ANSWERING “FALLEN ANGELS”
part 4
SAGOT SA
KANILANG RESPONSE
SA ATING ARTIKULO NA
“SINSERO NGA BA ANG
PAGTUNGO NINA ANGEL AT
LOTTIE SA CENTRAL NOONG
PEBRERO, 2015?”
ANG isa sa inaakalang paraan ng
mga kumakalaban sa Pamamahala o ng mga “Fallen Angels” para “pasamain” ang
Kapatid na Eduardo V. Manalo sa mata ng kapatid at ng madla ay ang palabasing “ayaw
niyang kausapin ang kaniyang mga kapatid.” Para lalo pang patindihin ang
kanilang akusasyon at magbigay ng “dramatic
effect” ukol dito (another of their “appeal to emotion”) ay ang pag-post ni
Lottie Hemedez sa timeline ng kaniyang FB account ng “video” na pinalalabas na
nagsikap daw silang kausapin si Ka Eduardo subalit diumano’y “hindi sila
hinarap.” Sa pamamagitan din ng “video” na ito ay nais nilang pabulaanan ang
pagsasabing sila’y may “hidden agenda” o “may ibang layunin” (“masamang layunin”).
Ang video na ito ay ini-upload nila sa Youtube, pinost sa pages at account ng
kanilang mga “kasabwat” at sinikap na ipalaganap. Subalit, ito ay sinagot ng
THE IGLESIA NI CRISTO sa pamamagitan ng artikulo sa kaniyang blog:
sa pamamagitan ng kaniyang
post sa kaniyang FB account:
at pamamagitan ng “counter-video”
na ini-upload sa kaniyang Youtube channel:
Sapagkat dahil sa sagot ng THE
IGLESIA NI CRISTO ay “napabulaanan” ang “video” ni Lottie Manalo-Hemedez na
naglalayon na pasamain si Ka Eduardo at naipakita rin namin na tunay nga na
sila ang may “hidden agenda,” ngayon ay gumawa sila ng “response” sa
pamamagitan ng kanilang pangunahing kasabwat” na si “Kelly Ong” (Joy Yuson).
Ganito ang kanilang naging sagot:
“ANG KATOTOHANAN
SA LIKOD NG VIDEO NG PAGHAHANGAD NG MAGKAKAPATID NA MAKAUSAP ANG KA EDUARDO
“Bago pa pumutok
ang issueng ito ay ikinakalat na ng Tiwaling Sanggunian sa lahat ng mga kapatid
at ministro na ang mga kapatid umano ng Ka Eduardo ang ayaw pumunta sa kanilang
kapatid kahit na ipinapatawag. Matagal na panahong tiniis ng mga magkakapatid
ang mga paninirang ito.
“Kung
matatandaan po ninyo ay nagkaroon noon ng mga text blast sa iglesia tungkol sa
panggigipit ng Sanggunian sa pamilya ng Ka Tenny. Walang humpay at sunod-sunod
ang mga pamilya noon na kanilang itiniwalag, pawang mga driver, kasambahay ng
Ka Tenny at mga anak, mga guwardiya at mga hardinero hanggang sa maubos nila
ang lahat sapagkat gusto nilang ang Ka Tenny at ang mga anak ng KA ERDY ay
lubos na mahirapan. Ikinandado nila at winelding ang gate ng Ka Tenny upang
hindi makalabas. Ang laging ginagamit ng Sanggunian ay pangalan ng Ka Eduardo
ang may utos subalit alam ng pamilya na utos ni Ka Babylyn.
“Sa lahat ng mga
sunod-sunod na mga pang-aaping iyon ay sinikap nilang hanapin at makontak ang
Ka Eduardo. May pagkakataon pang ang Ka Al Alcantara ay pinalad na makausap
siya subalit ayaw niyang makausap ang kaniyang magulang at mga kapatid.
“Ang dahilan ng
pagpunta ng Ka Angel at Ka Lottie Manalo sa opisina ng Ka Rene Panuncillo ay
hindi po para gumawa ng katibayan o i stage ang video. Kay po sila nagtungo
roon sapagkat gusto nilang ipakiusap kay Ka Rene na huwag paalisin at huwag
itiwalag ang nag-iisa na lamang na kasambahay nila na natitira. Ito po ay
nangyari ng Pebrero. Gusto nilang makausap ang Ka Eduardo upang linawin kung
totoo ba na ang lahat ng pang-aapi sa kanila ay utos mismo ni Ka Eduardo.
Nakikusap ako sa
lahat ng mga kapatid na hindi alam ang nangyayari sa pribadong buhay ng pamilya
ng KA ERDY. Huwag po ninyong pagsalitaan ng masama ang kaniyang pamilya.
“HINHILING KO SA
DIYOS NGAYON, AMA, DIYOS NA AMING PINAGTITIWALAAN, IBABA MO PO ANG IYONG
KATARUNGAN. MAGBIGAY KA PO NG PATOTOO SA LAHAT MONG MGA ANAK UPANG HUWAG
MAHULOG SA PAGKAKASALA. PAKISAWAY MO SILANG MGA LUMALAPASTANGAN SA ANGKAN NG
IYONG SINUGO SA HULING ARAW. ALALAHANIN MO ANG IYONG MGA PANGAKO AT ANG IYONG
MGA SALITANG BINITIWAN. GAWIN MO PONG MALINAW SA MGA TAONG ITO KUNG GAANO
KASAMA ANG LUMAPASTANGAN SA IYONG MGA LINGKOD.
“MANGYARI PO ANG LAHAT NG IYONG KALOOBAN. SA PANGALAN NI JESUS NA AMING TAGAPAGLIGTAS. AMEN.”
“MANGYARI PO ANG LAHAT NG IYONG KALOOBAN. SA PANGALAN NI JESUS NA AMING TAGAPAGLIGTAS. AMEN.”
HINDI RIN NILA NAPABULAANAN O NASAGOT
ANG
ATING IPINUNPUNTO
Ipinakita namin sa inyo ang
kabuuan ng kanilang “response” na walang dagdag o bawas upang maipakita sa inyo
na wala rin silang napabulaanan o nasagot sa ating punto, kundi lalo pa nga
nilang pinatibay ang ating mga sinasabi. Hayaan po muna ninyo na muli naming i-post
ang aming naging “mga punto” na hindi naman nila nasagot:
(1)
Batid nating lahat na sa panahon pa ni Kapatid na EraƱo G. Manalo (“Ka Erdy”) ay
ipinagbabawal na ang pagpapapasok ng cellphone, camera at iba pang gadget na
tulad nito sa loob ng Central Office complex. Kaya nga sa panahon pa ni Ka Erdy
nang itayo ang VCO na kung saan ay may metal at electronic detector upang
masaway ang mga maydala at i-surrender sa VCO upang balikan na lamang sa
pag-uwi. Isa nang matagal na tuntunin o patakaran ito mula pa sa panahon ni Ka
Erdy. Hayag sa kanila mismong “video” na
nagpasok sila ng camera at kinukunan ang paglakad, pagpasok at ang
pakikipag-usap nila. Ang maliwanag na makikitang ito sa kanila mismong “video”
na pagpasok nila ng camera sa loob ng Central ay hindi ba’t pagpapakita na AYAW
TALAGA NILANG SUMUNOD AT PASAKOP? KUNG
TALAGANG SINSERO SILA SA PAGTUNGO SA CENTRAL AY BAKIT AYAW NILANG SUMUNOD SA
TUNTUNIN NA IPINATUTUPAD MULA PA SA PANAHON NI KA ERDY?
(2)
Kung ang isang tao ay magtutungo sa isang lugar (sa isang “hostile” na dako o
sa lugar na kinaroroonan ng “hindi kasundo”) at magdadala siya ng “camera” at
kukunan ang lahat ng pangyayari ay tiyak na “may ibang nilalayon” ang gayong
tao – ang makapangalap ng magagamit niya laban sa iba. KUNG TALAGANG “SINSERO” SILA SA PAGTUNGO SA CENTRAL UPANG KAUSAPIN
LAMANG ANG KANILANG KAPATID NA SI KA EDUARDO AT WALA SILANG “HIDDEN
AGENDA” O “MASAMANG LAYUNIN” AY BAKIT
SILA “NAGPASOK NG CAMERA” (NA PAGLABAG SA TUNTUNIN NA IPINATUTUPAD MULA PA SA
PANAHON NI KA ERDY) AT “KUNAN ANG LAHAT NG MGA PANGYAYARI”? Hindi maaaring
maitanggi na kaya “kinukunan” ang mga pangyayari ay upang pagdating ng araw ay
magamit nila laban sa kanilang pinuntahan. Iyan ba ang walang “hidden agenda”?
(3)
Ang dahilan nga ba talaga ng pagtungo ninyo roon sa Central ay para kausapin si
Ka Eduardo upang “makipagkasundo” sa kaniya at ipaabot ang sinasabi ninyo na
diumano’y katiwalian (gaya ng pinalalabas ninyo ngayon) O ANG KUWESTIYUNIN ANG
PASIYA NG PAMAMAHALA SA PAGTITIWALAG SA
INYONG “KASAMBAHAY”?
(4)
Sa video na ipinakakalat sa social media nina Angel at Lottie ay nais nilang ipakita
na “ayaw” silang kausapin ni Ka Eduardo. Let us put ourselves in the
pyschological shoes of Ka Eduardo. Kung kayo si Ka Edurado, pumaroon sa Central
ang inyong mga kapatid na tahasang nagdala ng camera na hindi napasaway, anupa’t
tahasang sinuway ang tuntunin na ipinatutupad mula pa sa panahon ng kanilang
ama na si Ka Erdy, kinukunan ang lahat ng pangyayari, iisipin ba ninyo na
sinsero ang pakikipag-usap ng inyong mga kapatid? ALAM NA NATIN KUNG GANIYAN AY TIYAK NA HINDI SINSERO KUNDI NANGANGALAP
NG MAAARING MAGAMIT NILA SA HINAHARAP LABAN (KAY KA EDUARDO).
KUNG HINDI NAMAN
SINSERO, KUNG KINUKUWESTIYON PA ANG PASIYA NG PAMAMAHALA, AT KUNG NANGANGALAP
PA NG MAAARI NILANG MAGAMIT SA HINAHARAP LABAN SA IYO, MAAASAHAN BA NA
HAHARAPIN SILA? Kaya pala saglit lang sila kinausap ni Ka Rene at ang ipinasabi
sa kanila ni Ka Eduardo ay “Kung handa
kayong sumunod ay umuwi na kayo.”
Maliwanag na hindi nila nasagot
ang mga punto nating ito bagkus ay pinatibay pa ang ating mga sinabi.
LALO LANG NAHAYAG NA TALAGANG MAY “HIDDEN
AGENDA”
SILA AT MASAMANG LAYUNIN
Ang sabi ng mga kumakalaban sa
Pamamahala, “Kaya po sila nagtungo roon
sapagkat gusto nilang ipakiusap kay Ka Rene na huwag paalisin at huwag itiwalag
ang nag-iisa na lamang na kasambahay nila na natitira. Ito po ay nangyari ng
Pebrero.” Batay sa mga pahayag nilang ito ay pansinin po ninyo ang mga sumusunod:
UNA, sila mismo ang nag-confirm
ng sinasabi nating “naparoon sila para kuwestiyunin ang pasiya ng Pamamahala sa
pagtitiwalag sa kanilang kasambahay” (itiniwalag po dahil sa paglaban sa
Pamamahala).
IKALAWA, PANSININ NATIN NA ANG
DAHILAN NG KANILANG PAGHAHABOL. Ang sabi nila mismo, “gusto nilang ipakiusap kay Ka Rene na huwag paalisin at huwag itiwalag
ang nag-iisa na lamang na kasambahay nila na natitira.” Sila na rin ang
nagpatotoo na TAMA na ang kanilang kasambahay ay “nagsasalita ng laban sa
Pamamahala” kaya itiniwalag, na naroon sila upang “maghabol” hindi sapagkat “mali
ang ulat” sa kanilang kasambahay o “hindi naman totoo” na nagsasalita siya ng
laban sa Pamamahala – kundi kasi “nag-iisa na lamang na kasambahay.”
IKATLO, “ang “kasambahay” nilang
ito ay ang Iglesia ang nagbibigay ng “suweldo.” Kung hindi ang Iglesia ang
nagpapasuweldo sa “kasambahay” na ito ay bakit kailangan nilang maghabol kay Ka
Rene na head ng Personnel Departent ng Central Office. Kaya, kung nagsasalita
ng laban sa Pamamahala ang “kasambahay” na ito, ang Iglesia ang nagpapasuweldo
sa kaniya, bakit hindi siya aalisin?
IKA-APAT, dito kitang-kita ang
KABAITAN ng Pamamahala kanila Angel at Lottie. Mula pa noong 2013 ay wala nang
karapatan si Angel, si Lottie ay hindi naman “naglilingkod sa Iglesia,” ang Ka
Tenny ay wala naman doon kundi nasa ibang bansa, subalit sa ilang taon ay
pinananatili ang kanilang katulong na ang Iglesia ang nagpapasuweldo. Iyan ba
ang pang-aapi sa kanila?
IKALIMA, bakit ang lalabas na MASAMA
sa pagka-alis at pagkatiwalag sa kanilang “kasambahay” na ito ay ang Pamamahala?
Bakit lalabas na “pang-aapi” ang pagka-alis ng kanilang kasambahay samantalang
sa ILANG TAON ay nananatili ito sa kanila na ang Iglesia ang nagpapasuweldo at hindi
naman inalis ang “kasambahay” na ito nang walang dahilan kundi siya rin naman
ang may kasalanan (inalis lamang siya noong siya ay lumaban na sa Pamamahala)?
IKA-ANIM, makikiusap ka na nga
lang (para sa pansariling kapakanan) na manatili ang kasambahay (na ang
katumbas ay nakikiusap sila na ang Iglesia ang patuloy na magpasuweldo sa “kasambahay”
na ito) BAKIT KAILANGAN PA NINYONG I-VIDEO? Makikiusap pala sila bakit kailangang
tahasang labagin ang tuntunin na ipinatutupad mula pa sa panahon ng kanilang
ama na si Ka Erdy? IYAN BA ANG WALANG “HIDDEN AGENDA? Iyan ba ang “hindi po para gumawa ng katibayan o i stage
ang video”?
SAMAKATUWID, nananatili ang
katotohanan na “may hidden agenda” sila sa kanilang pagtungo sa Central Office
noong Pebreo, 2015. Nananatili ang katotohanan na hindi sila “sinsero” sa
pagtungo at pakikipag-usap kundi may “plano” sila na kung hindi man makuha ang
gusto nila (ang paghahabol sa kanilang itiniwalag na kasambahay) ay may
magagamit sila sa matagal na nilang pinaplano na “paninira” at “paglaban” kay
Kapatid na Eduardo V. Manalo.”
SA SUSUNOD AY SASAGUTIN
DIN PO NATIN ANG SINASABI NILANG
“PANG-AAPI.” ITUTULOY
NATIN ANG PAGTALAKAY AT PAGSAGOT
SA IKALAWANG
BAHAGI NG KANILANG “RESPONSE”
ANSWERING “FALLEN
ANGELS”
Punto-por-punto na pagsagot sa mga
Kumakalaban sa Pamamahala
Part 1
Part 2
Part 3
Thanks po sa mga articles nyo that respond to the fallen angels.
ReplyDeleteHuwag po nating ipagpalit ang pagsunod at ang kaligtasan sa isang napakaliit na bagay: house helper na ito'y tip of the iceberg lamang ng tunay na dahilan ng hindi NILA pagsunod at pagpapasakop na sila mismo ang nagsambulat sa buong mundo. Good for us para huwag tayong madaya.
ReplyDeletekaya sana magsuri ang ilan bago tayo husgahan :) kung di lang sila lumaban sa pamamahala edi wala sila sa stressfull na buhay ngayon. ginagamit pa nila ang media , at ang media kumakagat naman ,, hahaiiiiiiii kaya sana yung ibang kapatid ay wag padaya, at patuloy na magpasakop :)
ReplyDelete