29 September 2015

Sa Napapaniwala ng Fallen Angels, Siniyasat nyo bang mabuti ang isinisigaw at ipinakikipaglaban nyo?



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 33


HAMON SA MGA NAPAPANIWALA
NG MGA FALLEN ANGELS:
LALO NA SA MGA NAGVIGIL
SA HARAP NG USMO
Ikatlong Hamon

“Siniyasat ba ninyong mabuti, pinag-aralan ng husto, at pinag-isipang lubos ang inyong isinisigaw na siyang ipinapaniwala sa inyo ng mga ‘Fallen Angels’?”



NAGSAGAWA raw muli ng “mapayapang” vigil ang mga napapaniwala ng mga “Fallen Angels” sa may tapat ng US Main Office ng Iglesia Ni Cristo sa California, USA. Sila ang napapaniwala ng mga tiwalag na ministro at mga alipores nila (na tinatawag nating mga “Fallen Angels”) na tama at katotohanan raw ang kanilang mga sinasabi o isinisiwalat. Subalit, ang tanong namin ay para sa mga napapaniwala ng mga “Fallen Angels” lalo na ang mga nag-vigil sa tapat ng USMO – SINIYASAT BA NINYONG MABUTI, PINAG-ARALAN NG HUSTO, AT PINAG-ISIPANG LUBOS ANG INYONG ISINISIGAW NA SIYANG IPINAPANIWALA SA INYO NG MGA “FALLEN AGELS”?


(1)
SINIYASAT BA NINYO NG HUSTO ANG INYONG
IPINAKIKIPAGLABAN AT ISINISIGAW?
 
Image 01 [US Vigil 01]

Makikita sa larawan ang isa sa mga “placard” na naglalaman ng kanilang isinisigaw at ipinakikipaglaban. Ang nakasulat ay “I Cor 5:17 expel the wicked corrupt men among you.” Huwag ninyong ikagagalit mga napapaniwala ng mga “Fallen Angels” subalit hindi ba’t ang nais ninyong ipakipaglaban ay ang tama? Subalit, mukhang “basta na lamang ninyo tinanggap kung ano ang sinasabi sa inyo na isigaw at ipakipaglaban ninyo na hindi na ninyo ito siniyasat pang mabuti?

Hindi po namin kayo iniinsulto o pinipintasan, ang nais lang po namin ay makita ninyo ang talagang “katototohanan.” Hindi ba’t ang larawang ito ay nagpapatunay na kayo’y nadaya at basta na lang ninyo tinanggap kung ano ang sinabi sa inyo na inyong ipakipaglaban?

Ang I Corinto kapitulo 5 ay hanggang talagang 13 lamang po at walang 14-16, at lalo na ang talatang 17. WALA PONG “I COR. 5:17” SA BIBLIA. Ngunit, marahil ang ikakatuwiran ninyo ay “nagkamali lang sa talata, typo baga.” Ang tanong po ay “Bakit po itinulot ng Panginoong Diyos na kayo ay magkamali na magagamit ng inyong mga “kaibayo”? At hindi ba’t kahayagan ito na hindi nga po ninyo sinisiyasat ang sinasabi o ibinibigay sa inyo na inyong isigaw at ipakipaglaban?

Inuulit po namin, hindi namin kayo iniinsulto o nilalait, ang nais lamang po namin ay ipakita sa inyo ang talagang katotohanan at sana nga po ay makita ninyo.


(2)
TININGNAN BA NINYO ANG LAHAT NG “IMPORMASYON”
NA MAY KINALAMAN SA INYONG IPINAKIKIPAGLABAN
AT PINAG-ARALANG MABUTI ANG LAHAT NG ITO?

Image 02 [US Vigil 02]

Sa larawang ito ay makikita ang isa pang “placard” na naglalaman ng kanilang isinisigaw o ipinakikipaglaban. Ang nakasulat ay “Protect Ka Erdy’s family!!!” Batid natin ang pinagsimulan ng “panawagan” nilang ito – ang “controversial video” na ini-upload sa Youtube ni Angel Manalo kung saan siya at ang kaniyang ina ay “humingi ng tulong sapagkat nanganganib daw ang kanilang buhay.” Tinanggap ito ng mga napapaniwala ng mga “Fallen Angels” na “totoo” (na “totoo” raw na nanganganib ang buhay ng pamilya ni Ka Erdy). Subalit, siniyasat ba ninyo ang mga impormasyong may kaugnayan dito?

(a) Hindi ba’t napatunayan na hindi nanganganib ang buhay ni Ka Tenny sapagkat wala naman siya sa #36 Tandang Sora Avenue kundi nasa USA din kasama si Marc?;

(b) Hindi ba’t napatunayang nagsisinungaling si Angel sa pagsasabing nanganganib ang kanilang buhay sapagkat iyon daw pagsasabing “sila’y hostage” ay si Angel din ang may sabi na “mayroon lamang isang batang nagbibiro”? Sa ibaba ay ang video na nagpapatunay na ito ang controversial video ni Angel Manalo ay isang malaking kasinungalingan at panlilinlang. Kung hindi pa po ninyo napapanuod ang aming videong ito ay sana po ay silipin po ninyo;

Please watch this video






(a) Ang binakuran ay ang “part” na namamagitan sa compound nina Angel at Lottie at ng Central Office compound. Para ba sila “ikulong”? Isang bahagi lang ang binakuran, subalit ang “gate” na papalabas ng Tandang Sora Avenue ay sila pa rin ang may “access” o kontrol. Malaya nga silang nakapaglalabas-masok dito kaya nga nakatatanggap pa sila ng mga “bisitang” hindi mga kapatid, mga tiwalag. Hindi na kailangang magpunta ang Iglesia sa korte para ang korte ang magbawal kanila Angel at Lottie na tumanggap ng bisita na hindi kapatid at tiwalag (tandaan na ang compound na ito ay property pa rin ng Iglesia at sa kagandahang-loob ng Pamamahala kaya sila nananatili rito bagamat sila’y mga tiwalag na sa Iglesia).

Isip-isipin na lang ninyo na kung “kontrolado” ng Iglesia ang “lahat ng panig” ng compound na kanilang kinaroroonan, bakit dadalhin pa ang pagbabawal sa korte gayong tiyak na masisiyasat ito ng korte at magiging “isyu” pa laban sa Iglesia? Tunay na sila Angel at Lottie ang may kontrol sa gate na papalabas sa Tandang Sora Avenue kaya kinailangan na dalhin sa korte ang pagbabawal sa kanila na tumanggap ng mga bisita (may bukod na artikulo para sa isyung ito na lalabas sa susunod).

Wala po kaming layunin na insultuhin o hamakin ang mga napapaniwala ng mga “Fallen Angels” lalo na ang mga nag-vigil sa harap ng US Main Office, subalit hindi ba’t ito ang nagpapatunay na hindi isinaalang-alang, inalam at pinag-aralang mabuti ang iba pang mga impormasyon na may kinalaman sa mga isyung naganap at sa mga alegasyon na ibinabato sa Sanggunian at sa Pamamahala ng Iglesia? Kung inalam naman ay di ba’t lumalabas na “nagbulag-bulagan” sa katotohanan na “may isang bata lamang na nagbibiro”?


(3)
TINIYAK BA TALAGA NINYO NA “BUONG KATOTOHANAN” ANG ISINISIWALAT NG MGA FALLEN ANGELS” AT HINDI SILA NAGSISINUNGALING LAMANG?

 Image 03 [US Vigil 03]

Napansin ba ninyo sa larawang ito na “mukhang” nawala na ang isinisigaw ninyo nang una kayong nag-vigil na “Where are the ten abducted ministers?” at “where are the missing ministers?”:
  
Image 04 [US Vigil 04]

Maliwanag sa larawang ito ng kanilang unang vigil sa tapat ng USMO na may “placard” sila na nagsasabing “where are all kidnapped ministers.” Pero sa kanilang ikalawang vigil ay wala o inalis na nila. Bakit inalis? Bakit hindi na po ninyo ito “isinisigaw” ngayon sa inyong ikalawang “peaceful vigil”? SAPAGKAT NAPATUNAYAN NA ITO AY WALANG KATOTOHANAN O ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN LAMANG. Hindi ba’t ito ang ikalawang hamon po namin sa mga napapaniwala ng mga “Fallen Angels” – “Ciento-por-ciento ba kayong nakatitiyak na katotohanan ang sinasabing may sampung ministro na dinukot ng Sanggunian?” Alam ng lahat na “overwhelming” ang mga ebidensiya na nagsisinungaling ang mga “Fallen Angels” sa bagay na ito.

Sa pag-alis ninyo sa una ninyong “isinisigaw na may sampung ministrong dinukot ng Sanggunian” di ba’t nagpapatunay po ito na ALAM NINYO NA NAGSISINUNGALING ANG MGA “FALLEN ANGELS” SA BAGAY NA ITO? Hindi po namin kayo iniinsulto o hinahamak, subalit ang katotohanang nagsinungaling sila sa “pagsasabing may sampung ministrong dinukot ng Sanggunian” ay nagpapatunay na SUMUSUNOD KAYO SA MGA NAGSINUNGALING AT HINDI LANG MIMINSANG NAGSINUNGALING.


(4)
CIENTO-POR-CIENTO BA KAYO NA SILA’Y MAY “MATITIBAY NA EBIDENSIYA” SA SINASABI NILANG “CORRUPTION”? AT SINIYASAT BA NINYO KUNG “VALIDO” ANG MGA SINASABI NILANG “EBIDENSIYA”?


Image 05

Ang sabi nila na may mga “personal condos” ang mga miembro ng Sanggunian. May halos may limang buwan na nilang sinabi na ilalabas nila ang “katibayan” nito, subalit wala silang nailabas kundi ang “akusasyon lamang” na sila raw ang may ari ng ilang mga units sa Fort Victoria, pero sa ipinakita nilang “list” ng mga nakabili ng unit sa Fort Victoria high-end condo ay WALA NAMAN ANG PANGALAN NG MGA MIEMBRO NG SANGGUNIAN, kundi ipinipilit lang nila na ang isang nakabili ng unit ay “dummy” lamang daw ng Sanggunian, ngunit wala rin silang naipakitang ebidensiya ukol dito at ang taong sinasabi nila na “dummy” ay isang kilalang “kontratista” at hindi nila mapabulaanan na may kakayahan na bumili ng mga condo units.

Ang ipinakita nila ay mga “rehistro ng sasakyan” na ang mga sasakyang ay nakapangalan sa mga miembro ng Sanggunian. Hindi ba’t ang inilabas nilang ito ay katibayan pa nga na walang kurapsiyon o pagnanakaw sa abuloy ng Iglesia sapagkat ang sinasabi ng rehistro ay sila ang bumili (hindi ang Iglesia). Ang matagal na namin hinihintay ay ang ilabas nila ang katibayan na ang ipinangbili ay “abuloy ng Iglesia” – subalit hanggang ngayon ay wala silang maipakita kundi “akusasyon” o “PALAGAY LAMANG” na dahil sa ministro ay hindi na makabibili ng gayong mga sasakyan. Isang “paratang” na hindi kapani-paniwala sa panahong ito at alam ng maraming kapatid kung bakit. Iyon ngang isang miembro ng Sanggunian ay ang inilbas pa ng mga “Fallen Angels” na “rehistro ng sasakyan” ang siya pa ngang matibay na nagpapatotoo na nabili ito na “second-hand” lang pala at isang low-end at hindi high-end na BMW. Isang second-hand low-end BMW ay katibayan ng luxurious life ng mga miembro ng Sanggunian?

Ang ipinagmalaki rin nilang mga bank accounts, dummy accounts, paper trails at money trails na may limang buwan na nilang “ibinabala” na ilalabas nilang lahat ay HANGGANG NGAYON ay nananatiling isang “yabang” o “hamong puno lamang ng hangin” sapagkat hanggang ngayon ay WALA.

Natalakay na namin ang mga ito sa nakaraan sa pagsagot namin kay “Antonio Ebanghelista,” subalit sa mga susunod ay muli naming isa-isang tatalakayin na may mga ilalabas pa kaming mga karagdagang matitibay na ebidensiya na nagsisinungaling nga lamang ang mga “Fallen Angels” sa pagsasabing “nagnakaw” at “corrupt” ang mga miembro ng Sanggunian.

Ang totoo ay ang inilabas naming kanilang mga katiwalian (ang mga katiwalian ng mga “Fallen Angels”) ang hanggang ngayon ay hindi nila mapabulaanan gaya ng Ubando Radio transmitter anomaly, Fort Victoria anomaly at Commercial Telecommunication anomaly. Marami pa po iyan na ilalabas din namin sa mga susunod na panahon.

Ang sinasabi nilang “matibay na katunayan” ng diumano’y may corruption ngayon sa Iglesia ay ang pagtatayo ng Philippine Arena at napabayaan na raw ang pagtatayo ng mga kapilya na NAPATUNAYAN DIN NATING ISANG MALAKING KASINUNGALINGAN. Habang itinatayo ang Philippine Arena ay 873 na mga kapilya ang naipatayo tulad ng malalaking kapilya ng mga lokal ng Payatas, Commonwealth, Batasan Hills at Capitol.


KONKLUSYON

Kung bubuksan lamang ninyo ang inyong mga mata sa katotohanan  sa mga impormasyon at mga ebidensiya na inilatag namin sa blog na ito (basahin inyo ang aming serye na Answering Fallen Angels na may 33 ng artikulo sa araw na ito, at may ilalabas pa po kaming maraming artikulo sa mga susunod na araw) ay makikita ninyong NAPAPANIWALA LAMANG KAYO SA KASINUNGALINGAN AT PANLILINLANG.

Inuulit po namin, hindi namin layunin na insultuhin o hamakin kayo. Ang nais namin ay makita ninyo ang TALAGANG TOTOO. Pantay ninyong pagtuunan ng pagsusuri ang bawat panig. Inyo ring pagtuunan ng pansin ang mga ebidensiya at katibayan na isinisiwalat po namin sa seryeng ito na “Answering Fallen Angels.”

Hangad po namin na muli kayong makapiling sa tunay na paglilingkod sa Diyos, lalo na po sa pagtatamo ng kaligtasan. Halina na po at magbalik-loob. Walang tunay at taos sa pusong nagbabalik-loob na hindi muling tatanggapin ng Panginoong Diyos at ng Pamamahala ng Iglesia. Ganito ang sinasabi ng Biblia:

Apocalipsis 2:3-5 MB
“Alam ko ring matiyaga ka, nagtiis ng maraming hirap alang-alang sa akin, at hindi nanlupaypay. Ngunit ito ang ipinagdaramdam ko sa iyo: nanlalamig ka na sa akin - hindi mo na ako mahal tulad ng dati. Alalahanin mo ang dati mong kalagayan, pagsisihan mo at talikdan ang iyong masasamang gawa, at gawin mong muli ang mga ginawa mo noong una.  Kapag hindi ka nagsisi, paririyan ako at aalisin ko sa kinalalagyan ang iyong ilawan.”

 

9 comments:

  1. Nagsimula ng mga ganyang panawagan ng mga "fallen angels" na mag-vigil nang ilabas nila ang video ni Angel Manalo na nanawagan sa mga kapatid na tulungan sila dahil sa may “death threat” daw sa kanila. Nagpost sa bintana na sila ay daw ay hostage at nasaan daw yong mga kininidnap ng mga ministro (10 raw yon). Kinagat ng mga media men na ang iba ay obvious na unfair at may pagkamalisyoso pa sa pagbabalita. Nagbunga ito ng kung ano-anong mga panlalait at mga malisyong akusasyon na ipinupukol laban sa INC. Subalit pagkatapos lang ng ilang araw ay napatunayan na ang lahat ng mga sinabi nila ay pawang kasinungalingan.

    SUSUPORTAHAN BA NINYO ANG ISANG PANAWAGAN NA SA SIMULA PA LAMANG AY ISA NG MALAKING KASINUNGALINGAN AT PANLOLOKO SA KANILANG KAPUWA?

    Tama lang at hinihingi ng katarungan na itiwalag ang mga sangkot sa katiwaliang ito kahit na ang iba sa kanila ay mga mahal pa sa buhay ng aming Tagapamahalang Pangkalahatan.

    Tinatanong naming kayo na mga lumalaban sa liderato ng kapatid na Eduardo Manalo:

    Ang kapatid na Eduardo Manalo ba ang may kasalanan kaya sila natiwalag?

    Ang kapatid na Eduardo Manalo ba ang masama sa sinapit o nagiging abang kalagayan ng mga naghasik ng kasinungalingan at panloloko sa mga tao?

    Ang kapatid na Eduardo Manalo ba ang dapat na parusahan?

    ReplyDelete
  2. Kaawa awa naman po ang mga matitiwalag na nakiisa sa mga nag vigil, pasiya po nilang pansarili ang maniwala sa kasinungalingan kaya sunong po nila sungay nila at hila nila buntot nila,

    ReplyDelete
  3. Kawawa lang kayo. Kahit ano pa isisiwalat ninyong mga kasinungalingan, walang maniniwala sa inyo. Alam ba ninyo na sa mga pinagagagawa ninyo ay lalong tumatag ang pananampalataya naming mga tunay na kaanib sa loob ng Iglesia Ni Cristo. Lalo kaming naging lalong SOLIDO sa kasalukuyang ADMISTRATION. Ito ay aming pinatunayan noong nakaraang September 26,2015. Kaya kayong mga naniniwala sa mga Fallen Angels na mga iyan, huwag kayong maging mangmang. Dahil kawawa lang kayo. Huwag kayo pagamit sa trabaho ng Demonyo. Halina bumalikwas na kayo at magbalikloob bago pa mahuli ang lahat.

    ReplyDelete
  4. Kanina po ay pumunta ako sa salon at nakakwentuhan ang isang empleyado doon na hindi kapatid sa INC. Ang pag - uusap po namin ay nagsimula sa pagtatanong niya kung sino si Ka FYM dahil madalas niyang mapanood ang trailer ng pelikula sa TV, nagpatuloy ang aming pag-uusap at naaaya ko na siyang magsuri sa mga doktrina ng INC. Bigla niyang tinanong ang ukol sa Philippine Arena at nagsabi ng kaniyang papuri ukol dito, ikinagulat ko ang sinabi niyang ganito " Sabi nila may corruption daw sa inyo? e bakit natapos yung Philippine Arena? di ba ang laki laki nun at sigurado mahal ang ginastos dun. Di ba kung may corruption dapat hindi na yun natapos o kaya matagal bago matapos, nagtataka nga ako sa mga sinasabi nila bakit ganun." Natuwa po ako sa kanya, mabuti pa ang taong ito, hindi isang kapatid ngunit nag-iisip at hindi basta basta na lamang naniniwala sa mga balitang kaniyang naririnig at napapanood. Sana ang mga tao na nag vigil ay mabuksan din ang isipan at magpakatalino. Higit sa lahat ay manalangin sila sa Panginoong Diyos na kahit ano pang mangyari ay patatagin sila sa kanilang pananampalataya na ang Iglesia Ni Cristo ay hawak ng Diyos, na nakikita ng Diyos ang lahat, na ang Iglesia ay hawak ng Kaniyang dakilang mga Kamay, nasa kamay ng Diyos ang katuwiran kaya hindi sila dapat magrebelde at gumawa ng mga bagay na malalagay ang Iglesia sa kahihiyan.

    ReplyDelete
  5. wala na po kasi sa kanila ang espiritu ng Dios, kaya nagsidilim na ang mga isipan at wala na rin po ang katalinuhan para magisip.... kailangan nila manalangin ng marami, at magsisisi para bumalik ang espiritu ng Dios.

    ReplyDelete
  6. There are many members now who does not speak or read English. Is it possible to have English translation to these articles/blogs?

    ReplyDelete
  7. I was only in 3rd grade when I traveled here to USA and witnessed how the Church grew in early 70's. I do struggle reading in Tagalog, but thankful to understand most comments. I wonder if we can consider translating the blogs in English. God willing, if the expelled still have reverent fear, they "may" benefit from the English version.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)