ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 32
JOY YUSON…HARI
NG SABLAY!
INILAGLAG NA
NAMAN NIYA
ANG SARILI PATI
NA SINA
ANGEL AT
MARC
NAKU! Ito na naman si Joy
Yuson a.k.a. “Kelly Ong” na sa layuning na papaniwalain ang mga kapatid sa
Iglesia upang kumampi sa kanila ay “nagtatagpi-tagpi” ng pawang mga
kasinungalingan lamang. Sa kanyang bagong “facebook page” ay “umarya” na naman
si Yuson na nagpost ng kaniyang “sulat” at naglakip pa ng diumano’y “sirkular”
na may lagda ni Marc at Angel. Subalit, tulad ng dati, INILAGLAG NA NAMAN NI
YUSON ANG SARILI AT PATI NA ANG KANIYANG “MGA AMO” NA SINA MARC AT ANGEL.
(1) “MR. KONTRADIKSIYON” DIN PALA
SI YUSON. May bago na naman siyang bersiyon ng pagka-alis niya sa opisina ng
GEMNET.
Sa kaniyang latest na post (around 1:00 a.m., September
28, 2015) ay ganito ang kaniyang panibagong “bersiyon” sa pagkaka-alis sa
kaniya sa opisina:
“Ang circular
pong ito ay binasa ni kapatid na Joy Yuson sa gitna ng mga ministro at mga
kawani na nasasakupan ng kanilang mga Kagawaran. Pagkatapos pong basahin at ipaabot sa lahat ni ka Joy Yuson ang mga
nilalaman ng circular na ito, siya po ay inalis sa opisina at idinestino sa
Capiz.”
“Hindi po totoo
ang ipinakakalat ng Sanggunian na kaya umano naalis ang grupo nila sa Gemnet ay
dahil may katiwalian. Sila pong lahat ay inalis sa kanilang mga Kagawaran
sapagkat noon pa ay nilabanan na nila ang katiwalian, ang mga
pagkakabaha-bahagi at kampi-kampi at ang lahat ng uri ng mga gawang masama.
“Lingid po sa
kaalaman ni ka Joy Yuson na ang nasa likod ng mga Demolition Job noon laban sa
kanilang grupo ay ang Sangguniang magnanakaw sa pangunguna ng asawa ni Ka
Eduardo.
“Bago po umalis
si ka Joy Yuson patungong Capiz ay sinabihan po niya si ka Ed Santiago na
siyang kumausap sa kaniya na ang sabi niya "hindi po ako tumututol sa
pasiya, ngunit sa aking pagkakadestino po sa Capiz at sa pagkaalis ko sa
opisina ay mangangahulugan na nagtagumpay si Satanas". Sumagot po si Ka Ed
Santiago na ang sabi niya : ‘hindi baleng nagtagumpay si Satanas, ang mahalaga
ay sumunod ka muna kay Ka Eduardo". Agad pong sumagot si ka Joy na
"kaagad po akong tutungo sa Capiz at patutunayan ko na ako ay lubos na
nagpapasakop sa Ka Eduardo’.”
Image
01
Bakit natin
sinabing “bagong bersiyon” ito ni Joy Yuson ng kaniyang pagka-alis sa opisina
ng GEMNET at pagkakadala sa kaniya sa Capiz? Sapagkat may nauna siyang “bersiyon”
na iba at salungat sa bago niyang “bersiyon.” Ito ay nasa “Unang Liham” ni Joy
Yuson na ipinost sa dati niyang facebook page na may page name na “kelly Ong.”
Ganito ang nauna niyang bersiyon na nai-post sa facebook noong Agosyo 10, 2015
(Ito ang sinagot at tinalakay natin sa Answering Fallen Angels, part 9):
“Ako po ay
inalis sa opisina at idinestino sa Distrito ng Capiz noong Disyembre 2009.
Ipinatawag po ako ng Ka Eduardo dahil daw sa ulat na ipinalangin ko raw sa
harap ng mga ministro at kawani ng GEMNET at NET 25 na "inaapi ang pamilya
ng Ka Erdy". Ang totoo po ang aking ipinalangin ay "iligtas ang
pamilya ng Kapatid na Erano G. Manalo sa isipan ng mga taong masama at
mapang-api" Ang totoo po ang aking ipinalangin ay ‘iligtas ang pamilya ni
Kapatid na Erano G. Manalo sa isipan ng mga taong masama at mapang-api.’
Maaaring magkahawig ang mensahe at mga salitang iyon gunit ang tanong bakit sila
nasaktan sa panalangin? Sino ba ang nag-api sa pamilya ni Ka Erdy?
“Habang kausap
ako ni Ka Ed Santiago na pinapanood ni Ka Eduardo sa CCTV ay sinabi sa akin na
dapat daw na itiwalag ako dahil sa aking panalangin ngunit dahil nagsilbi ako
mula pa sa panahon ng Ka Erdy ay idedestino na lang ako sa Capiz. Sumagot ako
kay Ka Ed na, okey lang po na idestino ako ngunit ang inaalaala ko ay ang
pagtatagumpay ng masama. Sumagot si Ka Ed na ‘huwag mo nang isipin kung
nagtagumpay ang masama ang mahalaga ay sumunod ka’. Agad-agad po akong sumagot
na Opo! Ipakikita ko po sa Ka Eduardo ang lubos kong pagsunod. Sinabi ng Ka Ed
na, Joy, kilala ko na ang kalaban mo (parang ibig niyang ipahiwatig na malakas
sa Iglesia ang nagpaalis sa akin sa opisina) idinagdag pa ng Ka Ed na ang bilin
daw ng Ka Eduardo ay ‘Ako ang nagbabasa iyo, ako rin ang magtataas sa iyo.’
Kalakip nito ay ibinilin sa akin na huwag kong dalhin sa destino ang aking
asawa at mga anak. Ngunit hindi ko ito sinunod. Dinala ko ang aking asawa at
mga anak sa Capiz sa dahilang alam ko na ang ibig sabihin ng lahat. Itutulad
nila ako sa ibang mga nagmula sa aming opisina na kinuha nila sa layuning
saktan si Kapatid na Angel Manalo at Kapatid na Marc…”
Image
02
Ang “liham”
niyang ito nang una pa’y inalis na niya sa kaniyang unang page. Kaya akala po
ata ni Mang Yuson ay “wala” na kaming “kopya” nito kaya magagawa niyang “baguhin”
na ang kaniyang naunang “Bersiyon.” Nagkamali siya dahil may screenshots po
kami ng lahat ng kaniyang mga post at maging lahat ng mga comments sa bawat
post niya.
Napansin ba
ninyo ang pagkakaiba at kontradiksiyon ng kaniyang naunang bersiyon at ang
kaniyang bagong bersiyon?
Inalis sa opisina at dinala sa Capiz “dahil
sa panalangin” VS “binasa at ipinaabot sa lahat ang nilalaman ng circular nina
Angel at Marc.”
Sa unang
bersiyon ang sabi niya ay “AKO PO AY INALIS SA OPISINA AT IDINESTINO SA
DISTRITO NG CAPIZ noong Disyembre
2009. Ipinatawag po ako ng Ka Eduardo DAHIL
DAW SA ULAT NA IPINALANGIN KO raw sa harap ng mga ministro at kawani ng
GEMNET at NET 25 na "inaapi ang pamilya ng Ka Erdy". Ang totoo po ang
aking ipinalangin ay "iligtas ang pamilya ng Kapatid na Erano G. Manalo sa
isipan ng mga taong masama at mapang-api’.”
Samantalang
sa bagong bersiyon ang sabi niya ay “Ang
circular pong ito ay binasa ni kapatid na Joy Yuson sa gitna ng mga ministro at
mga kawani na nasasakupan ng kanilang mga Kagawaran. PAGKATAPOS PONG BASAHIN AT IPAABOT SA LAHAT NI KA JOY YUSON ANG MGA
NILALAMAN NG CIRCULAR NA ITO, SIYA PO AY INALIS SA OPISINA AT IDINESTINO SA
CAPIZ.”
(2) “MR. IMBENTOR” DIN PALA SI
YUSON. Halatang-halata na nag-iimbento lamang si Yuson ng istorya dahil sa
nagkamali sa petsa sa bagong bersiyon at sa dating bersiyon.
Sa dating
bersiyon ang sabi niya ay noong Disyembre ng 2009 ang pagkaalis niya sa opisina
at pagdadala sa kaniya sa Capiz:
“AKO PO AY INALIS SA OPISINA AT IDINESTINO
SA DISTRITO NG CAPIZ NOONG DISYEMBRE 2009. Ipinatawag po ako ng Ka Eduardo
dahil daw sa ulat na ipinalangin ko raw sa harap ng mga ministro at kawani ng
GEMNET at NET 25 na "inaapi ang pamilya ng Ka Erdy". Ang totoo po ang
aking ipinalangin ay "iligtas ang pamilya ng Kapatid na Erano G. Manalo sa
isipan ng mga taong masama at mapang-api" Ang totoo po ang aking ipinalangin
ay ‘iligtas ang pamilya ni Kapatid na Erano G. Manalo sa isipan ng mga taong
masama at mapang-api.’ Maaaring magkahawig ang mensahe at mga salitang iyon
gunit ang tanong bakit sila nasaktan sa panalangin? Sino ba ang nag-api sa
pamilya ni Ka Erdy?”
Image
03
Samantalang
sa bagong bersiyon niya ay iba ang petsang ibinigay. Mukhang nakalimutan niya
ang unang petsa na kaniyang ibinigay:
“Mga Mahal kong
mga Kapatid,
“KALAKIP PO NITO
ANG PALIBOT-LIHAM NG KAPATID NA ANGEL V. MANALO AT KAPATID NA MARC V. MANALO SA
KAGAWARAN NG GEMNET AT NET 25 NOONG 2010.
“Napilitan po
silang gawin ang circular na ito dahil po sa mga petsang iyon ay matindi na po
ang gunagawang paninira sa kanilang magkakapatid at nagsisimula na po ang mga
kampon ng Diablo sa kanilang pagkilos upang pag-awayin ang magkakapatid na
Eduardo, Angel at Marc Manalo.
“ANG CIRCULAR
PONG ITO AY BINASA NI KAPATID NA JOY YUSON sa gitna ng mga ministro at mga
kawani na nasasakupan ng kanilang mga Kagawaran. PAGKATAPOS PONG BASAHIN AT
IPAABOT SA LAHAT NI KA JOY YUSON ANG MGA NILALAMAN NG CIRCULAR NA ITO, SIYA PO
AY INALIS SA OPISINA AT IDINESTINO SA CAPIZ.”
Image
04
Malayo ang
agwat ng sinasabi ni Yuson na petsa sa una niyang bersiyon at sa bago niyang
bersiyon. Kung ang unang bersiyon ay Disyembre, 2009 ang sinasabi niya na
pagdistino sa kaniya sa Capiz, ang sirkular na pagkatapos niyang basahin ay idinistino
siya sa Capiz ay may petsang Disyembre 2, 2010:
Image
05
HALATANG-HALATA
SI YUSON NA NAG-IIMBENTO LAMANG NG ISTORYA O KUWENTO.
(3) “MR. PASAWAY” DIN PALA SI
YUSON. Gustong-gustong ipakita ni Yuson na siya ay “mapagpakumbaba,” “nagpapasakop,”
at “masunurin” SUBALIT siya din ang naglaglag sa sarili at nagpatunay na siya’y
“masuwayin” o “pasaway.”
Ang gustong i-portray ni Yuson
na siya ay “mapagpakumbaba,” “nagpapasakop,” at “masunurin.” Dahil dito ay
ganito ang kaniyang isinaad sa “latest post” niya:
"LUBOS NA
NAGMAMAHAL, NAGPAPASAKOP AT NAKIKIPAGKAISA SA KA EDUARDO SILA KA ANGEL, KA MARC
at ang kanilang mga kasama mula pa noon."
Napansin ba
ninyo ang sinabi ni Yuson,? Gusto niyang palabasin na sina Angel at Marc ay “lubos
na nagmamahal, nagpapasakop at nakikipagkaisa sa Ka Edurado.” Pero, napansin ba
ninyo na pilit din niyang isinisingit ang sarili niya? Ang dugtong niya, “ang
kanilang mga kasama mula pa noon.” Totoo nga kayang si Yuson ay LUBOS NA
NAGPAPASAKOP AT NAKIKIPAGKAISA SA PAMAMAHALA MULA PA NOONG UNA? Ganito mismo
ang “kuwento” ni Yuson sa kaniyang unang liham:
“Habang kausap
ako ni Ka Ed Santiago na pinapanood ni Ka Eduardo sa CCTV ay sinabi sa akin na
dapat daw na itiwalag ako dahil sa aking panalangin ngunit dahil nagsilbi ako
mula pa sa panahon ng Ka Erdy ay idedestino na lang ako sa Capiz. Sumagot ako
kay Ka Ed na, okey lang po na idestino ako ngunit ang inaalaala ko ay ang
pagtatagumpay ng masama. Sumagot si Ka Ed na ‘huwag mo nang isipin kung
nagtagumpay ang masama ang mahalaga ay sumunod ka’. Agad-agad po akong sumagot
na Opo! Ipakikita ko po sa Ka Eduardo ang lubos kong pagsunod…”
Mula sa kaniyang sulat mismo
ay sinabi niya na “Ipakikita ko po sa Ka Eduardo ang lubos kong pagsunod…” Aba,
mukha naman atang “masunurin” si Yuson ah? Sabi niya, “ipakikita ko po sa Ka
Eduardo na lubos kong pagsunod.” NAIPAKITA NGA BA NIYA? Siya rin po ang
naglaglag sa kaniyang sarili. Ituloy natin ang kuwento niya:
“…Opo! IPAKIKITA
KO PO SA KA EDUARDO ANG LUBOS KONG PAGSUNOD. Sinabi ng Ka Ed na, Joy, kilala ko
na ang kalaban mo (parang ibig niyang ipajiwatig na malakas sa Iglesia ang nagapaalis
sa akin sa opisina) idinagdag pa ng Ka Ed na ang bilin daw ng Ka Eduardo ay ‘Ako
ang nagbabasa iyo, ako rin ang magtataas sa iyo.’ Kalakip nito ay IBINILIN SA
AKIN na huwag kong dalhin sa destino ang aking asawa at mga anak. NGUNIT HINDI
KO ITO SINUNOD. Dinala ko ang aking asawa at mga anak sa Capiz sa dahilang alam
ko na ang ibig sabihin ng lahat. Itutulad nila ako sa ibang mga nagmula sa
aming opisina na kinuha nila sa layuning saktan si Kapatid na Angel Manalo at
Kapatid na Marc…”
Yuson,
nakakatawa ka! Ikaw mismo ang naglaglag sa iyong sarili na ang totoo’y talagang
masuwayin ka at pasaway – matigas ang ulo.
(4) “HARI NG SABLAY” TALAGA SI YUSON.
Inilaglag din ni Mang Yuson ang kaniyang “mga amo” sina ANGEL AT MARC.
Gustong-gustong ipakita ni
Yuson na ang kaniyang “mga amo” na sina Angel at Marc ay “mapagpakumbaba,” “nagpapasakop,”
at “masunurin” SUBALIT ang “sirkular” na inaakala niyang nagpapatunay nito ay
ang naglaglag sa “mga amo” niya:
UNA, hindi ang sinuman ay
maaaring gumawa ng sirkular. Tanging ang Tagapamahalang Pangkalahatan at ang
mga Tagapangasiwa lamang ng distrito ayon sa tuntunin ng Iglesia (mula pa sa
panahon ng Sugo at ng Kapatid na Erano G. Manalo). Ang General Secretary at iba
pa ay makagagawa lamang ng sirkular subalit “sa atas ng Pamamahala.” Ang mga
distinado ng lokal ay hindi maaaring basta gumawa ng sirkular at ang mga “tagubilin”
sa pagsamba, kundi kailangan muna na “noted by” o may pagpapatibay ng Tagapangasiwa
ng distrito. Ang mga Department Head sa Tanggapang Pangkalahatan ay hindi “sirkular”
kundi “memo” ang ginagawa, subalit may pagpapatibay pa rin ng Pamamahala. ANG
PAGGAWA PA LANG NG “SIRKULAR” NA ITO AY KATUNAYANG NAGSASARILING KALOOBAN NA
ANG MAGKAPATID, DI BA MANG YUSON?
IKALAWA, ang paggawa ng
ganitong “sirkular” o “pahayag” ay hindi nangangahulugang na “mapagpakumbaba”
at “masunurin” na. Si Teodoro Santiago man ay may “salaysay” na “nagpapakumbaba”
bago siya matiwalag, at ganon din si Melanio Gabriel ay mayroon ding “salaysay
ng pagpapakumbaba,” subalit gaya ng alam natin ay kapuwa sila lumaban sa
Pamamahala ng Iglesia.
IKATLO, Ang totoo ay sa kabila
na may mga pahayag sa nasabing “sirkular” na “sumunod” at “pasakop” subalit
INILAGLAG DIN SINA MARC AT ANGEL NG “BATA” NILANG SI “YUSON.” Sa pahayag na ito
ni Yuson sa nasabi ring “post” ay “nawalan ng kabuluhan” o “nawalan ng saysay”
ang inilabas niyang “sirkular.” Ang sabi ni Mang Yuson:
"LUBOS NA
NAGMAMAHAL, NAGPAPASAKOP AT NAKIKIPAGKAISA SA KA EDUARDO SILA KA ANGEL, KA MARC
at ang kanilang mga kasama mula pa noon."
ANG PAGLABAN
NILA NGAYON SA KATIWALIAN AY HAYAG NA PAKIKIPAGKAISA SA TUNAY NA PAMAMAHALA,
SAPAGKAT ANG TUNAY NA PAMAMAHALA AY HINDI LIKO AT TIWALI !
“Ang circular po
na inyong mababasa ay nagpapatunay na hindi totoo ang ipinaparatang nila sa
pamilya ng KA ERDY na diumano ay lumalaban sa Ka Eduardo.
“Mga Mahal kong
mga Kapatid,
“Kalakip po nito
ang palibot-liham ng Kapatid na ANGEL V. MANALO at Kapatid na MARC V. MANALO sa
kagawaran ng GEMNET at NET 25 noong 2010.
“NAPILITAN PO SILANG GAWIN ANG CIRCULAR NA
ITO dahil po sa mga petsang iyon ay matindi na po ang gunagawang paninira
sa kanilang magkakapatid at nagsisimula na po ang mga kampon ng Diablo sa
kanilang pagkilos upang pag-awayin ang magkakapatid na Eduardo, Angel at Marc
Manalo.
Ginawa ang “sirkular” dahil “NAPILITAN”
lamang? Ginawa lang pala nila ang “sirkular” na ito para lang “i-counter” ang
inaangkin nila na “matinding paninira” daw sa kanila. KAYA, SI YUSON DIN ANG “NAGLAGLAG”
SA KANILA NA ANG “SIRKULAR” NA ITO AY HINDI GINAWA NINA MARC AT ANGEL SAPAGKAT “NAPILITAN”
LAMANG AT HINDI “KUSANG-LOOB.”
Walang tututol na ang tunay na
kababaang-loob, ang totoong pagpapasakop, at ang kusang-loob na pagsunod ay
hindi ginagawa at ipinapahayag dahil sa “napilitan” lamang sapagkat “ibinunsod”
lang ng “pagkakataon” o dahil “kailangan” lamang gawin dahil may kailangan
i-counter, sagutin o pabulaanan. Kung magkaganito ay “KWESTYUNABLE” pa rin ang
ipinapahayag o sinasabing “pagpapasakop” o “pagsunod.” Ang Sugo ay may ginawa
noon na “sirkular” ukol sa “pagpapasakop sa gusto ng mga Hapones” subalit alam
natin na ginawa ito dahil “hinihingi lang ng pagkakataon” at hindi
nangangahulugan na talagang nagpasakop noon sa mga Hapones. Ginawa lamang ang “sirkular”
na ito upang “makapagpatuloy sa malayang pagsamba at paglilingkod sa Diyos ang
buong Iglesia sa panahon ng mga Hapones.”
Ang totoo, maliwanag na
ginagawa nila ngayon ay hindi sila nagpapasakop bagkus ay lumalaban sa
Pamamahala. Mayroon na tayong mga naging artikulo dito at marami pang lalabas
na nagpapatunay ukol dito.
Yuson, a.k.a. “Kelly Ong” – “hari” ka
talaga ng sablay.
eh kung puro nga sablay ang mga pnagsasasabi o isinusulat ng mga iyan cguradong MAY PATNUBAY ang mga yan s knilang ama. dpat magbulay-bulay n muna sila KUNG CNONG AMA ang PUMAPATNUBAY s kanila. puntahan muna nila yung ama nila n yun n cguradong hnihintay n sila s dagat-dagatan n inihanda PARA SA KANILA. kunsabagay MUKHANG TANGGAP N NILA NA DOON SILA PUPUNTA.
ReplyDeletemaisip sna nila n may pnahon p pra s pagbabago at PAGBABALIK-LOOB.
Salamat po. Inihahayag ng Ating Panginoong Dios ang mga fallen angels sa pamamagitan rin ng kanilang mga sariling pananalita at mga post...
ReplyDelete"lahat ng kumakalaban sa iyo ay mangangalito.. at mapapahiya.."
ReplyDeleteAt sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. 21:8
ReplyDelete