19 September 2015

Nagsasabi ba ng totoo ang Fallen Angels na may 10 Ministro na dinukot ng Sanggunian?



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 27




HAMON SA MGA NAPAPANIWALA NG MGA “FALLEN ANGELS”


#01

Ciento-por-ciento ba kayo na ang
mga “Fallen Angels” ay nagsasabi ng pawang
katotohanan lamang?

HINDI BA’T MALINAW NA SILA’Y NAGSISINUNGALING SA PAGSASABING “MAY SAMPUNG MINISTRO NA DINUKOT NG SANGGUNIAN”?





ANG isa sa pinakamatinding isyu na ikinalat ng mga “Fallen Angels” ay ang ukol sa sampung ministro na diumano’y dinukot (abducted) ng Sanggunian. Ito ang isa sa dalawang isyu na binanggit nina Angel Manalo at Ka Tenny sa “controversial video” na ini-upload nila sa Youtube noong Hulyo 22, 2015. Sa nasabing video ay inihingi ni Ka Tenny ng tulong ang sampung ministro na dinukot daw ng Sanggunian:


Ang totoo, bago pa man i-upload ang controversial video ni Angel at Ka Tenny sa Youtube ay ito na ang “propaganda” na ipinakakalat ng mga “alipores” ng mga “Fallen Angels” sa social media:


Sa araw na ini-upload ang controversial youtube video, para lalong gawing “madrama”  ay naglagay pa sa may bintana sa bahay sa compound ni Angel sa Tandang Sora Avenue ang isang papel na may nakasulat na “Where are the missing ministers?”:


May mga napapaniwala sila rito na “may sampung ministro na dinukot daw ng Sanggunian” kaya sa isinagawang “vigil” ng mga “Fallen Angels” noong Hulyo, 2015 sa labas ng compound nina Angel sa Tandang Sora Avenue ay isa ito sa kanilang isinisigaw, “Where are the abducted ministers?” Maging sa USA ay may mga napapaniwala sila na “may sampung ministro na dinukot daw ng Sanggunian” kaya sa “vigil” nila sa tapat ng INC US Main Office ay isa rin ito sa kanilang isinisigaw:


 

SUBALIT, MALIWANAG NA NAGSISINUNGALING 
ANG MGA “FALLEN ANGELS”

(1) Kung totoo at hindi imbento lamang ang sinasabi ng mga “Fallen Angels” na “may sampung ministro na dinukot daw ng Sanggunian”, bakit hindi nila mapangalanan lahat?

Hindi ba’t nakapag-aalinlangan ang pag-aangkin na “may sampung ministro na dinukot” subalit hindi naman nila mapangalanan lahat? Ang nabanggit lang nila ay lima, subalit HANGGANG NGAYON AY HINDI PA RIN NILA MAPANGALANAN LAHAT – WALA PA RIN ANG PANGALAN NG LIMA PA.

(2) Ang lalong nakakahiya sa parte ng mga "Fallen Angels" ay ang limang kanilang pinangalanan ay pawang nagsalita na HINDI SILA DINUKOT.

Sinabi nila na kasama sa “sampung ministro na dinukot” si Ka Jojo Nemis, subalit agad na nagsalita si Ka Jojo Nemis na hindi siya “dinukot” bagkus ay nagsisinungaling lamang sina Joy Yuson at ang mga kasamahan niyang mga “Fallen Angels.”

Sinabi nilang si Ka Arnel Tumanan ay kasamang dinukot, subalit nangasiwa pa siya ng Pasalamat sa Lokal ng Balintawak, nanguna sa panalangin sa isinagawa screening ng first full lenght movie ng INCinema na isinagawa sa Tabernakulo, ininterview pa sa INC TV, anupa’t malinaw na nagsisinungaling lamang sina Joy Yuson at ang mga kasamahan niyang “Fallen Angels.”

Si Nolan Olarte at Lowell Menorca ay pawang nagsalita rin at ininterview pa si Menorca ng GMA news na nagpapatunay na hindi sila dinukot.

Si Joven Sepillo ay isang “hostile witness” sapagkat siya’y tiniwalag at kasamahan nila, subalit sa kaniyang sulat na  ipinost ng mga “Fallen Angels” sa kanilang mga pages at accounts sa social media ay maliwanag na nagpatunay na hindi siya dinukot ng Sanggunian.

ITO AY MALAKING KAHIHIYAN ITO SA PARTE NG MGA “FALLEN ANGELS” KAYA NI AYAW NA NILA ITONG MABANGGIT NGAYON SA KANILANG MGA PAGES AT ACCOUNTS SA SOCIAL MEDIA.

Kaya, sa kabila na HAYAG NA HAYAG SA LAHAT NA “TSISMIS” lamang ang ikinalat ng mga “Fallen Angels” na may sampung ministrong dinukot ng Sanggunian, kung may magsasabi pa rin na “nagsasabi ng katotohanan” ang mga “Fallen Angels” ay hindi maling sabihin na ang mga ito ang BULAG NA TAGASUNOD O MGA NAGBUBULAGBULAGAN. Hindi maling sabihin na ipinikit nila ang kanilang mga mata sa katotohanan na “nagsisinungaling” ang mga “Fallen Angels, at nilunok na lamang nila ang “tsismis” o “kasinungalingan” upang mapangatawanan lamang na “hindi sila nagkamali ng pinanigan o sinamahan.” Dahil dito, hindi rin mali na sabihin na sa kanila natupad ang sinasabing ito ng Biblia:

II Tesalonica 2:10-12 MB
“At gagamit siya ng lahat ng uri ng pandaraya sa mga mapapahamak - mga taong maliligtas sana kung kanilang tinanggap at inibig ang katotohanan. Sapagkat hindi nila tinanggap ang katotohanan, ipinaubaya ng Diyos na sila'y malinlang ng espiritu ng kamalian at papaniwalain sa kasinungalingan upang maparusahan ang lahat ng pumili sa kasamaan sa halip na tumanggap sa katotohanan.”


KAYA ANG TANONG NAMIN SA MGA NAPAPANIWALA
NG MGA “FALLEN ANGELS”:

MAGPAPATULOY BA KAYO SA PAGBUBULAG-BULAGAN AT PAGLUNOK SA HAYAG NA HAYAG NA KASINUNGALINGAN O TSISMIS LAMANG NA MAY SAMPUNG MINISTRO NA DINUKOT DAW NG SANGGUNIAN PARA LANG MAPANGATAWANAN ANG INYONG PAGKAKAMALI SA PAGPANIG SA MGA “FALLEN ANGELS”?

HINDI PA HULI ANG LAHAT, MAY PAGKAKATAON PA PARA
BUMALIKWAS AT MAGBALIK-LOOB.




2 comments:

  1. Ang Pangyayari na katulad nito ay naghahayag kung sino ang tapat, tunay at may malinis na puso na laging nanghahawak sa mga salita ng Ating Dakilang Diyos sa pamamagitan ng Kaniyang Pamamahala na inilagay upang tayo ay hindi mailigaw. Sa Ating Diyos ang lahat ng kapurihan!

    ReplyDelete
  2. Halos pakonte ng pakonte ang naniniwala sa fallen angels,at mukhang nagising na din sa katotohanan ang mga kapatid na lahat ng ito ay paninira lng.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)