ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 18
ANG
KATOTOHANAN UKOL SA
“FORT
VICTORIA ANOMALY”
ANG MGA
TUNAY NA TIWALI AY HINDI TALAGA
MANANATILI
SA LOOB NG IGLESIA
SA nakaraan ay naipakita
natin kung gaano kalawak at kalaki ang “kapangyarihang” taglay ni Angel Manalo
at damay na rin dito si Joy Yuson a.k.a. Kelly Ong yamang ipinagyayabang niya
na siya raw ang finance and administrative coordinator ng kanilang tanggapan,
ang tinatawag na GEMNET. Naipakita natin ang isa sa malaking anomalya ng grupo
nina Angel – ang hindi nila pagsunod sa tuntunin ng Iglesia ukol sa pananalapi.
Hindi sila sumusunod sa tamang proseso ng pananalapi sa Iglesia, bagkus gaya
nga ng lumabas sa mismong “bibig” ng mga taong ito, basta na lang nila
i-endorso at pagkatapos ay aasikasuhin na ang kanilang nais ipabili, na alam
nating lahat ay hindi siyang tamang kalakaran sa pananalapi ng Iglesia. Bilang
katunayan ay ganito ang pahayag ng pangunahing “alipores” ni Angel na si Joy
Yuson:
“Alam ni Ka
Caloy Ortiz na lahat ng mga supplier ng GEMNET ay dumadaan sa Purchasing
Department. Pagkatapos ma-endorse ng GEMNET ang mga kailangang gamit ay sila ka
Caloy Ortiz na ang kausap. Ang GEMNET ay naghihintay lamang at nagpa-follow-up
ng deliveries ng mga gamit. Ang transaction sa mga ito ay kina ka Caloy Ortiz
na bata ni Jun Santos. Ang mga legal documents ay dumadaan sa Legal Department
na hawak ni Resty Lazaro na bata rin ni Jun Santos. Ang katotohanang ito ay
bukas at alam ng lahat ng mga nag-oopisina sa Central at ng mga ministro sa
buong mundo.” [“Pangalawang Liham ni Joy Yuson,” 11 Agosto 2015]
Narito ang full
article ukol dito:
Answeting Fallen Angels part 9
Naipakita natin sa Answering
Fallen Angels part 16 ang isa sa mga anomalya at katiwalian na kinasasangkutan
nina Angel at Yuson – ang Ubando Radio Transmitter Tower Anomaly.
Narito ang full
article ukol dito:
Answering Fallen
Angels part 16
Subalit, hindi humahangga rito
ang kanilang katiwalian. May isa pang ipinagyabang si Joy Yuson na saklaw daw
ng kanilang tanggapan. Ganito ang kaniya mismong sinabi:
“Saklaw po ng
operasyon ng aming tanggapan ang networking system ng Central Office, CCTV
installations and monitoring system, House of Worship Sound and Video System
installations, Technical and Administrative support ng mga Radio and Television
Stations ng Iglesia sa buong mundo kalakip po rito ang mga programming at
monitoring sa mga himpilan. Bukod po rito ay sAKLAW NG AMING TANGGAPAN ANG
ILANG BAHAGI NG HOUSING DISTRIBUTION PARA SA AMING MGA KAWANi, ang Security
Matters ng Iglesia at Central Office, beautification ng Central Office at mga
pangunahing gusali ng Iglesia, logistical requirement ng iba't ibang
departamento sa ilalim ng aming pangangasiwa. Ang aming tanggapan ay ang siyang
systems support ng mga tanggapan at technical support ng buong Iglesia ni
Cristo.” [“Unang Liham ni Joy Yuson,” Agosto 10, 2015]
Saklaw din daw ng kanilang
tanggapan ang “housing distribution” ng kanilang mga kawani. Pansinin na ito
man ay “anomalya” (“deviation from rules”) sapagkat labag sa kalakaran ng
Iglesia. May talagang seksiyon ang Iglesia para rito, ang tinatawang na
“Housing Section” na saklaw hindi ng GEMNET, kundi ng Finance Department. Ngunit
ang sabi ni Yuson, sila ang nangangasiwa ng “housing distribution” ng mga
kawani ng kanilang tanggapan? Itatanong marahil lalo na ng mga taga-Central, di
ba wala naman pong “housing” na para lang sa mga kawani ng GEMNET? Anong
“housing” ito na ang magdi-distribute ay sina Angel at Yuson at idi-distribute nila
sa mga nasa tanggapan ng GEMNET (in other words ay sa kani-kanila rin)? Ito ang
“FORT VICTORIA.”
ANO ANG “FORT VICTORIA”?
Ang Fort Victoria ay isang
“exclusive high-end Condominium na nasa 5th Avenue corner Rizal Drive, Global
City, Taguig City (Fort Bonifacio) na naka-pangalan sa Iglesia Ni Cristo. Gaano
ito kalaki? Ang Fort Victoria at mayroong kabuuang 1,094 residential condo units,
20 high end commercial units, at 1,179 parking spaces.
Image 01
ANG PARATANG NG MGA FALLEN ANGELS LABAN
SA PAMAMAHALA UKOL SA FORT VICTORIA
May larawan ng dokumento ng
“license to sell” na inilathala sa artikulo noon ni “Antonio Ebanghelista” na
kung saan ay nakalagay na ang project owner ng Fort Victoria ay ang Iglesia Ni
Cristo. Ang larawang ito ng License to Sell” ay paulit-ulit din na pinopost
hanggang ngayon nina “Kelly Ong” at mga kasamahan nila sa social media:
Image 02
Ngayon ay may ibinalita ang
Rappler (isang “online tabloid”) na ang Fort Victoria ay ipinagbili na ng Iglesia
sa halagang P 1 bilyon:
Image 03
Kaya ang konklusyon ng mga
Fallen Angels ay “iyan daw ang ebidensiya na “nagnenegosyo” ngayon ang Iglesia:
Image 04
Ito ang isinisigaw ng grupo ni
Angel Manalo at Joy Yuson na katibayan daw na may “corruption” at anomalya sa
Iglesia ngayon, na tiwali ang “Sanggunian” ngayon. SUBALIT, ano ba talaga ang
pinatutunayan ng “Fort Victoria anomaly”? Ano ba ang katotohanan sa “Fort
Victoria anomaly”?
SINO ANG TUNAY NA NASA
LIKOD NG FORT VICTORIA?
mapapansin na ang pinopost
nilang larawan sa social media ay hindi ang buong dokumento kundi putol:
Image 05
Nagkataon lang ba o talagang
sinadya ng mga “Fallen Angels” na huwag ipakita ang buo at lahat ng mga dokumento
ukol dito? Bakit hindi ang buong dokumento ang ipinakikita nila sa mga tao?
Mayroon ba silang itinatago? Tingnan natin ang buong dokumento:
Image 06
Napansin po ba ninyo ang
kanilang itinatago? Ang itinatago nila ay ang DATE kung kailan na-issue ang “License
to Sell.” Pansinin ninyo ang “date issued” ng “license to sell” na siyang PILIT
NILANG ITINATAGO:
Image 07
Ang “date issued” ng “license
to sell” ay March 13, 2009. Teka
muna! Kung March 13, 2009 ang “date issued” ng “license to sell” samakatuwid ay
nag-file ng “license to sell” nang mas maaga pa rito, at ang pagsisimula ng
pagtatayo ng “Fort Victoria” ay mas maaga pa rito, at ang filing ng building
permit ay mas maaga pa rito, kaya ang panukala sa pagtatayo nito ay mas maaga
pa rito.
Sa petsa pa lang na March,
2009 ay alam nating HINDI PA si Kapatid na Eduardo V. Manalo ang Tagapamahalang
Pangkalahatan noon. Si Ka Eduardo ay naging Tagapamahalang Pangkalahatan noong Setyembre 7, 2009. Sa panahon ding ito
ay HINDI si Ka Jun Santos ang head ng Finance Department . Sa panahong ito ay may
bukod na head ang Finance Department
(hayaan na po nating huwag banggitin ang pangalan bilang respeto na po natin sa
kaniyang dignidad lalo na’t nasa karapatan pa ang naturang kapatid).
SAMAKATUWID, WALANG KINALAMAN SINA KA EDUARDO SA PAGPAPATAYO NOON NG FORT
VICTORIA.
Sino ang tunay na nasa likod
ng pagtatayo ng Fort Victoria na isang executive high-end condo? Ganito ng
pahayag ni Joy Yuson, a.k.a. “Kelly Ong”:
“Ako po ang
Finance at Administrative Coordinator ng Global Electronic Media Network ng
Iglesia ni Cristo (GEMNET)…bahagi po ng aking pananagutan ang coordination sa
mga financial matters ng opisina at ang mga bagay na pang administratibo
kalakip ang mga special task mula sa Tagapamahalang Pangkalahatan na
ipinagagawa sa amin sa pamamagitan ng dalawa nilang mga anak na siyang
nangangasiwa sa aming tanggapan.
“Saklaw po ng
operasyon ng aming tanggapan ang networking system ng Central Office, CCTV
installations and monitoring system, House of Worship Sound and Video System
installations, Technical and Administrative support ng mga Radio and Television
Stations ng Iglesia sa buong mundo kalakip po rito ang mga programming at
monitoring sa mga himpilan. Bukod po rito ay SAKLAW NG AMING TANGGAPAN ANG
ILANG BAHAGI NG HOUSING DISTRIBUTION PARA SA AMING MGA KAWANI, ang Security
Matters ng Iglesia at Central Office, beautification ng Central Office at mga
pangunahing gusali ng Iglesia, logistical requirement ng iba't ibang
departamento sa ilalim ng aming pangangasiwa. Ang aming tanggapan ay ang siyang
systems support ng mga tanggapan at technical support ng buong Iglesia ni
Cristo.” [“Unang Liham ni Joy Yuson,” Agosto 10, 2015]
Mukhang si “Kelly Ong” ay
nag-“Kelly Wrong” na naman. Kapag nagsasalita ang taong ito ay patuloy na
“nailalaglag” niya ang sarili at lalo na ang “amo” niyang si Angel. Pinatutunayan
ng mga pahayag na ito ni Joy Yuson na sila ang “makapangyarihan” noon. Sabi pa
ni Joy Yuson ay sila rin ang nangangasiwa noon ng “housing distritbution” ng
mga KAWANI ng kanilang tanggapan. Kaya alam na po natin kung bakit ipinatayo ang
Fort Victoria. Wow! Hindi sila kuntento sa “housing” sa Central (hindi sila
kuntento sa Highrise Condo sa Tandang Sora, sa Quarry Condo, sa Dona Fautisna
Condo at Sagana Condo na “housing” sa lahat ng naglilingkod sa Tanggapang
Pangkalahatan). Sapagkat sila’y “astig” kaya ang gusto nila ay hindi
basta-basta housing kundi isang “exclusive high-end condo.” Kaya nga ang tawag
sa kanila noon ng mga taga-Central ay mga “astig” (“untouchables”).
Teka, bakit kailangan pang
kumuha ng “lisence to sell” samantalang maaari naman silang tumira rito
sapagkat gaya nga ng sinabi mismo ni Yuson ay sila ang nangangasiwa ng “housing
distribution” ng kanilang mga kawani sa tanggapan?
Napansin ba ninyo ang petsa ng
pag-issue ng “license to sell”? March 13, 2009. Sa panahong ito ay “balitang-balita”
na si Ka Erdy ay “bedridden” na. Alam nilang nalalapit nang ang Kapatid na
Eduardo na ang magiging Tagpamahalang Pangkalahatan at ito ang kanilang IKINATATAKOT
(may bukod tayong pagtalakay kung bakit “takot na takot” sila kapag ang Ka
Eduardo na ang Tagapamahalang Pangkalahatan – abangan ang seryeng “The Story of
the Fallen Angels Rebellion” na may pagtalakay ukol dito). Kaya, dali-dali na
inasikaso ang “license to sell” para nga naman maging “legal” kung maipangalan
ang “condo unit” sa bawat isa sa kanila. Kung nakapangalan na nga naman sa
kanila ay ano pa ang magiging habol kung ang maging Tagapamahalang
Pangkalahatan na ay ang kanilang KINATATAKUTAN.
NANG MAGING TAGAPAMAHALANG PANGKALAHATAN SI KAPATID
NA EDUARDO V. MANALO NOONG SETYEMBRE 7, 2009
Salamat sa Panginoong Diyos at
bago mangyari ang kanilang “balak” ay humalili na si Kapatid na Eduardo V.
Manalo bilang Tagapamahalang Pangkalahatan. Nabunyag ang ukol sa Fort Victoria.
Napigil sila sa kanilang “binabalak.” At gaya nga nang alam natin, sunod-sunod
nang naalis sa posisyon ang mga “Fallen Angels” sa iba’t ibang dahilan, at
humantong pa sa kanilang pagkatiwalag.
BAKIT IBINENTA NG KASALUKUYANG PAMAMAHALA
NG IGLESIA ANG FORT VICTORIA?
Nabalita ngayon na ang Fort
Victoria ay naibenta na. Tandaan natin, ang pagbebenta ng “properties” ng
Iglesia ay hindi isang “katiwalian” o “anomalya” sapagkat:
(1) MAY LEGAL NA KARAPATAN O MAY VALIDO NA KAPANGYARIHAN ANG PAMAMAHALA NG
IGLESIA SA PAGBEBENTA NG MGA PROPERTIES NG IGLESIA. Ang katibayan nito ay
ang isinasaad sa atin ng batas:
“Section
164. Such corporations shall have the right to purchase, hold, mortgage, or
sell real estate for its church...” (The Corporation Law of the Philippines,
Section 164.)
(2) LEGAL ANG PROSESO AT MAKATUWIRAN ANG DAHILAN NG PAGBEBENTA.
Aanhin ng Iglesia ang isang “exclusive
high-end condo”? Tandaan na ito’y natayo na hindi pa si Kapatid na Eduardo V.
Manalo ang Tagapamahalang Pangkalahatan noon, kaya noong siya na ay naging
Tagapamahala ng Iglesia ay “inabot” lamang niya ito. HINDI ITO KAILANGAN NG
IGLESIA SUBALIT ABULOY NG IGLESIA ANG IPINANTAYO RITO AT KAGAGAWAN ITO NG MGA
SUMISIGAW NGAYON NA “MAY KATIWALIAN” DAW (iyon pala ang isinisigaw nilang
katiwalian ay sila rin ang may gawa o pakana). KAYA, upang ma-compensate ang
“halaga” (na mula sa abuloy ng mga kapatid) sa pagpapatayo ng high-end condo na
ito ay ipinasiya na ituloy na ang pagbenta dito upang maibalik sa Iglesia ang
“halaga” na ipinagpagawa rito.
KATIBAYAN BA NA MAY UTANG ANG IGLESIA
SA PAGBEBENTA NG FORT VICTORIA?
(1)
HINDI SAPAGKAT IBINENTA ANG FORT VICTORIA AY MAY UTANG NA ANG IGLESIA.
Pansinin na noong simulang
itayo ang Philippine Arena hanggang sa ito’y matapos ay patuloy na
nakapagtatayo ang Iglesia Ni Cristo ng mga gusaling sambahan:
2011
– 119 na kapilya ang naipatayo
2012
– 139 na kapilya ang naipatayo
2013
– 154 ang kapilyang naipatayo
2014
– 168 ang kapilyang naipatayo
At nang sumunod na taon (2015)
mula nang matapos ang Philippine Arena, sa buwan pa lang ng Hulyo ng taong ito
ay 293 na ang naitatayong kapilya. Kaya, isang kasinungalingan ang pagsasabing
ang Iglesia ay bangkarote na o may malaking utang.
(2)
KAHAYAGAN ITO NG MASINOP NA PANGANGASIWA NG PAMAMAHALA SA PANANALAPI NG IGLESIA.
Kung pananatilihin pa ang Fort
Victoria (na ang pagkakatayo ay ang mga kumakalaban din sa Pamamahala ang may
pakana) ay “gugugol” lang ng malaki ang Iglesia sa pagpapanatili nito (tiyak na
malaki ang gugol sa security, maintenance at upkeep ng exclusive high-end condo
na ito, at maging sa taxes na babayaran taon-taon). Kung pananatilihin ang Fort
Victoria ay saan kukunin ang “gugol” dito? Sa abuloy ng Iglesia? TIYAK NA
SASANG-AYON ANG LAHAT NA TAMA LANG NA IBENTA ANG FORT VICTORIA.
KONKLUSYON
Sila na nagbibintang ngayon sa
Pamamahala ng Iglesia ay sila pala talaga ang nasa likod ng kanilang
ipinaparatang. Ganiyan “karumi” ang mga taong iyan. Kaya pala ngitngit na ngitngit
at galit na galit sila sa pagkakabenta ng Fort Victoria ay sapagkat
nanghihinayang sila sa kanilang “pinagpaguran” – maliwanag kasi na sila rin ang
may “pakana” ng pagkakatayo nito.
Ang pagbebenta ng kasalukuyang
Pamamahala ng Iglesia ng Fort Victoria ay tama lang at makatuwiran upang
ma-compensate o mabawi ng Iglesia ang ginugol sa pagpapatayo nito yamang sa abuloy
ng Iglesia kinuha ng mga tiwaling natiwalag ang pagpapatayo nito.
sa DIYOS at sa pamamahala
ReplyDeleteI nihayag ng Dios ang makamundong hangarin ng grupo ni ANGEL.
ReplyDelete