ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 25
NAPAKARUMI TALAGA NG TAKTIKA NG MGA “FALLEN ANGELS” NA NAGPAPAKITANG
HINDI SILA CRISTIANO, NI MABUTING TAO, AT TAHASAN PA SILANG SUMASALUNGAT SA PAGTUTURO NG SUGO
KUNG ang mga Amerikano ay may
popular na kasabihan na “If you can’t beat them, join them,” ang mga “Fallen
Angels” naman ay may maruming taktika na “If you will not join us, we will beat
you.” Ito ang napakaruming taktika na kitang-kita nating kanilang ginagawa sa mga
kahabag-habag na mga kapatid, at ang iba pa’y mga ministro at manggagawa gaya
ni Ka Mark Vasquez at Ka Arnel Tumanan.
GUMAGAWA NG “BASHING” AT “SHAME CAMPAIGN”
SA MGA KAPATID NA HINDI SUMASANG-AYON AT
NAGPAPABULAAN PA SA KANILANG SINASABI
Hindi maaalis na may mga
kapatid na “hindi makatiis” na mag-comment sa sinasabi ng mga “Fallen Angels”
laban sa Pamamahala at sa Iglesia Ni Cristo sa kabuuan sapagkat sila mismo ang
buhay na saksi na ang kanilang sinasabi ay walang katotoohanan o pawang
kasinungalingan lamang. Dahil sa sila’y mga “totoong tao” at tunay na kapatid,
walang ugaling mandaya at manggulo lamang, nagagawa nila ito na gamit ang
kanilang tunay na “account.” Sasamantalahin naman ito ng mga “Fallen Angels” at
ng kanilang mga alipores. Hindi nasisiyasahan ang mga “Fallen Angels” sa pag-block
sa mga account ng ganitong mga kapatid, kundi kanilang gagawan pa ng “atake
personal” na ipo-post ang kanilang larawan at pagkatapos ay magko-comment sila
ng kung anu-ano, hahalungkatin hanggat maaari ang buong pagkatao, at gagawan ng
“shame campaign.” ITO AY ISANG URI NG “CYBER BULLYING.” Ginagawa nila ito para gumawa
ng “pananakot” sa mga tunay na kapatid na huwag silang tutulan at pabubulaanan sa
kanilang mga sinasabing kasinungalingan at paninira, kundi kanilang “ipapahiya” ng husto.
LAHAT NG MAY MATINONG PAG-IISIP AY SASANG-AYON NA ITO’Y ISANG TUNAY NA MARUMING
GAWA AT HINDI MAKA-CRISTIANO. Ang kanilang “ipinaninita” ay sila pa talaga ang
tunay na gumagawa.
ANG MASAMANG KANILANG GINAWA
KAY KA MARK VASQUEZ
Si Ka Mark Vasquez ay isa nang
regular na manggagawa na ngayon ay nasa US. Kabilang siya sa mga manggagawang
na-aksidente sa North Luzon Expressway noong bagong taon ng 2015 na dalawa sa
kaniyang mga kasama ay pumanaw. Nang una’y kinukuha nila ang kaniyang simpatya,
kasama ang mga mahal sa buhay ng mga pumanaw, para kumampi sa kanila at
magsalita rin laban sa Sanggunian at sa Pamamahala ng Iglesia. Ganito ang
kanilang sinasabi nang una:
Image 01
Ang naging problema ng mga
“Fallen Angels” ay nagsalita si Ka Mark Vasquez at pinabulaanan ngayon ang
kanilang sinasabi:
Image 02
Nagulantang sila, at inakala
pa nga nila na fake ang account na ito ni Ka Mark na pinatutunayan na pawang
kasinungalingan ang kanilang mga sinasabi. Ngayong napatunayan nilang tunay na
account ni Ka Mark ang sumagot sa kanila, nagpabulaan sa kanilang sinasabi at
nagpatunay na sila’y nagsisinungaling, binuweltahan nila si Ka Mark sa
pamamagitan ng PANINIRA laban sa kaniya, ng pag-post ng kasinungalingan laban
sa kaniya, anupa’t ginawa nila ang kanilang MARUMING TAKTIKA laban kay Ka Mark ng
HINDI NILA SIYA “MAKUHA” AY SISIRAAN NA LAMANG NILA SIYA:
Image 03
Subalit, sinagot sila ni Ka
Mark sa kanilang KASINUNGALINGAN. Ganito ang kaniyang sinabi sa kaniyang
account:
Image 04
Image 05
TALAGANG NAPAKARUMI NG TAKTIKA
AT GAWAIN NINA JOY YUSON, ANGEL MANALO,
AT JUN SAMSON O NG TINATAWAG NGAYON NA MGA “FALLEN ANGELS. Kung hindi ka sasama
sa kanila ay sisiraan ka nila at magpapakalat sila ng sari-saring kasinungalingan.
ANG KANILANG “PANINIRA” LABAN KAY
KA ARNEL A. TUMANAN
Ang kanilang “marumi” at
“masamang” taktika na ginawa kay Ka Mark Vasquez ay kanila ring ginawa kay Ka
Arnel Tumanan. Nang una’y pinupuri nila at halatang nililigawan upang sumama o
kumampi sa kanila. Isinama pa nila si Ka Arnel sa mga “magiting at tapat” na
ministro na dinukot at pinahirapan daw ng Sanggunian:
Image 06
Bago lumabas si Ka Arnel upang
pabulaanan ang kanilang mga paninira at ibunyag ang kanilang kasinungalingan,
inilarawan siya bilang “magiting na ministro” sa panahon ni Ka Erdy. Subalit
nang mabigo silang sumama sa kanila si Ka Arnel, ginawa rin sa kaniya ang
kanilang masama at maruming taktika na “ayaw mong sumama ay sisiraan ka.” Kay
Ka Arnel ay hindi lamang siya ang siniraan kundi pati ang kaniyang mga anak:
Image 07
PINATUTUNAYAN NG “SUGO NG DIYOS” NA ANG GAYONG MGA
GAWA AY GAWAIN NG HINDI MABUTING MINISTRO, HINDI
NG MABUTING TAO (HINDI GAWANG MAKA-CRISTIANO)
Pinatunayan
mismo ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix Y. Manalo na
ang gawang halungkatin ang kamalian ng isang tao at siyang ipagsigawan ay
gawain ng masamang tao, hindi ng mabuting ministro, hindi ng mabuting tao,
hindi maka-cristiano:
Naku kahit ano pa ang ipost nilang paninira sa mga Ministro at Mang aggawa,ang amin pong respeto sa mga katuwang ng Tagapahala ay hindi maaalis,lalo pa nga tumatas ang lebel ng pagrespeto sa kanila dahil sa tapat at sigasig nila sa kanilang tungkulin upang kami ay maalagaan sa pananampalataya..Kng tungkul sa mga pamilya nila ay hindi karugtong ng aming paniniwala sa tunay na pagsamba ang ano mng mga gulo sa sambahayan nila,meron at meron din mga pagsubok na sila lng ang nakakaalam...Hindi na kmi interesado png malaman kng ano yon...
ReplyDeleteKuhang kuha nila style ni eli soriano..:D
ReplyDeletePasalamat sila at mabait ang Dios..baka magugulat nalang sila na may mangyayari sa buhay nila na kelanman ay hindi inaasahan.
ReplyDeletedesperado na talaga cla...ang Ama na po ang bahala sa kanila. masyado na nilang sinasaktan ang Iglesia
ReplyDelete