ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 14
NAG-IMBENTO
NG
KASINUNGALINGAN
SI
JOY
YUSON PARA LANG
MASABING
MAY “NASAGOT”
SIYA
SA MGA “IBINATO”
NAMIN
SA KANIYA
ANG nailathala po natin ay
unang bahagi pa lamang ng “SINO SI JOY YUSON?” [Answering “Fallen Angels” part
9]. Ang sumunod na dalawang lathala natin ay sagot sa kaniyang “response” sa
ating naunang artikulo [Answering “Fallen Angels” part 10 at 12]. Sa mga hindi
pa nakababasa ng tatlong artikulong ito na inilathala namin, mabuti po na
pakibasa muna upang lubos ninyong maunawaan ang ating tatalakayin sa artikulong
ito.
Sa tatlong artikulong ito ay
naipakita natin ang mga sumusunod:
(1) kung gaano kalaking
“kapangyarihan” at “pakinabang” ang nawala kanila Angel Manalo at Joy Yuson
(mula rin sa mismong pananalita ni Joy Yuson) na kanilang pinanghihinayangan at
hinahangad na “mabalik” sa kanila kaya nila ginawa ang paghhimagsik o paglaban
sa Pamamahala ng Iglesia.
(2) Mula sa pananalita mismo
ni Joy Yuson ay lumabas na sila ang gumagawa ng ibinibintang nilang
“sinasaklawan” ang pananagutan ng iba. Si Yuson na rin mismo ang umamin na sa
halip na “techinical support” lang sila o hanggang GEMNET lang ay sinaklaw na
rin nila ang housing, beautification, at marami pang iba.
(3) kung papaano “inilaglag”
ni Joy Yuson ang kaniyang sarili at lalo na ang kaniyang “amo” na si Angel
Manalo sapagkat mula sa mismong pananalita ni Joy Yuson ay lumabas ang tunay
nilang “anyo” at mula pa rin sa kaniya mismong mga pananalita ay nakita na noon
pa palang 2012 ay mayroon na silang “masamang plano” na ito nga ang
isinakatuparan nila ngayong 2015.
(4) Sa kaniyang “ikalawang
liham” ay naipakita natin mula sa mismong pananalita ni Joy Yuson na sila pala
ang mismong gumagawa ng katiwalian, ang lumalabag sa mga tuntunin at patakaran
ng Pananalapi ng Iglesia.
(5) Sa kaniyang ikatlong liham
ay binisto niya ang kaniyang sarili na siya nga si “Kelly Ong” dahil sa sobrang
nerbiyos, takot at pagkataranta ay ibang “pangalan” ang nailagda niya, hindi
“Joy Yuson” kundi “Kelly Ong.”
(6) Naipakita rin natin sa
kaniyang ikatlong sulat ang patuloy niyang pagsisinungaling at ang patuloy
niyang “paglaglag” sa kaniyang sarili sapagkat ang inaangkin nilang wala raw
silang layunin na “ibagsak” ang Pamamahala ay siya rin ang nagpabulaan sa
kaniyang mismong sulat. Sinabi niya na “sadyang hindi maiiwasan na madamay ang
Pamamahala” sa kanilang ginagawang “pakikipaglaban.”
Nang Agosto 13, 2015 ay
nagpost si “Kelly Ong” (na si Joy Yuson din naman talaga) ng “Sagot” daw ni Joy
Yuson sa “kasinungalingan inilathala” ng
THE IGLESIA NI RISTO. Sa post na ito ay naglakip siya ng “recorded audio” at
nilakipan ito ni Joy Yuson ng paliwanag na ganito ang kaniyang isinasaad:
SAGOT NI KA JOY
YUSON SA MGA KASINUNGALINGANG INILALATHALA NG “ACCESS THE LIES" AT SA
"Iglesianicristoblogspot” NG SANGGUNIAN
“Mga mahal na
Kapatid,
“Napilitan po
akong ilabas ang audio recording na ito upang mabuksan ang isipan ng lahat ng
mga Iglesia ni Cristo at makita nila kung gaano katuso ang Sanggunian at kung
gaano sila kasinungaling katulad ni Satanas.
“Nalulungkot din po ako sapagkat ang mga ministro na tumatayo sa tribuna at nagtuturo ng diumano ay mga salita ng Diyos sa tuwing pagsamba ay nasisikmura na dayain nila ang mga kapatid sa kabila na alam nila ang mga tunay na nangyayari ngayon sa Iglesia kapalit ng kanilang “tulong o suweldo”, “bahay at kotse”, “posisyon at kasagananaan”.
“Nalulungkot din po ako sapagkat ang mga ministro na tumatayo sa tribuna at nagtuturo ng diumano ay mga salita ng Diyos sa tuwing pagsamba ay nasisikmura na dayain nila ang mga kapatid sa kabila na alam nila ang mga tunay na nangyayari ngayon sa Iglesia kapalit ng kanilang “tulong o suweldo”, “bahay at kotse”, “posisyon at kasagananaan”.
“Para silang mga
anghel ni Satanas natinatalian ni Jun Santos ang mga kamay, paa at bibig upang
kung saan dalhin ay doon sila tutungo para magkalat ng kasamaan sa bayan ng
Diyos.
“ITINIWALAG DAW
KAMI NG BUO KUNG SAMBAHAYAN DAHIL INIWAN KO ANG DESTINO
“Kasinungalingan po ito! Umalis ako sa Destino noong Mayo 2012 at tumuloy sa Bulacan. Ilang beses akong tinawagan ni Radel Cortez na bumalik at humihingi siya ng paumanhin sa akin sa mga mali niyang pasiya. Alam ito ni Ka Tom Boyles na siyang nag-relay sa akin ng lahat ng mga mensahe sapagkat naka-block na sa telepono ko si Radel Cortez. Ayaw ko siyang makausap sapagkat hindi naman siya ministro ng Diyos kundi kay Satanas. Hindi po ba dapat lang nahuwag akong makipag-usap sa mga isinusugo ni Satanas?
“Kasinungalingan po ito! Umalis ako sa Destino noong Mayo 2012 at tumuloy sa Bulacan. Ilang beses akong tinawagan ni Radel Cortez na bumalik at humihingi siya ng paumanhin sa akin sa mga mali niyang pasiya. Alam ito ni Ka Tom Boyles na siyang nag-relay sa akin ng lahat ng mga mensahe sapagkat naka-block na sa telepono ko si Radel Cortez. Ayaw ko siyang makausap sapagkat hindi naman siya ministro ng Diyos kundi kay Satanas. Hindi po ba dapat lang nahuwag akong makipag-usap sa mga isinusugo ni Satanas?
“December 13
& 14, 2014 kami itiniwalag pati aking mga anak nang hindi ko pinahintulutan
ang asawa ko na pumunta sa opisina ni Radel Cortez pagkatapos na makapagkuwento
ang asawa ko sa kapawa niya asawa ng ministro ukol sa lahat ng pagnanakaw na
ginagawa nila sa Iglesia at ang pakikialam ni ka Babylyn Manalo sa pangangasiwa
sa Iglesia.
“Ngunit isang
linggo pa bago kami itiniwalag ay matindi ang mga paghahanap sa amin at
pagsisikap nila na ako ay mahikayat na bumalik sa kanilang panig. Ilang beses
na nagsikap si Arnel Nacua (tagapangasiwa ng Bulacan at may kaso ring
pagmomolesitya sa isang kapatid sa lokal ng Sucat), si Jun Sarmiento, Pastor ng
Kalandang at si Ka Armando Ernie na Tagapangasiwa ng Metro North. Pinupulong
nila ang aming mga kamag-anak upang hikayatin kami na makipag-usap sa kanila
bago kami itiwalag ngunit naninindigan ako sa TAMA, hindi baleng matiwalag kami
ng aking buong sambahayan, huwag lamang kaming makisama sa mga magnanakaw at nagsasamantala
sa mga pobreng Iglesia ni Cristo.
“Pagkatapos po kaming itiniwalag, kinabukasan ay pinulong agad muli ni Ka Armando Ernie ang aking mga kamag-anak upang muling hikayatin na pakiusapan kaming magbalik sa kanila. Pagkatapos ng pulong na iyon ay suno-sunod na ang kanilang pagpupulong sa aking mga mahala sa buhay upang makatulong diumano nila na kami ay pabalikin sa ministeryo (isasalaysay ko sa inyo sa mga susunod).
“Pagkatapos po kaming itiniwalag, kinabukasan ay pinulong agad muli ni Ka Armando Ernie ang aking mga kamag-anak upang muling hikayatin na pakiusapan kaming magbalik sa kanila. Pagkatapos ng pulong na iyon ay suno-sunod na ang kanilang pagpupulong sa aking mga mahala sa buhay upang makatulong diumano nila na kami ay pabalikin sa ministeryo (isasalaysay ko sa inyo sa mga susunod).
“Pagkatapos na
pagkatapos po ng pag-uusap namin sa mapapakinggan ninyo ngayon, ay ginipit
nilang muli ang pamilya ng KA ERDY. Pinutulan nila ng Telepono at ginulo ang
compound ng KA ERDY. Ito ay dahil sa buong akala nila na ako ay inuutusan ng KA
ANGEL sa aking mga ginagawa kay nila binabalikan ang pamilya ng KAPATID NA
ERANO G. MANALO (nasaktan ako sa kanilang mga ginawa sa pamily ng KA ERDY
subalit wala akong ibang mapagpilian kundi magpatuloy sa pakikipaglaban para sa
kalinisan ng bayan ng Diyos).
“Pakinggan po ninyo ang aming pag-uusap.
“Pakinggan po ninyo ang aming pag-uusap.
“Nagmamahal,
“Ka Joy Yuson”
“Ka Joy Yuson”
Ang post na ito ay para raw
“sagutin” ang “kasinungalingang INILATHALA” ng THE IGLESIA NI CRISTO. Mapapansin
na hindi niya mabanggit-banggit ang pangalan ng aming FB page at ang blog (THE
IGLESIA NI CRISTO) dahil baka puntahan ng mga hindi pa nakakaalam at MABISTO
ang kanilang mga kasinungalingan na: (a) wala raw sagot sa kanilang mga
ipinaparatang (maliwanag po kasi sa ating page at blog ay sinasagot ng
punto-por-punto ang LAHAT ng kanilang paratang; at (b) na sila’y
nagsisinungaling na ang FB page at blog natin ay “sa Sanggunian” (alam niya na
ang page at blog na THE IGLESIA NI CRISTO ay existido noon pang 2013 at walang
kinalaman ang Sanggunian sa page at blog na ito).
Inuulit po natin, ang “post”
niyang ito (noong Agosto 13, 2015) ay diumano’y “SAGOT sa kasinungalingang
inilathala ng THE IGLESIA NI CRISTO.” Ang sabi niya:
SAGOT NI KA JOY
YUSON SA MGA KASINUNGALINGANG INILALATHALA NG “ACCESS THE LIES" AT SA
"Iglesianicristoblogspot” NG SANGGUNIAN
Alin daw ang “kasinungalingang
inilathala” ng THE IGLESIA NI CRISTO na sinasagot niya sa kaniyang post nong
Agosto 13, 2015? Ang sabi niya:
SAGOT NI KA JOY
YUSON SA MGA KASINUNGALINGANG INILALATHALA NG “ACCESS THE LIES" AT SA
"Iglesianicristoblogspot” NG SANGGUNIAN
“Mga mahal na
Kapatid,
“Napilitan po
akong ilabas ang audio recording na ito upang mabuksan ang isipan ng lahat ng
mga Iglesia ni Cristo at makita nila kung gaano katuso ang Sanggunian at kung
gaano sila kasinungaling katulad ni Satanas…
“ITINIWALAG DAW
KAMI NG BUO KUNG SAMBAHAYAN DAHIL INIWAN KO ANG DESTINO”
Maliwanag po sa mismong pahayag
ni Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong” na ang “kasinungalingang inilathala” raw ng THE
IGLESIA NI CRISTO ay “ITINIWALAG DAW KAMI NG BUO KUNG SAMBAHAYAN DAHIL INIWAN
KO ANG DESTINO.”
Sa unang tingin sa kaniyang
“post,” ang akala ko pa naman ang pabubulaanan o sasagutin niya ay na sila’y
nagtataglay noon ng malaking “kapangyarihan” na nawala sa kanila kaya sila
naghihimagsik, o kaya ay ang sinasaklaw nila noon ang mga pananagutan hindi
naman sa kanila, na plano na nila noon pang 2012 ang “paghihimagsik” na ginawa
nila ngayong 2015, na sila ang nasusumpungan noon sa katiwalian o ang gumagawa
ng anomalya sapagkat sila ang hindi sumusunod noon sa tuntunin ng Iglesia sa
Pananalapi, ang bistadong-bistado na siya rin si “Kelly Ong,” at na sila talaga
ay lumalaban at naglalayon na ibagsak ang Pamamahala ng Iglesia. WALA SIYANG
TINALAKAY O PINABULAAN KAHIT ISA SA MGA ITO, bagkus ang “sinasagot niya na
“kasinungalingang inilathala” raw namin ay ang “itiniwalag daw silang buong
mag-anak dahil iniwan daw ang kaniyang dating distino.” HA!!!
“Bakit po para kayong nagulat
Ka Pristine Truth?” Kagulat-gulat kasi sa dinami-dami ng ating natalakay mula
sa kaniyang tatlong naunang “post” ay WALA KAHIT ISA SIYANG PINABULAANAN, at
ang pinabubulanan niya sa kaniyang “post” na ito noong Agosto 13, 2015 ay HINDI
NAMAN NAMIN SINABI. Batid namin na nabasa na ninyo ang tatlo nating artikulo tungkol
kay Joy Yuson at alam ninyo na wala tayong sinabi na “itiniwalag daw silang
buong mag-anak dahil iniwan daw ang kaniyang dating distino,” subalit para po
sa “iba” ay tunghayan natin ito:
Walang nakasulat dito na “Itinawalag
si Joy Yuson at ang kaniyang buong sambahayan dahil sa pag-iwan sa distino.”Maliwanag
ang ipinahayag natin sa nasabing artikulo:
“Dahil sa
kaniyang “nabalitaan” lang ay iniwan niya ang kaniyang distino (sa panahon pa
ng Sugo at maging sa panahon ng Ka Erdy ay PAGTITIWALAG ang parusa sa pag-iwan
sa distino sapagkat hindi lamang ito “pagdimisyon” kundi tahasan ding paglaban
sa Pamamahala):”
Walang sinasabi rito na "si Joy Yuson at ang kaniyang buong sambahayan ay itiniwalag dahil sa iniwan ang distino." Kaya nga naka-close and open
parenthesis, ibig sabihin ay "suplemento" na ipinaliliwanag na sa panahon pa ng Sugo at ng Ka
Erdy na ang pag-iwan sa distino ay “MALAKING KASALANAN” at “PAGTITIWALAG” ang pinakamabigat na parusa sapagkat ang pag-iwan ng distino ay isa sa mga tahasang paglaban sa Pamamahala.
Ipinakikita lang na dapat siyang magpasalamat sapagkat hindi ibinigay sa kaniya
ng Pamamahala ang “pinakamabigat” na parusa sa pag-iwan niya ng distino, na pinabayaan
na lamang siya na umuwi sa Bulacan. IPINAKIKITA LAMANG NATIN NA MULA PA NANG IWAN
NIYA ANG KANIYANG DISTINO NOONG 2012 AY “MAY PAGLABAN NA SIYA SA PAMAMAHALA”
SAPAGKAT ANG PAG-IWAN NG DISTINO AY TAHASANG PAGLABAN SA PAMAMAHALA, at wala tayong sinabi na siya at ang buong sambahayan niya ay natiwalag dahil sa pag-iwan ng distino. Ang totoo
sa unahan ng artikulo ay niliwanag na ang dahilan ng pagkatiwalag sa kaniya –
na hindi sinabing “ang pag-iwan ng distino kundi ang “Paglaban sa Pamamahala”:
Sa inilakip niyang “recorded
audio” bilang kaniyang katunayan ay hindi nagpapatunay na kami ay nagsisinugaling
KUNDI NAGPAPATIBAY PA NGA NA KAMI’Y NAGSASABI NG TOTOO. Maliwanag ang sinabi namin sa unahan pa
lamang ng atikulo na SI JOY YUSON AY ITINIWALAG DAHIL SA PAGLABAN SA PAMAMAHALA.
PANSININ, kung ang “recorded audio” ay nagpapatunay na hindi siya at ang kaniyang
buong sambahayan ay itiniwalag dahil sa pag-iwan ng distino, kundi dahil sa paglaban sa Pamamahala, at
wala kaming sinabi na siya at ang buong sambahayan niya ay natiwalag dahil sa pag-iwan niya ng distino, bagkus ang sinasabi namin ay itiniwalag siya dahil sa paglaban sa Pamamahala,
HINDI BA’T SI JOY YUSON MISMO ANG NAGBIGAY NG PATOTOO NA HINDI KAMI NAGSISINUNGALING KUNDI TOTOO ANG AMING
SINASABI NA SIYA AY NATIWALAG DAHIL SA PAGLABAN SA PAMAMAHALA.
SAMAKATUWID, MALIWANAG NA NAG-IMBENTO
LAMANG SI
JOY YUSON UPANG “MAY MASAGOT”!
Kaya talaga pong nakakatuwa
dahil hindi niya mapabulaanan ang lahat ng ating sinabi sa tatlong artikulo na
nai-published na tungkol sa kaniya, kaya NAG-IMBENTO SIYA NG KASINUNGALINGAN
para lamang “mapalabas” niya na may nasagot siya. Naglakip pa siya ng “recorded
audio” subalit ang “recorded audio na ito ay hindi nagpapatunay na kami ay
nagsisinungaling kundi bagkus ay nagsasabi kami ng totoo. ANO PA ANG DAHILAN
KAYA ITINULOT NG PANGINOONG DIYOS NA ILABAS MISMO NI JOY YUSON ANG “RECORDED AUDIO”
NIYANG ITO?
Upang makita ng lahat kung
gaano siya kabastos at kalapastangan sa isang nakatatanda sa edad at sa
karapatan. Si Kapatid na Armando Ernie ay isang Tagapangasiwa ng Distrito,
nakatatanda sa karapatan, at nakatatanda din sa edad kay Joy Yuson, subalit
rinig na rinig kung papaano niya pinagtaasan ng boses, ayaw papagsalitain at sinigawan
pa. Tupad na tupad kay Joy Yuson ang sinasabi ng Biblia na:
II Pedro 2:10-12
“Datapuwa't
lalong - lalo na ng mga nagsisilakad ng ayon sa laman sa masamang pita ng
karumihan, at nangapopoot sa pagkasakop.
Mga pangahas, mapagsariling kalooban, sila'y hindi natatakot na
magsialipusta sa mga pangulo… “Datapuwa't ang mga ito, na gaya ng mga kinapal
na walang bait, na ipinanganak na talagang mga hayop upang hulihin at lipulin,
na nagsisialipusta sa mga bagay na hindi nila nalalaman ay walang pagsalang
lilipulin sa kanila ring pagkalipol.”
KAYA’T MULING INILAGLAG NI JOY YUSON
ANG KANIYANG SARILI
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.