ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 17
“TOO
DETAILED TO BE TRUE”
A
HISTORIOGRAPHER’S
POINT-OF-VIEW
NAALALA ko noong kasalukuyang
tinatapos ko ang aking master’s degree, nagkaroon kami ng project na paggawa ng
isang research report sa isang event sa Philippine History. May isa akong
kaklase na pinagbuhusan ang kaniyang project ng buong kaya at pinaganda ng
husto na ginawa niyang “detalyadong-detalyado” ang “salaysay” ng nasabing “historical
event.” Nang magpasa na kami ng project, narinig ko ang komento ng aming professor
sa project ng aking kaklase na “Hindi ito history kundi fiction.” Magalang namin
siyang tinanong kung bakit niya nasabing ang project ay “hindi history kundi fiction”?
Ang tanong niya sa kaklase ko ay “Buhay ka na ba noong panahon ng mga Kastila?”
Ang sagot niya ay “No ma’am.” Tinanong niya uli, “Eyewitness ka ba sa
pangyayaring ito o naroon ka mismo?” Siempre ang sagot niya ay “Hindi po ma’am.”
Tinanong pa niya na “Na-interview mo ba iyong mismong taong involve o naroon?”
“Hindi po ma’am” ang sagot niya. “Kung eyewitness ka o kausap mo iyong mismong mga
taong naroon o iyong mga taong ikinukuwento mo (primary source ika nga) hindi
kataka-taka na detalyadong-detalyado ang sinulat mo na pati ang expression ng
mga mukha nila ay maisusulat mo. Subalit, kung hindi ka naman eyewitness o
hindi naman ang mga taong involve mismo ang nakapanayam mo, ngunit “napaka-detalyado”
ng isinulat mo ay magkakaroon ng “pagdududa” sa accuracy ng isinulat mo. Tandaan mo na ang isinusulat mo ay isang
tunay na pangyayari at hindi isang nobela, hindi isang fiction. Kung di naman “eyewitness”
account subalit “detalyadong-detalyado” na pati gestures at expression ng mukha
ay dini-describe mo ay lalabas na parang nobela, “fiction” o kuwentong-kuwento
lang ang sinulat mo at hindi isang accurate narration of real events. It’s too
detailed to be true!”
Tama siya. Ang sabi ng aming
professor, “You are writing a history and not a nobel, not a fiction. A real
event and not a created event. Because you are not an eyewitness or the details
are not from a ‘primary source’ or an eyewitness account then it’s too detailed
to be true.” Hindi natin sinasabi na “agad-agad” ay hindi na totoo ang
sinasabing “pangyayari” subalit ang pagiging “too detailed” gayong di naman
eyewitness ang nagsusulat ay nagbibigay sa mga mambabasa ng malaking
pag-aalinlangan (doubt) sa naturang “salaysay.” Hindi ito lamang ang indikasyon
para masabing “gawa-gawa” lamang ang isang kuwento, ang dagdag pa na magagamit
natin ay ang pagsisiyasat rito sa pamamagitan ng “pangunahing prinsipyo” ng
tinatawag na “historiography.”
Para sa kaalaman ng marami,
ang “accuracy” ng isang “kuwento” ay masusukat natin sa pamamagitan ng “basic
questions” ng historiography. Ang historiography ay iba sa history. Ang historiography
ay ang “history of history” o “critical analysis of history.” Kabilang sa “basic
questions” ng historiography sa pagsukat ng kawastuhan ng isang “salaysay” ay:
(1) May kalakip bang patotoo at gaano katibay ang patotoo?; (2) Sa ano ba
maiuuri ang pinagkunan ng impormasyon (primary ba o secondary sources lamang)?;
at (3) Sino ba ang may akda, ano ang kaniyang background, at ano ang kaniyang
motibo o layunin?
Samakatuwid, sa pamamagitan ng
mga impormasyon ito ay matitiyak natin ngayon kung ang salaysay ng mga kumakalaban
sa Pamamahala (“fallen angels”) ay totoo ba o kasinungalingan lamang.
ANG MGA ”KUWENTO” NG MGA KUMAKALABAN SA
PAMAMAHALA UKOL SA KUNG PAPAANO RAW NAGALIT ANG KA ERDY NOON KAY KA EDUARDO AT
KA BABYLYN
Kumuha tayo ng isa sa mga
pinalalaganap nilang “kuwento” at suriin natin sa pamamagitan ng prinsipyo ng “historiography”
kung tunay nga na ang kanilang mga “salaysay” na ito ay “totoong pangyayari”
gaya ng kanilang inaangkin.
PAGPAPAPATULOY
......
..... Lalong
nagalit at nagdamdam si ka Babylyn dahil sa mga salitang narinig niya bilang
pagsaway ng TAGAPAMAHALA sa pakikialam niya sa pamamalakad sa bayan ng Diyos.
Nagsisisigaw ito sa galit sa harap ng Ka Eduardo dahil diumano ay hindi
makatarungan ang mga ipinasiya ng TAGAPAMAHALA.
Ngunit bago pa
siya lubusang magwala ay muling tumunog ang telepono. Muli ang mapagmahal na
Kapatid na Cristina V. Manalo. Si Ka Eduardo ang sumagot at ang narinig lamang
ni ka Babylyn sa Ka Eduardo ay: "Opo Mommy, Opo". Pagkatapos ay
ibinaba na niyang muli ang telepono.
Halos pasigaw na
nagtanong si ka Babylyn sa Ka Eduardo kung ano ang sabi. Ayaw magsalita ng
Kapatid na Eduardo ngunit ayaw tumigil ni Ka Babylyn sa pagtatanong. Dahil
dito, napilitan si Ka Eduardo na sabihin sa kaniya ang tagubilin ng TAGAPAMAHALA:
"HUWAG NA HUWAG KA RAW IPAKIKITA SA TATAY, AYAW KA RAW NIYANG
MAKITA".
Namutla si Ka
Babylyn. Natahimik. Subalit saglit lamang ang gayong reaksiyon. Nagsisigaw
siyang muli, inihagis ang ilang mga kagamitan at nagka basag-basag. Hindi
nkayanan ng Ka Eduardo na panoorin ang gayong sitwasyon. Pinalaki sila ng
KAPATID NA ERANO G. MANALO sa isang kapaligiran na puno ng kapayapaan at
pagmamahalan. Napakabait ng Ka Eduardo. Isang taong payapa ang pag-iisip.
Subalit nasasamantala ang kaniyang kabaitan ng mga taong alam ang kaniyang
kahinaan.
(Sources: mga
kasambahay ng Ka EVM, Mga close-in guards, driver, at mga pinagtitiwalaang
utusan ni Ka Babylyn).
Suriin natin ang “salaysay” na
ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga prinsipyo ng historiography”:
PAGSISIYASAT SA “SUPPORTING EVIDENCE”
O NAGPAPATOTOO SA “KUWENTO”
Mapapansin na ang kanilang “salaysay”
ay walang kalakip na anumang “patotoo” o “ebidensiya” na susuporta sa
katotohanan o “accuracy” ng kanilang “kuwento.” Walang konkretong “documentation.”
Sa historiography, kapag ganito ang isang “salaysay” na lumalabas na “baseless”
ay hinuhusgahan ito ng mga historiador bilang “mapag-aalinlanganan” (doubtful).
PAGSUSURI SA “SOURCE”
UNANG TANONG: Ang sumulat po
ba ng salaysay na ito (si Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong”) ay naroon mismo o
maituturing na isang “eyewitness” ng nasabing pangyayari? Hindi po. Siya mismo
ang umamin na mayroon siyang ibang source.
IKALAWANG TANONG: Ang source
ba ay ang mismong mga taong involved sa kuwento (na sina Ka Eduardo at Ka
Babylyn)? Hindi po, sapagkat inamin din ng nagkukuwento na hindi sila Ka
Eduardo at Ka Babylyn kundi “iba” ang kaniyang mga “sources.” Ang sabi niya ay
ang “mga kasambahay ng Ka EVM, mga close-in guards, driver, at mga
pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn.”
IKATLONG TANONG:
Katanggap-tanggap ba na ang “mga kasambahay ng Ka EVM, mga close-in guards,
driver, at mga pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn” ay naroon mismo sa silid
na kasama sina Ka Eduardo at Ka Babylyn nang mangyari ang isinasalaysay na
kuwento? Hindi po. Hindi rin napatunayan na sina Ka Eduardo at Ka Babylyn mismo
ang nagkuwento sa mga sinasabi ni Joy Yuson na kaniyang “source.”
Sapagkat ang nagpost ng
kuwento ay tiyak na wala roon sa silid nang mangyari ang sinasabing kuwento (si
Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong”), at tiyak na wala rin ang “mga kasambahay ng Ka
EVM, mga close-in guards, driver, at mga pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn”
na sinasabi ni Kelly Ong na kaniyang “source,” at lalong tiyak na hindi si Ka
Eduardo at Ka Babylyn ang pinagmulan ng kuwento, samakatuwid hindi maling
sabihin na hindi “primary source” ang pinagmulan ng kuwento, kung magkagayon,
hindi tiyak ang pinagmulan ng kuwento, kaya hindi mapagtitiwalaan ang nasabing kuwento,
hindi siya maaangkin na “credible” at “accurate” kundi “tsismis” lamang.
PAGSISIYASAT SA “CONTENT”
Maikakategorya ba ang salaysay
na “napaka-detalyado”? Opo. Nasa loob sila ng kanilang bahay, detalyado ang mga
salitang ginamit, pati “pagbaba” ng telepono, pati “tono” at “lakas” ng tinig
ng mga nasa kuwento, pati ang expression ng mukha (namutla), at
detalyadong-detalyado ang reaksiyon. Ngunit, napatunayan na hindi “primay
source” ang pinagmulan ng “kuwento.”
Kung hindi eyewitness si Joy
Yuson na nagsalaysay, hindi ang mismong tauhan na nasa kuwento ang nagsalaysay,
at ang sinasabi ni Yuson na kaniyang “source” ay wala rin sa mismong
pangyayari, at “napaka-detalyado ng kiwento” – ang “kuwentong ito ni Jou Yuson
ay TOO GOOD TO BE TRUE.”
Samakatuwid, dalawang bagay
lang ang maaaring maging kahulugan nito: (1) nagsisinungaling ang nagsasalaysay
(si Joy Yuson) na ang “kuwento” ay mula sa sinasabi niyang “mga kasambahay ng
Ka EVM, mga close-in guards, driver, at mga pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn”;
o (2) nagsisinungaling ang “mga kasambahay ng Ka EVM, mga close-in guards,
driver, at mga pinagtitiwalaang utusan ni Ka Babylyn”. Subalit, alin man sa
dalawa ay lumalabas pa rin na kasinungalingan lang talaga ang “kuwento” na
pinost ni Joy Yuson sa kaniyang FB page.
MAYROON BANG BAGKO- COLLABORATE
SA KANILANG "KUWENTO"?
SA KANILANG "KUWENTO"?
Nagtanong kami sa matatagal
nang kasambahay at guardia sa tahanan nina Ka Eduardo at Ka Babylyn ukol sa “kuwentong”
ito. Ang sagot nila ay “wala kami kailanman narinig na ganiyang kuwento, ngayon
nga lang namin narinig iyan.” Hindi na natin binanggit dito ang kanilang
pangalan dahil alam naman natin ang ginagawa ng mga kumakalaban sa Pamamahala
na pag-atake sa katauhan ng mga “hindi pumapabor” sa kanila.
ANG NAGSALAYSAY
Ang nagbigay ng kuwentong ito
ay si Joy Yuson. Siya ay “bata” nina Angel at Marc Manalo noon pang 1989.
Obvious na ang may akda ng “kuwento” ay lubhang nakakiling sa partido nina
Angel at “kalabang-kalaban” ng partido nina Ka Babylyn. Kaya masasabi na
obvious din na ang layunin ay “manira” ng kanilang “kalaban” (gumawa ng “character
assassination” sa kanilang mga itinuturing na “kaaway”).
KONKLUSYON
SAMAKATUWID, walang “patotoo”;
walang “documentation”; walang “supporting evidence”; walang collaboration; hindi
primary sources ang pinagkunan ng impormasyon; “too detailed to be true” – KAYA
ANG SALAYSAY AY HINDI ISANG HISTORY KUNDI MAITUTURING NA ISA LAMANG “TSISMIS” (RUMOR).
Maliwanag na ang motibo ng nagkukuwento (sina Joy Yuson a.k.a. “Kelly Ong”) ay
pasamain ang mga tauhang “involved” sa kuwento, isang “character assassination,”
isang “black propaganda” lamang laban sa sambahayan ni Kapatid na Eduardo V.
Manalo, at dahil dito’y isa ring paninira laban kay Kapatid na Eduardo V.
Manalo mismo.
Ang paggawa ng mga “kuwento”
upang manira lamang ay katunayang hindi na sila sa Diyos bagkus ay mga bulaang
guro na dahil sa kasakiman ay pagsasamantalahan ang mga tao sa pamamagitan ng
kanilang mga kinathang kuwento:
II Pedro 2:1-3 NPV
“Kung paanong sa
gitna ng mga tao'y nagkaroon ng mga bulaang propeta, lilitaw din sa gitna ninyo
ang mga bulaang guro. Lihim silang magpapasok ng mga kabulaanang makasisira sa
inyong pananampalataya. Itatanggi nila pati ang Kataastaasang Panginoon na
tumubos sa kanila, kaya ito ang mabilis na pupuksa sa kanila. Marami ang
susunod sa nakahihiya nilang pamamaraan at pati na ang katotohanan ay
malalapastangan. Dahil sa kanilang kasakiman, PAGSASAMANTALAHAN KAYO NG MGA
BULAANG GURONG ITO SA PAMAMAGITAN NG KANILANG MGA KINATHANG KUWENTO. Matagal
nang handa ang hatol sa kanila at ang pupuksa sa kanila'y hindi natutulog.
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.