ANSWERING “FALLEN ANGELS”
part 7
BAKIT HANGGANG
NGAYON AY WALA PA RIN ANG IPINANGAKO
NINYONG EBIDENSIYA NG SINASABI
NINYONG KATIWALIAN
TATLONG buwan na ang nakakaraan
nang ilathala ng grupo ng mga Kumakalaban sa Pamamahala sa pamamagitan ng blog
ng fictitious na si “Antonio Ebangelista” ang kanilang HAMON sa Sanggunian.
Ganito ang binanggit nilang "HAMON" sa artikulo nilang pinamagatang “HOW TO EXPLAIN AN
UNEXPLAINED WEALTH – PART 1” na nailathala noong Mayo 5, 2015:
“Other members
of the illustrious Sanggunian (notorious is the more appropriate term)…
sunud-sunod na po kayo. Kaya magmadali na pong mag-close ng mga bank accounts,
maglipat sa mga dummy bank accounts, magtago ng mga luxury cars at mga mansion
na bahay at mga condo, tawagan na lahat ng inyong mga “BAG MAN” at bilinan ng
mahigpit na walang pipiyok, burahin na lahat ng mga online accounts, ire-trace
lahat ng mga money trails at paper trails at pagtatanggalin lahat, tiayakin na
nakaready na ang mga deed of sale ng mga di-umanoy mga bahay na binili ninyo sa
murang halaga lamang o kaya ay mga mamahaling high-end na sasakyan sa murang
halaga lamang o kaya ay hindi naman sa inyo kung sa kapatid/kamag-anak/kaibigan
lamang ninyo at pinahiram lang namang sa inyo, katunayan nga ay eto ang mga
OR/CR na wala sa pangalan ninyo, bilinan lahat ng mga kasambahay, kaibigan at
kamag-anak na kapag may nagtanong kung sino ang may ari ng ganito at ganyan ay
alam na nila ang sasabihin nila, tiyaking malinis lahat ng inyong ginawa at walang
anumang ebidensyang makukuha laban sa inyo… In other words, simulan nyo na pong
linisin ang dungis na ibinigay ninyo sa malinis at marangal na pangalan ng
Pamamahala at ng banal na Iglesia. Dahil sa ang mga kapatid na mismo ang mga
nagpapadala ng ebidensya ng katiwalian laban sa inyo, hindi na po ninyo ito
mapipigil kahit pa magmalinis kayo.” (Antonio Ebangelista, “HOW TO EXPLAIN AN
UNEXPLAINED WEALTH – PART 1” Mayo 5, 2015, Iglesia Ni Cristo Silent No More,
Wordpress]
Ano ang hamon nila? Kahit pa
raw magmadali na mag-close ng mga bank accounts, maglipat sa mga dummy bank
accounts, magtago ng mga luxury cars at mga mansion na bahay at mga condo,
tawagan na lahat ng inyong mga “bag man” at bilinan ng mahigpit na walang
pipiyok, burahin na lahat ng mga online accounts, ire-trace lahat ng mga money
trails at paper trails AY ISA-ISA RAW NILANG IBUBUNYAG ANG MGA ITO. Natupad ba
nila ang kanilang hamong ito?
WALA PA RING BANK ACCOUNT, DUMMY ACCOUNT, ONLINE ACCOUNT, MONEY TRAILS
AT PAPER TRAILS
Nagsimula sila ng full blast
na paggamit ng social media sa pag-akusa na may kurapsiyon o katiwalian daw sa
Iglesia ngayon noon pang April, 2015, ginawa nila ang hamon na ilalabas nila
ang kanilang mga ebidensiya noon pang May 5, 2015, ngayon ay Agosto na, subalit
may nailabas ba silang bank account, dummy account, online account, money
trails at paper trails ng mga miembro ng Sanggunian? WALA, WALA KAHIT ISA.
Pansinin natin ang “hamon”
nila na kahit daw itago pa ang mga ito ay isa-isa nilang ilalabas ang mga ito. Nag-rally
na sila noong July, 2015, ilan beses na silang nag-press conference si Angel
Manalo, ilang ulit nang nagpa-interview sa media si Joy Yuson, Ruel Rosal, Lito Fruto, Louie Cayabyab, at ngayon ay sumama na si Farley
De Castro, subalit NASAAN ANG IPINANGAKO NINYO NA ILALABAS NINYONG BANK
ACCOUNT, DUMMY ACCOUNT, ONLINE ACCOUNT, MONEY TRAILS AT PAPER TRAILS?
Sa nangyari noong July, 2015
at sa pagpapainterview ay pakikipag-ugnayan nila sa trimedia, at lalo na sa
hangarin nilang makumbinsi ang lahat ng mga kapatid na kumampi sa kanila, kung talagang mayroon silang ilalabas, sa
palagay ninyo ay hindi nila sasamantalahin ang pagkakataong iyon? Sa palagay
ninyo kung may hawak nga sila ay hindi nila isisiwalat sa pagkakataong iyon?
May nailabas nga ba sila? HANGGANG NGAYON AY SALITA'T SALITA LANG SILA NA MAY KURAPSIYON, MAY KATIWALIAN, MAY ANOMALYA SA IGLESIA, SUBALIT HANGGANG
NGAYON AY WALA SILANG NAIPAKITANG KONKRETONG EBIDENSIYA (Please nasaan na ang sinasabi ninyo sa hamon na kahit itago pa ay ilalabas ninyo isa-isa ang mga bank account, dummy account, online account, money
trails at paper trails ng mga miembro ng Sanggunian? WALA, WALA PA RIN KAHIT ISA).
Kaya tama ang sinabi ni
Kapatid na Eduardo V. Manalo sa kaniyang pangangasiwa ng tanging pagsamba sa
Sacramento, Metro Manila South, na inaakusahan nila ng kurapsiyon ang kaniyang
mga pangunahing katulong sa pangangasiwa sa Iglesia subalit WALA SILANG
MAIPAKITANG EBIDENCIA.
Tinututulan nila ang sinasabing
ito ng Pamamahala at ng buong Iglesia na hanggang salita lang sila sa
pagsasabing may kurapsiyon sa Iglesia subalit wala silang ebidensiya. Mayroon
daw. NASAAN NGA?
Para patunayan ninyo na may
kurapsiyon o katiwalian sa panig ng Sanggunian na binansagan pa ninyong
“tiwaling Sanggunian” subalit ang tanong ng lahat ng mga kapatid ay nasaan ang
ebidencia? Kayo ang nagbigay ng hamon noon pang Mayo5, 2015 na kahit itago ng
Sanggunian ang kanilang mga bank account, dummy account, online account, money
trails at paper trails na magpapatunay daw ng kanilang katiwalian, subalit
tatlong buwan na ang nakalipas, ang tanong ng Iglesia ay NASAAN NA?
Nag-rally na kayo,
nagpa-interview sa trimedia, nag-upload ng video sa Youtube, gumawa ng mga FB
page at blog, subalit NASAAN NA ANG IPINANGAKO NINYONG ILALABAS NINYONG BANK
ACCOUNT, DUMMY ACCOUNT, ONLINE ACCOUNT, MONEY TRAILS AT PAPER TRAILS NG
SANGGUNIAN NA MAGPAPATUNAY NG KANILANG KATIWALIAN?
Ang madalas din na makita
nilang kanilang ikinakatuwiran kapag tinatanong sila na kung nasaan na ang
kanilang ebidencia ay “marami na raw silang nailabas.” Subalit, ang tinutukoy nila ay:
(1) Diumano’y “maraming prime
properties ng Iglesia ang naibenta.” Subalit, maliwanag ang sagot natin sa
isyung ito na walang katiwalian dito sapagkat tunay na may legal na karapatan
ang Namamahala sa Iglesia sa pagbebenta ng mga ari-arian ng Iglesia, ang mga
ibinenta ay hindi ginagamit at hindi na kailangan ng Iglesia, at kaya ibinenta
ay sapagkat hindi naman siya ginagamit o pinakikinabangan ng Iglesia at
kumakain pa ng “gugol” sa pag-maintain nito tulad ng bayaring taxes taon-taon,
at gugol sa security, maintenance at upkeep. Narito ang ating bukod na artikulo
ukol rito:
Part 1
(2) Diumano’y “naubos ang
pondo ng Iglesia dahil sa pagpapatayo ng Philippine Arena.” Subalit kitang-kita
natin na sa panahon na itinatayo ang Philippine Arena ay mahigit sa 800 na
kapilya ang naitayo sa buong Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo. Narito
ang ating bukod na artikulo ukol rito:
Part 2
May sinasabi pa silang "mga ebidensiya" subalit pawang "kuwento" pa rin (kaya "tismis" lang). Ang mga SInasabi nila o ipinakikita ay wala pa rin ang ipinangako nila at inihamon na ilalabas nilang mga bank account, dummy account, online account, money
trails at paper trails ng mga miembro ng Sanggunian.
Tandaan na ang gumawa ng hamon
na kahit daw itago ng Sanggunian ang kanilang bank account, dummy account,
online account, money trails at paper trails ay isa-isa nilang ilalabas ay ang
grupo ring ito ng mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala, subalit lumipas na ang
panahon, at dumaan na ang maraming pagkakataon (tulad ng kanilang press con at
pagpapa-interview sa media), ngunit WALA PA RIN SILANG NAILABAS. Dahil dito,
hindi isang kamalian na sabiihin na “hangin” lang pala ang laman ng “hamon” nila
sapagkat mula nang ipahayag nila ang “hamon” nila at ang
dami nang nangyari at "pagkakataong" dumaan sa kanila ay WALA PA RIN SILANG NAILABAS. Mga kapatid, maniniwala pa ba kayo na mayroon nga silang mailalabas?
KONKLUSYON
SAMAKATUWID, SA TUWING
SASABIHIN NILA NA “MAY KATIWALIAN NGAYON SA IGLESIA” AT TATAWAGIN NILANG
“TIWALI ANG SANGGUNIAN” AY NAGPAPARATANG LAMANG SILA AT PATULOY NA NAGKAKASALA
NG PAGSISINUNGALING (ang pagpaparatang ng wala naman katunayan o hindi kayang
patunayan ay katumbas din ng pagsisinungaling). DAHIL DITO, ANG SINASABI NILANG
“NAGBUBUNYAG LANG SILA NG KATIWALIAN” AY ISA PA RING PAGSISINUNGALING. HINDI
SILA “NAGBUBUNYAG NG KATIWALIAN” KUNDI “NAGPAPARATANG” LAMANG.
Mula pa sa Pagsamba ng
Kabataan ay itnuro na sa atin na:
Apocalipsis 21:8
“Nguni't sa mga
duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga
mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga
mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi
ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
ANSWERING “FALLEN
ANGELS”
Punto-por-punto na pagsagot sa mga
Kumakalaban sa Pamamahala
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Hanggang kailan kaya tatagal ang mga dummy nayan? Hanggang kailan sila mag popost ng walang evidence? Sana man lang kahit isang proof makapag labas sila para convincing haha.
ReplyDeleteAno ba napapala nila sa pagpo post ng mga kasinungalingan? Alam na alam naman nilang walang mangyayari at walang action kung walang evidence. Edi WOW!! Script writer na kayo!! Hahaha push mo yang career mo!!
Kaya lang sobra kayong amateur kasi, writing without any evidence is a childish way. Hindi rin kayo magiging successful writer.
Hindi naman kayo p'wedeng mag edit dahil falsification yan. Kalaboso bagsak niyo. Haha
Good luck mga BOGUS!!