Sagot sa mga Tanong, Paratang at Paninira
sa Iglesia Ni Cristo
Tanong:
“Nananatiling tinatanggap namin ang
Espiritu Santo o kinakasihan kami ng Espiritu Santo kahit kami'y tiwalag sa Iglesia. Umiiyak pa nga kami
hanggang sa aming mga pagkakatipon.”
Sagot:
ANG PINANGAKUAN NG ESPIRITU SANTO
Tiniyak sa
atin ng Biblia kung kanino lamang ipinangako ang pagtanggap ng Espiritu Santo.
Ito ang malinaw na itinuturo sa atin ng Banal Na Kasulatan:
Gawa 2:38-39
“At
sinabi sa kanila ni Pedro, Mangagsisi kayo, at mangagbautismo ang bawa't isa sa
inyo sa pangalan ni Jesucristo sa ikapagpapatawad ng inyong mga kasalanan; at
tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. Sapagka't sa inyo ang pangako,
at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang
tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.”
Ipinangako
ang Espiritu Santo sa tatlong pulutong lamang: (1) “sa inyo”; (2) “sa inyong
mga anak”; at (3) “sa lahat ng nangasa malayo.” Samakatuwid, para mapatunayan
ng sinuman na nasa kanila ang Espiritu Santo, dapat na mapatunayan nila na
sila’y kabilang sa pinatutunayan ng Biblia na tatanggap ng Espiritu Santo.
Ang una at
ikalawang pulutong ay natawag na noon, at ang ikatlo ay tatawagin pa lamang
nang ipahayag ni Apostol Pedro ang hulang ito. Ang una at ikalawang pulutong na
natawag na ay ang mga Judio at mga Gentil na napa-anib sa Iglesia Ni Cristo
noong unang siglo:
Roma 9:24
“Maging
sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman
mula sa mga Gentil?”
Ang unang
pulutong (ang mga Judio) ay mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo:
Galacia 1:22 NPV
“Hindi
pa ako kilalang personal sa mga iglesya ni Cristo sa Judea.”
Ang ikalawang
pulutong (ang mga Gentil) ay mga kaanib din
sa Iglesia Ni Cristo:
Roma 16:4 at 16
“Na
ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang
ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil:
“Mangagbatian
kayo ng banal na halik. Binabati kayo ng
lahat ng mga iglesia ni Cristo.”
Ang ikatlong
pulutong ay ang “ibang mga tupa” ni Cristo:
Juan 10:16
“At
mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: sila'y kailangan din
namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging
isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.”
Ang “ibang
mga tupa ni Cristo” ay kabilang sa “isang kawan” lamang. Ang “kawan” ay ang
Iglesia Ni Cristo (cf. Gawa 20:28
Lamsa), kaya ang “ibang mga tupa” ni Cristo o ang ikatlong pulutong ng
pinangakuang tatanggap ng Espiritu Santo ay mga kaanib din sa Iglesia Ni
Cristo. Samakatuwid, ang hiwalay sa Iglesia Ni Cristo ay hindi kabilang sa
pinangakuan na tatanggap ng Espiritu Santo.
ANG SINASABI NG BIBLIA SA HIWALAY SA
IGLESIA NI CRISTO
Sinasabi
nila na hindi daw sila “hiwalay kay Cristo at sa Iglesia Ni Cristo” kahit daw
sila tiwalag ngayon sa Iglesia. Sino ba ang mga kay Cristo ayon sa pagtuturo ng
Biblia:
Juan 10:3
“Binubuksan
siya ng bantay-pinto; at dinirinig ng mga tupa ang kaniyang tinig: at tinatawag
ANG KANIYANG SARILING MGA TUPA sa pangalan…”
Ang kay Cristo ay ang kinikilala ni Cristo na
Kaniyang mga tupa. Ang Kaniyang mga tupa ay nasa loob ng kawan o nasa loob ng
Iglesia Ni Cristo (cf. Juan 10:16;
Gawa 20:28 Lamsa), kaya ang kay Cristo ay nasa loob ng kawan o Iglesia Ni
Cristo. Ang Iglesia ang may kaugnayan kay Cristo:
Efeso 5:32 MB
“Isang
dakilang katotohanan ang inihahayag nito - ang kaugnayan ni Cristo sa iglesya
ang tinutukoy ko.”
Kaya, ang
tiwalag o hiwalay sa Iglesia ay hiwalay kay Cristo:
Juan 15:5-6
“Ako
ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa
kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin
ay wala kayong magagawa. Kung sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya'y matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at
mga titipunin at mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog.”
Ang hiwalay
kay Cristo (tinawag o hiwalay sa Iglesia) ay walang pangako at walang Diyos:
Efeso 2:12
“Na
kayo nang panahong yaon ay mga hiwalay kay Cristo, na mga di kabilang sa bansa
ng Israel, at mga taga ibang lupa tungkol sa mga tipan ng pangako, na walang
pag-asa at walang Dios sa sanglibutan.”
Ang tiwalag o hiwalay sa Iglesia Ni Cristo
ay hiwalay kay Cristo at walang pag-asa, walang pangako at walang Diyos kaya
maling sabihin na nananatili silang tumatanggap ng Espiritu Santo kahit sila ay
tiwalag sa Iglesia Ni Cristo.
Noong hindi
pa sila tiwalag ay ito rin ang kanilang paninindigan – ang hiwalay o tiwalag sa
Iglesia Ni Cristo ay hiwalay kay Cristo kaya walang pag-asa, walang pangako at
walang Diyos. Noong sila’y matiwalag ay iba na ang kanilang sinasabi upang
magbangong-puri lamang at pagtakpan ang kanilang tunay na kalagayan na sila’y
hiwalay kay Cristo, walang pag-asa, walang pangako at walang Diyos. Subalit,
anuman ang sabihin nila at ikatuwiran, ang katotohanang nakasulat sa Biblia ay
HINDI MAGBABAGO – ang Iglesia Ni Cristo
ang pinangakuang tatanggap ng Espiritu Santo at ang nasa labas nito ay hindi
kay Cristo, hiwalay sa Kaniya, walang pag-asa, walang pangako at walang Diyos.
THE IGLESIA NI CRISTO
Facebook.com/TheIglesiaNiCristo
theiglesianicristo.blogspot.com
Sagot sa Tanong, Pagtuligsa at Paninira sa Iglesia Ni Cristo
PART 004
meron po ba tala sa biblia kung papano mararanasan o mararamdaman ang kapangyarihan ng Espiritu Santo? salamat po sa pagtugon
ReplyDeleteWe will stand firmly and fight for our faith vigorously no matter what happens.
ReplyDeleteNakasulat sa Biblia na ang tatanggap ng espiritu ay ang mga nasa loob ng INC yan ang malinaw at ang pagsunod sa Panginoong Jesucristo ang tatanggap ng espiritu santo paano nga ba tatanggap ng espiritu santo kung wala ka na sa Iglesia ni CRISTO wala ka na at hindi ka na nakaugnay sa Panginoong Jesucristo..
ReplyDeleteSalamat po sa walang sawang pangunguna po sa amin, tunay na maliwanag kung sino po ang dapat sundin at paglingkuran.
ReplyDeleteKahit ang Diyos marahil ay hindi pakikinggan ang iyak ng wala na sa Iglesia. Ang tawag dito ay "crocodile tears".
ReplyDeleteAng napapansin ko ay unti-unti na silang nangangalat at nangawawala.Alam ng mga dating kaanib na walang magtatatumpay sa kumakalaban sa bayan ng Diyos.Kung ako sa kanila, magbalik-loob na sila, habang may natitira pang awa ang Diyos. Bago maging huli ang lahat.