabilog, at ang taas ay limang siko: at isang panukat na pisi na may tatlong pung siko ang maipalilibid sa palibot. 24At sa ilalim ng labi sa paligid ay may mga kulukuti sa palibot, na sangpu sa bawa't siko, na nakalibid sa dagatdagatan sa palibot: ang mga kulukuti ay dalawang hanay, na binubo ng bubuin ang binubong dagatdagatan. NAKAPATONG ANG DAGATDAGATAN SA LABING DALAWANG BAKA, ang tatlo'y nakaharap sa dakong hilagaan, ang tatlo'y nakaharap sa dakong kanluran, ang tatlo'y nakaharap sa dakong timugan, at ang tatlo'y nakaharap sa dakong silanganan; at ang dagatdagatan ay napapatong sa mga yaon, at ang lahat na puwitan ng mga yaon ay nasa loob.

Noong ipagawa ni Solomon ang Templo ng buhay na Diyos, mayroong dagat-dagatan” na nakapatong sa “LABIN-DALAWANG BAKANG TANSO.” Kung susundan natin ang pangangatuwiran ng mga kumakalaban sa Pamamahala ay lalabas na ang “dagdat-dagatan” at ang Templo sa kabuuan na ipinatayo ni Solomon ay “alay sa pagsamba kay baal.”

ANG ISA PANG MAHALAGANG TANONG NA ATING SASAGUTIN, HUGIS BAKA NGA BA ANG PHILIPPINE ARENA? Mayroon nga silang kasamahan na ang naging komento sa nasabi ring “post” ay ganito:

Lespaul Amado Bkt parang hugis bisiro yan?

Ang inilakip nila sa kanilang “post” ay “sketch” na “pinalalabas” nilang hugis “baka.” Tingnan natin ang higit na accurate na larawan ng Phillipine Arena:





KONKLUSYON

SAMAKATUWID, KITANG-KITA NATIN MAKITID AT BALUKTOT ANG PAG-IISIP NG MGA KUMAKALABAN NGAYON SA PAMAMAHALA. DAHIL DITO, HINDI MALING SABIHIN NA HINDI NA ANG ESPIRITU NG KATOTOHANAN ANG LUMULUKOB SA MGA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA KUNDI ANG ESPIRITU NG KAMALIAN. Bakit sila itinulot sa maling kaisipan? Ganito ang sagot sa atin ng Banal Na Kasulatan:

II Tesalonica 2:11-12 MB
Sapagkat hindi nila tinanggap ang katotohanan, ipinaubaya ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at papaniwalain sa kasinungalingan upang maparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan.


SA MGA SUSUNOD AY SASAGUTIN PO NATIN ANG MGA “TANONG,” “PARATANG” AT “BATIKOS” UKOL SA “PHILIPPINE ARENA.”



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-punto na pagsagot sa mga 
Kumakalaban sa Pamamahala

Part 1

Part 2

Part 3
 
 Part 4

Part 5

Part 6

Part 7





2 comments:

  1. I can see a cute panda or a cute cat smiling at at the picture of phil. arena. Its in the mind and eyes of the beholder. Their's are blinded by the wrong spirit.

    Truly the Church Administration is guided by the Holy Spirit.

    ReplyDelete
  2. Hindi pa kasi yata sila nakararatin sa Philppine Arena, at dahil sa malaking inggit, sabihin nalang ang gustong sabihi, kahit na taliwas sa katotohanan.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)