“Iba na ang Iglesia Ni Cristo ngayon
sapagkat ang itinitiwalag ay ang mga nagsisiwalat lamang ng katiwalian at
nagsasabi ng katotohanan. Kaya hindi makatarungan ang pagtitiwalag ngayon sa
Iglesia.”
“Nananatiling tinatanggap namin ang
Espiritu Santo o kinakasihan kami ng Espiritu Santo kahit kami'y tiwalag sa Iglesia. Umiiyak pa nga kami
hanggang sa aming mga pagkakatipon.”
“Walang bisa ang pagtitiwalag ngayon
sapagkat tao lang ang nagtiwalag sa amin. Dito lang kami sa lupa tiwalag at hindi
kami tiwalag sa langit kaya nananatili kaming kay Cristo at nananatili kaming
tunay na Iglesia Ni Cristo.”