04 September 2013

Pagbati sa Ika-4 na taon ng Pamamahala ni Kapatid na Eduardo V. Manalo sa Iglesia Ni Cristo



PAGBATI SA IKA-4 NA TAON NG PAMAMAHALA NI KAPATID NA EDUARDO V. MANALO




Sa ika-7 ng Setyembre ay ika-apat na taon na ng Pamamahala ni kapatid na Eduardo V. Manalo. Nagpupuri at nagpapasalamat tayo sa Diyos sapagkat bagamat pinapagpahinga na Niya si kapatid na Eraño G. Manalo, subalit naglagay Siya ng kahalili na tulad ng mga naunang namahala sa Iglesia ay lubos din ang pagmamalasakit at pagpupunyagi para sa kapakanan ng Iglesia.

Kitang-kita natin na hindi alintana ni kapatid na Eduardo V. Manalo ang pagod at panganib madalaw lamang ang mga kapatid sa buongPilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo upang personal na makita ang kanilang kalagayan at mahatdan ng mga payo na makapagpapatibay at makapaggpapalakas ng kanailang pananampalataya.

Tunay na walang tigil ang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo sa paggawa araw at gabi, na halos wala ng pahinga para masinop ang lahat ng mga kapatid sa buong mundo.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)