01 October 2015

Pagsisiyasat sa mga ebidensiya na nagpapatunay daw ng kurapsiyon ngayon sa Iglesia



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 34

PAGSISIYASAT SA
“MGA EBIDENSIYA” NA
NAGPAPATUNAY DAW NG
KURAPSIYON SA IGLESIA
Unang Bahagi

May “corruption” na nga ba
kapag may umiral na “mga bagay”
na wala sa panahon ng naunang
Namahala sa Iglesia?



ANG lumalabas na pinaka-argumento ng mga “Fallen Angels” sa pagpapatunay na may “corruption” sa Iglesia ngayon ay ang “mga bagay” daw na umiiral ngayon na “dati ay wala sa panahon ng Sugo at ng Kapatid na Erano G. Manalo.” Ukol dito ay ganito ang kanilang sinabi:

“Narito po ang mga bagay na nagpapatunay sa matinding kurapsiyon sa loob ng Iglesia ngayon: ANG PAG-IRAL NG MGA BAGAY NA DATI AY WALA SA PANAHON NG SUGO AT NG KAPATID NA ERANO G. MANALO.”

 Image 01

Gumawa pa sila ng “list” na nagpapakita raw ng mga bagay na hindi umiiral dati na umiiral ngayon na mula rito ang konklusyon nila ay mayroon nga daw na “corruption” ngayon sa Iglesia. Sasagutin din natin ang mga iniisa-isa nila na katibayan daw ng kurapsiyon ngayon sa Iglesia, subalit, ang atin munang pagtuunan ng pansin ay ang kanilang kabuuang argumento na “ang pag-iral ng mga bagay na dati ay wala sa panahon ng Sugo at ng Kapatid na Erano G. Manalo ay nagpapatunay sa matinding kurapsiyon sa loob ng Iglesia ngayon.”

Tandaan po nating mabuti ang pinalalabas ng mga “Fallen Angels na “kapag may mga bagay na umiiral sa panahon ng kasalukuyang Pamamahala na wala sa panahon ng nagdaang Namahala sa Iglesia ay matibay daw na katunayan na may matinding kurapsiyon ngayon sa loob ng Iglesia.


TAMA BA NA SABIHING “ANG PAG-IRAL NG MGA BAGAY NA DATI AY WALA SA PANAHON NG UNANG NAMAHALA SA IGLESIA AY NAGPAPATUNAY SA MATINDING KURAPSIYON SA LOOB NG IGLESIA NGAYON”?

Kung tatanggapin natin ang “argumentong” ito ng mga “Fallen Angels ay lalabas na nagkaroon din ng matinding kurapsiyon sa panahon ni Kapatid na Erano G. Manalo. Bakit po? Sapagkat sa panahon ni Kapatid na Erano G. Manalo ay nagkaroon din ng “mga bagay” na hindi umiiral sa panahon ni Kapatid na Felix Y. Manalo. Pansinin ninyo ang sinabi ni Kapatid na Felix Y. Manalo:

“Kaya ang ministro bago papagsalitain ay hindi sa taning na apat na taong pag-aaral. Mag-aral ka ng mag-aral kung kailan ka matuto saka ka magkaroon ng karapatan. Aba’y di mabuti po sa iskuwelahan?...Ano ang kabutihan? Apat na taon maski hindi ka magaling na estudyante, basta tapos nang apat na taon abogado ka… Saan naroon? Escributor. Bakit ka pa nag-aral ng abogado kung eskributor ka lang?...Kaya ilan ang nagtapos ng abogasya sa atin? Hindi ko mabibilang napakarami. Kung sabihin ko sa inyo isang libo kakaunti, kung sabihin kong dalawang libo, kakaunti. Marami, Eh ilan ang nasa propesyon? Mabibilang sa daliri ng kamay. Basta nakatapos ka ika ng taning na panahon sa pag-aaral ay doktor ka. Anong doktor?...
“Sa Iglesia Ni Cristo’y walang taning. Mag-aral ka kung kailan ka matuto ay saka ka magkakaroon ng karapatan na magsalita…” [Manalo, Felix Y. “Ang Dahilan ng Paglikha sa Tao,” recorded Sermon.]

Pansinin ang sabi ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw na siyang unang naging Tagapamahalang Pangkalahatan sa Iglesia Ni Cristo, ang Kapatid na Felix Y. Manalo, ang sabi niya, “Kaya ang ministro bago papagsalitain ay HINDI SA TANING NA APAT NA TAONG PAG-AARAL. Mag-aral ka ng mag-aral kung kailan ka matuto saka ka magkaroon ng karapatan. ABA’Y DI MABUTI PO SA ISKUWELAHAN?...ANO ANG KABUTIHAN? Apat na taon maski hindi ka magaling na estudyante, basta tapos nang apat na taon abogado ka…Basta nakatapos ka ika ng taning na panahon sa pag-aaral ay doktor ka. Anong doktor?... SA IGLESIA NI CRISTO’Y WALANG TANING. Mag-aral ka kung kalian ka matuto ay saka ka magkakaroon ng karapatan na magsalita…” Samantalang sa panahon ng Kapatid na Erano G. Manalo ay natayo noong 1974 ang pormal na paaralan ng mga nagmiministro na tinatawag ngayon na “College of Evangelical Ministry” at itinatag ang limang taong kurso sa pagmiministro na tinawag noon na “EVCO” (Evangelical College) na ngayon ay tinatawag na “BEM” (Bachelor of Evangelical Ministry).

Kaya may “mga bagay” pala na umiral sa panahon ni Ka Erdy na hindi umiral sa panahon ni Ka Felix. Noon ay walang pormal na paaralan at walang limang taong kurso sa pagmiministro, at ang sinabi pa ng Ka Felix ay “Kaya ang ministro bago papagsalitain ay hindi sa taning na apat na taong pag-aaral... Sa Iglesia Ni Cristo’y walang taning. Mag-aral ka kung kailan ka matuto ay saka ka magkakaroon ng karapatan na magsalita…”

ITO AY MALAKING SULIRANIN SA MGA “FALLEN ANGELS” SAPAGKAT SILA ANG MAY SABI NA “ANG PAG-IRAL NG MGA BAGAY NA DATI AY WALA SA NAGDAANG NAMAHALA SA IGLESIA AY KATIBAYAN NG MATINDING KURAPSIYON SA IGLESIA.”

SA ATIN NA NASA PANIG NG PAMAMAHALA AY WALANG SULIRANIN DITO SAPAGKAT ANG PINAG-UUSAPAN AY HINDI DOKTRINA (ANG DOKTRIA NA ITINURO NG SUGO AY HINDI KAILANMAN AT WALANG SINUMAN ANG MAKAPAGBABAGO), KUNDI “ADMINISTRATIVE POLICY.” May “mga bagay” o “sitwasyon” na AYON SA HINIHINGI NG PANAHON.

Sa panahon ni Ka Felix ay iyon ang hinihingi ng panahon – hindi kailangan ang pormal na paaralan at pormal na kurso ng pagmiministro sapagkat nasa panahon pa ng “pioneering stage” na lubhang kakaunti pa ang mga manggagawa at napakaliit pa ng Iglesia. Samantalang sa panahon ni Ka Erdy ay ang pagtatayo ng pormal na paaralan at pagkakaroon ng pormal na kurso ng pagmiministro ang “kailangan” ng panahon. Sa panahong itinatag ni Ka Erdy ang paaralan ng mga nagmiministro ay nagsisimula na ang Iglesia Ni Cristo sa paglaganap sa buong mundo kaya nangangailangan na ng pormal na kurso ng pagmiministro kung saan ay tuturuan na rin sila ng iba pang mga aralin na kailangan tulad ng English, Bookeeping, Sociology, Psychology at iba pa.

Hindi lamang ang CEM (ang promal na paaralan ng mga nagmiministro) ang itinatag sa panahon ni Ka Erdy na wala sa panahon ni Ka Felix kundi marami pa. Sa panahon din ni Ka Erdy ay natatag ang INC Museum, New Era University, New Era General Hospital, Lingap sa Mamamayan, at marami pa na wala sa panahon ni Ka Felix. Bakit? Sapagkat ito ang hinihingi ng panahon at sitwasyon. Napakalaki ngayon ng problema ng mga “Fallen Angels” dahil sa kanilang pagsasabing “katunayan ng matinding kurapsiyon sa Iglesia ang pag-iral ng mga bagay na dati ay wala sa panahon ng unang Namahala sa Iglesia.

Sa panahon din ni Ka Erdy ay natatag ang FELIX Y. MANALO MEDICAL FOUNDATION na nag-allocate din ang Iglesia sa pagkakatatag nito ng pondo na mula sa “abuloy.” Itinatag ito sapagkat ito ang hinihingi ng panahon. Ngunit, hindi ito isinisigaw ng mga “Fallen Angels” na katibayan ng “matinding kurapsiyon,” ngunit ang pagkakatatag ng FYM Foundation at ang pag-allocate dito ng pondo mula sa kaban ng Iglesia ay MINAMASAMA ng mga “Fallen Angels.”

Ang isa pang “bagay” na umiral sa panahon ni Kapatid na Erano G. Manalo na hindi umiral sa panahon ni Ka Felix ay ang TAUNANG PASALAMAT PARA SA ANIBERSARYO NG IGLESIA.” Noon, sa panahon ng Ka Felix, ang pagdiriwang ng anibersaryo ng Iglesia ay halos tuwing ikalimang taon lamang at wala pa noon na taunang pagpapasalamat para sa anibersaryo ng Iglesia (ang pasalamat na isinasagawa natin ngayon tuwing buwan ng Hulyo ng bawat taon). Nagsimula lang ito noong 1980s.

Bagamat walang TAUNANG pagpapasalamat sa kaarawan ng Iglesia sa panahon ni Ka Felix, at ipinatupad ito sa panahon lamang ni Ka Erdy, subalit hindi ito isang pagbabago sa doktrina. Sapagkat maliwanag naman sa Biblia na:


I Tesalonica 5:18
“Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.”

Hindi ito taunan sa panahon ni Ka Felix sapagkat iyon ang hinihingi ng panahon noon. Ang Iglesia noon ay nasa pioneering stage o nagpapasimula pa lamang, “bumubuo” pa lamang ng kaniyang kasaysayan. Sa panahon ni Ka Erdy ay napapanahon na itong gawin upang laging ipagpasalamat sa Diyos ang pagtulong, pagpapala at pagpapatagumpay sa Iglesia. Napapanahon din ito ngayon upang magkaroon din ng “awareness” lalo na ang mga kabataan sa pasimula at kasaysayan ng Iglesia (nang itatag ito ay halos nasa 70 taon na ang Iglesia).

SAMAKATUWID, marami pala ang umiral sa panahon ni Ka Erdy na hindi umiral dati sa panahon ni Ka Felix gaya ng CEM, New Era University, New Era General Hospital, NET 25, FYM Foundation, Taunang Pasalamat para sa Kaarawan ng Iglesia, P-9, at marami pa.  Kaya wala sa panahon ni Ka Felix ay sapagkat hindi pa kailangan noon o HINDI PA NAPAPANAHON, at kaya itinatag sa panahon ni Ka Erdy ay sapagkat kailangan na sa kaniyang panahon, hinihingi na ng panahon at pagkakataon, o NAPAPANAHON NA.

Ganiyan din sa panahon ni Kapatid na Eduardo V. Manalo. Kaya wala sa panahon ni Ka Felix at Ka Erdy sapagkat hindi pa kailangan o hinihingi ng panahon at pagkakataon noon, subalit ngayon ay kailangan o hinihingi ng panahon at pagkakataon ngayon. Tulad halimbawa ng pagtatayo ng Philippine Arena na kailangan sa panahon natin ngayon dahil sa dami ng mga kapatid ay wala nang ibang angkop na dako sa atin upang maisagawa ng maayos ang ating mga malalaking pagdiriwang at aktibidad.



Ano ang karapatan ng Namamahala sa Iglesia ukol dito? Sa Mateo 18:18 ay ganito ang sinasabi:

Mateo 18:18-19
“Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ang lahat ng mga bagay na inyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at ang lahat ng mga bagay na inyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit. Muling sinasabi ko sa inyo, na kung pagkasunduan ng dalawa sa inyo sa lupa ang nauukol sa anomang bagay na kanilang hihingin, ay gagawin sa kanila ng aking Ama na nasa langit.”


NAGPAPATUNAY LANG NA MALING-MALI ANG ARGUMENTO NG MGA “FALLEN ANGELS” na ang pag-iral daw ng mga bagay na wala sa panahon ng mga naunang Namahala sa Iglesia ay katunayan daw ng matinding kurapsiyon sa Iglesia.


ITUTULOY
Sa susunod ay isa-isa nating sagutin ang sinasabi nilang mga katunayan daw
ng “kurapsiyon” ngayon sa Iglesia.


5 comments:

  1. Ang Iglesia ay progresibo ngunit konserbatibo. Nagdaragdag tayo ng mga gawain o mga aktibidad na noong panahon ng Sugo ay wala, ngunit nagkaroon noong panahon ng tatay, at nagkaroon tayo ng mga gawain o mga aktibidad na noong panahon ng tatay, at nagkaroon ngayon sa panahon ng Ka Eduardo. Nguni't dapat nating mapansin na lahat ng mga bagay na yaon, ay palagiang nakabatay sa doktrina na ating itinaguyod at patuloy na itinataguyod mula pa sa pasimula.

    Uulitin ko po, tayo ay progresibo sa paraang umuunlad ang kakayahan ng Iglesia, at konserbatibo dahil lahat pa rin ng pag-unlad na ito ay ginugugol sa paraang nakabatay pa rin sa doktrinang ating itinitindig.

    Ang doktrina noong itatag ni Cristo ang Iglesia ay siyang doktrina nang bumangon na mag-uli ang Iglesia sa Pilipinas sa pangangaral ng Sugo, at siya ring doktrina na ipinagpatuloy ng Tatay at ng Ka Eduardo.

    Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  2. Pahiya na naman si kelly ong.lagi na lang butata. Kakahiya ka kelly ong.

    ReplyDelete
  3. They are pathetic...

    ReplyDelete
  4. ahahahahah KELLY ONG BAk!! ahahahaha nagpapatawa ka nanaman baliw ka!!! kahit araw araw papagawa ako ng t shirt gagawin ko ipiprint kopa ang muka mo para panakot sa kapwa mo demonyo! ahahahahha. masaya kami kada nagkakaisa kami sa pamamahala alang ala sa iglesia. hay nako at ang mga bagay na nagagastos namin sa mga tshirt o etc ano bang halaga nun?? bumili kanga ng sarili mong gamit kamahal mahal na wala pa kabuluhan! eh ung nakukuhanga nmin nga namin nakakatipid pa kami at kabanalan pa namin subinir sa mga story ng iglesia. saka mismong kami nagpapagawa nun kusang loob namin un masaya kami don. ahahahaha pati ba naman un nasisilip mong demonyo kang Kelly ong bak ka! mahiya ka naman adik ka talaga! mga fallen angels talagng mga baliw baliw!! ahaha walang katuturan lahat yang mga ginagawa nyo pinagtatawanan lang namin kau! kahit anu pang gawin ninyo! ahahahahahah! diyos nga ang kalaban nyo papano nga kau mananalo mga adik na fallen angels!!

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)