19 September 2015

Ang katotohanan kung bakit galit ang Fallen Angels kay Ka Arnel Tumanan



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 28


SINO NGAYON ANG GOONS, HOODLUM AT SINDIKATO SA GINAGAWA NILANG MARUMING TAKTIKA LABAN SA MGA MINISTRO AT MGA KAPATID?

Ang Katotohanan kung bakit galit na galit kay Ka Arnel Tumanan ang mga “Fallen Angels” kaya pati ang kaniyang mga anak ay kanilang idinamay sa kanilang paninira


 BAGAMAT nagkakaroon ng digmaan ang mga bansa, subalit nababakuran pa rin sila ng “international law” na pinagtibay sa Geneva convention. Inaasahan pa rin na magiging marangal at maginoo ang bawat hukbo sa pagsunod sa “international law” ukol sa pakikipagdigma. Ang isa sa pangunahin sa “batas ukol sa pakikipagdigma” ay ang hindi dapat tuwiran at tahasang idamay ang mga inosenteng sibilyan. Ang tuwiran at tahasang pagdamay sa mga inosenteng sibilyan ay isang “war crime” na maaaring papanagutin ang gumawa nito pagkatapos ng digmaan sa “International Court of Justice.” Kaya nga itinuturing na “terorista” ang mga gumagamit ng mga sibilyan bilang “hostage” at “shield.” Itinuturing na mga barbaro at tulisan ang pati ang mga inosenteng sibilyan (mga walang kinalaman sa labanan) ay idinadamay.

Mga masasamang-loob at hindi mabuting tao (kaya tinatawag din na goons, hoodlum at sindikato) ang mga sa paghihinganti sa kanilang “kalaban” ay idinadamay ang kanilang mga mahal sa buhay na walang kinalaman sa nasabing labanan. Tunay na “masasamang-loob” ang mga taong ganito na lalo na’t hindi nila kaya ang kanilang kalaban ay ang mga mahal sa buhay ang kanilang pipinsalain o pupuntiryahin makaganti lamang sa kanilang kalaban.

Samakatuwid, masasamang tao, tulisan, terorista at barbaro ang mga taong idinadamay ang mga sibilyan o walang kinalaman sa labanan. Masasamang-loob, goons, hoodlum, at sindikato ang mga idinadamay, pinipinsala, “tinitira” ang mga mahal sa buhay ng kanilang mga kalaban lalo na’t hindi nila “kaya” o madaig, kaya ang mga mahal sa buhay na lamang nila ang kanilang “pupuntiryahin o pinaghihigantihan.

Sa ginawa ng mga “Fallen Angels” kay Kapatid na Arnel Tumanan na pati ang kaniyang mga anak na walang kinalaman sa “labanan” ay idinamay sa kanilang paninira at pagkakalat ng kasinungalingan ay masasabing wala silang ipinagkaiba sa mga masasamang tao na tahasang idinadamay ang mga sibilyan sa labanan, at sa mga masasamang-loob na ang mga walang kalaban-laban na mga mahal sa buhay ng kanilang kalaban ang kanilang pinipinsala o pinaghihigantihan. Kaya, ang mga “Fallen Angels” ay masasabing tulisan, terorista at barbaro, at mga goons, hoodlum, at sindikato.


NANG UNA’Y PINUPURI PA NILA SAPAGKAT
NAIS NILANG KUMAMPI SA KANILA

Hindi kaila sa lahat na nang una’y pinupuri pa nila si Ka Arnel na isang “magiting na ministro sa panahon ng Kapatid na Erano G. Manalo” ika nga nila. Nang “pasabugin” nila sa internet at sa media ang kanilang kuwento na “may sampung ministro na dinukot, sinaktan at pinahirapan ng Sanggunian” ay sinabi nila na isa raw si Ka Arnel dito. Nang may magpatotoo na nangasiwa pa ng pasalamat ang Ka Arnel at na-interview sa TV ay nanindigan ang mga “Fallen Angels” na “binugbog” daw ang Ka Arnel na nilagyan lang daw ng makapal na make-up ang mga pasa para hindi mahalata.


NAGSALITA ANG KA ARNEL PARA PABULAANAN
ANG KANILANG SINASABING KASINUNGALINGAN

Sa interview sa TV ay nagsalita si Ka Arnel para pabulaanan ang kanilang mga sinasabi na siya ay dinukot at binugbog. Kasama niyang nagsalita sa TV ang Ka Jojo Nemis at Ka Nolan Olarte. Sa pagkakataong ito ay lubhang napahiya ang mga Fallen Angels at nakita ng madla na sila ang nagsisinungaling. Dito pa lang ay nagalit na ang mga “Fallen Angels” kay Ka Arnel.


NAGSALITA ANG KA ARNEL TUMANAN SA
PEACEFUL GATHERING NG MGA INC SA EDSA

Ang lalong nagpatindi ng galit ng mga “Fallen Angels” kay Ka Arnel ay ang pagsasalita niya sa peaceful gathering ng libo-libong kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa EDSA noong Agosto, 2015, na ang pagsasalitang ito ay na-telecast din telebisyon ng ilang ulit.

Sa “pagsasalitang” ito ni Ka Arnel ay lalong lumitaw ang katotohanan na pawang kasinungalingan lamang ang pinagsasabi ng mga “Fallen Angels” na siya ay dinukot at binugbog daw ng Sanggunian noong July, 2015. Ang katunayan na dito sila lalong nagalit kay Ka Arnel ay binatikos ng husto ng mga “Fallen Angels” sa kanilang mga post at mga komento sa social media ang kaniyang mga sinabi sa peaceful gathering na ito.

Nagalit sila ng husto kay Ka Arnel sapagkat lumabas na talagang kahiya-hiya sila dahil napatunayan na pawang kasinungalingan ang pinagsasabi nila sa social media at sa media.


GUMANTI SILA KAY KA ARNEL SA PAMAMAGITAN
NG PAGGAWA NG “SMEAR CAMPAIGN” LABAN
SA KANIYA SA SOCIAL MEDIA

Pagkatapos na pagkatapos ng mapayapang pagtitipon ng mga kaanib sa INC sa EDSA, ilang araw lamang ay nagsimula na ang “smear campaign” ng mga “Fallen Angels” laban kay Ka Arnel. Inakusahan siya na “nabistong may milyon-milyong pera sa cabinet niya sa kaniyang opisina sa Central” at na “ang pag-aabot ng pera ay sa loob ng CR sa Central naganap.” ANG PANINIRANG ITO AY HINDI “KINAGAT” NG MGA KAPATID. WALANG NANIWALA SA KANILA SA KANILANG KASINUNGALINGANG ITO.

Hindi naman kasi kapani-paniwala ang “kuwento” nilang ito SAPAGKAT NAPAKAHIGPIT NG PAGPASOK SA CENTRAL NG MGA BISITA. Batid naman kasi ng lahat na hindi ka maaaring magdala ng bag papasok sa Central na hindi ito sisiyasatin, lalo pa’t sanlibutan ang papasok na may dalang malaking bag. Isipin ninyo na “milyong piso” na cash ay hindi ito kasya sa isang maliit na bag lamang, kundi sa malaking bag. Makapapasok ba na hindi sisiyasatin sa VCO ng Central ang malaking bag lalo na’t “sanlibutan” ang may dala? HINDI ITO KAPANI-PANIWALA! Hindi rin maaring sabihing na naipasok sa pamamagitan ng sasakyan dahil hindi naman pinapapasok ang sa Central ang sasakyan ng mga bisita. Hindi ba’t alam natin na kahit nga “mga prominenteng tao” ay naglalakad mula sa VCO hanggang sa Opisina Central? Di ba’t sina Lottie at Angel nga ay naglakad mula VCO hanggang Central na sila pa mismo ang naglabas ng video nito?

KAYA TUNAY NA HINDI KAPANI-PANIWALA ANG KUWENTONG MAIPAPASOK NG MGA “SANLIBUTAN” ANG MALAKING BAG NA NAGLALAMAN NG MILYONG PISO UPANG IABOT KAY KA ARNEL O SA KANIYANG KASAMA SA CR SA LOOB NG CENTRAL LALO NA’T ALAM NA ALAM NATING NAPAKAHIGPIT NG PAGPASOK SA CENTRAL.

Ito ang dahilan kaya ang kanilang paninirang ito laban kay Ka Arnel ay hindi “bumenta.”


ANG KANIYANG MGA MAHAL SA BUHAY 
NA “WALANG KINALAMAN SA LABANAN”
ANG KANILANG “PINAGDISKITAHAN”

Galit na galit kay Ka Arnel ang mga “Fallen Angels” dahil hindi lamang binigo sila na kumampi sa kanila, kundi siya pa mismo ang nagpabulaan sa kanilang mga kasinungalingan kaya nalagay sila ng husto sa kahihiyan. Gumamti sila kay Ka Arnel sa pamamagitan ng “pagkakalat ng kuwentong mapanira” laban sa kaniya. Subalit, nabigo sila sa kanilang masamang balak na siraan siya dahil hindi “bumenta” sa mga tao ang kanilang “paninira” laban kay Ka Arnel dahil hindi naman talaga kapani-paniwala ang kanilang kuwento.

Naalala ko ang istorya ng mga “masasamang-loob” na galit na galit sa “bida” subalit nabigo silang pinsalain siya, kaya ang mga hoodlum ay kinidnap ang kaniyang mga mahal sa buhay upang makapaghiganti sa kaniya sa pamamagitan nila. Di ba’t ganiyan ang mga sindikato, hoodlum at goons? Hindi nila kaya ang kanilang kalaban, ang “pagdidiskitahan” nila ay ang kaniyang mga mahal sa buhay na wala namang kinalaman sa labanan o wala namang kalaban-laban.

Napakatindi ng galit nila kay Ka Arnel, ngunit walang nangyari sa “smear campaign” na ginawa ng mga “Fallen Angels” laban sa kaniya, KAYA ANG KANILANG PINAGDISKITAHAN NGAYON AY ANG KANIYANG MGA ANAK. Itinuon ng mga “Fallen Angels” ang kanilang “smear campaign” sa mga anak ni Ka Arnel. Sa kanila naman nagpakalat ng mga paninira at kasinungalingan.

Napakasakit sa isang ama na “madamay” ang kaniyang mga anak sa “labanan” na wala naman silang kinalaman. Sa bagay na ito ay ganito ang naging himutok ng isang mapagmahal na ama:

“Kahit sa kapulungan ng mga pusakal na kriminal ay may kasabihan na, ‘there’s honor even among the thieves.’ Pero ang mga kampon ni satanas na mga ito ay wala kahit na kapiranggot na dangal! Sobra ang kanilang kasamaan at dumi nila sa kanilang pamamaraan, kahit walang malay at di kasama sa labanan ay sinisiraang puri nila!!!” – Ka Arnel A. Tumanan

Ito ang hinanakit ng isang mapagmahal na magulang na damang-dama ang bigat ng kalooban sa napakasamang ginawa ng mga “Fallen Angels” na paninira laban sa kaniyang mga anak.

May isa kaming kasama sa pagkakataong iyon na nasabing “Bakit hindi po natin ilabas din ang kanilang ‘baho’ pati na ng kanilang mga mahal sa buhay yamang may mga matitibay naman tayong ebidensiya ukol rito?” Humanga ako sa sagot ni Ka Arnel. Ang sabi niya, “Huwag. Huwag tayong bumaba sa level nila. Ang labang ito ay sa atin at sa kanila, huwag na huwag nating idamay ang kanilang mga anak o mahal sa buhay na walang kinalaman sa labanang ito yamang ang pagiging maginoo sa laban ang itinuro sa atin ng Pamamahala.” Sa kaniyang mga pananalitang ito ay damang-dama ko na siya’y nakikipaglaban subalit patuloy na may pag-ibig, na bagamat isang “mandirigma” ngunit marangal at maginoo pa rin. Sinabi pa niya na, “Kahit ano pa ang mangyari ay patuloy pa rin ako sa panig ng Pamamahala.”

Ka Arnel, kaming mga kapatid sa Iglesia ay hindi lamang kasama ninyo sa lubos na pakikiisa sa Pamamahala at sa pagtatanggol sa Pamamahala at sa Iglesia, karamay din po ninyo kami sa pagsubok na pinagdadaanan ninyo ngayon at ng inyong sambahayan. Bilang katuwang ng Pamamahala, kung paanong mahal na mahal po namin ang Kapatid na Eduardo V. Manalo, mahal din po namin kayo. Huwag po kayong bibitaw sa pagsubok na ito ngayon na nasasagupa ng inyong sambahayan o paa-apekto sa mga paninira ng mga kumakalaban sa Pamamahala. Kasama ang mga kapatid sa Iglesia, hindi po kami naniniwala sa paninira at kasinungalingan ng mga Fallen Angels laban sa inyo at sa inyong sambahayan. 

Sa ginawang ito ng mga “Fallen Angels” kay Kapatid na Arnel Tumanan, di ba’t sila ngayon ang hayag na “hoodlum,” “goons,” “sindikato,” “masamang-loob” at “masasamang tao’?


No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)