ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 23
NASA BLOG DAW NI “ANTONIO EBANGELISTA”
ANG MGA EBIDENSIYA NG KATIWALIAN
TOTOO KAYA?
TOTOO KAYA?
Ipinangangalandakan
ni Isaias Samson Jr. at ng mga kasamahan niyang “Fallen Angels” na ang mga
ebidensiya raw ng katiwalian at anomalya ng Sanggunian ay nasa blog ni “Antonio
Ebangelista.” Ang totoo ay nasagot na natin ang mga “paratang” at “kasinungalingan”
na inilathala sa blog ni “Antonio Ebangelista,” at isa ring katotohanan na HINDI
NASAGOT O NAKATUGON si “Antonio Ebangelista” sa ating mga SAGOT sa kaniya. Subalit,
hanggang ngayon ay ipinangangalandakan nina Jun Samson at mga kasama niya na “may
ebidensiya” raw sa blog ni “Antonio Ebangelista” ukol sa katiwalian at anomalya
na nagaganap daw ngayon sa Iglesia. Kaya, alang-alang sa mambabasa (kapatid at
hindi kapatid) ay muli nating ipakita ang ating TUGON o SAGOT sa mga “alegasyon”
at diumano’y mga ebidensiya ni “Antonio Ebangelista” upang HINDI SILA MAKADAYA.
#01
ANG
PANDARAYA
NI ANTONIO EBANGELISTA
SA PAHAYAG NI KAPATID NA
ERANO G. MANALO
SA artikulo ni Antonio Ebangelista
na inilathala sa kaniyang blog noong Mayo 27, 2015 na nasa wikang Hapones
(Japanese), ay inilakip niya ang “ipinahayag” ni Kapatid na Eraño G. Manalo sa
pagsamba na kaniyang pinangasiwaan sa Lokal ng Malabon noong 1985 na
pinamagatan niyang “ANG BILIN NG SUGO, Kapatid na FELIX Y. MANALO sa Kapatid na
ERAÑO G. MANALO UKOL SA PANANALAPI.” Inilakip niya ang “sipi” (quote) ng sinabi
ni Ka Erdy ngunit sa Japanese translation na at may kalakip na English translation.
Narito ang printscreen:
Ang tekstong ito ni Kapatid na
Eraño G. Manalo ay orihinal na nasa wikang Tagalog. Sa diumano’y English
translation ng “pahayag” ng Ka Erdy ay ganito ang inilathala ni Antonio
Ebangelista sa kaniyang blog:
It is already
sufficient the offering you give evry Thursday and Sunday…
Your Thanksgiving
offering and your special offering…
You did not hear
any circular saying, “brethren, give offering for the Central Temple being
built…
“And most
especially we DID NOT PAWN OR SELL ANY PROPERTIES, THE LANDS OF THE CHURCH…NO!!..”
[Antonio Ebangelista, “ANG BILIN NG SUGO, Kapatid na FELIX Y. MANALO sa
Kapatid na ERAÑO G. MANALO UKOL SA PANANALAPI.” 27 May 2015, emphasis by Antonio EbanghelIsta]
Dito po ay mahahayag ang
malaking PANDARAYA ni Antonio Ebangelista. Ang sabi raw sa English ng pahayag ni
Ka Erdy ayon sa inilathala ni Antonio Ebangelista sa kaniyang blog ay: “we DID NOT PAWN OR SELL ANY PROPERTIES, THE LANDS OF THE
CHURCH…NO!!”
Napansin po ba ninyo ang
salitang “SELL”? Ano po ba sa Tagalog ang salitang “sell”? Alam po namin na
lahat kayo ang sagot ay “NAGBILI” o “NAGBENTA.” MAYROON PO BANG SINABI SI KA
ERDY SA KANIYANG PAHAYAG NA SINIPI NI ANTONIO EBANGELISTA NA “NAGBILI” O
“NAGBENTA”? narito po ang transcript ng “pahayag” sa teksto ni Ka Erdy na
sinipi ni Antonio Ebangelista:
“Ang
kabilin-bilinan sa akin ng sugo noong nabubuhay pa, ang sabi niya sa akin ‘pakatandaan
mo, huwag na huwag kang mangungutang. At lalo na ang Iglesia, huwag na huwag
mangungutang. Sa sandali na pasukin ang sinoman ng pangungutang, ay buwisit na
ang kanyang buhay.’ Tinandaan ko ‘yun. Kaya pagka mayroon hong ipagagawa ang
Iglesia, tinitingnan muna namin ang kabang yaman, tinatanong ko muna ang mga
may hawak ng pananalapi, kaya ba ng Iglesia? Nung ipagawa ang Templo wala
kayong narinig,wala kaming isinerkular, “mga kapatid, umabuloy kayo para doon
sa ginagawang templo”, hindi po. Sapat na ‘yung dati ninyong abuluyan, Huwebes
at Linggo, yang inyong pasalamat at inyong tanging handugan. Hindi kami humingi
ng karagdagan sapagkat hindi namin sinimulan ang bagay na yun nang hindi sapat
ang pananalapi ng Iglesia. At ngayon isang malaking Unibersidad ang itinatayo
na ang halaga ay ‘sing halaga rin ng Templo, wala kayong kaalam-alam, wala
kayong kamalay-malay, hindi namin kayo ginambala, at LALO NAMANG HINDI NAMIN
ISINANLA ANG MGA PROPRIEDAD, MGA LUPA NG IGLESIA, PARA ANG IGLESIA AY MAGKAROON
NG SALAPI NA ITUTUSTOS SA LAHAT NG KANYANG PANGANGAILANGAN. HINDI. Sapagkat
bwisit ‘yang utang. Hindi ko naman sinasabi na bwisit ang lahat ng utang
sapagkat mayroong iba, dahil talaga sa matinding kagipitan. Pero kayo na
mag-isip ng sinasabi ko. Kung ‘yan ay ginagawa ng iba, pakay sa kanilang
pagsasamantala, magagalit po ang Dios.” [Emphasis
mine]
Ang talagang sinabi ni Kapatid
na Eraño G. Manalo ay “at lalo namang HINDI NAMIN ISINANLA ANG MGA PROPRIEDAD,
mga lupa ng iglesia, para ang iglesia ay magkaroon ng salapi na itutustos sa
lahat ng kanyang pangangailangan. hindi.” Ano sa Ingles ang "sangla"?
“sangla. pledge, bond, mortgage, to pawn”
[http://tagaloglang.com/Tagalog-English-Dictionary/English-Translation-of-Tagalog-Word/sangla]
Mapapansin na sa aktuwal na sinabi ni Ka Erdy ay wala po ang salitang “nagbenta”
o “nagbili” (na ang katumbas sa Ingles ay “sell”). Wala pong katumbas na “sell”
sa aktuwal na sinabi ni Kapatid na Eraño G. Manalo. Kaya ang paglalagay ni
Antonio Ebangelista sa English translation ng “sell” AY ISANG MALIWANAG NA
PANDARAYA.
SA MGA "FALLEN ANGELS,"
IYAN BA ANG SINASABI NINYONG "EBIDENSIYA"
SA BLOG NI "ANTONIO EBANGELISTA"?
PANDARAYA IYAN,
HINDI EBIDENSIYA!
Na download ko po ang Video na ito. at malinaw na malinaw ang pahayag ng Ka Erdy. hay naku. desperate moves na si satanas.lahat na lang ng paraan gagawin para makapangdaya. tsk2.
ReplyDeleteSalamat at may mga ganitong blog na sumasagot sa mga tuligsa sa Iglesia. Lalo pong tumitibay ang aking Pananampalataya at naliliwanagan sa mga binabatikos sa atin. Huwag kayong magsawang sumagot sa mga walang magawang tao kundi sirain ang kaisahan natin sa Iglesia
ReplyDelete