ANSWERING “FALLEN ANGELS”
part 6
WALA RAW
SILANG LAYUNIN
KUNDI ANG MAKAUSAP LAMANG
ANG KA EDUARDO”:
ISA NA
NAMANG MALAKING KASINUNGALINGAN
(1) Hindi
raw sila kinakausap sa loob ng anim na taon.
(2)
Pinagbabawalan daw sila na pumasok sa Central.
(3)
Hinahadlangan daw ng Sanggunian ang pakikipag-usap o pakikipagkumunikasyon nina
Angel at Lottie kay Ka Eduardo.
Masasabi ba na ang layunin sa
pagpapakalat nito sa social media at gumawa pa ng press conference si Angel
Manalo na ito ang kaniyang ipinagdidiinan ay ang “ikabubuti” ng Kapatid na
Eduardo? Hindi ba’t mas tama pa ngang sabihin na ang nilalayon nila ay ang
“pasamain” si Kapatid na Eduardo sa madla sapagkat pinalalabas nilang “walang
pagmamalasakit” sa “ina at mga kapatid” dahil “ayaw silang kausapin”?
ITO ANG TOTOO: ang sinasabing
hindi nakikipag-usap o walang komunikasyon si Ka Eduardo sa kaniyang mga
kapatid, ang pinagbabawalan daw na magtungo ang kaniyang mga kapatid sa
Central, ang ipinagtatabuyan pa raw ang kaniyang mga kapatid, at hinahadlangan daw ng Sanggunian na magkausap
si Ka Eduardo at ang kaniyang mga kapatid ay MALAKING KASINUNGALINGAN.
Kung hindi tayo mag-iisip at
magsusuri ay madali tayong mapapaniwala ng kanilang “pagpaparatang” na ito.
Subalit, kung magsusuri tayong mabuti ay makikita natin na ang “paratang” na
ito ay malaking kasinungalingan.
UNA, MALAKING KASINUNGALINGAN NA WALANG KOMUNIKASYON
ANG KANIYANG MGA KAPATID KAY KA EDUARDO
Ang pag-aangkin na “walang
komunikasyon” sina Ka Eduardo at ang kaniyang mga kapatid ay malaking
kasinungalingan sapagkat:
(1) BATID NILA ANG PERSONAL
E-MAIL ADDRESS NI KA EDUARDO
Kung humahadlang ang
Sanggunian na sila’y makapasok sa Central at makalapit kay Ka Eduardo upang
personal siyang maka-usap at masabi ang lahat ng nais nilang sabihin (gaya raw
ng mga nangyayaring katiwalian at ang “tunay” daw na kalagayan ng Iglesia
ngayon), MAGAGAWA NILA ANG “PAGSUSUMBONG” KAY KA EDUARDO sa pamamagitan ng
e-mail yamang alam naman nila ang kaniyang personal e-mail address at TIYAK na
hindi ito mahahadlangan ng Sanggunian (kung totoo man ang paratang nila na
hinahadlangan ng Sanggunian ang kanilang pakikipag-usap kay Ka Eduardo). Hindi nga
ba kayo nag e-mail sa kaniya sa mga nakaraan?
(2) BATID RIN NILA ANG
PERSONAL CELLPHONE NUMBER NI KA EDUARDO. Kung totoo na hinahadlangan ng
Sanggunian na makipagkita sila kay Ka Eduardo, bakit hindi nila tawagan gayong
batid naman nila ng kaniyang cp number?
(3) MAY MGA KAMAG-ANAK SILANG
MAAARING MAMAGITAN. kung talagang “sinsero” sina Angel at Lottie na “makausap”
si Ka Eduardo ay magagawa nila kahit pa sabihing may Sanggunian na humahadlang
sapagkat hindi sila ibang tao sa kaniya. Hindi nila maikakatuwiran na hindi
nila alam ang personal e-mail account at personal cellphone number ni Ka
Eduardo sapagkat magkapamilya sila kaya tiyak na may mga kamag-anak silang alam
at makapagbibigay nito.
MAPAPANSIN na “may paraan”
para maka-usap nila ang Ka Eduardo kung talagang sinsero silang makausap ito
kahit pa sabihing may humahadlang na Sanggunian dahil ang “pakikipagkomunikasyon”
ay magagawa hindi lamang sa personal na pakikipagkita kundi maging sa ibang
paraan tulad sa e-mail at telepono. At hindi imposible ito sa kanila dahil sila’y
hindi iba sa kaniya. SUBALIT, PANSININ NA ANG IPINAGPIPILITAN NINA ANGEL AT
LOTIE AY SI KA EDUARDO ANG DAPAT NA MAKIPAG-USAP SA KANILA.
Kung puwede namang tawagan o
sa pamamagitan kaya ng e-mail ay maaring makipagkomunikasyon ang isang tao,
subalit ayaw niya at bagkus ay ipinagpipilitan na iyong taong iyon ang dapat na
makipag-usap sa kaniya, hindi ba’t hindi mali na sabihing may “ibang nilalayon”
o “hindden agenda” ang taong ito?
Ikakatuwiran nila na hindi ba
sa Biblia ang pinagkasalahan ay siyang dapat magpunta sa nagkasala upang sila’y
magkasundo? ITO NGA ANG DAHILAN KAYA DAPAT NA SINA ANGEL AT LOTIE ANG LUMAPIT
AT KUMAUSAP? Sila ang nag-akusa na sila ang “pinagkasalahan” o sila ang inapi
at ginipit, di ba? Sila ang nagsasabing nais nilang ipaabot kay Ka Eduardo ang
diumano’y katiwaliang nagaganap? Lumalabas pa nga sa kanilang mga pananalita na
“walang alam” si Ka Eduardo kaya nga daw gusto nilang kausapin para ipaabot ang
tunay daw na kalagayan ng Iglesia, di ba? Kaya sa kanila umaaplikable ang
sinasabing ito ng Kasulatan na sila ang magtungo, lumapit at kumausap.
Kung ipipilit nilang ang
sinasabing ito ng Bibia ay kay Kapatid na Eduardo aplikable kaya siya ang dapat
lumapit ay LALABAS NA NAGSISINUNGALING sila sa pagsasabing “hindi alam ni Ka
Eduardo ang tunay na nangyayari kaya daw nais nilang kausapin para ipabatid ang
tunay na nangyayari o tunay daw na kalagayan ng Iglesia.
Samakatuwid, sapagkat maaari
naman pala silang makipagkomunikasyon kay Ka Eduardo sa pamamagitan ng ibang
paraan tulad ng e-mail at phone, subalit ipinagpipilitan pa rin nilang sila’y
kausapin, lumalabas na hindi ang “ipaabot kay Ka Eduardo ang sinasbi nilang
katiwalian o tunay daw na kalagayan ng Iglesia ang nais nilang ipaabot” kundi “MAY
IBA SILANG DAHILAN”.
IKALAWA, MALAKING KASINUNGALINGAN NA SILA’Y
PINAGBABAWALAN NA PUMASOK SA CENTRAL.
Natatandaan ba ninyo ang
“video” na ipinost ni Lottie sa timeline ng kaniyang FB account na
nagpapakitang pumunta sila ng Central. Maliwanag sa video na ito na walang
humadlang sa kanila; walang nagbawal sa kanila; malaya silang nakapasok ng
compound ng Central at nakapasok sa Tanggapang Pangkalahatan:
SAMAKATUWID, SILA MISMO ANG
NAG-PROVIDE NG EBIDENCIA NA HINDI SILA PINAGBABAWALAN AT MAAYOS NA NAKAPAPASOK
SILA NG CENTRAL.
IKATLO, MALAKING KASINUNGALINGAN ANG PAGSASABING
HINDI PA SILA NAGKAKAUSAP NA MAGKAKAPATID
Sa mga post nila sa social
media ay paulit-ulit na sinasabi nila na “hindi raw kinakausap ni Ka Eduardo
ang kaniyang mga kapatid na may anim na taon na.” Nagpa-press con pa si Angel
Manalo na ang sinsabi ay ang nais lang daw nila ay kausapin na sila ng kanilang
“Kuya.” Hindi pa nga ba talaga kayo nagkaka-usap? Hindi ba kayo nagkausap noong
pagkatapos ng closing centennial anniversary celebration? Tiyak naman na
itatanggi ninyo ito sapagkat ang hangad ninyo ay “pasamain” ang Ka Eduardo sapagkat
hindi siya sumang-ayon sa gusto o kondisyon nila.”
IKA-APAT, SINSERO BA SILA SA SINASABI NILANG
“PAKIKIPAG-USAP” KAY KA EDUARDO?
Kung pakikinggan natin ang
kanilang mga sinasabi ay para bang tunay na “sinsero” sila sa paghahangad na
makausap ang Ka Eduardo upang maipabatid daw sa kaniya ang katiwaliang
nangyayari sa Iglesia at ang tunay daw na kalagayan ng Iglesia. Subalit, sa
“video” rin na kanilang ini-upload sa Youtube na nagpapakitang nagpunta ng
Central sina Angel at Lottie ay kitang-kita ang kawalan nila ng “sinseridad” sa
sinasabi nilang kanilang “hangarin” na makausap si Ka Eduardo. Bakit”
(1)
Batid nating lahat na sa panahon pa ni Kapatid na EraƱo G. Manalo (“Ka Erdy”)
ay ipinagbabawal na ang pagpapapasok ng cellphone, camera at iba pang gadget na
tulad nito sa loob ng Central Office complex. Kaya nga sa panahon pa ni Ka Erdy
nang itayo ang VCO na kung saan ay may metal at electronic detector upang
masaway ang mga maydala at i-surrender sa VCO upang balikan na lamang sa
pag-uwi. Isa nang matagal na tuntunin o patakaran ito mula pa sa panahon ni Ka
Erdy. Hayag sa kanila mismong “video” na
nagpasok sila ng camera at kinukunan ang paglakad, pagpasok at ang
pakikipag-usap nila. Ang maliwanag na makikitang ito sa kanila mismong
“video” na pagpasok nila ng camera sa loob ng Central ay hindi ba’t pagpapakita
na AYAW TALAGA NILANG SUMUNOD AT PASAKOP? KUNG
TALAGANG SINSERO SILA SA PAGTUNGO SA CENTRAL AY BAKIT AYAW NILANG SUMUNOD SA
TUNTUNIN NA IPINATUTUPAD MULA PA SA PANAHON NI KA ERDY?
(2)
Kung ang isang tao ay magtutungo sa isang lugar (sa isang “hostile” na dako o
sa lugar na kinaroroonan ng “hindi kasundo”) at magdadala siya ng “camera” at
kukunan ang lahat ng pangyayari ay tiyak na “may ibang nilalayon” ang gayong
tao – ang makapangalap ng magagamit niya laban sa iba. KUNG TALAGANG “SINSERO” SILA SA PAGTUNGO SA CENTRAL UPANG KAUSAPIN
LAMANG ANG KANILANG KAPATID NA SI KA EDUARDO AT WALA SILANG “HIDDEN
AGENDA” O “MASAMANG LAYUNIN” AY BAKIT
SILA “NAGPASOK NG CAMERA” (NA PAGLABAG SA TUNTUNIN NA IPINATUTUPAD MULA PA SA
PANAHON NI KA ERDY) AT “KUNAN ANG LAHAT NG MGA PANGYAYARI”? Hindi maaaring
maitanggi na kaya “kinukunan” ang mga pangyayari ay upang pagdating ng araw ay
magamit nila laban sa kanilang pinuntahan. Iyan ba ang walang “hidden
agenda”?
(3)
Ang dahilan nga ba talaga ng pagtungo ninyo roon sa Central ay para kausapin si
Ka Eduardo upang “makipagkasundo” sa kaniya at ipaabot ang sinasabi ninyo na
diumano’y katiwalian (gaya ng pinalalabas ninyo ngayon) O ANG KUWESTIYUNIN ANG
PASIYA NG PAMAMAHALA SA PAGTITIWALAG SA
INYONG “KASAMBAHAY”?
(4)
Sa video na ipinakakalat sa social media nina Angel at Lottie ay nais nilang
ipakita na “ayaw” silang kausapin ni Ka Eduardo. Let us put ourselves in the
pyschological shoes of Ka Eduardo. Kung kayo si Ka Edurado, pumaroon sa Central
ang inyong mga kapatid na tahasang nagdala ng camera na hindi napasaway,
anupa’t tahasang sinuway ang tuntunin na ipinatutupad mula pa sa panahon ng
kanilang ama na si Ka Erdy, kinukunan ang lahat ng pangyayari, iisipin ba ninyo
na sinsero ang pakikipag-usap ng inyong mga kapatid? ALAM NA NATIN KUNG GANIYAN AY TIYAK NA HINDI SINSERO KUNDI NANGANGALAP
NG MAAARING MAGAMIT NILA SA HINAHARAP LABAN (KAY KA EDUARDO).
KUNG HINDI NAMAN
SINSERO, KUNG KINUKUWESTIYON PA ANG PASIYA NG PAMAMAHALA, AT KUNG NANGANGALAP
PA NG MAAARI NILANG MAGAMIT SA HINAHARAP LABAN SA IYO, MAAASAHAN BA NA
HAHARAPIN SILA? Kaya pala saglit lang sila kinausap ni Ka Rene at ang ipinasabi
sa kanila ni Ka Eduardo ay “Kung handa
kayong sumunod ay umuwi na kayo.”
IKALIMA, ANG “PAG-UUSAP” NA KANILANG HINAHANGAD AY
ANG SUMANG-AYON ANG KA EDUARDO SA KANILANG GUSTO
Bakit may komunikasyon naman
pala (alam nila ang personal e-mail address at nakapagse-send naman ng email,
at alam ang personal cellphone number at nakapagse-send din sila ng text kay Ka
Eduardo, o kung hindi man ay sapagkat hindi naman sila iba sa kaniya ay madali
nila itong makukuha), nakakapasok naman pala sila ng Cenral, at ang totoo ay
nagkakausap naman pala talaga sila, subalit iginigiit pa rin nila na “hindi
raw” nakikipag-usap si Ka Eduardo at iniiwasan pa raw sila?
(1) Sapagkat ang
“pakikipag-usap” na hangad nila ay hindi ang basta makausap si Ka Eduardo at
hindi kailanman ang maisumbong ang sinasabi nilang diumano’y katiwalian, KUNDI
ANG PAGBIGYAN SILA SA KANILANG GUSTO – ANG NAIS NILANG PAKIKIPAG-USAP NI KA
EDUARDO AY ANG PAKIKIPAG-USAP NIYA NA SASANG-AYON SIYA SA KANILANG KONDISYON.
Napansin ba ninyo ang mga
pananalita ni Angel Manalo sa kaniyang ginawang press con kung saan sinabi
niyang ang hangad nila’y makipag-usap na raw si Ka Eduardo sa kanila? Hindi
kababakasan ng “kababaang loob.” Nakapagtataka, ano po mga kapatid? Kung
mayroon bang isang kapatid sa isang lokal na natiwalag, siya pa ba ang may
karapatan na mag-demand na “hindi ako magbabalik-loob hanggang hindi ako
kinakausap ng Tagapangasiwa ng Distrito at hindi ako pagbigyan sa aking
kondisyon.” Ang ganito bang kapatid ay kinababakasan ng “pagpapakumbaba”? Alam
nating hindi. Hindi ba’t sa ganiyan din mailalarawan ang ginawa ngayon nina
Angel Manalo?
(2) Bagamat may “komunikasyon”
sila at sinasabi nga na nagkausap na, subalit bakit nagpa-press con pa at
ipinangangalandakan na ayaw silang kausapin at ang hangad nila’y kausapin na
raw sana sila? Sapagkat ginagamit lang nila ang isyung ito upang i-pressure si
Ka Edurado na sumang-ayon sa gusto nila o pagbigyan ang “kondisyon nila.”
KONKLUSYON
Malaking kasinungalingan ang sinasabing
pinagbabawalan daw silang pumasok sa Central sapagkat sila pa nga ang nag-provide
ng “video” na sila’y malayang nakapasok sa Central. Malaking kasinungalingan na
“wala silang komunikasyon” kay Ka Eduardo sapagkat alam nila ang personal
e-mail address at ang personal cellphone number ni Ka Eduardo; at malaking
kasinungalingan rin na kaya raw hindi nila makausap ang Ka Eduardo ay
hinaharang o pinipigilan daw sila ng Sanggunian na makausap nila ang kanilang
kapatid sapagkat kung talagang sinsero sila na makausap si Ka Eduardo ay
magagawa nila ito sa pamamagitan ng ibang “means” tulad ng e-mail at pagtawag
sa cellphone.
Ang totoo’y hindi naman talaga
sila sinsero na makausap si Ka Eduardo sa layuning diumano’y ipabatid ang
katiwalian at tunay na kalagayan ng
Iglesia, kundi ang nais nilang “pakikipag-usap” kay Ka Eduardo ay ang
“pagbigyan” o sumang-ayon siya sa kanilang kagustuhan o kondisyon. Kaya kahit may
“komunikasyon” sila at sinasabi nga na nagkausap na, subalit nagpa-press con pa
rin at ipinangangalandakan pa rin sa madla na ayaw silang kausapin ni Ka
Eduardo sapagkat ginagamit lang nila ang isyung ito upang i-pressure ang Ka Eduardo
na sumang-ayon sa gusto nila o pagbigyan sa kanilang “kondisyon.” Subalit,
batid natin ang pagmamahal ni Kapatid na Eduardo V. Manalo sa Iglesia, kaya
pala ang sabi niya sa tanging pagsamba sa Sacramento, Metro Manila South ay:
“…itong mga naninirang ito, bago sila magtagumpay, kailangan muna nila
akong patayin, mga kapatid, sapagkat hindi ako papayag na kayo ay kanilang
pinsalain.”
ANSWERING “FALLEN
ANGELS”
Punto-por-punto na pagsagot sa mga
Kumakalaban sa Pamamahala
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.