01 September 2015

Nagprotesta ang Iglesia Ni Cristo sa DOJ dahil sa hindi pagsunod ng Kalihim ng DOJ sa isinasaad ng batas o sa "rule of law"



SINUSUNOD LANG BA NILA
ANG “RULE OF LAW”?
Sino ang tunay na hindi
nagpasakop sa batas?

“Kung sinunod ni De Lima ang isinasaad ng batas sa paghawak ng isinampang reklamo laban sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo at ang Iglesia ay nagprotesta, ang Iglesia ang wala sa katuwiran. Subalit, sapagkat isang katotohanan na pinatutunayan maging ng mga nagmamasid na hindi kaanib sa Iglesia at ng nasa DOJ pa mismo na nilabag ni De Lima ang “regulasyon” o ang isinasaad ng batas sa paghawak ng reklamo laban sa pamunuan ng Iglesia, kaya ang pagprotesta ng Iglesia Ni Cristo sa “maling pagkilos” na ito ng kalihim ng DOJ ay MAKATUWIRAN LAMANG.”

 BAKIT daw hindi na lamang maghintay at harapin ng mga pamunuan ng Iglesia Ni Cristo ang kasong isinampa laban sa kanila? Bakit daw hindi na lamang sundin ang isinasaad ng batas o ang “rule of law”? Madalas din nating marinig ang sinasabi ng iba na “sinusunod lamang daw ng gobyerno lalo na ng DOJ (Justice Secretary De Lima) ang batas o ang rule of law.” Totoo ba na sinusunod nila ang isinasaad ng batas o ang “rule of law” sa paghawak ng reklamo laban sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo?

Kaya nila iginigiit na “sinusunod nga lamang daw nila ang batas” ay upang “pasamain” ang ginawang pagkilos ng Iglesia Ni Cristo sa pagprotesta laban sa “pagkilos” ng DOJ sa isinampang kaso ni Jun Samson laban sa Sanggunian ng Iglesia. Kung sinusunod nga lang naman nila ang batas ay mali nga naman ang Iglesia sa pagtutol sa kanila, SUBALIT KUNG NILABAG NILA ANG BATAS AY MAKATUWIRAN LAMANG ANG PAGPROTESTA NA GINAWA NG IGLESIA NI CRISTO. Ano nga ba ang isinasaad ng batas? Ganito ang isinasaad ng Section 1 at Section 2 ng Rule 112 ng THE REVISED RULES OF CRIMINAL PROCEDURE (as amended, December 1, 2000):


RULE 112
Preliminary Investigation

Section 1. Preliminary investigation defined; when required. — Preliminary investigation is an inquiry or proceeding to determine whether there is sufficient ground to engender a well-founded belief that a crime has been committed and the respondent is probably guilty thereof, and should be held for trial.

Except as provided in section 7 of this Rule, a preliminary investigation is required to be conducted before the filing of a complaint or information for an offense where the penalty prescribed by law is at least four (4) years, two (2) months and one (1) day without regard to the fine. (1a)

Section 2. Officers authorized to conduct preliminary investigations. —
The following may conduct preliminary investigations:
(a) Provincial or City Prosecutors and their assistants;
(b) Judges of the Municipal Trial Courts and Municipal Circuit Trial Courts;
(c) National and Regional State Prosecutors; and
(d) Other officers as may be authorized by law.
Their authority to conduct preliminary investigations shall include all crimes cognizable by the proper court in their respective territorial jurisdictions.

Ang bawat reklamo bago maisampa sa korte upang litisin ay dapat na magsagawa muna ng tinatawag na “preliminary investigation.” Ano ang tinatawag na “preliminary investigation”? Ang sabi ng batas “Preliminary investigation is an inquiry or proceeding to determine whether there is sufficient ground to engender a well-founded belief that a crime has been committed and the respondent is probably guilty thereof, and should be held for trial.” [Ang paunang imbistigasyon ay isang pagsisiysat o pagdinig upang matiyak kung mayroong kasiya-siyang basehan upang makatayo bilang may matibay na basehang paniniwala na ang isang krimen ay nangyari at ang inaakusahan ay maaaring may sala kung gayon, at kailangan litisin.]

HINDI TUTOL ANG IGLESIA NI CRISTO NA SUNDIN ANG ISINASAAD NG BATAS – ITO NGA ANG PANININDIGAN NG IGLESIA NI CRISTO, ANG SUNDIN ANG ISINASAAD NG BATAS. Ayon sa batas, kailangang magsagawa ng “paunang imbistigasyon” (preliminary investigation). Subalit, ayon pa rin sa THE REVISED RULES OF CRIMINAL PROCEDURE, Section 2, Rule 112, ang itinakda ng batas na magsagawa ng “preliminary investigation” ay ang mga sumusunod:

(a) Provincial or City Prosecutors and their assistants;
(b) Judges of the Municipal Trial Courts and Municipal Circuit Trial Courts;
(c) National and Regional State Prosecutors; and
(d) Other officers as may be authorized by law.

Ang mga nasa itaas ang sinasabi ng batas na “Officers authorized to conduct preliminary investigations.” Pansinin na dito’y walang isinasaad na “Secretary of the Department of Justice” o “Justice Secretary.” Kung ikakatuwiran nila na ang “Justice Secretary” ay kabilang sa sinasabing “other officers,” subalit tandaan ang sinasabi ng batas na “Other officers as may be authorized by law.” Kaya ang dapat na maipakita ay ang “batas” na nagbibigay awtorisasyon sa Justice Secretary na magsagawa o makialam sa “preliminary investigation.” Mayroon ba? Wala po.

Samakatuwid, ang pagsasagawa o pakikialam ng Justice Secretary sa “preliminary investigation” ay hindi naaayon sa batas. Maaari itong sabihing “anomalya” sapagkat ang kahulugan ng “anomaly” ay “deviation from rules, laws, regulations.”

Bilang katunayan na hindi dapat makialam ang Secretary of the Department of Justice o ang Justice Secretary sa “preliminary investigation” ay ganito ang naiulat ng The Manila Times na ipinahayag ng isang dating Secretary of Justice:

“A former DOJ secretary said when a case is in the preliminary investigation stage, only prosecutors up to the Prosecutor-General are the ones in charge.” [“DOJ INSIDERS’ CLAIM De Lima broke protocol” by Jomar Canlas,September 1, 2015. The Manila Times Online]

Ayon sa isang dating DOJ Secretary, “kung ang isang kaso ay nasa preliminary investigation stage, tanging ang prosecutors hanggang Prosecutor-General ang mangangasiwa.” Ayon pa sa nasabing dating Justice Secretary:

“The former official said that during his watch, the DOJ chief cannot interfere in a case during preliminary investigation since the process will reach the Office of the Secretary of Justice when a petition for review of the case is filed.” [Ibid.]

Sinabi pa niya na “ang DOJ Secretary ay hindi maaring makialam sa isang kaso sa panahon ng preliminary investigation.” Dahil dito, ayon sa nasabing dating DOJ Secretary ay hindi siya nakialam sa mga kasong nasa preliminary investigation sa panahon ng kaniyang panunungkulan bilang Justice Secretary:

“During my time as Secretary of Justice, I do not interfere in cases at the preliminary investigation level because the appeal will be with the [SOJ] via petition for review,” he told The Manila Times.” [Ibid.]

Isa pang batas na na nagsasaad na ang “preliminary investigation” ay nasa hurisdiksiyon ng prosecutor (hindi ng Justice Secretary) kaya hindi dapat makialam ang kalihim ng DOJ ay ang isinasaad sa 2000 National Persecution Service Rules on Appeal:

 “Section 1. Scope. – This Rule shall apply to appeals from resolutions of the Chief State Prosecutor, Regional State Prosecutors and Provincial/City Prosecutors in cases subject of preliminary investigation/reinvestigation. Section 4. How appeal is taken. An aggrieved party may appeal by filing a verified petition for review with the Office of the Secretary, Department of Justice, and by furnishing copies thereof to the adverse party and the Prosecution Office issuing the appealed resolution,” it states.” [Ibid.]

Maliwanag kung gayon na ayon sa batas, ang “preliminary investigation” ng isang reklamo ay nasa hurisdiksyon ng “prosecutors” at hindi dapat makialam ang Justice Secretary. Ayon sa balita, hindi gayon ang kasalukuyang DOJ Secretary:

“A prosecutor disclosed to The Manila Times that de Lima has a penchant for summoning prosecutors to her office in connection with certain cases under their review.
“Nakikialam si de Lima sa kaso eh preliminary investigation level pa lang. Minsan nga kahit fact-finding investigation ng NBI pinapapelan na niya. Bakit hindi niya hintayin na umakyat sa kanya ang kaso kapag petition for review stage na [She is meddling in cases even though they are still at the preliminary investigation level. There are times when she would also dip her fingers into fact-finding investigations being conducted by the National Bureau if Investigation. Why can’t she wait for the cases to get elevated to her]?” the prosecutor remarked.” [Ibid.]

Isang prosecutor ang nagsabi sa The Manila Times na “Nakikialam si de Lima sa kaso na nasa preliminary investigation level pa lang.” Ang lalong masama ayon sa prosecutor na ito na nakapanayam ng The Manila Times ay “kahit fact-finding investigation ng NBI ay pinapapelan na niya.” Pinatutunayan ng isa pang naging dating DOJ Secretary na ang pakikialam na ito ni De Lima (na hindi naaayon sa isinasaad ng batas) ang naging dahilan ng pagprotesta ng INC:

“Another former Justice secretary said de Lima’s alleged interference in the INC case is a clear example of “unethical meddling” with the powers of the prosecutor to conduct a preliminary investigation.” [Ibid.]

Ang ginawa ni Sec. De Lima ay personal pang inasikaso ang isinampang reklamo ni Isaias Samson, Jr. laban sa mga miembro ng Sanggunian ng Iglesia Ni Cristo. Kitang-kita ang pagbibigay niya ng “special treatment” at ang pagiging “bias” na isang “pagkilos” ng kalihim ng DOJ na “hindi nararapat” niyang gawin. Papaano makapagbibigay ng hustisya ang kalihim ng Hustisya kung sa simula pa lang ay “bias” na siya sa isang partido? Kung ang DOJ ay magbibigay ng “special treatment” sa isang nagsasampa ng reklamo ay hindi ito makapagbibigay ng hustisya. Kaya sa sinasabi ng iba na bakit hindi na lamang hayaan ang “rule of law” ng Iglesia Ni Cristo, ang sagot namin ay IYON NGA ANG NARARAPAT ANG MAMAYANI ANG “RULE OF LAW” SUBALIT SA “AKSIYON” NG KALIHIM NG DOJ NA PAGBIBIGAY NG “SPECIAL TREATMENT” O PAGIGING “BIAS” AY IYON BA ANG “RULE OF LAW”? Ang pakikialam ba ng Justice Secretary sa “preliminary investigation” ang “rule of law”?

Kaya, walang sinasabi ang Iglesia Ni Cristo na hindi kami dapat imbistigahan kung may isinampa mang reklamo laban sa Iglesia sa kabuuan, sa mga lider nito, o sa mga kaanib. Hindi rin namin sinsabi na ang Iglesia ay higit na mataas kaysa sa estado kaya hindi dapat pakialaman. Hindi rin sinasabi ng Iglesia Ni Cristo na hindi aplikable sa amin ang batas, o hindi dapat sundin ang batas sa Iglesia Ni Cristo – ANG ISINISIGAW NGA NG IGLESIA NI CRISTO AY SUNDIN ANG BATAS NA SIYANG HINDI GINAWA O SIYANG NILABAG NG KASALUKUYANG JUSTICE SECRETARY. KAYA NAGPROTESTA ANG IGLESIA NI CRISTO DAHIL HINDI NASUNOD ANG BATAS O ANG RULE OF LAW.

Kahit ang mga nag-oobserba na hindi naman kaanib sa Iglesia Ni Cristo, at kahit pa ang nasa loob mismo ng DOJ ay nagsasabing may “anomalya,” may “iregulatridad” o may pagkakamali ang DOJ (lalo na ang kalihim) sa paghawak ng reklamong isinampa ni Jun Samson laban sa pamunuan ng Iglesia:

“DOJ INSIDERS’ CLAIM
“De Lima broke protocol
“There were irregularities in the way Justice Secretary Leila de Lima handled the review of the kidnapping and serious illegal detention case involving leaders of the Iglesia Ni Cristo (INC or Church of Christ), according to sources of The Manila Times–including two former secretaries of Justice and ranking prosecutors.
“The alleged mishandling of the case filed by expelled church minister Isaias Samson Jr. against members of the INC Sanggunian (Council) was widely believed as the reason why thousands of church members spilled into Padre Faura Street (Manila) and later to the Epifanio delos Santos Avenue-Shaw Boulevard intersection in Mandaluyong City (Metro Manila) and cried religious persecution against the government.” [Ibid.]

Kung sinunod ni De Lima ang isinasaad ng batas sa paghawak ng isinampang reklamo laban sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo at ang Iglesia ay nagprotesta, ang Iglesia ang wala sa katuwiran. Subalit, sapagkat isang katotohanan na pinatutunayan maging ng mga nagmamasid na hindi kaanib sa Iglesia at ng nasa DOJ pa mismo na nilabag ni De Lima ang “regulasyon” o ang isinasaad ng batas sa paghawak ng reklamo laban sa pamunuan ng Iglesia, kaya ang pagprotesta ng Iglesia Ni Cristo sa “maling pagkilos” na ito ng kalihim ng DOJ ay MAKATUWIRAN LAMANG.
.
 Kaya bakit daw “imbistigasyon pa lang ay pinalabas na ang mga kapatid”? Sapagkat imbistigasyon pa lang (“preliminary investigation” pa lang) ay hayag nang niyurakan ang karapatan ng mga inireklamong mga pamunuan ng INC, at tahasang hindi nila sinunod ang “rule of law,” anupat imbistigasyon pa lang ay hayag nang ipinagkakait na nila ang katarungan o hustisya at may hidden agenda sila o masamang motibo.
.
ANG KALIHIM NG DOJ ANG HINDI SUMUSUNOD SA ISINASAAD NG BATAS AT HINDI ANG IGLESIA NI CRISTO.


2 comments:

  1. Eto ang dahilan kung bakit pumunta sa kalye ang Iglesia, sana naman basahin muna ng mga nagsasabi na mali ang Iglesia sa ginawang pagpunta sa edsa, kung sinunod lamang ni De Lima angbtamang proseso di sana walang naganap na kilos protesta, sana naman maging nparehas ang abs-cbn at ilabas din nila ang ang panig na ito, para mapatunayan nila na sila ay parehas.

    ReplyDelete
  2. marami kasi ang nagbibigay agad ng opinyon ng hindi pa naman alam ang lahat... hay....

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)