15 March 2016

Dahilan ng Pagtakas ni LBM: Death Threat o Fake threat?



DEATH THREAT O FAKE THREAT?
ISA NA NAMANG NABIGONG PAKANA NINA MENORCA AT NG KANIYANG ABOGADO PARA PASAMAIN ANG IGLESIA



NOONG ika-3 ng madaling araw  ng Lunes, Marso 7, 2016, ay nagpost si Menorca sa kaniyang page na nakatanggap daw sila ng “death threat” sa kaniyang pamilya:

 
Nang umaga ng araw din iyon ay nagsagawa ng press release ang abogado ni Menorca na si Trixie Angeles na nagsasabing si Menorca ay nawawala raw. Noong alas-10 ng umaga ng araw na iyon ay naglathala ang iba’t ibang media outfit na si Menorca ay nawawala:

 
Ang "ganda" sana ng kanilang bagong “drama” na magkukumpirma na "masama" nga ang INC na mula sa pagdukot daw sa kaniya sa Sorsogon at sa illegal daw na pagkulong sa kaniya sa Central, ngayon ay “nawawala” si Menorca at ang pamilya. Sino ang gusto nilang palabasin na may kasalanan sa kaniyang "pagkawala"? Siempre, ang INC. IYAN SANA ANG LALABAS KUNG HINDI KUMILOS ANG PANGINOONG DIYOS UPANG IHAYAG ANG ISA NA NAMAN NILANG “MASAMANG BALAK” LABAN SA IGLESIA NI CRISTO.


MAY DEATH THREAT NGA BA?

Ang sabi ni Menorca “Somebody left this at the windshield of our car in our safehouse.” Ang hindi nag-iisip ay agad na maniniwala dito at maaawa pa kay Menorca at sa kaniyang pamilya. Subalit, sa nag-iisip ay agad na itatanong ang mga susunod:

(1) Wala bang guwardiya sa inyong “safehouse”? Kung “wala” ay bakit mo pa tinawag na “safehouse”? Di ba kaya mo tinawag na “safehouse” ay dahil “safe” nga?

(2) Nasaan na ang mga “former marines” na nagsisilbing bodyguard o guardiya ninyo kapag lumalakad kayo? Di ba't siya pa nga ang nag-coordinate noon sa mga marines nang magsagawa ng selective presscon si Lottie Hemedez?

 (3) Wala bang CCTV sa “safehouse” ninyo?

 (4) Sa isang "napakatapang na naninindigan sa totoo," bakit “picture” lang ay itinuring mo ng death threat at nagawang patakbuhin ka sa ibang bansa?

 (5) Katatanggap mo lang nang death threat ng umaga, gabi ay nasa airport ka na at ang pamilya mo at nakasakay ka na ng eroplano, at madaling araw ay nasa Vietnam ka na? Hindi kapani-paniwala na ito ay biglaan at  hindi  planado noon pa.

(6) Noong natanggap mo ang “death threat” na iyan, nang makita mo ang picture na iyan, agad mong naikuha ng passport ang anak mo na 2 years old pa lamang? Talagang hindi kapani-paniwala na hindi planado ang lahat.

(7) Mula umaga hanggang gabi ay nakakuha na agad kayong tatlo ng visa o mayroon na agad kayong dokumentong kailangan para makalabas ng bansa at makapasok ng Vietnam at mula roon ay pupunta kayo ng Canada? Kaya hindi mo makukumbinsi ang mga nag-iisip na ang pagtakas ninyo ay hindi matagal nang plano at pinaghandaan.

Kung planado at pinaghandaan ang pagtakas mo at ng pamilya mo, kaya hindi maling sabihin na ang diumano’y “death threat” ay gawa-gawa mo lang. Samakatuwid, hindi pala “death threat” kundi “fake threat”!


ANG DIYOS ANG GUMAWA NG PARAAN PARA MAHAYAG ANG MULI NINYONG PANLOLOKO SA MGA TAO PARA PASAMAIN ANG INC

Ang hindi kasama sa plano ninyo ay ang may makasabay kayong mga kapatid, namukhaan kayo at nakunan ng larawan sa Ho Chi Minh Airport.



ITO ANG NAGPABIGO SA MASAMA NINYONG PLANO PARA MULING GUMAWA NG PAGPAPASAMA SA INC. Kung hindi kayo nabisto, tiyak na may kasinungalingan na naman kayong ipagkakalat! Iyong “nawawala” ay magiging “kinidnap”, “dinukot” at “nailigtas lang at ngayon ay nailabas sa ibang bansa” - isa na namang "drama to the max"!

Ito ngayon ang isa pang nagpapatunay na ang sinasabi mong pagdukot sa iyo sa Sorsogon at ang illegal detention sa iyo sa Central ay tunay na “gawa-gawa” mo lamang at imahinasyon mo lamang. Hindi ba’t inamin mo ito sa naging cross-examination sa iyo sa Court of Appeals na wala namang talagang naging “threat” sa iyo? Ang ginawa mo ngayon ay pagkumpirma lamang na tunay na gawa-gawa mo lamang ang lahat.

Maliwanag din na kasabwat at may alam ang abogado mo sa panibago mong "drama." Kaya malamang malamang na ang "bagong dramang ito" ay para makabawi sa naging “pagkakalat” mo sa unang “cross examination” sa inyo sa CA.  NGUNIT ANG DIYOS ANG GUMAWA NG PARAAN UPANG MABIGO KAYO SA PANIBAGO NINYONG TANGKANG PASAMAIN ANG INC.

Nalimutan na kasi ng mga tiwalag ang turo ng Banal Na Kasulatan, ang pangako ng Diyos sa Sugo na tagos sa kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia na:

Isaias 41:9-10 at 11
“Ikaw na aking hinawakan mula sa mga wakas ng lupa, at tinawag kita mula sa mga sulok niyaon, at pinagsabihan kita, Ikaw ay aking lingkod, aking pinili ka at hindi kita itinakuwil; Huwag kang matakot, sapagka't ako'y sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagka't ako'y iyong Dios; aking palalakasin ka; oo, aking tutulungan ka; oo, aking aalalayan ka ng kanang kamay ng aking katuwiran.
“Narito, SILANG LAHAT NA NANGAGAGALIT SA IYO AY MANGAPAPAHIYA AT MANGALILITO: silang nangakikipaglaban sa iyo ay papanaw at mangapapahamak.

Katunayan ito na patuloy na hawak ng Diyos ang Iglesia Ni Cristo sa mga huling araw at ang kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia.

Kung fake ang sinasabi niyang “death threat” lumalabas na ang katuwiran ni Menorca sa inilabas niyang “statement” na inilathala naman ng ABS CBN na dahilan ng pagtakbo niya sa Vietnam ay nakabatay lamang sa KASINUNGALINGAN. May bukod tayong pagtalakay at paghimay-himay sa “official statement” na ito ni Menorca.


1 comment:

  1. Inihahayag talaga ng Ama ang mga kalokohan niyo menorcanor! qala na kayong mauutong mga kapatid aa Iglesia

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)