ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Fallen
Angels
part 29
SAGOT SA
KANILANG MGA PAGBATIKOS
SA
PHILIPPINE ARENA
Ika-apat na
Bahagi
ANG PHILIPPINE ARENA
AY HINDI ISANG TEMPLO
O GUSALING SAMBAHAN
KUNDI ISANG MULTI-PURPOSE
BUILDING
ANG pinaka-pinagtutuunan
natin ng pansin ay ang pagtatayo ng gusaling sambahan, subalit hindi masama na
magtayo rin ng iba pang mga gusali kailanma’t ito ay para sa pangangailangan at
kapakanan ng Iglesia. Ang nagdaang namamahala man, ang kapatid na Erano G.
Manalo ay nagpatayo ng mga gusaling hindi naman gusaling sambahan tulad ng
Pavillion, Tabernakulo, New Era University at New Era General Hospital.
Wala ring katotohanan ang
inaangkin ng mga “Fallen Angels” na naubos na raw ang pondo sa pagpapatayo ng
kapilya sa pagpapatayo ng Philippine Arena. May bukod na pondo para sa
pagtatayo ng Philippine Arena at hindi kailanman naagaw nito ang pondo sa
pagtatayo ng kapilya. Katunayan ay habang itinatayo ang Philippine Arena ay 873
kapilya ang naitayo sa Pilipinas at iba’t ibang panig ng mundo.
Ang Philippine Arena ay
ipinatayo ni Kapatid na Eduardo V. Manalo dahil sa lubhang nangangailangan ang
Iglesia ng higit na malaking dako para maisagawang maayos ang malalaking
aktibidad ng Iglesia tulad nga ng pagdiriwang ng Sentenaryo, Closing
Celebration ng Sentenaryo, at ng Dakilang Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos.
Ang tunay na dahilan kaya
galit na galit ang mga “Fallen Angels” sa pagtatayo ng Philippine Arena ay
sapagkat ang “pondo” para sa kanilang binabalak na pagtatayo ng isang commercial
telecommunication network ay dito inilaan ng Pamamahala ng Iglesia sa pagtatayo
ng Philippine Arena dahil natanaw nila na ito ang higit na kailangan at
pakikinabangan ngayon ng Iglesia.
Sagutin natin ang iba pang mga
“batikos” na ibinabato ng mga “Fallen Angels” ukol sa pagpapatayo ng Pamamahala
sa Philippine Arena.
(1) Mali raw na ang Philippine Arena ay pinagdadausan ng pagsamba at
pinagdadausan din ng “mga gawain ng sanlibutan” (tulad ng mga concerts at iba
pa) o mga “events” na walang kinalaman sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos.
SAGOT:
Ang TUNAY NA MALI ay ang
pagsasabing “mali ang pagdausan ng pagsamba sa Diyos ang dako na pinagdadausan
din ng gawain na walang kinalaman sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos.”
Tandaan na ang Tanging
Pagsamba para sa pagdiriwang ng Ika-50 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo noong
1964 na pinangasiwaan ni Kapatid na Erano G. Manalo ay idinaos sa Araneta
Coliseum (na pinagdadausan din ng mga concerts, basketball games, at iba pang
walang kinalaman sa pagsamba at paglilingkod sa Diyos). Ang Tanging Pagsamba
para sa pagdiriwang ng ika-95 anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo ay idinaos sa
mahigit na sampung dako na pawang hindi gusaling sambahan at pinagdadausan din ng
mga “event” na walang kinalaman sa pagsamba sa Diyos (kasama rito ang Araneta
Coliseum at Rizal Sports Stadium).
KAYA, KUNG MALI NA MAGDAOS NG
PAGSAMBA SA PINAGDADAUSAN NG MGA CONCERTS AT IBA PANG MGA AKTIBIDAD NA WALANG
KINALAMAN SA PAGLILINGKOD SA DIYOS, DI BA’T LALABAS NA ANG MGA PAGTITIPON SA
PAGDIRIWANG NG IKA-50 TAONG ANIBESARYO AT IKA-95 NA ANIBERSARYO NA ISINAGAWA SA
ARANETA COLLISEUM NA KAPUWA SA PANAHON NG KA ERDY AY “MALI” RIN?
Lalo na kung ang pag-uusapan
ay ang mga pamamahayag ng mga salita ng Diyos. Sa maraming pagkakataon mula pa
sa panahon ni Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo ay
nagsasagawa tayo ng mga pamamahayag sa mga malalaking dako na hindi gusaling sambahan
at pinagdadausan din na sa termino nga ng mga kumakalaban sa Pamamahala ngayon
ay “mga gawaing pansanlibutan” tulad sa Luneta Grandstand, Quezon Memorial
Circle, Cuneta Astrodome, at iba pa.
Kailanman ay walang naging
pagtuturo ang Kapatid na Felix Y. Manalo at Kapatid na Erano G. Manalo na hindi
maaaring isagawa ang mga pagtitipon, pamamahayag at iba pang mga aktibidad ng
Iglesia sa “hindi kapilya” o “hindi gusaling sambahan.” Pinahihintulutan ito
kailanma’t kailangan ang malaking dako at maisasagawa naman ng may kaayusan.
(2) Mali raw na ang Philippine Arena ay pagdausan din ng mga “events” tulad
ng concerts, PBA games at iba pa na walang kinalaman sa pagsamba at
paglilingkod sa Diyos.
SAGOT:
ALAM NG LAHAT NA ANG
PHILIPPINE ARENA AY HINDI ISANG GUSALING SAMBAHAN O HINDI ISANG KAPILYA. Ang
Philippine Arena ay isang multi-purpose theater, kaya nga largest domed arena
at largest multi-purpose theater. Ang Philippine Arena ay hindi TEMPLO kundi
isang MULTI-PURPOSE BUILDING na tulad ng Araneta Colliseum, Cuneta Astrodome at
SM Mall of Asia Arena.
HINDI KAILANMAN INIHANDOG SA
DIYOS ANG PHILIPPINE ARENA BILANG GUSALING SAMBAHAN, KUNDI PINASINAYAAN
(“INAUGURATED”) BILANG ISANG MULTI-PURPOSE BUILDING. Gaya nga ng binanggit sa
kaniyang “inauguration,” ang Philippine Arena ay hindi lamang para sa mga aktibidad
ng Iglesia, kundi isang “kontribusyon” na rin ng Iglesia Ni Cristo para sa
kapakanan at karangalan ng buong bansa.
(3) Pag-iba raw sa patakaran ng Iglesia ang pagtatayo ng Philippine Arena
na isang multi-purpose building at hindi isang kapilya.
SAGOT:
Gaya ng atin nang nabanggit sa
naunang artikulo, ang patakaran ng Iglesia ay ang pagtatayo ng mga kapilya ang
pinakapangunahing pinagtutuunan ng pansin, subalit nagtatayo rin tayo ng mga
gusali (na hindi gusaling sambahan) para sa pangangailangan at kapakinabangan
ng Iglesia. Nakita natin na ganito ang patakaran ni Kapatid na Erano G. Manalo.
Nagpatayo rin sa panahon ng pamamahala niya sa Iglesia ng mga gusali na hindi
gusaling sambahan tulad ng Pavillion, Tabernakulo, New Era University at New Era General
Hospital.
Noong “ribbon cutting” ng mga
ito ay ang mga “Fallen Angels” pa ang nasa unahan at pangunahing pumapalakpak.
Kung talagang “kapakanan” ng Iglesia ang habol nila at kung totoong mali ang
pagtatayo ng mga hindi gusaling sambahan, dapat ay noon pang panahon ni Ka Erdy
sila “nagsisisigaw ng pagtutol.” Dito ay makikitang “iba” talaga ang dahilan ng
kanilang pagtutol at galit sa pagtatayo ng Philippine Arena.
(4) Bakit ba kailangan nating magtayo ng isang multi-purpose building tulad
ng Philippine Arena?
SAGOT:
Noon pa man sa panahon ni
Kapatid na Erano G. Manalo ay isa ng hayag na “panukala” ang makapagpatayo ng
isang “malaking dako” kung saan maisasagawa ang mga malalaking aktibidad ng
Iglesia lalo na’t ang Iglesia ay mabilis na lumalaki at lumalago. Ang pagnanasang
ito na makapagpatayo ng “malaking dako” ay nagsimula noon pang ipagdiwang natin
ang ika-75 na anibersaryo ng Iglesia Ni Cristo. Noon pa man ay nakita nang “sumisikip”
na ang Pavillion sa Central para sa malalaking aktibidad ng Iglesia. Pagkatapos
ay sunod-sunod na idinaos ang malalaking pagtitipon ng Iglesia tulad ng “Araw
ng Katapatan” noong 1993, at pagdiriwang ng ika-80 taong anibersaryo ng Iglesia
noong 1994. Lalong nakita ang pangangailangan ng isang “malaking dako” na
pagdadausan ng malalaking aktibidad ng Iglesia noong ika-95 anibersaryo ng
Iglesia na bagamat isinagawa sa iba’t ibang dako tulad ng Rizal Stadium,
Araneta Colliseum at sa mahigit pang 10 dako sa buong Pilipinas ay nakitang “maliliit”
na rin ang mga dakong ito upang magkasiya ang milyon-milyong mga kapatid. Ang
totoo, kahit pa ang Luneta Grandstand ay “maliit” na rin para sa mabilis na
lumalaking Iglesia. Dahil sa kalagayang ito at sa nalalapit na pagdiriwang ng
Sentenaryo ng Iglesia na isang malaking pagdiriwang, kaya noong 2011 ay
sinimulan ang pagtatayo ng Philippine Arena.
Sa nakaraang pagdiriwang ng
Iglesia ng Sentenaryo at Closing Centennial Celebration ay LUBOS NA NAPATUNAYAN
na talagang kailangan natin ang “isang malaking dako” na pagdadausan ng mga
malalaking aktibidad ng Iglesia, kaya pinatutunayan lamang nito na TAMA ang
pasiya ng kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan, ang Kapatid na Eduardo V.
Manalo.
Ang isa pa sa dahilan ng
pagtatayo ng Philippine Arena ay ang pagbibigay karangalan sa bansa at ang
makatulong sa ating bansa. Naalala ba ninyo noong pumunta ng Japan si Manny
Pacquiao para sa “bid” ng bansa na dito isagawa ang isang international
basketball competition, hindi ba’t ang isa sa mga ibinigay na “dahilan” kung
bakit dito dapat isagawa ang naturang kumpetisyon ay ang Philippine Arena.
(5) Bakit kasi kailangang pagdausan ng ibang mga “event” ang Philippine
Arena? Hindi kaya nahuhulog na tayo sa “pagnenegosyo” dahil rito?
SAGOT:
Ang pagpayag na “paggamit” ng
iba sa Philippine Arena tulad sa PBA game, concerts, car shows at iba pa ay “isang
paraan” upang makatulong sa gugulin ng maintenance ng Philippine Arena.
Maitutulad lamang natin ito sa ginawang “paraan” nang una ni Kapatid na Felix
Y. Manalo sapagkat hindi pa kakayaning lubos ng Iglesia na balikatin ang
pagpapalimbag ng babasahing PASUGO noong 1939 sapagkat maliit pa noon ang
Iglesia. Nagkaroon noon ng “mga patalastas” sa babasahing PASUGO upang
makatulong sa gugulin sa patuloy na paglilimbag ng babasahing ito. Subalit,
itinuring ba ito na “pagnenegosyo”? HINDI, sapagkat ang “layunin” nito ay hindi
“for profit” kundi ang makatulong lamang sa gugulin ng paglilimbag ng
babasahing PASUGO. Kaya, nga sa panahong “may kakayahan” na ang Iglesia ay
inalis na ang “mga patalastas” na ito.
Ang “pagpapagamit” sa iba ng
Philippine Arena ay nakakatulad lamang ng ginawang “paraan” nang una para
makatulong sa gugulin ng pagpapalimbag sa babasahing PASUGO. Kung papaanong ang
ginawang paraang ito nang una para makatulong sa gugulin ng pagpapalimbag sa
babasahing PASUGO ay hindi pagnenegosyo, ganon din ang “pagpapagamit” ng
Philippine Arena sa “iba” ay HINDI RIN PAGNENEGOSYO sapagkat hindi naman ito “for
prrofit” kundi ito ay para makatulong sa ikababawas ng malaking gugulin sa
maintenance ng Philippine Arena.
(6) Bakit may mga “aktibidad” sa Philippine Arena na kailangan pang “may
gugol”? Pagnenegosyo na ba ito?
SAGOT:
Pansinin
natin na bagamat may kakayahan na ang Iglesia sa pagpapalimbag ng babasahing
PASUGO ay hindi pa rin inalis ang paggugol ng mga kapatid ng “isang halaga”
para rito, subalit, hindi sumisigaw ang mga “Fallen Angels” na ito’y
pagnenegosyo na! Hindi ito pagnenegosyo sapagkat alam naman natin na ang “gugol”
na ito ay gaya nga ng sinabi ng Pamamahala ay (a) sa pamamagitan nito’y
mapahalagahan ang babasahing ito, (b) “maliit” lang talaga ang halaga kung
itutumbas sa talagang “halaga” ng ginugol sa babasahin sa pagpapalimbag dito, at
(c) at ang halagang ito sa paggugol sa babasahing PASUGO ay hindi naman “for profit”
kundi napupunta rin sa pagbawas ng “gugol” sa pagpapalimbag ng babasahing ito.
Kung may “gugol”
man sa “ibang event” sa Philippine Arena ay HINDI ITO PAGNENEGOSYO sapagkat alam
na alam natin na ito ay napupunta para makabawas sa malaking gugol ng “maintenance”
ng Philippine Arena.
Ang isa pang
maihahalintulad natin ito ay ang “gugol” sa pagpasok sa INC Museum. Bakit ito
ay hindi tinututulan ng mga “Fallen Angels” at hindi nila isinisigaw na
pagnenegosyo? Alam kasi nilang ito ay hindi pagnenegosyo kundi para makatulong sa
gugulin sa maintenance ng Museum.
Ang totoo ay hindi naman ito
tinutulan ng mga tunay na kapatid, kundi ang mga “tisod” lamang ang pumupuna
rito, sapagkat alam ng mga tunay na kapatid na tulad ng “gugol” sa PASUGO, ang “gugol”
sa ibang “mga event” sa Philippine Arena ay BAHAGI NILA para makatulong sa
maintenance ng Philippine Arena.
(7) Bakit may pagkakataon na naglalagay ng “tindahan” at iba pa sa
Philippine Arena? Hindi ba’t tinutulan ng Panginoong Jesus ang mga nagtitinda
noon sa Templo?
SAGOT:
Tunay na masama at hindi
marapat na magkaroon ng “mga tindahan” sa loob ng compound ng Templo o kapilya,
subalit tulad ng atin nang natalakay, HINDI TEMPLO ANG PHILIPPINE ARENA KUNDI
MULTI-PURPOSE BUILDING. Sentido kumon lang at madali namang maunawaan ang bagay
na ito.
(8) Bakit isinagawa rito sa Philippine Arena ang pag-showing ng laban ni
Pacquiao, hindi ba “sugal” ito?
SAGOT:
Sintido kumon din po ito. Ang “boxing”
perse ay hindi sugal kundi “sports.” Ang “pustahan” (“betting”) na ginagawa ng
iba rito ang “sugal.” Kaya, ang pag-showing ng laban ni Pacquiao sa Philippine
Arena ay tulad lamang ng PBA opening game na isinagawa rin dito. Walang “betting”
na naganap sa Philippine Arena, kaya walang “sugal” o pagkunsinte sa sugal na
naganap dito kundi ang pag-showing ng isang “boxing game,” ng isang sports.
Kung ang pag-showing ng laban ni Pacquiao ay isa nang sugal o pagkunsinte sa
sugal, lalabas na ang mga bahay at pati
na ang ginagawa ng mga Local Government Unit na pag-showing ng laban ni
Pacquiao ay nagkakasala ng “pagsusugal”? Pero, ang mga “Fallen Angels” lang
naman ang “sumisigaw” ng ganito, ngunit lahat ng tao na may matinong pag-iisip
ay hindi kailanman magsasabing ang pag-showing ng ganitong “boxing game” ay
nakiki-isa na sa sugal, sapagkat gaya nga ng ating sinabi, ang “boxing” perse
ay hindi sugal kundi “sports.”
KONKLUSYON
Samakatuwid, walang naging
mali at walang naging labag sa pagtatayo ng Philippine Arena at sa mga
aktibidad na isinasagawa rito. Ang mali ay ang pagbibigay ng “malisya” sa mga
aktibidad na ginagawa rito sa Philippine Arena at ang ikumpara siya sa “Templo”
samantalang hindi naman isang “Templo” ang Philippine Arena, kundi isang multi-purpose
building. LUMALABAS AY NAGHAHANAP LANG SILA NG MAIBUBUTAS PARA MAKAPANIRA KAYA
LAHAT NA LAMANG MULA SA PAGTATAYO NG PHILIPPINE ARENA HANGGANG SA MGA AKTIBIDAD
NA ISINASAGAWA RITO AY PAWANG KANILANG BINABATIKOS AT SINISIRAAN.
Kahit na ilang beses magpapa concert sa Philippine Arena, kahit na aabutin pa ng higit sampong taon sa pagpapa concert, ang kikitain sa mga event na ito ay hindi pa makabawi sa ginastos ng pagpapatayo sa gusali . . . kaya hindi maaring sabihing for profit ang gusaling ito
ReplyDeleteAno kyang kaalaman meron n sila ngayon? the word ARENA ay ang layo s word na KAPILYA!!!! WALA rin nmang nkalagay dun n LOKAL NG PHILIPPINE ARENA??? tlagang nadimlan n ng husto ang knilang mga puso..
ReplyDeleteWala ng ibang maisip na paraan ang fallen angels para siraan ang INC..hahaha.Puro patawa na lang hahaha.Bagay kayo sa sitcom..pang comedy ang atake nio.hahaha
ReplyDeleteFallen angels..magbago na kayo habang may buhay pa kayo.Sayang ang nasimulan nio.
ReplyDeleteSana lang matuto silang tumanggap at magpapakumbaba sa kanilang pagkakamali..
ReplyDelete