12 August 2015

Ang Katotohanan ukol sa "Pang-aapi at Panggigipit" daw sa "Pamilya ni Ka Erdy"



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
part 11

ANG KATOTOHANAN UKOL SA
“PANG-AAPI AT PANGGIGIPIT 
DAW SA PAMILYA NI KA ERDY



PARA lalo pang pasamain si Kapatid na Eduardo V. Manalo at ipakitang walang kakayahang pangunahan ang Iglesia, ang kanila naman ngayong sinisiraan ay ang kaniyang kabiyak, ang Kapatid na Babylyn. Binabato nila ng kung anu-anong bansag at pinararatangan siya ng kung anu-ano. Hindi naman ito kataka-taka sapagkat ang mga taong may masamang layunin sa isang tao, kung hindi nila madaig o makayanang “banggain,” tiyak na itutuon nila ang kanilang paggawa ng masama sa kaniyang mga mahal sa buhay.

Ang pangunahing ipinaparatang nila kay Kapatid na Babylyn ay siya raw ang nag-utos ng panggigipit at pang-aapi sa “pamilya ni Ka Erdy.” Ukol dito ay ganito ang kanilang pagpaparatang:

“Kung matatandaan po ninyo ay nagkaroon noon ng mga text blast sa iglesia tungkol sa panggigipit ng Sanggunian sa pamilya ng Ka Tenny. Walang humpay at sunod-sunod ang mga pamilya noon na kanilang itiniwalag, pawang mga driver, kasambahay ng Ka Tenny at mga anak, mga guwardiya at mga hardinero hanggang sa maubos nila ang lahat sapagkat gusto nilang ang Ka Tenny at ang mga anak ng KA ERDY ay lubos na mahirapan. Ikinandado nila at winelding ang gate ng Ka Tenny upang hindi makalabas. Ang laging ginagamit ng Sanggunian ay pangalan ng Ka Eduardo ang may utos subalit alam ng pamilya na utos ni Ka Babylyn.” [Mula sa post ni Joy Yuson a.k.a. "Kelly Ong"]

Ano raw ang pang-aapi na ginawa sa kanila Angel at Lottie? Ang inalisan ng mga driver, kasambahay, guwardiya at hardinero. Bakit daw ito pang-aapi? Sapagkat ginawa raw ito dahil “gusto nilang ang Ka Tenny at ang mga anak ng Ka Erdy ay lubos na mahirapan.”Ang isa pa raw pang-aapi at panggigipit ay ikinandado at winelding daw ang gate ni Ka Tenny upang hindi makalabas. Sino raw ang may utos na ang lahat ng ito’y gawin? Ang sabi ng mga kumakalaban sa Pamamahala, “alam ng pamilya na utos ni Ka Babylyn.” Para pong “plot” ng isang telenobela ano po?

Subalit, kung magsusuri tayong mabuti at bubuksan nating lubos ang ating mga pag-iisip ay makikita ninyo na ang lahat ng akusasyon nilang ito ay pawang kasinungalingan at naglalayong manira lamang, hindi lamang sa panig ng Ka Babylyn, kundi lalo na sa panig ng Ka Eduardo. MAGSIYASAT PO TAYO NGAYON AT ALAMIN ANG KATOTOHANAN.

Dapat muna nating mapansin: UNA sa lahat, ang nagpapasuweldo sa mga sinasabing driver, kasambahay, guwardiya at hardinero ng “pamilya ni Ka Erdy” o mas lalong dapat sabihin ay nina Angel at Lottie ay ang Iglesia. IKALAWA, hindi inalis ng basta-basta o walang dahilan ang mga ito. Sila na rin ang nagsabi na “itiniwalag” sila.

(1) Kailan inalis ang mga driver, kasambahay, guwardiya at hardinero ng “pamilya ni Ka Erdy” o nina Angel at Lottie?

Ang napakahalagang tanong na dapat na masagot muna ay “Kailan inalis ang mga driver, kasambahay, guwardiya at hardinero” kanila Mark, Angel at Lottie? KUNG sasabihing “agad-agad pagkamatay ni Ka Erdy,” ito po ay isang malaking kasinungalingan.

Noong unang anibersaryo ng pagkamatay ni Ka Erdy (2010) ay nagkaroon noon ng okasyon bilang paggunita kay Ka Erdy, at naroon sina Ka Tenny at ang kaniyang mga anak. Nakipagkamay pa si Ka Tenny at ang kaniyang mga anak sa mga kapatid na naroon, lalo na sa mga BEM students doon sa Tabernakulo. Saksi kaming buhay na kasama pa nila noon ang mga sinasabing mga guwardiya at driver nila.

Saksi rin ang mga kapatid na noong nangangasiwa pa ng pagsamba sina Mark at Angel ay pasasakyan pa sila ng Iglesia at may driver pa sila at guwardiya. Hindi ito maikakaila sapagkat ang mga lokal na kanilang pinangangasiwaan ang makapagpapatotoo nito. Ang totoo, noong eleksiyon ng 2013, dumating sina Mark at Angel sa New Era Elementary School upang bumoto, naroon pa rin ang kanilang driver at guwardiya, at ang kanilang mga kasambahay ay bumoto rin noon na katunayang kasama pa nila noon sa taong ito. Samakatuwid, maliwanag na mula 2009 hanggang 2013 ay nananatili ang kanilang mga driver, guwardiya, kasambahay at hardinero (tandaan na ang nagpapasuweldo sa mga ito ay ang Iglesia).

Noong eleksiyon nang 2013 ay hindi na noon nangangasiwa ng pagsamba sina Mark at Angel, hindi na sila dumadalo sa klase at hindi na tumutupad ng tungkulin (nagdimisyon), at ito’y nagtuloy-tuloy na hanggang sa tuluyan na silang ibaba sa karapatan dahil sa kanilang pagdidimisyon. Para po sa kabatiran ng lahat, sina Mark at Angel ay kapuwa mga ministro ng Ebanghelyo noon, at ang “pagdidimisyon” o ang pag-iwan sa tungkulin ng isang ministro ay mabigat na kasalanan na magagawa ng isang ministro na maaari pa ngang ikatiwalag pa. Subalit, naging mapagpahinuhod sa kanila ang Kapatid na Eduardo V. Manalo. Ang totoo ay binibigyan pa sila noon ng suguan, subalit sila na talaga ang hindi dumadalo ng klase at hindi na nangangasiwa ng pagsamba.

Sa kabila na sina Mark at Angel ay nakababa na sa tungkulin mula 2013, nanatili pa rin ang kanilang mga driver, guwardiya, kasambahay at hardinero. Sa tuntunin at sasang-ayon ang lahat na makatuwiran lamang, kapag ang isang tagapangasiwa o isang ministro na pasasakyan ng Iglesia at may driver pa, subalit naalisan ng karapatan o kaya’y nabababa sa tungkulin, babawiin ng Iglesia ang sasakyan at aalisin sa kaniya ang kaniyang driver. Sasang-ayon ang lahat na tama lang na bawiin sa isang nababa sa tungkulin ang pasasakyan sapagkat ito’y pag-aari ng Iglesia, at alisin sa kaniya ang driver sapagkat ang Iglesia rin ang nagpapasuweldo sa kaniyang driver. SUBALIT, TUNAY NA MAPAGPAHINUHOD ANG KA EDUARDO SA KANILA NA SA KABILA NA NAKABABA NA SILA SA TUNGKULIN AY HINDI INALIS SA KANILA ang kanilang driver, guwardiya, kasambahay at hardinero. DI BA’T KAGANDAHANG-LOOB ITO SA KANILA NG PAMAMAHALA?

Dito pa lang ay kita na natin na hindi totoo na may layunin ang kasalukuyang Pamamahala na “lubos na pahirapan” ang “pamilya ni Ka Erdy” sapagkat kung magkagayon ay dapat sana’y noon pang 2009 o pagkamatay ng Ka Erdy ay inalis na ang mga ito. Subalit, kahit nakababa na sa tungkulin sina Mark at Angel ay pinanatili pa rin ng kasalukuyang Pamamahala ang kanilang “mga kasama.” Kabutihang-loob ito sa kanila ng Pamamahala subalit sa halip na ipagpasalamat ay “nagalit” pa sila sapagkat ang nais nilang “bilang” ng guwardiya (security) nila at mga katulong sa bahay ay tulad noong buhay pa ang Ka Erdy.

(2) Bakit inalis ang driver, guwardiya, kasambahay at Hardinero?

Pansinin na ang pagka-alis ng mga driver, guwardiya, kasambahay at hardinero ay ikinasasama nila ng loob at itinuturing nila na “pang-aapi” at “panggigipit” sa kanila, at nagbibintang pa na ang “pang-aapi” raw na ito ay si Ka Babylyn.

Teka muna! Basta lang ba inalis ang mga ito sa kanila? Inalis lang ba na walang dahilan? O inalis ba sila dahil sa utos ni Ka Babylyn? Saksi ang Iglesia na HINDI. Narinig ng mga kapatid ang sirkular ng pagtitiwalag sa kanila, at ang kampo mismo ni Angel at Lottie ay may pag-amin na ang “mga kasama” nila sa bahay ay naalis dahil sa natiwalag. Ang sabi ni Joy Yuson, a.k.a. “Kelly Ong” ay “Walang humpay at sunod-sunod ang mga pamilya noon na kanilang itiniwalag, pawang mga driver, kasambahay ng Ka Tenny at mga anak, mga guwardiya at mga hardinero hanggang sa maubos nila ang lahat.” Salamat nga pala Yuson sa post mong ito at hindi na kami nahirapan na maghanap ng ebidencia dahil sa inyo na rin nanggaling ang mga patotoo na nagpapatunay sa aming mga sinasabi.

Bakit sila natiwalag? Ang kanilang pagkatiwalag ay ang pagsasalita at paggawa ng laban sa Pamamahala. Sila ba ay walang patumanggang itiniwalag o hindi man lang kinausap? KINAUSAP SILA upang bigyan ng pagkakataon tulad ng ginawa sa iba, subalit may pagkakataon nga na Tagapangasiwa pa mismo ang pumunta upang lumapit sa kanila, ngunit pinagsalitaan nila ng masasama ang tagapangasiwa at pinagsarhan pa ng pinto. Kaya, hindi maaangkin na “walang katarungan” ang pagkakatiwalag sa kanila. Sasang-ayon ang lahat na tama lang na itiwalag sa salang paglaban sa Pamamahala kung ganito ang naging aktuwasyon o kanilang ginawa.

Tandaan na  ang nagpapasuweldo sa “mga kasamahan” sa bahay nina Angel at Lottie  ay ang Iglesia, kaya kawalang-katarungan ba na itiniwalag sila kung sila ay lumalaban sa Pamamahala at ang sila’y alisin?

Kaya bakit sasabihing pang-aapi kanila Angel at Lottie ang pagkawala o pagka-alis ng kanilang mga kasambahay, driver, hardinero at guwardiya, at bakit isisisi nila sa Pamamahala ang pagka-alis ng mga ito, kung sila’y naalis dahil sa pagkatiwalag? Kung naalis ang mga driver, guwardiya, kasambahay at hardinero na ayon din sa kanila ay dahil natiwalag, bakit ngayon isisisi nila ito kay Ka Babylyn? Papaanong si Ka Babylyn ang may kinalaman at siya ang may utos na maalis ang mga kasambahay kung kaya nga naalis ang mga ito ay dahil sa natiwalag sa salang paglaban sa Pamamahala?

Ang totoo, kung nais naman nilang manatili ang kanilang mga natiwalag na driver, guwardiya, kasambahay at hardinero ay puwede naman, subalit huwag nilang iaasa na ang Iglesia pa rin ang magpapasuweldo sa kanila. SAMAKATUWID, ANG IKINAGAGALIT NINA ANGEL AT LOTTIE AT ITINUTURO NILANG PANG-AAPI SA KANILA AY HINDI SILA NAPAGBIGYAN SA GUSTO NILA O HINDI PABOR SA KANILA ANG NAGING DESISYON NG PAMAMAHALA.

Ang totoo kung magpapakumbaba sila at hihiling sa Pamamahala, kilalang-kilala ng Iglesia ang ugali ng Pamamahala na mapagpahinuhod at ang kaniyang kabaitan, tiyak na sila’y pagbibigyan. Subalit sa halip na magpakumbaba at humiling ay ano ang kanilang ginawa? NAGPUNTA NG CENTRAL NA MAY DALANG CAMERA PARA KUNAN ANG LAHAT AT KUWESTIYUNIN ANG PASIYA NG PAMAMAHALA.

Samakatuwid, hindi pang-aapi sa kanila ang pagka-alis ng kanilang “mga kasama” sa bahay at hindi kasalanan ng Pamamahala at ni Ka Babylyn (gaya ng kanilang ipinaparatang) ang pagka-alis ng kanilang mga “kasambahay.” Noong panahong hindi pa natitiwalag ang kanilang “mga kasama” sa bahay ay nananatili sa kanila na ang Iglesia pa nga ang nagpapasuweldo, naalis lamang nang matiwalag dahil sa paglaban sa Pamamahala.

(3) Kinandado nga ba at winelding ang gate upang hindi raw sila makalabas?

Pinalalabas din nilang “inaapi” at “ginipit” sila dahil daw kinandado at winelding ang gate upang huwag silang makalabas. UNA, kung iyan ay kinandado at winelding para hindi sila makalabas bago pa ang 2013, papaano nakapangangasiwa ng pagsamba sina Mark at Angel noon? Papaano  sila nakasasamba noon? Papaano nakalalabas ang anak ni Lottie na si Gem para makapagdoktrina at makapunta sa distinong lokal at maging sa suguan? Papaano nakapapasok sa NEU si Kaye (ang anak na babae ni Lottie) at naka-graduate pa ng Psychology sa NEU?

Baka kinandado at winelding nito lamang 2013-2014? Ganon pa rin ang tanong, papaano sila nakasasamba, papaano nakapupunta ng doktrina at suguan si Gem? Hindi ba’t sila rin ang may sabi na “may sumusunod” daw sa kanila sa kanilang PAGLABAS?

Baka nito lamang 2015 kinandado at winelding ang gate para hindi sila makalabas? Itong 2015 ay lalo nilang pinangalandakan na “may sumusunod” sa kanila sa kanilang PAGLABAS na ipinost pa nila sa social media ang video at pictures. Paano ang sinasabi nilang ito na may sumusunod sa kanila sa kanilang pag-alis at nito ngang huli ay may sumusunod daw sa kanila sa mall? Nakakandado at nakawelding ang gate pero nakapupunta ng mall? Noong anibersaryo ng kasal ni Angel at Ka Jenny, di ba’t kumain sila sa LABAS?

Dito, walang tulak-kabigin ay parehong lumalabas na sila’y nagsisinungaling. Kung igigiit nilang totoong may sumusunod sa amin kapag kami’y lumalabas – kaya nagsisinungaling sila sa pagsasabing kinandado at winelding ang kanilang gate para hindi sila makalabas. Kung igigiit naman nilang totoong kinandado at winelding ang gate para hindi kami makalabas – kaya nagsisinungaling sila sa pagsasabing “may sumusunod” sa kanila kapag sila’y lumalabas o “gawa-gawa” lang nila ito dahil nakandado at nakawelding ang gate kaya paano sila makalalabas at dahil doon ay masusundan. KITANG-KITA ANG PAGSISINUNGALING.

Ang totoo, noong mangyari ang kanilang “vigil” nitong July 22-26, 2015, hindi ba’t ilang ulit nating nakita sa news ang pagbukas ng kanilang “gate” kaya nga may ilang beses din nakapag-press con si Angel dahil lumabas sa gate. Hindi ba’t may pumapasok sa gate na may delivery na pagkain sa kanila? Nakakandado at nakawelding ang gate niyan? SA AMING MGA MAMBABASA, ANO SA PALAGAY NINYO, NAGSASABI SILA NG TOOTOO O NAGSISINUNGALING LAMANG?

(4) Nasaan si Ka Tenny?

Mula noong 2013 ay hindi na nakikita ng mga kapatid sa Templo Central na sumasamba roon si Ka Tenny? Wala nang nakakakita sa kaniya. Noong namatay ang kapatid ni Ka Tenny, hindi dumating si Ka Tenny sa burol at maging sa libing. Sa “controversial video” na ini-upload nila sa Youtube sa kasagsagan ng kanilang pagbi-“vigil” ay “audio” lang ni Ka Tenny at mukhang “phone patch” lahg. Noong nagsagawa sila ng “vigil” ay hindi nila mailabas diyan sa Central si Ka Tenny. At ang masaklap sa panig nila, isa na naman nilang “kasabwat” ang naglaglag sa kanila. Ganito ang sinasabi ng isa nilang “kasamahan” na kumakalaban sa Pamamahala na nasa Amerika na bumuko sa kanila na wala nga talaga si Ka Tenny sa Central, wala siya sa Pilipinas kundi nasa Amerika:

 NOTA: Inalis natin ang mga may pagmumura at panlalait.

Kung wala si Ka Tenny sa Central, wala sa Pilipinas, kaya ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN ang pagsasabing nanganganib daw ang kaniyang buhay; malaking kasinungalingan din ang pagsasabi nilang “Ikinandado nila at winelding ang gate ng Ka Tenny upang hindi makalabas”; at isang malaking kasinungalingan din ang pagsasabing “gusto nilang ang Ka Tenny at ang mga anak ng KA ERDY ay lubos na mahirapan.” PAPAANO MAGIGING KATOTOHANAN ITO KUNG WALA NGA ANG KA TENNY SA CENTRAL?

Ngayon ay balitang-balita mula din sa mga kasamahan nila na “babalik na raw ang Ka Tenny.” Kung babalik ay totoo ngang wala rito sa Central si Ka Tenny. Sino ngayon ang nagsasabi ng totoo at sino ngayon ang nagsisinungaling?

Bakit babalik na? Upang muli nilang “gamitin” para sa buktot nilang layunin? Masama, napakasamang gawain iyan kapag patuloy ninyong ginamit ang inyong ina na matanda na para lang maisulong ang inyong pansariling hangarin.


KONKLUSYON

Samakatuwid, isang malaking kasinungalingan ang pagsasabing inaapi at ginipit daw sila; kasinungalingan ang sinasabi nilang nanganganib daw ang buhay ng Ka Tenny, pinahihirapan at parang preso raw na ayaw palabasin; at ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN NA ANG SINASABI NILANG SI KA BABYLYN ANG MAY UTOS O NAG-UTOS PARA APIHIN SILA AT GIPITIN.

Kaya, lumalabas ngayon na ang isa sa pinka-ugat ng kanilang paglaban ay ang hindi sila napaboran at hindi nasunod ang kanilang gusto, na nawala ang dati nilang tinatamasa (ang “mga pribilehiyo,” ang may mga bodyguard o security, ang may mga kasambahay at may mga sariling hardinero pa, may yaya ang bawat isa nilang anak, may security at driver pati ang kanilang mga anak, na ang nagpapasuweldo ay ang Iglesia). Gaya ng ating nakita, ang pagkawala ng mga ito ay hindi kasalanan ng Pamamahala, walang kinalaman dito ang Ka Babylyn, kundi natiwalag ang kanilang “mga kasamahan” sa bahay dahil sa paglaban sa Pamamahala. Ang pagkawala ng kanilang “mga kasamahan” sa bahay ay itinuring nilang pang-aapi sa kanila at pagka-aba nila. At gaya ng ating nakita, sa halip na magpakumbaba at humiling sa Pamamahala, ay nagmataas pa sila at gumawa pa ng paglaban.


7 comments:

  1. Your articles are very much appreciated. Salamat po sa pagsusulat ninyo. God bless po.

    ReplyDelete
  2. What scares me is when these conspirators (Angel, Yuson, et. al) harm (or worse, assassinate) Tenny Manalo and shift the blame to the Administration. This is their only way of getting the general public side with them and I cannot imagine the sentiments they will receive from the people they deceived. Of course, who won't side with a helpless elderly?

    We hope and pray that this grand conspiracy will stop - soonest. We are one with the Church Administration and sticking with the doctrine is our only shield against these adversaries. Besides, who can be against us if God is with us? (Rom. 8:31)

    ReplyDelete
  3. Grabe na kasinungalingan nila, ang Diyos na ang bahala sa kanilaa

    ReplyDelete
  4. Huwag po kayong mag isip na baka may pumatay sa ka tenny at ibintang sa administrasyon...napaka laking pagkakamali kapag ginawa nila yan kase sa unang punto hindi naman gagawa ang administrasyon ng ganyang kasalanan dahil sa Diyos po tayo at cgurado aa kanila ibibintang yun dahil mga tiwalag sila...kaya nga tiwalag...wala na sa kawan...nilukuban na sila ng Diyablo...

    ReplyDelete
  5. yan ang hirap sa kanila (angel, mark & lottie) na spoiled kc kaya ayan, hinahanap-hanap na ang luo ng katawan.

    ReplyDelete
  6. bali baliktarin man ang kasinungalingan lumalabas din ang katotohanan.

    ReplyDelete
  7. Sana po maraming mga kapatid ang makabasa nito,para sa kapaliwanagan sa mga tanong ng iba. Maraming salamat po sa mga nagsulat nito..

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)