ANSWERING “FALLEN ANGELS”
part 9
SINO SI JOY
YUSON
a.k.a. "KELLY ONG"?
a.k.a. "KELLY ONG"?
Sagot sa mga
Paratang ni Joy Yuson na inilahad niya sa kaniyang “Sulat” na pinost sa
kaniyang dummy account na may pangalang “Kelly Ong” noongAgosto 10,
2015
UNANG BAHAGI
KILALANIN natin si Joy Yuson
mula mismo sa kaniyang mga pananalita mula sa kaniyang “sulat” na pinost sa FB
Page ni “Kelly Ong” (na siya rin po ito) ngayong Agosto 10, 2015, bandang ala-7
ng gabi. Kaya hindi maaari na pagbintangan tayo na nagpaparatang lamang o
naninira lamang sapagkat ang ating basehan ay ang “mismong pananalita” ni Joy
Yuson.
ANG KANIYA RAW
SULAT AY PAGPAPAHAYAG SA MGA
KATIWALIAN NA
KANIYA RAW “NASAKSIHAN”
“Ako po si
Eliodoro Yuson Jr., isang ministro sa Iglesia ni Cristo na nagpapahayag ukol sa
mga bagay na may kinalaman sa mga katiwalian na aking nasaksihan na ginawa at
ginagawa ng grupo sa pangunguna ni Mr. Glicerio "jun" Santos, General
Auditor ng Iglesia ni Cristo at ni Ka Babylyn Manalo, asawa ni Ka Eduardo.”
“Eliodoro Yuson Jr.” ang tunay
niyang pangalan. Siya ay “naging ministro” sa Iglesia Ni Cristo subalit natiwalag dahil sa “paglaban sa Pamamahala ng Iglesia.”
May nais po kaming pansinin ninyo at pakatandaan sa kaniyang ipinahayag na
sinipi natin sa itaas. Ang sabi niya, “Ako
po si Eliodoro Yuson Jr., isang ministro sa Iglesia ni Cristo na nagpapahayag
ukol sa mga bagay na may kinalaman SA MGA KATIWALIAN NA AKING NASAKSIHAN….”
TANDAAN po natin ang kaniyang sinabi na ang “katiwalian” daw sa Iglesia ngayon
na kaniyang ipinapahayag sa “sulat” niyang ito ay KANIYANG NASAKSIHAN.
TAO SIYA NI
ANGEL AT MARK NOON PANG 1989
“Ako po ang
Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng
Iglesia ni Cristo (GEMNET). Nagsimula po ako sa aking tungkulin noong 1989 sa
ilalim ng Pangangasiwa ng Kapatid na Felix Nathaniel V. Manalo at Kapatid na
Marco Erano V. Manalo, mga anak ng namayapang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang
Kapatid na Erano G. Manalo.”
Mula pa noong 1989 AY NASA
ILALIM NA SIYA NI “Angel Manalo” (Felix Nathaniel V. Manalo) at hindi isang “pangkaraniwan”
lamang ang ibinigay na “posisyon” sa kaniya ni Angel – “Finance and
Administrative Coordinator.” Kaya kataka-taka ba na “loyal” siya kay Angel at sumama
siya sa “paghihimagsik” ni Angel laban sa Pamamahala ng Iglesia?
SIYA ANG MAY
HAWAK NG “FINANCIAL MATTERS”
“Ako po ang
Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng
Iglesia ni Cristo (GEMNET)…bahagi po ng aking pananagutan ang coordination sa
mga financial matters ng opisina at ang mga bagay na pang administratibo
kalakip ang mga special task mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan na ipinagagawa
sa amin sa pamamagitan ng dalawa nilang mga anak na siyang nangangasiwa sa
aming tanggapan.”
“Matindi” ang kaniyang “posisyon
noon – “Finance at Administrative Coordinator” na siya ang may “hawak” ng “financial
matters” ng “opisina at ang mga bagay na pang administratibo. Siya ang
inuutusan na magpunta sa ibang bansa sa pagbili ng mga “gamit” at iba pang at iaatas sa kaniya ng magkapatid. Ayon sa ulat, noon ay 26 na beses
siyang nagtungo sa Japan.
GAANO KALAWAK
ANG KANIYANG
KAPANGYARIHAN
NOON?
“Saklaw po ng
operasyon ng aming tanggapan ang networking system ng Central Office, CCTV
installations and monitoring system, House of Worship Sound and Video System
installations, Technical and Administrative support ng mga Radio and Television
Stations ng Iglesia sa buong mundo kalakip po rito ang mga programming at
monitoring sa mga himpilan. Bukod po rito ay saklaw ng aming Tanggapan ang
ilang bahagi ng housing distribution para sa aming mga kawani, ang Security
Matters ng Iglesia at Central Office, beautification ng Central Office at mga
pangunahing gusali ng Iglesia, logistical requirement ng iba't ibang
departamento sa ilalim ng aming pangangasiwa. Ang aming tanggapan ay ang siyang
systems support ng mga tanggapan at technical support ng buong Iglesia ni
Cristo.
“Ang GEMNET din
po ang nasa likod ng mga malalaking program presentations and television shows
ng iglesia sa mga malalaking okasyon nito.
Maging ang mga
communication equipment na ginagamit ng iglesia ay nagmumula po sa mga research
ng aming tanggapan.”
Tandaan natin na siya mismo
ang may sabi na siya ang may hawak ng “financial matters” ng alin? Hindi lang
ng kanilang opisina na tinatawag na GEMNET kundi “networking system ng Central
Office, CCTV installations and monitoring system, House of Worship Sound and
Video System installations, Technical and Administrative support ng mga Radio
and Television Stations ng Iglesia sa buong mundo.” Kapag sinasabing siya ang
may hawak ng “financial at administrative matters” ay si Joy Yuson ang nag-aasikaso
ng “purchasing” ng mga kailangan sa network system ng Central office, ng mga
CCTV, ng mga kailangan sa “sound system” ng lahat ng kapilya sa buong mundo, at
pati na ang “financial matters” ng mga Radio at Televisions ng Iglesia sa buong
mundo. Samakatuwid, ay HINDI MALIIT NA HALAGA LAMANG ANG HAWAK NIYA. Maniniwala
ba kayo na “isang milyon” lang ang kabuuang hawak niya sa pangangasiwa ng “technical
and administrative support” ng Net 25?Hawak din niya ang “financial matters” ng
GEM TV (ang ngayon ay INC TV), ang limang radio stations ng Iglesia, GEMNET,
Network system ng Central Offcie, installation ng CCTV sa Central Office, at
mga sound system ng lahat ng kapilya sa buong mundo.
Hindi lang humahangga rito ang
saklaw ng kaniyang kapangyarihan. Ang sabi pa niya, “Bukod po rito ay saklaw ng aming Tanggapan ang ilang bahagi ng housing distribution
para sa aming mga kawani, ang Security Matters ng Iglesia at Central Office,
beautification ng Central Office at mga pangunahing gusali ng Iglesia,
logistical requirement ng iba't ibang departamento sa ilalim ng aming
pangangasiwa.” Pansinin ninyo kung gaano kalawak ang kaniyang “kapangyarihang”
taglay sa panahong sina Marc at Angel ay nasa “kapangyarihan” pa. Isipin ninyo
na ang GEMNET ay dapat lamang ay sa “technical support” subalit si Yuson mismo
ang nagsabi na saklaw din nila ang “housing distribution para sa mga kawani” (di
ba trabaho ito ng Housing Section ng Finance Department?), pati ang security
matters ng Central Office, pati ba naman “beautification” ng Central Office at mga
pangunahing gusali ng Iglesia (di kasama rin ang Templo Central, College of
Evangelical Ministry, New Era University, at New Era General Hospital), at pati
ang “logistical requirement” ng lahat ng departamento ay nasa ilalim ng
kanilang pangangasiwa.
Iyan lang ba ang saklaw ng
kanilang “kapangyarihan”? Si Yuson din ang may sabi, “Ang aming tanggapan ay ang siyang systems support ng mga tanggapan at
technical support ng buong Iglesia ni Cristo.” Ano pa? “Ang GEMNET din po ang nasa likod ng mga
malalaking program presentations and television shows ng iglesia sa mga
malalaking okasyon nito.” Pati ang pagbili ng mga “communication equiptment
ng Iglesia” ay hawak din nila?
Kung siya ang may hawak ng “financial
matters” ng GEMNET, NET 25, GEM TV, DZEC, DZEM, mga radio stations sa
Pangasinan, Quezon at Cebu, installation ng sound system” ng lahat ng mga
kapilya sa buong mundo, at pati na ang network system ng Central Office, housing
distribution, security matters, beautification ng Central Office at mga
pangunahing gusali (kasama rin ang Templo Central, College of Evangelical
Ministry, New Era University, at New Era General Hospital), logistical support
ng lahat ng tanggapan, pati production ng TV stations at mga malalaking okasyon
(gaya ng 95th anniversary presentation), at ang pagbili ng mga “communication
equipment” ng Iglesia, HINDI LANG “MILYON-MIYON” ANG PINAG-UUSAPAN DITO, KUNDI
BILYON-BILYON.
HINDI BA’T REPLEKSIYON LANG ITO KUNG GAANO
KALAKING “KAPANGYARIHAN” ANG NAWALA HINDI LAMANG KAY JOY YUSON, KUNDI LALO NA
KANILA MARC AT ANGEL MANALO?
MAGTATAKA PA BA TAYO NGAYON
KUNG BAKIT SILA NAGHIMAGSIK?
DISYEMBRE,
2009 NANG TINANGGAL SIYA
SA OPISINA AT
IDINISTINO SA CAPIZ
“Ako po ay
inalis sa opisina at idinestino sa Distrito ng Capiz noong Disyembre 2009.
Ipinatawag po ako ng Ka Eduardo dahil daw sa ulat na ipinalangin ko raw sa
harap ng mga ministro at kawani ng GEMNET at NET 25 na "inaapi ang pamilya
ng Ka Erdy". Ang totoo po ang aking ipinalangin ay "iligtas ang
pamilya ng Kapatid na Erano G. Manalo sa isipan ng mga taong masama at
mapang-api".”
Hindi ang binanggit niya sa
kaniyang “sulat” ang tunay na dahilan kung bakit inalis si Joy Yuson sa opisina
at idinistino sa Capiz. Hindi na natin babanggitin dito upang hindi tayo
maparatangan na “namemersonal” na gaya ng kanilang ginagawa. SUBALIT ANG NAIS NAMING IPAPANSIN AY NOONG DISYEMBRE,
2009 AY NASA CAPIZ NA SIYA. Tandaan din ang sinabi niya sa unahan na “Ako po si Eliodoro Yuson Jr., isang ministro
sa Iglesia ni Cristo na nagpapahayag ukol sa mga bagay na may kinalaman SA MGA
KATIWALIAN NA AKING NASAKSIHAN….”
HALATANG
KASINUNGALINGAN LAMANG
“2012 nang
mabalitaan ko ang sunod-sunod na pang-aapi nila sa Ka Tenny at sa mga anak ng
Ka Erdy. Tinatakot nila, inaalisan ng mga hardinero, guwardiya, mga kasambahay
at driver. Nagpahinga ang kapatid na Ed Hemedez, malungkot kami sa balitang
iyon ngunit umaasa na iyon na ang pagkakataon para kausapin na ng Ka Eduardo
ang Ka Tenny at ang kaniyang mga kapatid. Nabalitaan namin na nabigo kami
sapagkat nang makapagbihis na ang Ka Eduardo at mga anak uoang pumunta sa lamay
ay sinigawan si ni Ka Babylyn na "walang aalis!" Hindi natuloy ang
pag-uusap ng magkapatid.
Ang sinabi niya sa unahan ng
kaniyang sulat ay “Ako po si Eliodoro
Yuson Jr., isang ministro sa Iglesia ni Cristo na nagpapahayag ukol sa mga bagay
na may kinalaman SA MGA KATIWALIAN NA AKING NASAKSIHAN….” Subalit ang sabi
niya ay “2012 nang MABALITAAN ko ang
sunod-sunod na pang-aapi nila sa Ka Tenny at sa mga anak ng Ka Erdy.” Ang
sabi pa niya ay “NABALITAAN namin na
nabigo kami sapagkat nang makapagbihis na ang Ka Eduardo at mga anak uoang
pumunta sa lamay ay sinigawan si ni Ka Babylyn na "walang aalis!"
Hindi natuloy ang pag-uusap ng magkapatid.” SAMAKATUWID, NAGSISINUNGALING
SIYA SA PAGSASABING “NASAKSIHAN NIYA.” Gusto lang niyang papaniwalain ang iba
na “totoo” ang sinasabi niya na may katiwalian, ngunit lumabas din sa mismong “bibig”
niya na HINDI NIYA NASAKSIHAN KUNDI “NABALITAAN LANG.”
INIWAN ANG
DISTINO DAHIL
SA “NABALITAAN”
LAMANG
“Dahil dito,
kinausap ko ang aking pamilya at sinabi ko sa kanila na iiwan na namin ang
Lokal para sa mas malawak na gawain ng Iglesia...”
Dahil sa kaniyang “nabalitaan”
lang ay iniwan niya ang kaniyang distino (sa panahon pa ng Sugo at maging sa
panahon ng Ka Erdy ay PAGTITIWALAG ang parusa sa pag-iwan sa distino sapagkat
hindi lamang ito “pagdimisyon” kundi tahasan ding paglaban sa Pamamahala):
MULA SA “FINANCE
ADMINISTRATOR” NG
BILYON-BILYONGNAGING TAGAPAG-ALAGA
NG BAGOY, MANOK AT KAMBING
BILYON-BILYONGNAGING TAGAPAG-ALAGA
NG BAGOY, MANOK AT KAMBING
“Tumira kami sa
isang bagong pagawa na bahay ng aking biyenan sa bulacan. Namuhay kami ng
tahimik habang nag-aabang ng pagkakataon kung ano ang maitutulong namin sa
suliranin ng iglesia at sa pamilya ng ka Erdy. NAG-ALAGA AKO NG BABOY, MANOK AT
KAMBING para kahit papano ay may mapagkakitaan. Pinasok ko ang pagbubungkal ng
lupa kahit wala akong karanasan para makatulong sa amin sa pang-araw-araw.”
Noon ay pabahay siya ng
Iglesia at pasasakyan pa (kaya pala gayon na lang ang pagbatikos niya sa mga “sasakyan”
ng mga miembro ng Sanggunian); noon ay lagi siyang nagta-travel sa ibang bansa
gaya sa Japan (kaya pala inis na inis siya sa pag-travel nina ka Eduardo at ng
Sanggunian sa pagdalaw sa mga lokal sa ibang bansa); noon ay “finance administrafor”
siya ng bilyon-bilyon; noong Disyembre, 2009 ay nasa isang malayong probinsiya
na lamang siya, at noong 2012 ay taapag-alaga na lang siya ng baboy, manok at
kambing. Kaya, kataka-taka ba na siya ay naghihimagsik ngayon, minumura,
sinisiraan at nilalait ang mga miembro ng Sanggunian, at nagsasalta ng masama
at paglaban sa Pamamahala ng Iglesia?
SA MISMONG “BIBIG” NI YUSON LUMABAS
NA “MAY PLANO” NA SILANG ”GAGAWIN
NOON PANG 2012
“Dahil dito,
kinausap ko ang aking pamilya at SINABI KO SA KANILA NA IIWAN NA NAMIN ANG
LOKAL PARA SA MAS MALAWAK NA GAWAIN ng Iglesia sapagkat natupad na ang ipinagpauna
ng Kapatid na Erano G. Manalo noong 2006 na aapihin ang kaniyang sambahayan at
itatalikod na ang Iglesia. Sa Lokal ay iilang daan lamang ng mga kapatid ang
aking mapaglilingkuran, ngunit NANGANGAILANGAN KAMING MAGLINGKOD SA HIGIT NA
NAKARARAMI AT SA PAMILYA NG KA ERDY.”
Iniwan ni Yuson ang
kinadidistinuhang lokal sa Capiz dahil daw sa “MAS MALAWAK NA GAWAIN.” Di ba sa
panahon ding ito nagbukas ng FB account si Lottie Manalo-Hemedez na ginamit ng “grupo”
nila para palaganapin ang kanilang “black propaganda”? Pag-alis sa Capiz at
nagpunta sa Bulacan, ganito pa ang sinabi ni Joy Yuson:
“Tumira kami sa
isang bagong pagawa na bahay ng aking biyenan sa bulacan. Namuhay kami ng
tahimik HABANG NAG-AABANG NG PAGKAKATAON KUNG ANO ANG MAITUTULONG NAMIN SA
SULIRANIN NG IGLESIA AT SA PAMILYA NG KA ERDY. Nag-alaga ako ng baboy, manok at
kambing para kahit papano ay may mapagkakitaan. Pinasok ko ang pagbubungkal ng
lupa kahit wala akong karanasan para makatulong sa amin sa pang-araw-araw.”
Hindi maling sabihin na ang
tinutukoy ni Yuson na “malawak na gawain” ay ang isinagawa nila ngayon na pagpapalaganap
ng “black propaganda” laban sa Pamamahala gamit ang “social media” at ang
kanilang ginawang bigong-bigong “rally” nitong July, 2015. KAYA, LUMALABAS NA
2012 PA LANG AY PLINANO NA NILA ANG GINAWA NILA NITONG 2015. BAKIT? PARA
“MABAWI” NILA ANG MALAKING KAPANGYARIHANG NAWALA SA KANILA NA SI JOY YUSON DIN
ANG BUMANGGIT?
Dito ay tupad na tupad sa
kanila ang sinasabi ng Biblia:
Roma 16:17-18
“Ngayo'y
ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na tandaan ninyo yaong mga
pinanggagalingan ng pagkakabahabahagi at ng mga katitisuran, laban sa mga aral
na inyong nangapagaralan: at kayo'y magsilayo sa kanila. Sapagka't ANG MGA
GAYON AY HINDI NAGSISIPAGLINGKOD SA CRISTONG PANGINOON, KUNDI SA KANILANG
SARILING TIYAN; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na
mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.”
TO BE CONTINUED
Acknowledgment: Salamat Joy
Yuson sa “sulat” mo at ngayon ay may matibay na kaming pinanghahawakan na mula rin
sa inyo ukol sa kung gaano kalawak ang kapangyarihang nawala kay Angel Manalo.
Malaki ang maitutulong nito sa “malaking pagbubunyag” na gagawin namin sa tunay
na motibo sa paglaban nina Marc at Angel Manalo.
ANSWERING “FALLEN
ANGELS”
Punto-por-punto na pagsagot sa mga
Kumakalaban sa Pamamahala
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
A fish is caught by its mouth. Evil intentions revealed.
ReplyDeleteNakapagngingitngit ang mga bagay na ginawang ito ni Joy Yuson. Iyong sinabi niyang babagon ang mga aapi sa pamilya ng ka Eraño, natupad sa kaniya iyon. HInikayat niya ang mga anak ng Ka Eraño na kunwa ay nagmamalasakit pero sa bandang huli ay naging kawawa ang kalagayan. Siya pala ang katuparan ng babangon na mang-aapi sa pamilya ng Ka Eraño Manalo.
ReplyDelete