24 September 2015

Hindi mapanindiganan ng mga "Fallen Angels" ang kanilang mga paratang


ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen Angels
part 30

HAMON SA MGA NAPAPANIWALA
NG MGA FALLEN ANGELS
Ikalawang Hamon

“Kung maninindigan pa rin kayo na ang mga “Fallen Angels” ay nagsisiwalat pa rin ng totoo ukol sa katiwalian daw sa Iglesia, maaari bang maipaliwanag ninyo kung bakit 30 na ang mga artikulo namin na sagot sa kanilang akusasyon ay wala pa silang napabulaanan, ni ‘inimikan’ kahit isa?”



KUNG ang isang tao ay naniniwala na ang sinasabi niya o isinisiwalat niya ay katotohanan tiyak na ito’y kaniyang paninindiganan. May mga tao pa nga na handang makipagdiskusyon o makipagdebate, at nakahanda pa nga siyang itaya kahit ang kaniyang buhay, sapagkat naniniwala siyang lubos na totoo ang kaniyang sinasabi.

Kabaligtaran ang taong “naninira” lamang at alam niyang “tsismis” o “gawa-gawa” lang ang kaniyang sinasabi o diumano’y isinisiwalat. Kapag ang ganitong tao’y kinumpronta ay agad na “magtuturo” sa iba o kaya’y “bahag ang buntot” na aalis o tatahimik na lamang dahil nga alam niyang hindi niya kayang patunayan o panindiganan ang kaniyang sinasabi. Ang totoo, yon pa lang na “takot” na magpakilala kundi “nagtatago” sa ibang pangalan o kung baga sa facebook ay gumagamit ng “dummy account” (bagamat hayag na naman sa lahat kung sino siya subalit hindi pa rin niya magawang “gamitin” ang kaniyang tunay na pangalan) ay tunay na mapag-aalinlanganan na ang kaniyang layunin ay magsiwalat ng totoo, bagkus higit pa ngang masasabi na ang kaniyang tunay na layunin ay manira lamang.

Isa pang dapat nating isa-alang-alang ay ang katotohanan na KUNG HINDI MAPANININDIGANAN O MAPATUTUNAYAN AY HINDI NAGSASABI NG KATOTOHANAN.

Ang layunin natin sa paglalathala ng serye na “Answering Fallen Angels” ay ang magbigay ng “punto-por-punto” na sagot sa mga ipinaparatang at ibinabato ng mga kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia. Sa ngayon, kasama ang artikulong ito, ay nakapaglathala na tayo ng tatlumpung (30) mga artikulo na bawat isa ay sinasagot ang mga ibinabato ng mga “Fallen Angels” o ang mga kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia. Subalit, WALA KAHIT ISA SILANG NAPABULAANAN sa ating mga artikulong ito (tiyak pati na ang artikulong ito mismo). Ang kapansin-pansin pa, bawat sinasagot natin sa artikulong ito ay hindi na muling binabanggit o ginagamit ng mga “Fallen Angels” (o iwas na silang banggitin ang mga ito). Mapapansin natin ngayon na “pabawas ng pabawas” ang mga “alegasyon” o “paratang” na ibinabato ng mga Kumakalaban sa Pamamahala, at ang “ibinabato” na lamang nila sa kasalukuyan ay maituturing na lamang natin sa “pagbabatikos” lamang sa mga kasalukuyang gawain ng Iglesia, sa mga ministro at maging sa mga kapatid, anupa’t hindi “ebidensiya” ng inangkin nilang “katiwalian.”

Sa liwanag ng katotohanang wala kahit isang napabulaanan (wala nga silang tinugon) sa 30 artikulo natin na nailathala na “punto-por-punto” na sumasagot sa kanilang mga “paninira” at “paratang” – ito ngayon ang hamon natin sa mga napapaniwala ng mga “Fallen Angels” o sa mga kumakalaban sa Pamamahala:

“Kung maninindigan pa rin kayo na ang mga “Fallen Angels” ay nagsisiwalat pa rin ng totoo ukol sa katiwalian daw sa Iglesia, maaari bang maipaliwanag ninyo kung bakit 30 na ang mga artikulo namin na sagot sa kanilang akusasyon ay wala pa silang napabulaanan, ni ‘inimikan’ kahit isa?”

Huwag po kayong mag-alala, hindi pa po tayo natatapos ng pagsagot sa kanilang mga paratang at paninira, kundi ito po ay simula pa lamang. May mahigit pa tayong 50 artikulo na nakahanda (at tiyak na ito’y madadagdagan) na patuloy na nagsisiwalat sa kanilang mga kasinungalingan at katiwalian, at sumasagot sa kanilang mga “paninira at pagpaparatang.”

Narito po ang LINK ng COMPLETE LIST ng tatlumpung (30) na hindi tinutugon o iniimikan ng mga “Fallen Angels” o ng mga kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia:


KUNG TOTOO ANG INYONG MGA IPINAPARATANG LABAN SA PAMAMAHALA NG IGLESIA, BAKIT HINDI NINYO MAPANINDIGANAN ANG INYONG MGA SINASABI?


No comments:

Post a Comment

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)