10 September 2015

Ipinangako ni Cristo ang muling pagbangon ng Iglesia Ni Cristo



IGLESIA  NICRISTO:
ANG BAYAN NG DIYOS SAMGA HULING ARAW
UNANG BAHAGI
IPINANGAKO NI
CRISTO ANG MULING PAGBANGON NG
IGLESIA NI CRISTO

Natalikod man ang unang Iglesia subalit ipinangako ni Cristo
na muli Niyang itatatag ang Kaniyang Iglesia



 ANG suliranin ng iba kung bakit hindi nila matanggap ang Iglesia Ni Cristo ay sapagkat ito raw ay bumangon noong 1914 lamang. Subalit, kung mauunawaan lamang ng lahat ang mga hula (paunang-pahayag) ng Biblia ukol sa magaganap sa unang Iglesia at ang sinasabi ng kasaysayan na nagpapatunay na ang mga hulang ito ay natupad, hindi sila magtataka kung bakit hindi natin kinagisnan ang Iglesia Ni Cristo noong unang siglo at magaang matatanggap na ang pagbangon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas noong 1914 ay ang katuparan ng ipinangako ni Cristo na muli Niyang itatayo ang Kaniyang Iglesia.

Iisa ang igleia na itinayo
ng Paginoong Jesucristo 

Kung papaanong maliwanag sa Biblia na ang Panginoong Jesus ay nagtayo ng Kaniyang Iglesia, maliwanag din sa Banal Na Kasulatan na iisa lamang ang Iglesia na Kaniyang itinayo. Ganito ang Kaniyang pahayag sa Mateo 16:18:

“At sinasabi ko naman sa iyo, na ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesia; at ang mga pintuan ng Hades ay hindi magsisipanaig laban sa kaniya.”

Maliwanag ang ipinahayag ng Panginoong Jesus na “itatayo ko ang aking iglesia.” Hindi niya sinabing “itatayo ko ang aking mga iglesia.” Kaya iisa lamang ang Iglesiang itinayo ng Panginoong Jesus. Maging ang Kaniyang mga apostol ay nagpatunay na iisa lamang ang Iglesiang itinayo ni Cristo. Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo sa Efeso 4:4-5:

“May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pag-katawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo; Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo.

Ang binanggit ni Apostol Pablo na “isang katawan” ay ang Iglesia na pinangunguluhan ni Cristo:

“Sapagkat ang lalaki ang ulo ng kanyang  asawa, tulad ni Cristo na siyang ulo ng iglesya, na kanyang katawan, at siyang Tagapagligtas nito.” (Efe. 5:23, Magandang Balita Biblia)

Si Jesus ang ulo ng Iglesia na Kaniyang katawan. Sapagkat iisa lamang ang katawan ng bawat ulo, kaya iisa lamang ang Iglesia na itinayo at pinangunguluhan ni Cristo. Ayon kay Apostol Pablo, ang “isang katawan” ay may isang espiritu, isang pag-asa, isang Panginoon, isang pananampalataya, at isang bautismo. Pinatunayan naman ni Apostol Santiago na may pangalang itinatawag sa Iglesiang pinangunguuhan at itinayo ni Cristo:

“Hindi baga nilalapastangan nila yaong marangal na pangalan na sa inyo'y itinatawag?” (Santiago 2:7)

Ang pangalang itinatawag sa mga alagad ng Panginoong Jesus o sa Kaniyang Iglesia ay ang pangalang ibinigay sa Kaniya ng Panginoong Diyos:

“At ngayon, ako'y papunta na sa  iyo; aalis na ako sa sanli-butan, ngunit nasa sanlibutan pa sila.  Amang banal, ingatan mo sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, pangalang ibinigay  mo sa akin, upang sila'y maging isa, kung paanong tayo'y iisa.” (Juan 17:11, MBB)

Ang iisang tunay na Iglesia ay tinatawag sunod sa pangalang “Cristo” na siyang pangalang ibinigay sa Kaniya ng Diyos (cf. Gawa 2:36). Dahil dito, ang iisang tunay na Iglesia na itinayo ni Cristo ay tinatawag na “Iglesia Ni Cristo”:

“Magbatian kayo ng banal na halik.  Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16, New Pilipino Version)

Maging ang mga awtoridad ng ibang relihiyon gaya ng mga tagapagturong Katoliko ay nagpapatotoo na si Cristo ay nagtayo ng Kaniyang Iglesia na tinawag sa pangalang “Iglesia Ni Cristo”:

“5.Si Jesucristo ba ay nagtatag ng Iglesia?  Oo, mula sa lahat ng kasaysayan, kapuwa panlupa at hindi pangkabanalan, gayun-din mula sa Biblia na kinikilalang isang makataong kasulatan, ating nalaman na si Jesucristo ay nagtatag ng isang Iglesia, na mula sa kauna-unahang panahon ay tinawag na sunod sa Kani-yang pangalan ang Iglesia Kristiana o ang Iglesia ni Cristo.” (Salin sa Pilipino )[1]

Ang iisang tunay na Iglesia ay hindi maaaring tawagin sa ibang pangalan sapagkat walang ibang pangalan na ibinigay sa mga tao na sukat nating ikaligtas:

“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” (Gawa 4:12)

Samakatuwid, isang katotohanan na iisa lamang ang Iglesia na itinayo ni Cristo at tinawag itong “Iglesia Ni Cristo.”


Ipinangaral at Lumaganap
ang Unang Iglesia

Nang umakyat ang Panginoong Jesus sa langit ay ibinigay Niya sa mga apostol ang pangangasiwa sa Iglesia. Ipinag-patuloy naman ng mga apostol ang pagpapalaganap sa Iglesia. Ang Iglesia ay unang lumaganap sa Jerusalem:

“At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananam-palataya ang lubhang maraming saserdote.” (Gawa 6:7)

Bagamat nakaranas noon ang Iglesia na nasa Jerusalem ng matinding pag-uusig at bunga nito ay nangalat ang mga alagad, subalit hindi sila tumigil sa pangangaral saan mang dako sila makarating (cf. Gawa 8:1 at 4-5). Anupa’t, ang walang tigil na pangangaral at pagpapalaganap noon ay nagbunga ng lalo pang paglago at paglaganap ng Iglesia. Dahil dito, ang Iglesia ay lumaganap sa buong Judea, Samaria at Galilea:

“Sa gayo'y nagkaroon ng kapayapaan ang iglesia sa buong Judea at Galilea at Samaria palibhasa'y pinagtibay; at, sa pagla-kad na may takot sa Panginoon at may kaaliwan ng Espiritu Santo, ay nagsisidami.” (Gawa 9:31)

Ang paglaganap ng Iglesia ay hindi humangga lamang sa dako ng mga Judio o sa Palestina (Judea, Samaria at Galilea). Nakarating din ang Iglesia sa dako ng mga Gentil (ang tawag sa hindi Judio), kaya kung nang una ay pawang mga Judio lamang ang mga kaanib sa Iglesia, ngayon ay nagkaroon din ng mga kaanib na mga Gentil:

“Na ipinain ang kanilang mga leeg dahil sa aking buhay; na sa kanila'y hindi lamang ako ang nagpapasalamat, kundi naman ang lahat ng mga iglesia ng mga Gentil...Mangagbatian kayo ng banal na halik.  Binabati kayo ng lahat ng mga iglesia ni Cristo.” (Roma 16:4 at 16)


Ibinabala ni Cristo na Magkakaroon
Ng Pagtalikod sa Pananampalataya

isang katotohanang pinatutunayan ng Biblia at maging ng kasaysayan na si Cristo ay nagtayo ng Kaniyang Iglesia noong unang siglo na tinawag sunod sa Kaniyang pangalan, tinawag na Iglesia Ni Cristo. Ito ay ipinangaral ng mga apostol at lumaganap. Subalit, nasaan ang Iglesia Ni Cristo noong unang siglo? Bakit hindi natin ito kinagisnan?

Noong narito pa ang Panginoong Jesus sa lupa ay nagbigay na Siya ng babala ukol sa magaganap sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo kaya hindi natin ito kinagisnan. Ganito ang Kaniyang paunang-pahayag:

“Sa panahong 'yon, kayo'y usigin at papatayin.  Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin. Maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya, mapopoot sa isa't isa, at magkakanulo sa isa't isa. Lilitaw ang maraming bulaang propeta at ililigaw ang marami.” (Mateo 24:9-11 NPV)

Ang kausap dito ng Panginoong Jesus ay ang Iglesia noong unang siglo. Ang paggamit Niya ng pangngalang “kayo” ay nagpapatunay na ito ay babala Niya na magaganap sa unang Iglesia. Maliwanag ang kaniyang ibinabala na “Maraming tatalikod sa kanilang pananampalataya.” Samakatuwid, ang Panginoong Jesus mismo ang nagpahayag na magkakaroon ng pagtalikod sa pananampalataya. Kung kailan ito magaga-nap ay ipinagpauna rdin ito sa atin ng Panginoong Jesus. Sa talata ding ito ay ganito ang isinasaad sa pagkakasalin ng Bibliang New International Version:

“Then you will be handed over to be persecuted and put to death, and you will be hated by all nations because of me. AT THAT TIME MANY WILL TURN AWAY FROM THE FAITH and will betray and hate each other, and many false prophets will appear and deceive many people.” (Amin ang pagbibigay-diin)

Kasama sa ibinabala ng Panginoong Jesus sa Kaniyang mga unang alagad na sila’y uusigin, kapopootan at ipapapatay. Subalit, ipinagpauna din Niya na “AT THAT TIME many will turn away from the faith” (“SA PANAHONG ITO ay marami ang tatalikod sa pananampalataya”).

Ito ang dahilan kaya hindi natin kinagisnan ang unang Iglesia – ang isang bahagi (ang mga tapat na alagad ni Cristo) ay pinag-usig at ipinapatay, samantalang ang malaking bahagi (“ang marami” ayon sa pahayag mismo ni Jesus) ay tatalikod sa pananampalataya. Ang magaganap na pagtalikod ay hindi sa malayong hinaharap (“distant future”), kundi ang sabi ng Panginoong Jesus ay “…ibibigay kayo upang usigin at ipapatay, at kayo’y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa akin. SA PANAHONG ITO ay marami ang tatalikod sa pananampalataya.

Isang katotohanan na ang Iglesia ay inusig ng imperyo Romano noon pa mang unang siglo at nagpatuloy hanggang ika-apat na siglo. Pinasimulan ni Emperador Nero ang pag-uusig ng Imperyo Romano sa Iglesia noong kalagitnaan ng unang  siglo:

“Iniulat ni Tacitus ang sabi-sabi na iniutos ni Nero ang pagsunog na sumira ng isang bahagi ng lunsod ng Roma. Ang sabi-sabing ito ay tinanggap ng nakararami sa nga tao kaya nangailangan si Nero na makahanap ng pagbubuntunan ng sisi, Inilayo niya ang damdamin laban sa kaniya patungo sa mga Cristiano sa pamamagitan ng pag-akusa sa kanila ng pagsunog at nakisangkot sa paglipol sa mga Cristiano sa panahon ng saturnalia.” (Salin sa Pilipino)[2]

Bago matapos ang unang siglo ay nagkaroong muli ng matinding pag-uusig sa Iglesia. Pinangunahan naman ito ni Emperador Domitian noong a.d. 95:

“Ang Pag-uusig ay muling sumiklab noong 95 sa panahon ng paghahari ng malupit na si Domitian. Ang mga Judio ay tumangging magbayad ng buwis na ipinilit para pagsuporta sa Capitolinus Jupiter. Spagkat nagpatuloy na iniuugnay ang mga Cristiano sa mga Judio, sila man ay nagdusa sa galit ng emperador. Sa panahon ng pag-uusig na ito nang si Apostol Juan ay ipinatapon sa Isla ng Patmos, kung saan niya isinulat ang Aklat ng Apocalipsis.” (Salin sa Pilipino)[3]

Pagkatapos ng unang siglo, ang pag-uusig ng Imperyo Romano laban sa Iglesia ay nagpatuloy:

“Noong 235 si Alexander Severus ay hinalinhan ni Empera-dor Maximin, na hindi nagustuhan ang ipinakitang pabor sa mga Cristiano sa sambahayan ng imperador, at sa maikling panahon ay nagkaroon ng mga pag-uusig na, di katulad ng halos lahat ng mga naunang pag-uusig na ang ikatutupad ay nasa pasiya ng lokal na gobernador, ay maaaring bunga ng sariling kapasiyahan ng emperador.” (Salin sa Pilipino)[4]

Nagpatuloy ang pag-uusig ng imperyo sa Iglesia hanggang sa panahon ni Emperador Constantino. Sa pamamagitan ng kaniyang “Edict of Toleration” noong a.d. 313 ay tumigil ang pag-uusig ng imperyo laban sa Iglesia.

Samakatuwid, natupad ang unang bahagi na ipinagpauna ni Cristo na magaganap sa unang Iglesia, ang sila’y uusigin at ipapapatay. Subalit, ipinagpauna rin ng Panginoong Jesus na “AT THAT TIME many will turn away from the faith.” Ito man ay pinatutunayan din ng kasaysayan na natupad:

 “...Ang panahon ng mga apostol ay natapos humigit-kumulang noong taong 100. Ang mga apostol ay sinundan ng mga Apostolic Fathers. Mula sa kanilang mga sulat ay makikita natin na ang mga palatandaan ng pagkasira ay bumabalisa sa Iglesia. Sa sumunod na 400 taon, ang pagkasirang yaon ay tuloy-tuloy na lumubha.” (Salin sa Pilipino)[5]

Ang “pagkasira” na ito na pinatutunayan ng kasaysayan na sa loob ng 400 taon ay tuloy-tuloy na lumubha ay ang pagpasok ng “mga maling doktrina”:

“...Ang tamang doktrina ay mahalaga. Ang maling doktrina ay sisira sa Iglesia. Ang Iglesia ay hindi mabubuhay sa pamamagitan ng maling doktrina. Kaya ang huling kalahati ng ikalawang siglo ay isang panahon ng katakut-takot na krisis para sa Iglesia.” (Salin sa Pilipino)[6]

Ang Iglesia sa loob ng tatlong siglo ay nagkaroon ng pagba-baka sa labas (external struggle) dulot ng matinding pag-uusig ng imperyo sa Iglesia. Kaalinsabay nito, nagkaroon din ng pagbabaka sa loob ng Iglesia (internal struggle), dulot naman ng pagbangon ng mga maling doktrina o ng pagbabago sa mga aral. Kaya, ito ay naging panahong ng katakut-takot na krisis para sa unang Iglesia.


Ang Katuparan ng Pagtalikod

Maging ang mga apostol ng Panginoong Jesus ay nagbabala sa magaganap na pagtalikod sa unang Iglesia at nagbigay ng ikakikilanlan sa katuparan ng pagtalikod:

“Nguni't hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling pana-hon ang iba'y magsisitalikod sa pananampalataya, at mangakikinig sa mga espiritung mapanghikayat at sa mga aral ng mga demonio,
“Na ipinagbabawal ang pagaasawa, at ipinaguutos na lumayo sa mga lamangkati, na nilalang ng Dios upang tanggapin na may pagpapasalamat ng mga nagsisisampalataya at nangakakaalam ng katotohanan.” (I Timoteo 4:1 at 3)

Maliwanag ang pahayag dito ni Apostol Pablo na “ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya.” Natalikod dahil sa pagsunod sa “aral ng mga demonio” na ipinagbabawal ang pag-aasawa at ipinag-uutos ang lumayo sa lamangkati o karne. Kaya hindi maikakaila kung sino ang kinatuparan ng pagtalikod dahil may mga “tanda” na makikita. Sa Iglesia Katolika natupad ang palatandaan ng pagtalikod. Bilang katibayan, ipinagbawal ng Iglesia Katolika kanilang mga pari ang mag-asawa (tinatawag din na “clerical celibacy”):

“Ang disiplina ng Iglesia (Katolika) ay ipinatupad buhat oa sa pasimula na ipinagbabawal sa mga pari ang mag-asawa pagkatapos ng kanilang ordenasyon.” (Salin sa Pilipino)[7]

Ang pagbabawal ng pagkain ng lamangkati o karne ay itinataguyod din sa Iglesia Katolika:

“Ano ang ipinag-uutos sa atin na gawin ng ikalawang kautusan ng Iglesia (Katolika)?
“Ipinag-uutos sa atin na mag-ayuno at lumayo sa lamangkati (karne) sa mga kinauukulang araw ng taon.” (Salin sa Pilipino)[8]
Ipinagpauna din ni Aostol Pablo kung sino ang magta-talikod sa mga unang alagad:

“Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan; At magsisilitaw sa mga kasamahan din ninyo ang mga taong mangagsasalita ng mga bagay na masasama, upang mangagdala ng mga alagad sa kanilang hulihan.” (Gawa 20:29-30)

Ibinabala ni Apostol Pablo na “magsisilitaw sa mga kasa-mahan din ninyo ang mga taong magsasalita ng mga bagay na masama” o “magsasalita ng kasinungalingan” (Gawa 20:30, MBB). Ang tinutukoy niya na “kasamahan” ng kaniyang mga kausap na sa kanila’y lilitaw ang magtuturo ng kasinungalingan ay ang mga obispo sa Iglesia:

“Ingatan ninyo ang inyong sarili, at ang buong kawan, na sa kanila'y ginawa kayo ng Espiritu Santo na mga obispo, upang pakanin ninyo ang iglesia ng Panginoon na binili niya ng kaniyang sariling dugo.” (Gawa 20:28)

Kaya, ayon kay Apostol Pablo, mula rin sa kanilang mga kasamahang obispo magmumula ang magtuturo ng kasinu-ngalingan o ang magtatalikod sa unang Iglesia. Magaganap ito sa “pag-alis” ng mga apostol na ang tinutukoy ni Apostol Pablo ay ang kanilang kamatayan (cf. I Timoteo 4:6-8). Ukol dito ay ganito naman ang patotoo sa atin ng kasaysayan:

“...Si Cipriano, sumusulat mula sa Africa, ay nagsabi na nagkaroon ng malaking pagtalikod sa pananampalataya, na pinangunahan ng mga obispo...” (Salin sa Pilipino)[9]

Maging si Apostol Pedro ay nagbabala ukol sa magaganap na pagtalikod sa unang Iglesia:

“Nguni't may nagsilitaw din naman sa bayan na mga bulaang propeta, na gaya naman sa inyo'y magkakaroon ng mga bulaang guro, na mangagpapasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hiduwang pananampalataya, na itatatuwa pati ang Panginoon na bumili sa kanila, na mangagtataglay sa kanilang sarili ng madaling pagkapahamak.” (II Pedro 2:1)

Ayon kay Apostol Pedro, mula rin sa kanila (sa mga unang alagad) magkakaroon ng mga bulaang guro na magsisipasok sa lihim ng mga makakapahamak na mga hidwang pananampalataya na itatatuwa pati ang Panginoon.

Ang isa sa katuparan ng binabanggit ni Apostol Pedro na pagtatatuwa sa Panginoon ay ang pag-alis sa pangalang “Cristo” sa pangalan ng Iglesia at pinalitan ng ibang pangalan na gawa lamang ng tao. Ukol sa pangalang “Iglesia Katolika” ay ganito ang pag-amin ng mga tagapagturong Katoliko:

“Ang katawagang Katoliko bilang isang pangalan ay hindi ikinapit sa Iglesia Katolika sa Biblia…Si San Ignacio ng Antioquia, sumulat sa mga Kristiano sa Smyrna nang mga taong 110, ang unang gumamit ng pangalang ‘Ang Iglesia Katolika…” (Salin sa Pilipino)[10]

Hindi lamang “unang gumamit” kundi inaamin din ng mga manunulat na Katoliko na ang pangalang “Iglesia Katolika” ay inimbento ni Ignacio naging obispo ng Antioquia:

“…sa unang pagkakataon, ay tinawag dito na “ang Iglesia Katolika”, isang pangalang malinaw na ginagamit upang tukuyin ang Iglesia [Katolika] sa buong mundo na may kaugnayan sa sede o diyosesis ng Roma. Sa layuning ipagdiinan ang pagka-kaisa ng Iglesiang pambuong sanlibutan kaya inimbento ni San Ignacio ang pangalang ito.” (Salin sa Pilipino)[11]

Kaagad, ang pangalang “Katolika” ay karaniwang ginamit mula pa noong a.d. 155:

“Ang pangalang Katolika ay kaagad karaniwang ginamit. Sa ‘Martyrdom of St. Polycarp’ na isinulat mga 155 A.D., binanggit ito ng tatlong ulit. Ito ang naging normal  na pangalan ng Iglesia sa literatura at palasak na gamit, bagama’t hindi ito isinama sa Kredo hanggang noong ika-anim na siglo.” (Salin sa Pilipino)[12]

Ang isa pang katuparan ng ipinagpauna ni Apostol Pedro na pagtatatuwa sa Panginoon ay ang pag-alis kay Cristo bilang ulo at batong kinatatayuan ng Iglesia. Sa panahon ni Tertuliano at Cipriano, itinurong si Pedro ang batong kinatatayuan ng Iglesia:

“Ang mga naunang ama (ng Iglesia katolika) ay  malimit na bumabanggit tungkol kay Pedro bilang ang bato. Isinulat ni Tertuliano na: ‘Si Pedro, na tinawag na bato, kung saan itatayo ang Iglesia…Si San Cipriano ay sumulat na: ‘Si Pedro, na siyang pinili ng Panginoon bilang pangunahin, at siyang Kaniyang pinagtayuan ng Kaniyang Iglesia.” (Salin sa Pilipino)[13]

Si Cristo ang “bato na kinatatayuan ng Iglesia” ayon mismo kay Apostol Pedro (cf. Gawa 4:10-11). Anupa’t ang ibinabalang “pagtatatuwa sa Panginoon” ay natupad.

Hindi nalingid maging sa mga nagsiyasat ng kasaysayan ang naging malaking pagbabago at pagkakaiba ng Iglesia Katolika kung ikukumpara sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo. Pinatutunayan ng kasaysayan na ang Iglesia Katolika ay naging isang ganap na ibang-ibang institusyon kaysa sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo:

“Ang Iglesia ng imperyo ng ikaapat at ikalimang siglo ay naging isang ganap na ibang-ibang institusyon mula sa pinag-uusig na Iglesia noong unang tatlong siglo. Sa hangarin nito na maghari ay nawala at nalimutan ang diwa ni Cristo.
“Ang pagsamba na noong una ay lubhang simple, ay nauwi sa magarbo, marangya, kahanga-hangang mga seremonya na nagtataglay ng lahat ng panlabas na karangyaan na taglay noon ng mga templong pagano.
“Ang mga ministro ay naging mga pari. Ang katawagang ‘pari’ ay hindi ikinapit sa mga ministrong Cristiano bago ang taong 200 AD. Ito ay hiniram mula sa mga pamamaraang Judio at mula sa mga halimbawa ng mga paring pagano. Pinagbawalan ni Leo I (440-61) na mag-asawa ang mga pari, at ang di pag-aasawa ng mga pari ay naging batas sa Iglesia Romana.” (Salin sa PIlipino)[14]

Samakatuwid, ang Iglesia Ni Cristo noong unang siglo ay natalikod sa pananampalataya at naging Iglesia Katolika, isang ganap na ibang-ibang institusyon. Dahil dito, hindi natin kinagisnan ang unang Iglesia Ni Cristo sapagkat ito’y natalikod, at ang kinagisnan ng marami ay ang Iglesia Katolika na siyang katuparan ng patalikod.


Ang Hula ng Panginoong Jesucristo
Ukol sa Kaniyang “Ibang mga Tupa”

Kung ipinagpauna ng Panginoong Jesus na may magaganap na pagtalikod sa unang Iglesia, ipinahayag naman Niya sa Juan 10:16 na Siya ay may “ibang mga tupa”:

“May iba pa akong mga tupang wala sa kulungang ito.  Kailangang dalhin ko rin sila.  Sila man ay makikinig sa aking tinig, at magkakaroon ng isang kawan at isang pastol.” (Juan 10:16 NPV)

Kaya, natalikod man ang unang Iglesia, ngunit ipinagpauna rin ng Panginoong Jesucristo na “May iba pa akong mga tupang wala sa kulungang ito.” Kung bakit sila tinawag na “ibang mga tupa” ay ipinaliwanag din sa Juan 10:16:

“At mayroon akong ibang mga tupa, NA HINDI SA KULUNGANG ITO: sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.” (Juan 10:16, amin ang pagbibigay-diin)

Ang binanggit na “kulungan” sa Juan 10:16 ay karaniwang isinalin sa Ingles na “fold” (cf. Jn. 10:16 KJV). Subalit, ang salitang “fold” ay katumbas din ng salitang “flock” (“kawan” sa Tagalog) kaya may salin ng Biblia na ang ginamit sa Juan 10:16 ay “flock” sa halip na “fold”:

“I have other sheep that are not in this flock, and I must bring them also. They will listen to my voice, and there will be one flock and one shepherd.” (New Century Version)

Ang banggit na “flock” (o kawan) ay tumutukoy sa Iglesia Ni Cristo:

“Take heed therefore to yourselves and to all the flock over which the Holy Spirit has appointed you as overseers to feed the church of Christ which He purchased with His blood.” (Acts 20:28 Lamsa)

Samakatuwid, ang tinutukoy ni Cristo sa Kaniyang pahayag na “kulungan ito” ay ang “Iglesia Ni Cristo” na natatag sa panahong narito pa Siya sa lupa, o sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo. Ang bumubuo o napaanib sa Iglesiang ito ay ang mga Judio at ang mga Gentil:

“Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil?” (Roma 9:24)

Kaya hindi maaaring ang mga “Gentil” na napa-anib sa  Iglesia Ni Cristo noong unang siglo ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “ibang mga tupa” sapagkat ang mga “Gentil” ay sa “kulungan ding ito” (sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo rin sila napa-anib). Ang ibang mga tipa ni Cristo ay hindi kabilang sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo kundi sa kawan sa hinaharap:

“I have other sheep too. They are not in this flock here. I must lead them also. They will listen to my voice. IN THE FUTURE THERE WILL BE ONE FLOCK and one shepherd.” (Juan 10:16 ERNT, amin ang pagbibigay-diin)

Sa Pilipino:

“Mayroon pa akong ibang mga tupa. Sila ay wala sa kawang narito. Kailangang pangunahan ko rin sila. Sila’y makikinig sa aking tinig. SA HINAHARAP AY MAGKAKAROON NG ISANG KAWAN at isang pastor.”

Kaya tinatawag sila ng Panginoong Jesus na Kaniyang “ibang mga tupa” sapagkat sila’y mga tupa rin ni Cristo, ngunit hindi sila kabilang sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo (“At mayroon akong ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito”), kundi tatawagin pa lamang sa hinaharap (“Kailangng pangunahan ko rin sila…Sa hinaharap ay mag-kakaroon ng isang kawan”). Samakatuwid, ang pahayag na ito ni Cristo sa Juan 10:16 ay ang Kaniyang pangako ukol sa muling pagbangon ng Iglesia Ni Cristo.


Ang “Ibang mga Tupa” ni Cristo ay
ang “Iglesia Ni Cristo sa Hinaharap”

Sapagkat ang “kawan” ay ang Iglesia Ni Cristo, kaya ang katumbas ng sinabi ng Panginoong Jesucristo na “In the future there will be one flock” ay “Sa hinaharap ay magkakaroon ng isang Iglesia Ni Cristo.” Samakatuwid, ang “ibang mga tupa” ni Cristo ay ang “Iglesia Ni Cristo sa hinaharap.”

Kaya, may naganap mang pagtalikod sa unang Iglesia, ngunit ipinagpauna ng Panginoong Jesucristo na mayroon Siyang “Iglesia Ni Cristo sa hinaharap.”

Maging ang mga apostol ay may paunang-pahayag din o hula patungkol sa Iglesia Ni Cristo sa hinaharap. Ang “ibang mga tupa” ni Cristo ay ang binabanggit ni Apostol Pedro sa Gawa 2:39 na “nangasa malayo” na tatawagin ng Panginoong Diyos:

“Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.” (Gawa 2:39)

Sa talatang ito ay binabanggit ni Apostol Pedro ang tatlong pulutong na bumubuo sa Iglesia Ni Cristo o sa Iglesiang itinayo ng Panginoong Jesucristo. Ang sabi niya:

(1) “Sa inyo”
(2) “Sa inyong mga anak”
(3) “Sa lahat ng nangasa malayo”

Pansinin ang pagkakatulad at pagkaka-ugnay ng pahayag na ni Apostol Pedro sa Gawa 2:39 sa pahayag ng Panginoong Jesus sa Juan 10:16. Ang “ibang mga tupa” ni Jesus ay “hindi sa kulungan o kawan” o sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo, at sila’y dadalhin pa lamang, at sa hinaharap ay magiging isang kawan o Iglesia Ni Cristo. Ang sabi naman ni Apostol Pedro, ang “nangasa malayo” ay tatawagin pa lamang. Ang tinutukoy din dito ni Apostol Pedro ay ang Iglesia Ni Cristo sa hinaharap. Samakatuwid, ang binabanggit ni Cristo na Kaniyang “ibang mga tupa” ay ang binabanggit ni Pedro na ikatlong pulutong ng Iglesia Ni Cristo, ang “nangasa malayo” na tatawagin pa lamang.

Ang unang pulutong ng Iglesia Ni Cristo ay ang mga Judio na natawag noon sa Iglesia. Sila ang binabanggit ni Apostol Pedro na “Sa inyo.” Sa Gawa 2:36 at 39 ay ganito ang pahayag ni Apostol Pedro:

“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel...Sapagka't sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nangasa malayo, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Dios sa kaniya.”

Ang binabanggit naman ni Apostol Pedro na “Sa inyong mga anak” o ang ikalawang pulutong ng Iglesiang itinayo ng Panginoong Jesucristo ay ang mga Gentil na napaanib sa Iglesia Ni Cristo noon ding unang siglo. Sila’y mga anak ng mga Judio sa Ebanghelyo. Pinatunayan ni Apostol Pablo (isang Judio) na ang mga Gentil ay ipinanganak niya sa pamamagitan ng Ebanghelyo:

“Sapagka't bagaman mangagkaroon kayo ng sampung libong mga guro kay Cristo, ay wala nga kayong maraming mga ama; sapagka't kay Cristo Jesus ipinanganak ko kayo sa pamamagitan ng evangelio.” (I Corinto 4:15)

Ang una at ikalawang pulutong na binabanggit ni Apostol Pedro ay ang mga Judio at mga Gentil na silang bumubuo noon sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo. Ang isa pang katibayan ay ang pahayag ni Apostol Pablo sa Roma 9:24:

“Maging sa atin na kaniya namang tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi naman mula sa mga Gentil?”
Hindi natin sila kinagisnan sapagkat si Aposto Pedro rin ang nagpapatotoo na mula rin sa kanila’y magkakaroon ng mga bulaang guro na mangagpapasok sa lihim ng mga nakapapahamak na mga hidwang pananampalataya o magkakaroon ng pagtalikod (cf. I Pedro 2:1). Subalit, magkagayunman, may ikatlong pulutong ng Iglesia Ni Cristo na “nangasa malayo” na tatawagin ng Diyos.


Ang Hinuhulaang “Nangasa Malayo”

Ang ikatlong pulutong na bumubuo sa Iglesia Ni Cristo o sa Iglesiang itinayo ni Cristo na sila rin ang tinutukoy ni Cristo na Kaniyang “ibang mga tupa” ay magmumula sa “malayong dako” at “malayong panahon”:

“For the promise is unto to you, and to your children and to all those in distant times and places even as many as the Lord our God shall call.” (Gawa 2:39 RIEU)

Sa Pilipino:

“Para sa inyo ang pangako, at sa inyong mga anak at sa lahat ng nasa mga malayong panahon at dako, maging ilan man ang tawagin ng Panginoon nating Diyos.”

Alin ang “distant place” o “malayong dako” na pagmu-mulan ng ibang mga tupa ni Cristo o ang ikatlong pulutong ng Iglesiang itinyo ni Cristo? Sa kaugnay na hula ay ganito ang sinasabi ng Biblia:

“From the far east will I bring your offspring, and from the far west I will gather you.” (Isaiah 43:5 Moffatt)

Ang “malayong dako” na tinutukoy na pagmumulan ng ibang mga tupa ni Cristo ay ang “far east” o “malayong silangan.” Ang tinutukoy naman na “malayong panahon” ay ang panahong “mga wakas ng lupa”:

“I will say to the north, 'Give them up!' And to the south, 'Do not keep them back!' Bring My sons from afar, And My daughters from the ends of the earth.” (Isaiah 43:6 NKJV)

Pinatutunayan sa paunang-pahayag o hula ni Propeta isaias na may mga anak ng Diyos na mula sa “malayong silangan” (“far east”), sa “mga wakas ng lupa” (“ends of the earth”). Sino ang mga anak ng Diyos na mula sa “malayong silangan,” sa “mga wakas ng lupa”? Sa Isaias 43:7 ay ganito ang sinasabi:

“Bawa't tinatawag sa aking pangalan, at yaong aking nilikha ay sa aking kaluwalhatian, yaong aking inanyuan oo, yaong aking ginawa.” (Isaias 43:7)

Ang mga anak ng Diyos na mula sa “malayong silangan” at sa “mga wakas ng lupa” ay tinatawag sa pangalan ng Diyos na Kaniyang inanyuan o ginawa. Ito ang pangalang “Cristo”:

“Pakatalastasin nga ng buong angkan ni Israel, na ginawa ng Dios na Panginoon at Cristo itong si Jesus na inyong ipinako sa krus.” (Gawa 2:36)

Tunay na ang mga alagad ni Cristo ay tinatawag sa Kaniyang pangalan:

“Hindi baga nilalapastangan nila yaong marangal na pangalan na sa inyo'y itinatawag?” (Santiago 2:7)

Tunay na napakahalaga ng pangalang ibinigay ng Diyos na itinatawag sa mga alagad ng Panginoong Jesus o sa tunay na Iglesia na Kaniyang itinayo sapagkat walang ibang pangalan na ibinigay ng Diyos na sukat nating ikaligtas:

“At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.” (Gawa 4:12)

Kung papaano itawag sa mga alagad ni Cristo ang pangalang ibinigay ng Diyos o ang pangalang Cristo ay ganito ang pahayag sa atin ng Biblia:

“Magbatian kayo ng banal na halik. Lahat ng iglesya ni Cristo ay bumabati sa inyo.” (Roma 16:16 NPV)

Kaya, natitiyak natin na ang Isaias 43:5-6 ay hula patungkol sa Iglesia Ni Cristo na mula sa “malayong silangan,” sa mga “wakas ng lupa.”

Pansinin na ang Juan 10:16 naman ay hula ng Panginoong Jesus sa Kaniyang ibang mga tupa na hindi kabilang sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo (“Mayroong akong ibang mga tupa na hindi sa kulungang ito”), kundi sila ang Iglesia Ni Cristo sa hinaharap (“Sa hinaharap ay magkakaroon ng isang kawan”).

Sa hula naman sa Gawa 2:39 ay binabanggit ang tatlong pulutong na bumubuo sa Iglesiang itinayo ni Cristo. Ang una at ikawalang pulutong ay ang mga Judio at mga Gentil na napaanib sa Iglesia Ni Cristo noong unang siglo. Ang ikatlong pulutong ay tatawagin pa lamang na ayon kay Apostol Pedro ay nasa malayong dako at panahon.

Kaya, natitiyak natin na ang Juan 10:16, Gawa 2:39 at Isaias 43:5-6 ay magkakaugnay na hula. Ang Juan 10:16, Gawa 2:39, at Isaias 43:5-6 ay mga hula patungkol sa “Iglesia Ni Cristo sa hinaharap.”

Samakatuwid, kung natalikod man ang Iglesia Ni Cristo noong unang siglo kaya hindi natin kinagisnan, at sa pagkatalikod ay naging ang Iglesia Katolika kaya ito ang kinagisnan ng nakararami, subalit ipinagpauna na ng Biblia na sa hinaharap ay muling babangon ang Iglesia Ni Cristo. Anupa’t muling itatayo ni Cristo ang Kaniyang Iglesia sa “malayong silangan” at sa “mga wakas ng lupa.” Ang sinasampalatayanan natin na katuparan nito ay ang pagbangon ng Iglesia Ni Cristo sa Pilipinas (“Malayong Silangan”) noong Hulyo 27, 1914 (“mga wakas ng lupa”).

[SOURCE: Condensed mula sa "Felix Y. Manalo: Ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw" Six Volumes na kumprehensibong tumatalakay sa talambuhay ni Kapatid na Felix Y. Manalo]


Susunod!
Ikalawang Bahagi:
Ang Pasimula at Pinagmulan ni Kapatid na Felix Y. Manalo,
ang Sugo ng Diyos sa mga Huling Araw



[1] “5. Did Jesus Christ establish a Church?
   “Yes, from all history, both secular and profane, as well as from the Bible considered as a human document, we learn that Jesus Christ established a Church, which from the earliest times has been called after Him the Christian Church or the Church of Christ.” (Cassily, Francis B., S.J. Religion: Doctrine and Practice for use in Catholic High Schools. 12th and revised edition. Imprimi Potest: Charles H. Cloud, S.J. Provincial of the Chicago Province. Imprimatur: George Cardinal Mundelein, Archbishop of Chicago. Chicago: Loyola university Press, 1934, p. 442-443.)
[2] “Tacitus recorded the rumor that Nero had ordered the fire that destroyed part of the city of Rome. This rumor was so widely accepted by the people that Nero had to find a scapegoat. He diverted feeling against himself to the Christians by accusing them of arson and by engaging in a saturnalia of destruction of the Christians.” (Christianity Through the Centuries, p. 91)
[3] “Persecution broke out again in 95 during the reign of the despotic Domitian. The Jews had refused to pay a poll tax that had been levied for the support of Capitolinus Jupiter. Because the Christians continued to be associated with the Jews, they also suffered the effects of the emperor’s wrath. It was during this persecution that the apostle John was exiled to the Isle of Patmos, where he wrote the Book of Revelation.” (Christianity Through the Centuries, p. 91)
[4] “In 235 Alexander Severus was succeeded by the emperor Maximin, who disliked the favour shown to Christians in the in the imperial household, and for a short period there was an unpleasant persecution which, unlike most of the earlier persecutions where the decisive factor was the attitude of the local governor, seems to have been inspired by the emperor’s personal decision.” (The Early Church, p. 110-111)
[5] “The Apostolic Age came to a close around the year 100. the apostles were followed by the Apostolic Fathers. From their writings we can see that the signs of deterioration were disturbing the Church. In the course of the next four hundred years that deterioration increased steadily.” (Kuiper, B.K. The Church in History. Grand rapids, Michigan: W.M.B. Eerdsman Publishing Co., 1964,  p. 44)
[6] “Right doctrine is important. The Church cannot live with false doctrine. So the last half of the second century was a time of tremendous crisis for the Church.” (Kuiper, p. 17)
[7] “The discipline of the Church has been exerted from the beginning in prohibiting Priests to marry after their ordination." (Gibbons, James Cardinal. The Faith of Our Fathers. New York: P.J. Kennedy and Sons, 1917, p. 328)
[8] “What does the second commandment of the Church order us to do?
     It orders us to fast and abstain from flesh meat on certain days of the year. (A Seminary Professor. Manual of Christian Doctrine: Comprising Dogma, Moral, and Worship. New York: Lassale Bureau, 1949, p. 317)
[9] “. . . Cyprian, writing from Africa, declare that there was a massive departure from the faith, led by the bishops. . .” (Johnson, Paul. A History of Christianity. Middlesex, England: Penguin Books Ltd., 1976, p.74)
[10] “The name Catholic as a name is not applied to the Catholic Church in the Bible…St. Ignatius of Antioch, writing to the Christians of Smyrna about the year 110, is the first to use the name ‘The Catholic Church’…” (Conway, Bertrand L. The Question Box. New York: The Paulist Press, 1929, p. 132.)
[11] “…for the first time, called ‘the Catholic Church’, a name clearly used to denote the Church throughout the world in union with the see or dioceseof Rome. It was to stress the unity of the universal Church that St. Ignatius invented the name.” (Taylor, Edward K. Roman Catholic. England: Incorporated Catholic Truth Society, London, 1961, p. 3)
[12] “The name Catholic was soon commonly used. In the Martyrdom of St. Polycarp, written about A.D. 155, it occurs three times. It became the normal name for the Church in literature and popular usage, although it was not included in the Creed until the sixth century.” (Taylor, p. 4)
[13] “The early fathers frequently speak of Peter as the rock. Tertullian writes: ‘Peter, who is called the rock, whereon the Church  was to be built…St. Cyprian writes: ‘Peter, whom the Lord chose as first, and upon whom He built His Church…” (Conway, p. 149)
[14] “The Imperial Church of the 4th and 5th centuries had become an entirely different institution from the persecuted church of the first three centuries. In its ambition to rule it lost and forget the spirit of Christ.”
     “Worsip at first very simple, was developed into elaborate, stately, imposing ceremonies having all the outward splendor that had belonged to heathen temples.
     “Minister became Priests. The term ‘priest’ was not applied to Christian ministers before A.D. 200.It was borrowed from the Jewish system, and from the example of heathen priesthood. Leo I (440-61) prohibited priests from marrying, and Celibacy of priest became a law of the Roman Church.” (Halley, pp. 760-761)

No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)