07 February 2015

Walang Pagbibigay ng Ikapu sa Iglesia Ni Cisto



HINDI ARAL O GAWAIN
SA IGLESIA NI CRISTO KAILANMAN
ANG PAGBIBIGAY NG IKAPU O
ANG  IKASAMPUNG BAHAGI
NG KINIKITA
 

MARAMING MGA RELIHIYON ang nagsasagawa ng pagbibigay ng ikapu (ang pagbibigay ng ikasampung bahagi ng kinikita ng isang tao na tinatawag sa Ingles na “tithing”), subalit maliwanag na maging noong una hangang ngayon na ang paninindigan ng Iglesia Ni Cristo na ang pagbibigay ng ikapu ay hindi utos ng Diyos sa mga tunay na Cristiano. Ganito ang itinuro ni Apostol Pablo na nakasulat sa Banal Na Kasulatan:

II Corinto 9:7
“MAGBIGAY ANG BAWA'T ISA AYON SA IPINASIYA NG KANIYANG PUSO: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka't iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya.” (Amin ang pagbibigay-diin)

Maliwanag ang utos sa mga Cristiano, “Magbigay ang bawat isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso.” Anupat, ang mga tunay na Cristiano ay hindi inuutusan na magbigay ng isang partikular (“specific”) na porsiento ng kinikita o tinatangkilik. KAYA, HINDI NA KAUTUSAN SA PANAHONG CRISTIANO ANG PAGBIBIGAY NG IKAPU.

Ang itinuturo o isinasagawa sa loob ng Iglesia Ni Cristo ay ang “pag-aabuloy” (sa Ingles ay “voluntary contribution”) na siyang ipinag-uutos ng mga apostol sa mga tunay na Cristiano at siyang maliwanag na nakasulat sa Biblia. Ganito ang pa ang itinuturo sa atin ni Apostol Pablo:

Hebreo 13:15-16
“Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan. Datapuwa't ANG PAGGAWA NG MABUTI AT ANG PAGABULOY AY HUWAG NINYONG KALIMUTAN: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.” (Amin ang pagbibigay-diin)

Ang kautusan sa mga Cristiano ay “Ang aggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka’t sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nakalulugod.” Kung papaano dapat isagawa ang utos na pag-aabuloy, ang sabi ni Apostol Pablo, “magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso.”

SAMAKATUWID, ANG PAGBIBIGAY NG IKAPU (“TITHING”) AY HINDI ISINASAGAWA O ITINUTURO SA IGLESIA NI CRISTO. Ang pag-aabuloy na isinasagawa sa Iglesia Ni Cristo ay utos ng Diyos na nakasulat sa Biblia subalit ang pagsasagawa nito ay “ayon sa ipinasiya ng puso.” Kaya, hindi sapilitan ang pag-aabuloy sa Iglesia Ni Cristo at hindi kailanman tinatakdaan ang mga kaanib ng porsiento o halaga.

Dahil dito, masasabing ISANG PNINIRA lamang laban sa Iglesia Ni Cristo ang pagsasabing iniuutos sa mga kaanib nito ang pagbibigay ng ikapu sa paghahangad ng mga kaibayo sa pananampalataya na ma-discourage ang mga tao na magsiyasat sa Iglesia Ni Cristo at makapagpakita ng diumano’y katunayan na sapilitan daw ang pag-abuloy sa loob ng Iglesia Ni Crsto. Subalit, maliwanag ang katotohanan na WALANG PAGSASAGAWA NG PAGBIBIGAY NG IKAPU AT HINDI SAPILITAN ANG PAG-AABULOY SA IGLESIA NI CRISTO.







No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)