Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo
Tanong:
“Walang bisa ang pagtitiwalag ngayon
sapagkat tao lang ang nagtiwalag sa amin. Dito lang kami sa lupa tiwalag at hindi
kami tiwalag sa langit kaya nananatili kaming kay Cristo at nananatili kaming
tunay na Iglesia Ni Cristo.”
]
Sagot:
HINDI TIWALAG SA LANGIT?
May binigyan
ang Panginoong Diyos sa Iglesia ng karapatang magtiwalag. Ganito ang pahayag ng
Panginoong Jesucristo patungkol sa karapatan na ibinigay sa mga Namamahala sa
Iglesia tulad ng mga apostol:
Mateo 18:18
“Katotohanang
sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay
tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay
kakalagan sa langit.”
Ang mga
Namamahala sa Iglesia ay binigyan ng karapatang magtali at magkalag. Ang “tali”
ay ang mga salita ng Diyos:
Kawikaan 3:3 at 1
“Huwag
kang pabayaan ng kaawaan at katotohanan: Itali mo sa palibot ng iyong leeg;
Ikintal mo sa iyong puso.
“Anak
ko, huwag mong kalimutan ang aking kautusan; Kundi ingatan ng iyong puso ang
aking mga utos.”
Ang
“pagtatali” ng mga salita ng Diyos sa tao ay ang pagtuturo ng mga salita ng
Diyos sa tao na ang binigyan ng karapatang magturo nito ay ang Pamamahala sa
loob ng Iglesia:
Colosas 1:25
“Na
ako'y ginawang ministro nito, ayon sa pamamahala na mula sa Dios na ibinigay sa
akin para sa inyo upang maipahayag ang salita ng Dios.”
Kaya, maliwanag
na ang binigyan ng karapatang “magtali at magkalag” na binabanggit ng
Panginoong Jesus sa Mateo 18:18 ay ang Pamamahala ng Iglesia. Ang “natatalian”
ay ang nasasakop ng Pamamahala (cf.
Hebreo 13:17). Kung ang pagtatali ay ang
pagtuturo ng mga salita ng Diyos at ang natatalian ay ang nasasakop ng
Pamamahala, papaano naman ang “pagkakalag”? Ganito ang pahayag ni Apostol
Pablo:
I Corinto 5:13 NPV
“Ang
Dios ang hahatol sa mga nasa labas. ‘Itiwalag ninyo ang masama ninyong
kasamahan.’”
Ang
“pagkakalag” ay ang “pagtitiwalag.” Sapagkat ang binigyan ng karapatan sa
“pagtatali at pagkakalag” ay ang Pamamahala ng Iglesia, kaya kung papaanong may
karapatan ang Pamamahala sa pagtuturo ng mga salita ng Diyos, may karapatan din
ang Pamamahala sa pagtitiwalag. Ano ang sinasabi ng Biblia ukol sa karapatan ng
Pamamahala ng Iglesia ukol sa “pagkakalag”?
Mateo 18:18
“Katotohanang
sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay
tatalian sa langit: at ang LAHAT ng mga bagay NA INYONG KALAGAN SA LUPA AY
KAKALAGAN SA LANGIT.” (Amin ang
pagbibigay-diin)
Maliwang
ang pagtuturo ng Biblia na ang LAHAT ng “kinakalagan sa lupa” ng Pamamahala ng Iglesia
ay “kinakalagan sa langit.” Hindi ba’t ang “pagkakalag” ay “pagtitiwalag”?
Samakatuwid, ang pagsasabing walang bisa
ang “pagtitiwalag” ngayon ng Pamamahala at dito lang sila sa lupa tiwalag at
hindi raw sa langit ay malinaw na PAGSALUNGAT sa aral ng Diyos na nakasulat sa
Biblia.
WALA NA NGA BANG BISA ANG PAGTITIWALAG
NGAYON NG PAMAMAHALA?
Ang
pagsasabing wala na raw bisa ang pagtitiwalag ngayon ng Pamamahala ay mula sa
mga itiniwalag. Kaya ang pahayag na ito ay isa lamang “pagbabangong-puri” para
palabasin lamang na sila diumano’y nananatiling sa Diyos at kay Cristo bagamat
tiwalag na sa Iglesia.
Pinalalabas
nila na “wala nang bisa” ang pagtitiwalag ng Pamamahala ngayon dahil daw sa
“masama” na ang Pamamahala. Subalit, alam natin na ito’y nananatili pa rin na
isang “alegasyon” (“paratang”). Kaya, ang pahayag nilang “walang bisa ang
pagtitiwalag ngayon ng Pamamahala” ay nakabatay o nakasalig sa “alegasyon” o paratang
lamang ng mismong mga itiniwalag.
Tao ba ang
hahatol sa Pamamahala? Pansinin na ang mga “tiwalag” din ang humahatol laban sa
Pamamahala. Ano ang sinasabi rito ng Banal Na Kasulatan?
I Corinto 4:3-5
“Datapuwa't
sa ganang akin ay isang bagay na totoong maliit ang ako'y siyasatin ninyo, o ng
pagsisiyasat ng tao: oo, ako'y hindi nagsisiyasat sa aking sarili. Sapagka't
wala akong nalalamang anomang laban sa aking sarili; bagaman hindi dahil dito'y
inaaring-ganap ako: sapagka't ang nagsisiyasat sa akin ay ang Panginoon. Kaya
nga huwag muna kayong magsihatol ng anoman, hanggang sa dumating ang Panginoon,
na siya ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag
naman ang mga haka ng mga puso; at kung magkagayon ang bawa't isa ay magkakaroon
ng kapurihan sa Dios.
Ang sabi ni
Apostol Pablo na isa sa namamahala noon sa Iglesia, “isang bagay na totoong
maliit ang ako’y siyasatin ninyo, o ng pagsisiyasat ng tao.” Sino ang
sumisiyasat sa namamahala sa Iglesia? Ang sabi pa niya, “ang nagsisiyasat sa
akin ay ang Panginoon.” Kaya ano ang tagubilin sa mga Cristiano ng mga apostol?
Ang sabi pa ni Apostol Pablo, “Kaya huwag muna kayong magsihatol ng anoman,
hanggang sa dumating ang Panginoon.” Bakit? Ang dagdag pa niya, “Siya (ang
Panginoon) ang maghahayag ng mga bagay na nalilihim sa kadiliman, at ipahahayag
naman ang mga haka ng mga puso.” Ganito ang katumbas nito sa saling Today’s
English Version:
I Corinto 4:3-5 TEV
“Now,
I am not at all concerned about being judged by you or by any human standard; I
don't even pass judgment on myself. My conscience is clear, but that does not
prove that I am really innocent. The Lord is the one who passes judgment on me.
So you should not pass judgment on anyone before the right time comes. Final
judgment must wait until the Lord comes; he will bring to light the dark
secrets and expose the hidden purposes of people's minds. And then everyone
will receive from God the praise he deserves.”
Salin sa Pilipino:
“Ngayon,
hindi ako nababahala kung ako’y hatulan ninyo o ng anumang pamantayan ng tao; hindi
nga ako humahatol sa aking sariliI. Ang aking budhi ay malinis, subalit hindi
iyan nagpapatunay na ako talaga’y walang sala. ANG PANGINOON ANG HUMAHATOL SA
AKIN. KAYA HINDI KAYO DAPAT HUMATOL SA KANINUMAN BAGO DUMATING ANG TAMANG
PANAHON. Ang huling paghatol ay maghihintay hanggang sa pagdating ng Panginoon;
dadalhin niya sa liwanag ang pinakatatagong mga lihim at ibubunyag ang
nalilihim na mga layunin ng isipan ng mga tao. At pagkatapos ang bawat isa’y
tatanggap mula sa Diyos ng nararapat na papuri.” (Amin ang pagbibigay-diin)
Ganito naman
isinalin ng The Living Bible ang talatang ito:
I Corinto 4:3-5 LB
“What
about me? Have I been a good servant? Well, I don't worry over what you think
about this or what anyone else thinks. I don't even trust my own judgment on
this point. My conscience is clear, but even that isn't final proof. IT IS THE
LORD HIMSELF WHO MUST EXAMINE ME AND DECIDE. SO BE CAREFUL NOT TO JUMP TO
CONCLUSIONS BEFORE THE LORD RETURNS AS TO WHETHER SOMEONE IS A GOOD SERVANT OR
NOT. When the Lord comes, he will turn on the light so that everyone can see
exactly what each one of us is really like, deep down in our hearts. Then
everyone will know why we have been doing the Lord's work. At that time God
will give to each one whatever praise is coming to him.” (Amin ang pagbibigay-diin)
Maliwanag
ang sabi ng Biblia, “It is the Lord himself who must examine me and decide. So
be careful not to jump to conclusions before the Lord returns as to whether someone
is a good servant or not.” (Ang Panginoong mismo ang dapat magsiyasat at
humatol. Kaya mag-ingat sa pagkonklusyon bago bumalik ang Panginoon kung ang
isang tao ay mabuting alagad o hindi.)
Kapansin-pansin na ang “humahatol” ngayon
sa Pamamahala ng Iglesia ay ang kanilang mga itiniwalag. Ang mga “tiwalag” na
ito ang nagsasabing ang Pamamahala raw ngayon ay “masasama” kaya walang bisa
ang kanilang pagtitiwalag. Ito ay isa na namang tahasang pagsalungat NILA sa
itinuturo ng Banal Na Kasulatan.
MAAARI BANG MANATILING KAY CRISTO
KUNG TIWALAG NAMAN SA IGLESIA?
Mula
pa sa panahon ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix Y.
Manalo, kay Kapatid na Erano G. Manalo, at hanggang sa kasalukuyang Pamamahala
ay ang aral na ito ng Biblia ang itinuturo at pinaninindiganan ng Iglesia Ni
Cristo – na ang Pamamahala ng Iglesia ang binigyan ng karapatan na magtali at
magkalag, ang pagkakalag ay pagtitiwalag, at ang kinalagan sa lupa ay
kinakalagan sa langit. Itinuro rin mula pa sa panahon ng Sugo sa mga pagtuturong
ministerial sa mga ministro at manggagawa na walang karapatang magsiyasat at
humatol sa Pamamahala ng Iglesia ang sinuman kundi ang Panginoong Diyos lamang.
ANG
TOTOO AY ITO RIN ANG PANININDIGAN AT PINANGHAHAWAKAN NOON BAGO MATIWALAG ANG
MGA KUMAKALABAN NGAYON SA PAMAMAHALA. Bakit nila sinasalungat ngayon? Sapagkat
hindi pabor sa kanila o para lang pangatuwiranan ang kanilang “pagkakatiwalag”
na palabasing nananatili silang kay Cristo kahit sila raw ay tiwalag. MAAARI
BANG MANATILING KAY CRISTO ANG TIWALAG SA LOOB NG IGLESIA? Ang tanong na ito ay
matagal nang sinagot ng Banal Na Kasulatan. Ganito ang pahayag sa atin ng
Biblia sa I Juan 2:18-19:
I Juan 2:18-19 MB
“Mga
anak, malapit na ang wakas! Tulad ng narinig ninyo, darating ang anti-Cristo. Ngayon nga'y marami nang lumitaw na mga
anti-Cristo, kaya't alam nating malapit na ang wakas. Bagamat sila'y dating
kasamahan natin, hindi natin tunay na kaisa ang mga taong iyon. Sapagkat kung sila'y tunay na atin, nanatili
sana silang kasama natin. Ngunit umalis
sila, kaya't maliwanag na silang lahat ay di tunay na atin.”
Maaari bang
manatiling tunay na Iglesia Ni Cristo ang tiwalag o hiwalay sa Iglesia? Ang
sabi ni Biblia, “kung sila'y tunay na
atin, nanatili sana silang kasama natin.” Maaari bang manatiling kay Cristo
ang mga tiwalag o tiwalag sa Iglesia? Ang tawag sa kanila ng Biblia ay “ANTICRISTO”
(“kalaban” ni Cristo ang kahulugan).
Samakatuwid,
kung papaanong nagkakamali ang mga nagsasabing tiwalag lang daw sila sa lupa at
hindi raw sila tiwalag sa langit sapagkat maliwanag ang sabi ng Biblia na ang
lahat ng kinakalagan ng Pamamahala sa lupa ay kinakalagan sa langit, gayundin
nagkakamali ang mga nagsasabing sila raw ay maaaring manatiling tunay na
Iglesia Ni Cristo at tunay na kay Cristo bagamat sila’y tiwalag sa Iglesia sapagkat
maliwanag din na ang mga tiwalag o hiwalay kay Cristo ay tinawag ng Biblia na
mga “anticristo” (kalaban ni Cristo).
THE IGLESIA NI CRISTO
Facebook.com/TheIglesiaNiCristo
theiglesianicristo.blogspot.com
Sagot sa Tanong, Pagtuligsa at Paninira sa Iglesia Ni Cristo
PART 003
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.