08 September 2015

873 Kapilya ang Naipatayo Kasabay ng Pagtatayo ng Philippine Arena



ANSWERING “FALLEN ANGELS” 
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 21


SAGOT SA KANILANG MGA
PAGBATIKOS SA PHILIPPINE ARENA
Ikatlong Bahagi




873 NA KAPILYA ANG NAIPATAYO SA PANAHONG ITINATAYO ANG PHILIPPINE ARENA




WALANG katotohanan na ang sinasabi ng mga “Fallen Angels” na ang dapat lamang na pagtuunan ng pansin ay ang pagtatayo ng kapilya o gusaling sambahan. Tunay na ang pinaka-pinagtutuunan ng pansin ng Iglesia mula pa sa panahon ni Kapatid na Felix Y. Manalo ay ang pagtatayo ng gusaling sambahan, subalit hindi masama na magtayo rin ng iba pang mga gusali kailanma’t ito ay para sa pangangailangan at kapakanan ng Iglesia. Dahil sa paglago ng Iglesia, lumawak din ang kaniyang pangangailangan na dapat na matugunan, kaya ang nagdaang Namamahala sa Iglesia, ang kapatid na Erano G. Manalo, ay nagpatayo ng mga gusaling hindi naman gusaling sambahan o kapilya tulad ng Pavillion, Tabernakulo,New Era University, New Era General Hospital, at iba pa.

Wala ring katotohanan ang sinasabi pa ng mga “Fallen Angels” na naubos ang pondo sa pagpapatayo ng kapilya sa pagpapatayo ng Philippine Arena. May bukod na pondo para sa pagtatayo ng Philippine Arena at hindi kailanman naagaw nito ang nakabukod na pondo sa pagtatayo ng kapilya. Katunayan ay habang itinatayo ang Philippine Arena ay 873 kapilya ang naitayo sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo.





Sa kasalukuyan ay patuloy na pinagtutunan ng kasalukuyang Pamamahala ng Iglesia ang pagtatayo ng mga kapilya o gusaling sambahan sa Pilipinas at iba't ibang panig ng mundo. Hindi titigil at magpapabaya ang kasalukuyang Pamamahala sa gawaing ito sapagkat ito ay lubos na nakalulugod at nakapagbibigay luwalhati sa ating Panginoong Diyos:



Hagai 1:8
“Magsiahon kayo sa bundok, at mangagdala ng kahoy, at mangagtayo kayo ng bahay; at aking kalulugdan, at ako'y luluwalhati, sabi ng Panginoon.”






No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)