ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 22
SINO SI
ISAIAS
SAMSON JR?
Unang Bahagi
ANG isa sa mga nangunguna sa
mga kumakalaban ngayon sa Pamamahala ng Iglesia ay si Isaias (Jun) Samson, Jr. Kabilang
siya sa mga tinatawag ngayon na mga “Fallen Angels” – mga tiwalag na dating
ministro. Mahalagang masagot natin ang
tanong na “Sino si Isaias Samson Jr?” sapagkat ito’y magbibigay linaw sa ilang
mga isyu at katanungan.
ISANG DATING MINISTRO AT
MIEMBRO NG SANGGUNIAN
Si Jun Samson ay anak ng isang
kilalang matandang ministro sa Iglesia. Ang kaniyang ama na si Isaias Samson
Sr. ay isa sa mga kinikilalang “matandang tagapangasiwa” na namatay na nasa
tungkulin bilang ministro.
Si Jun Samson ay isa sa mga
“naunang ipinadala” sa ibang bansa noong nagsisimula ang Iglesia ng kaniyang
misyon sa ibayong dagat. Subalit, nagkaroon ng “suliranin” kaya napabalik sa
Pilipinas at nadistino sa probinsiya. Pagkalipas ng ilang panahon ay muli siyang
binigyan ng pagkakataon ng Pamamahala.
Dumating ang panahon na siya’y
pinagtiwalaan na maging tagapangasiwa sa Foreign Department (Overseas Mission
Department) ng Central Office. Siya ay naging kabilang sa Sanggunian na ngayon
ay kaniyang kinakalaban at nais sampahan ng kasong kriminal. Dahil sa pagbangon
pa rin ng ilang suliranin na kinasangkutan niya, siya ay na-demote. Naalis siya
sa Sanggunian. Naging editor-in-chief na lamang siya ng babasahing PASUGO, ang
official magazine ng Iglesia. Ang pagiging head ng Foreign Department at ang
pagiging head ng PASUGO ay hindi magkapantay. Di hamak na mas mataas ang
posisyon ng pagiging head ng Foreign Department, kaya dati rin siyang kabilang
sa Sanggunian. Kaysa head ng PASUGO. Kaya, tunay na siya’y na-demote.
Sa pagkaka-alis sa kaniya sa
Foreign Department, dahil sa kinasangkutang mga anomalya sa departamentong ito,
ang Foreign Department ay ginawa na lamang na isang seksiyon ng INC Secretariat
at inilagay na lamang sa ilalim ng pangangasiwa ng General Secretary ng INC
upang mapangasiwaang lubos at huwag nang bumangon ang mga “anomalya” na
kinasangkutan noon ng dating nangangasiwa rito (si Jun Samson).
ANG PAGLITAW NG “ANTONIO EBANGELISTA”
Noong Abril, 2015, ay may
lumitaw na isang blog at facebook page na gawa ng isang may pseudo name na
“Antonio Ebangelista.” Naglathala at nagpakalat ito sa social media ng mga
akusasyon o paratang laban sa Pamamahala ng Iglesia. Ang lahat ng mga akusayong
ito ni “Antonio Ebangelista” ay pawang sinagot ng THE IGLESIA NI CRISTO blog at
facebook page, at hindi kailanman gumawa ng pagtugon si “Antonio Ebangelista”
sa mga sagot na ginawa ng THE IGLESIA NI CRISTO.
Ang “ginawa” ng blog at
account na “Antonio Ebangelista” ay paghahasik ng “pagkakaba-bahagi” sa loob ng
Iglesia. Ang kanilang paglalathala ng kanilang mga akusasyon sa social media ay
isa nang malaking paglabag sa alituntunin ng Iglesia at sa doktrina ng Biblia.
Ang sabi ng Biblia:
Roma 16:17-18 MB
“Ipinamamanhik
ko sa inyo, mga kapatid, tandaan ninyo ang mga lumilikha ng pagkakampi-kampi at
nagiging sanhi ng pagtalikod sa mga aral na tinanggap ninyo; iwasan ninyo sila.
18Ang mga gayong tao ay hindi naglilingkod kay Cristo na ating Panginoon, kundi
sa kanilang makasariling hangarin, at sa pamamagitan ng kanilang magaganda at
matatamis na pangungusap ay inililigaw nila ang mga mapaniwalain.”
Hindi isang magaan na
kasalanan ang paghahasik ng pagkakampi-kampi o pagkakabaha-bahagi. Ayon sa
Biblia:
Santiago 3:14-16
“Nguni't kung
kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay
huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan. Hindi ito
ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa
diablo. Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon
mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.”
Mula noon ay nagsagawa ng
pagsisiyasat kung sino ang nasa likod ng account na “Antonio Ebangelista.”
Na-trace ang mga nasa likod ng “Antonio Ebanghelista” sa pamamagitan ng
pag-trace sa IP Address at iba pang mga pamamaraan sa tulong ng ilang mga
“experts” sa “field” na ito. Kaya nagkaroon ng matibay na “ebidensiya” kung
sino-sino talaga ang nasa likod ng blog, page at account ni “Antonio Ebangelista.”
Dito ay nakita ang “konkretong ebidensiya” na sangkot si Jun Samson sa likod ng
“Antonio Ebanghelista” na ang totoo ay ikinagulat ng lahat.
ANG KANIYANG “PREVENTIVE SUSPENSION”
Sa Iglesia Ni Cristo ay
mayroong “procedure” kung ang isang ministro o manggagawa ay magkaroon ng
“kaso” ay pinapatawan ng “preventive suspension” habang sinisiyasat ang
kaniyang kaso at naghihintay ng pasiya
ng Pamamahala ng Iglesia. Isang patakaran na mula pa sa panahon ni Kapatid na
Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo. Isang patakaran na hindi lingid
maging sa mga maytungkulin at mga kaanib sa Iglesia. Ang patakarang ito ay may
nakakatulad na patakaran sa Iglesia Katolika. Ganito ang sinasabi sa kanilang
Canon Law:
“1586. The
command, as well as the prohibition, to stay in a specified place, and the
palcing of a cleric in a house of penance or in areligious house, especially if
this is to last for a long period of time, shall be imposed only in more
serious cases, in which according to the good judgment of the Ordinary these
penalties are necessary for the correction of the clericand for the reparation
of the scandal he has given. (Canon 2302.)”
Kapag ang isang ministro o
manggagawa ay nagka-kaso o naiulat sa isang “maling gawa” ay pinapatawan ng “preventive
suspension.” Hindi pinaaalis agad sa tinutuluyan ang manggagawa at ang aniyang
pamilya habang sinisiyasat ang kaso o sumbong laban sa kaniya. Subalit, hindi
siya maaaring mangasiwa ng pagsamba, pumasok sa opisina at gawin ang iba pang
mga gampanin bilang ministro o manggagawa. Hindi rin sila maaaring basta umalis
sa kanilang tahanan. Ganito ang kanilang jalagayan habang hinihintay na matapos
ang pagsisiyasat at ang pasiya ng Pamamahala.
Inamin mismo ni Jun Samson na
hindi lang ang pagkakataong ito na pinag-uusapan na naranasan niya na mapatawan
ng “preventive suspension.” May ilang beses na rin siya sa nakaraan na napatawan
ng “preventive suspension” bagamat sa interview sa kaniya ni Pia Hontiveros sa
CNN Philippines ay “isa” lang ang binanggit niya. Pero noon para sa kaniya ay
hindi ito “illegal detension.”
Bilang ministro at dati pang
miembro ng Sanggunian, hindi lang minsan lang niya nakita na ipinataw sa isang
ministro o manggagawa na nagka-kaso ang “preventive suspension” habang
sinisiyasat at naghihintay ng pasiya ng Pamamahala. Subalit, noon ay hindi niya
ito isinisigaw bilang “illegal
detention.”
Sa kaso ni Jun Samson na pinag-uusapan,
kaya kinuha sa kaniya ang kaniyang computer at cellphone, at tulad ng kaniyang
sinabi ay pinutulan sila ng telepono at inalisan ng access sa internet ay dahil
sa ang “kaso” niya na sinisiyasat ay may kinalaman sa social media at internet.
Hindi siya inalisan ng kalayaan na makipag-usap sa kaniyang mga kasamahan dahil
noong araw na sinuspinde siya ay pinuntahan pa niya ang kaniyang kaibigan at
kasamahan sa opisina na si Ka Ceing upang ibalita na siya’y sinuspinde na at
nakipagkuwentuhan pa sa kaniya. Hindi rin sila pinagbabawalang sumamba.
May bukod pa at malalim na pagtalakay
tayo ukol dito.
ANG KANIYANG “PAGTAKAS”
Sa panahon ng pagsisiyasat sa
kaniyang kaso ay kabilang ang pagka-usap sa kaniya. Gaya ng kaniya ring sinabi,
bagamat wala itong “paglilitis” na gaya ng sa korte, subalit maaari kang
magharap ng “saksi” o/at ebidensiya para pagpapabulaan sa kasong ipinaparatang.
Si Jun Samson na rin ang may
sabi na kaya siya pinatawan ng “preventive suspension” ay dahil sa
pinaparatangan na siya ay si “Antonio Ebanghelista” o isa sa nasa likod ng
“Antonio Ebangelista.” Nang siya’y suspindehin para siyasatin ay pinatunayan
din niya na kinumpiska ang kaniyang computer at cellphone sa bahay. Bakit
kinumpiska ang kaniyang computer at cellphone? Tandaan na ang kasong
ipinaparatang sa kaniya ay siya o isa siya sa nasa likod ng “Antonio
Ebangelista” na nagkakalat ng mga paninira sa social media laban sa Pamamahala
ng Iglesia. Di ba’t may kinalaman ang “computer,” “cellphone” at iba pang
electronic gadget” ukol sa pagpapakalat ng mga paninira o malicious informations
sa social media o internet? Kaya, sapagkat ang kaso ay may kinalaman sa social
media at internet kaya kinumpiska ang kaniyang computer at cellphone sapagkat
dapat lang na siyasatin ito upang mapatunayan kung totoo o hindi ang
ipinaparatang sa kaniya.
Mapapansin na ang matibay na
makapagpapatotoo kung wala nga siyang kasalanan ay ang kaniya mismong computer
sa opisina at bahay, at ang aniyang cellphone at iba pang gadget. Kung hindi
nga naglalaman ito ng mga ebidensiya laban sa kaniya. Subalit, kung ito ay
naglalaman ng ebidensiya laban sa kaniya ay alam din niyang sa biglaang
pagkumpiska rito ay wala na siyang magagawa o hindi siya makapagkakaila.
Kapansin-pansin na sa panahon
ng “pagsisiyasat” sa kaniyang kaso, gaya nga nang sinabi rin niya, maaaring ang
sinisiyasat ay maglahad ng kaniyang “saksi” o “ebidensiya” para sa sagot niya
sa ipinaparatang sa kaniya. Subalit, kapansin-pansin na sa halip na magharap
siya ng ebidensiya o/at saksi upang maglinis ng kaniyang pangalan ay TUMAKAS
SIYA. Haharap siya sa Pamamahala ng Iglesia sa panahon ng pagsisiyasat, HINDI
BA’T PAGKAKATAON NA NIYA IYON UPANG IHARAP SA PAMAMAHALA ANG MGA EBIDENSIYA NG
MGA SINASABI NIYANG NAGAGANAP NA KATIWALIAN, SUBALIT SA HALIP NA ITO ANG
KANIYANG GAWIN, KAPANSIN-PANSIN NA “TUMAKAS” SIYA.
BAKIT SIYA “TUMAKAS” SA HALIP
NA HARAPIN ANG PAGSISIYASAT NA KUNG SAAN AY MAKAPAGHAHARAP SIYA NG MGA SAKSI O
KATUNAYAN NA HINDI TOTOO ANG PARATANG SA KANIYA? BAKIT SIYA “TUMAKAS” NANG
KUNIN ANG KANIYANG COMPUTER AT CELLPHONE PARA SIYASATIN KUNG TOTOO NGA O HINDI
ANG IPINAPARATANG SA KANIYA KUNG WALA NAMANg MAKIKITA ROON NA MGA EBIDENSIYA LABAN
SA KANIYA O EBIDENSIYANG MAGPAPATUNAY SA IPINAPARATANG LABAN SA KANIYA?
HINDI BA’T ANG “PAGTAKAS” NIYA
AY NAGPAPAKITA LANG NA WALA SIYANG SAKSI O EBIDENSIYANG MAIPAPAKITA KAYA
MINABUTI NA LANG NIYANG TUMAKAS? HINDI BA’T ANG PAGTAKAS NIYA AY KATUNAYAN NA
NATAKOT SIYA DAHIL MAYROONG MATIBAY NA KATUNAYAN SA KANIYANG COMPUTER AT
CELLPHONE NA TOTOO ANG IPINAPARATANG SA KANIYA? HINDI BA’T ANG “PAGTAKAS” NIYA
SA HALIP NA HUMARAP SA PAMAMAHALA AY NAGPAPAKITA NA WALA NAMAN TALAGA SIYANG
EBIDENSIYANG MAIHAHARAP SA PAMAMAHALA SA SINASABI NIYANG KATIWALIAN DAW NGAYON
SA IGLESIA?
ITUTULOY
I PERSONALLY HAD A WORKING RELATIONSHIP AND EVEN COMMINGLE WITH MR. JUN SAMSON DURING THE PIONEERING YEARS OF INC TV PRODUCTION OF WHICH HE WAS THE OFFICER IN-CHARGE.
ReplyDeleteTHUS I FIND IT HARD TO UNDERSTAND WHY AND WHAT PURPOSE AND REASON FOR HIM TO STRADDLES OUTSIDE THE BOUND OF INC’S MAINSTREAM, NOTWITHSTANDING THAT WE USED TO ARGUE OFTENLY ABOUT HIS STRICTNESS EVEN ON SIMPLE VISUAL TREATMENT THAT IS NOT IN CONCORDANCE WITH THE PREVAILING CHURCH STANDARD.
UNLESS THE SOFTNESS'S OF HIS BED MATTRESS IS NO LONGER GRATIFYING.