18 September 2015

Ang Maruming Taktika ng Fallen Angels ay Hindi Gawaing Cristiano kundi ng Masamang Tao



ANSWERING “FALLEN ANGELS”
Punto-por-Punto na Pagsagot sa mga Kumakalaban sa Pamamahala
part 25


NAPAKARUMI TALAGA NG TAKTIKA NG MGA “FALLEN ANGELS” NA NAGPAPAKITANG HINDI SILA CRISTIANO, NI MABUTING TAO, AT TAHASAN PA SILANG SUMASALUNGAT SA PAGTUTURO NG SUGO



KUNG ang mga Amerikano ay may popular na kasabihan na “If you can’t beat them, join them,” ang mga “Fallen Angels” naman ay may maruming taktika na “If you will not join us, we will beat you.” Ito ang napakaruming taktika na kitang-kita nating kanilang ginagawa sa mga kahabag-habag na mga kapatid, at ang iba pa’y mga ministro at manggagawa gaya ni Ka Mark Vasquez at Ka Arnel Tumanan.


GUMAGAWA NG “BASHING” AT “SHAME CAMPAIGN”
SA MGA KAPATID NA HINDI SUMASANG-AYON AT
NAGPAPABULAAN PA SA KANILANG SINASABI

Hindi maaalis na may mga kapatid na “hindi makatiis” na mag-comment sa sinasabi ng mga “Fallen Angels” laban sa Pamamahala at sa Iglesia Ni Cristo sa kabuuan sapagkat sila mismo ang buhay na saksi na ang kanilang sinasabi ay walang katotoohanan o pawang kasinungalingan lamang. Dahil sa sila’y mga “totoong tao” at tunay na kapatid, walang ugaling mandaya at manggulo lamang, nagagawa nila ito na gamit ang kanilang tunay na “account.” Sasamantalahin naman ito ng mga “Fallen Angels” at ng kanilang mga alipores. Hindi nasisiyasahan ang mga “Fallen Angels” sa pag-block sa mga account ng ganitong mga kapatid, kundi kanilang gagawan pa ng “atake personal” na ipo-post ang kanilang larawan at pagkatapos ay magko-comment sila ng kung anu-ano, hahalungkatin hanggat maaari ang buong pagkatao, at gagawan ng “shame campaign.” ITO AY ISANG URI NG “CYBER BULLYING.” Ginagawa nila ito para gumawa ng “pananakot” sa mga tunay na kapatid na huwag silang tutulan at pabubulaanan sa kanilang mga sinasabing kasinungalingan at  paninira, kundi kanilang “ipapahiya” ng husto. LAHAT NG MAY MATINONG PAG-IISIP AY SASANG-AYON NA ITO’Y ISANG TUNAY NA MARUMING GAWA AT HINDI MAKA-CRISTIANO. Ang kanilang “ipinaninita” ay sila pa talaga ang tunay na gumagawa.
 

ANG MASAMANG KANILANG GINAWA
KAY KA MARK VASQUEZ

Si Ka Mark Vasquez ay isa nang regular na manggagawa na ngayon ay nasa US. Kabilang siya sa mga manggagawang na-aksidente sa North Luzon Expressway noong bagong taon ng 2015 na dalawa sa kaniyang mga kasama ay pumanaw. Nang una’y kinukuha nila ang kaniyang simpatya, kasama ang mga mahal sa buhay ng mga pumanaw, para kumampi sa kanila at magsalita rin laban sa Sanggunian at sa Pamamahala ng Iglesia. Ganito ang kanilang sinasabi nang una:

Image 01

Ang naging problema ng mga “Fallen Angels” ay nagsalita si Ka Mark Vasquez at pinabulaanan ngayon ang kanilang sinasabi:

Image 02

Nagulantang sila, at inakala pa nga nila na fake ang account na ito ni Ka Mark na pinatutunayan na pawang kasinungalingan ang kanilang mga sinasabi. Ngayong napatunayan nilang tunay na account ni Ka Mark ang sumagot sa kanila, nagpabulaan sa kanilang sinasabi at nagpatunay na sila’y nagsisinungaling, binuweltahan nila si Ka Mark sa pamamagitan ng PANINIRA laban sa kaniya, ng pag-post ng kasinungalingan laban sa kaniya, anupa’t ginawa nila ang kanilang MARUMING TAKTIKA laban kay Ka Mark ng HINDI NILA SIYA “MAKUHA” AY SISIRAAN NA LAMANG NILA SIYA:

Image 03

Subalit, sinagot sila ni Ka Mark sa kanilang KASINUNGALINGAN. Ganito ang kaniyang sinabi sa kaniyang account:

 Image 04

 Image 05

TALAGANG NAPAKARUMI NG TAKTIKA AT GAWAIN  NINA JOY YUSON, ANGEL MANALO, AT JUN SAMSON O NG TINATAWAG NGAYON NA MGA “FALLEN ANGELS. Kung hindi ka sasama sa kanila ay sisiraan ka nila at magpapakalat sila ng sari-saring kasinungalingan.


ANG KANILANG “PANINIRA” LABAN KAY
KA ARNEL A. TUMANAN

Ang kanilang “marumi” at “masamang” taktika na ginawa kay Ka Mark Vasquez ay kanila ring ginawa kay Ka Arnel Tumanan. Nang una’y pinupuri nila at halatang nililigawan upang sumama o kumampi sa kanila. Isinama pa nila si Ka Arnel sa mga “magiting at tapat” na ministro na dinukot at pinahirapan daw ng Sanggunian:

Image 06

Bago lumabas si Ka Arnel upang pabulaanan ang kanilang mga paninira at ibunyag ang kanilang kasinungalingan, inilarawan siya bilang “magiting na ministro” sa panahon ni Ka Erdy. Subalit nang mabigo silang sumama sa kanila si Ka Arnel, ginawa rin sa kaniya ang kanilang masama at maruming taktika na “ayaw mong sumama ay sisiraan ka.” Kay Ka Arnel ay hindi lamang siya ang siniraan kundi pati ang kaniyang mga anak:
 
 Image 07


 
PINATUTUNAYAN NG “SUGO NG DIYOS” NA ANG GAYONG MGA
GAWA AY GAWAIN NG HINDI MABUTING MINISTRO, HINDI
NG MABUTING TAO (HINDI GAWANG MAKA-CRISTIANO)

Pinatunayan mismo ng Sugo ng Diyos sa mga huling araw, ang Kapatid na Felix Y. Manalo na ang gawang halungkatin ang kamalian ng isang tao at siyang ipagsigawan ay gawain ng masamang tao, hindi ng mabuting ministro, hindi ng mabuting tao, hindi maka-cristiano:




4 comments:

  1. Naku kahit ano pa ang ipost nilang paninira sa mga Ministro at Mang aggawa,ang amin pong respeto sa mga katuwang ng Tagapahala ay hindi maaalis,lalo pa nga tumatas ang lebel ng pagrespeto sa kanila dahil sa tapat at sigasig nila sa kanilang tungkulin upang kami ay maalagaan sa pananampalataya..Kng tungkul sa mga pamilya nila ay hindi karugtong ng aming paniniwala sa tunay na pagsamba ang ano mng mga gulo sa sambahayan nila,meron at meron din mga pagsubok na sila lng ang nakakaalam...Hindi na kmi interesado png malaman kng ano yon...

    ReplyDelete
  2. Kuhang kuha nila style ni eli soriano..:D

    ReplyDelete
  3. Pasalamat sila at mabait ang Dios..baka magugulat nalang sila na may mangyayari sa buhay nila na kelanman ay hindi inaasahan.

    ReplyDelete
  4. desperado na talaga cla...ang Ama na po ang bahala sa kanila. masyado na nilang sinasaktan ang Iglesia

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)