Samson
at De-Leila
Ika-2
bahagi
GINAGAWA NGA LAMANG
BA NI DE LIMA ANG
BA NI DE LIMA ANG
KANIYANG
KATUNGKULAN?
SI DE LIMA, ANG MALACANANG
AT ANG MGA
LAW EXPERTS
BAKIT daw nagsasagawa ng
pagtutol ang Iglesia Ni Cristo sa naging “aksiyon” ni De Lima gayong ginagawa
lamang daw niya ang kaniyang katungkulan? Siyasatin natin:
ANG SABI NI DE
LIMA
Ukol sa kaniyang pagtutok sa
kaso ni Jun Samson, ang sabi ni De Lima kahapon (August 28, 2015), “Ginagawa ko lang aking katungkulan.” Tandaan
natin na si Leila De Lima ay ang Secretary of Justice, ang nangangasiwa sa
Department of Justice (DOJ).
ANG
PAGTATANGGOL NG MALACANANG
Ngayon (August 28, 2015) ay
ipinagtanggol ng Malacanang si De Lima. Ang sabi ng Malacanang, “Ginagawa lamang niya ang kaniyang
katungkulan.” Ngunit, tandaan natin na alam ng Malacanang na si De Lima ang
kanilang appointed Secretary of Justice, ang nangangasiwa ng Department of
Justice (DOJ).
ANG SABI NG
MGA LAW EXPERTS
Subalit, hindi sila
sinang-ayunan ng mga law experts (mga dalubhasa sa batas) na ganito ang
sinasabi ng isa, “Ang kaso ay dapat
isampa sa kung saan nangyari ang nasabing “krimen.” Kaya dapat ay sa Quezon
City Prosecutor’s Office dapat ang kasong iyan. Totoong may mga kaso na
maaaring sa DOJ, subalit ito ay mga kasong national ang scope, controversial, at
mga karumal-dumal na krimen lamang gaya nga ng kaso ng Mamasapano na kung saan
ay 44 SAF members ang napatay. Ang ipinagtataka ko ay bakit nasa DOJ ang kaso
ni Isaias Samson, Jr. at personal pang inaasikaso ni De Lima samantalang ang
sabi nga ay ‘ni isang lamok ay walang namatay.’”
ANG TOTOONG
KATUNGKULAN NG DOJ
Totoong may mga kaso na
maaaring DOJ ang tuwirang umasikaso, ngunit gaya nga ng sinasabi ng mga law
experts, ito ang mga kaso na national level, kontrobersiyal at karimarimarim o
karumaldumal. KAYA, SEC. LEILA DE LIMA, GINAGAWA MO LAMANG ANG IYONG KATUNGKULAN?
BAKIT MAS PINAGTUUNAN MO NG PANSIN ANG “ALLEGED ILLEGAL DETENTION” NA “WALA NI
ISANG LAMOK NA NAMATAY” KAYSA SA MALINAW NA “44 COUNTS OF MURDER” NG MAMASAPANO
CASE! Nalimutan mo ata na hindi ka “district prosecutor” kundi DOJ secretary?
Hindi iyan ang iyong katungkulan, iyan ay dapat sa fiscal o prosecutor, ang katungkulan
mo na dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang Mamasapano case!
Obvious ang “motibo” mo!
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.