WALANG
PATUMANGGANG PAGTITIWALAG?
PAGTITIWALAG
NA WALANG
“DUE PROCESS”? AT “EXPRESS PAGTITIWALAG?
Isa na namang pagsisiwalat sa panlilinlang at pagsisinungaling ni
Antonio Ebanghelista at ng kaniyang mga kasama na kumakalaban sa Pamamahala
ANG isa sa
ipinangangalandakan ng mga kumakalaban sa Pamamahala na katibayan daw na may
katiwalian sa Iglesia ngayon ay ang diumano’y “walang patumanggang pagtitiwalag”
na ang ibig nilang sabihin ay “may itinitiwalag daw na hindi dumadaan sa “due
process.” Ganito ang pagpaparatang na sinasabi ng kampo ni Antonio
Ebangelista:
“Hindi lingid sa
kaalaman ng maraming mga kapatid na iba na ngayon ang takbo ng pagdidisiplina
sa Iglesia o pagtitiwalag. Nabale-wala na ang buong sagradong proseso ng
Pagtitiwalag.” [Antonio Ebangelista, “Walang patumanggang pagtitiwalag”]
Nagpaparatang si Antonio
Ebangelista na kaya raw walang “due process” ang pagtitiwalag ngayon dahil daw
sa hindi kinakausap at binibigyan ng pagkakataon ang mga itiniwalag.
TOTOO BANG HINDI KINAKAUSAP AT BINIBIGYANG
NG PAGKAKATAON ANG MGA ITINITIWALAG?
Ang totoo ay SILA MISMO ANG
NAGPABULAAN SA KANILANG PARATANG NA ITO. Sa account ni “Antonio Ramirez
Ebangelista” ay ganito ang isang post na isinasaad:
Image 01
Malinaw sa post na ito sa
mismong timeline ng account ni Antonio Ebangelista na KINAUSAP at HINDI
ITINIWALAG AGAD ang isa sa kanilang kasamahan. Ano ba ang katumbas ng “pinagsabihan”?
Kinausap (maaari ding binabalaan). Ang salita nilang “ang pagtitiwalag ay
ipinanakot” hindi ba’t nagpapatunay na hindi siya itiniwalag agad kundi
binigyan ng pagkakataon. Kaya nga sila mismo ang nagpapatunay na ang kanilang kasamahan
ay “piniling manahimik na lamang.” Di ba’t ang salitang “piniling manahimik” ay
nagpapakita na binigyan siya ng “choice”?
SAMAKATUWID, SILA ANTONIO
EBANGELISTA MISMO ANG NAGPABULAAN SA KANILANG PARATANG NA HINDI KINAKAUSAP AT
BINIBIGYAN NG PAGKAKATAON ANG “MGA KASAMA” NILA NA KUMAKALABAN SA PAMAMAHALA NG
IGLESIA. Patunay ito na panlilinlang o pandaraya ang sinasabi niyang “walang
patumanggang pagtitiwalag” at “pagtitiwalag na walang due process.”
SI LITO FRUTO?
Ang isa raw sa katunayan na
wala nang “due process” sa pagtitiwalag ngayon ay ang pagtitiwalag daw kay Lito
Fruto. Ganito ang sinasabi rito ni Antonio Ebangelista:
“Hindi lingid sa
kaalaman ng maraming mga kapatid na iba na ngayon ang takbo ng pagdidisiplina
sa Iglesia o pagtitiwalag. Nabale-wala na ang buong sagradong proseso ng
Pagtitiwalag. Bakit?...Narinig din natin marahil ang ukol kay kapatid na Lito
Fruto, itiniwalag at binasa sa buong Pilipinas, subalit hindi dumaan sa tamang
proseso ng Pagtitiwalag.” [Antonio Ebangelista, “Walang patumanggang
pagtitiwalag”]
Inaangkin ni Antonio Ebangelista
na itiniwalag si Lito Fruto na walang “due process” at itiniwalag daw siya
dahil lamang diumano’y “sa pagtulong sa pamilya ng Ka Erdy.” Totoo ba ito? Ano
ang ikinatiwalag ni Lito Fruto? Tingnan natin ang sirkular ng pagtitiwalag sa
kaniya na si Antonio Ebanghelista rin ang nag-provide sa atin sa pamamagitan ng
pagpost niya sa kaniyang blog.
Image 02
Ating i-zoom in ang isinasaad
sa sirkular na dahilan ng pagakakatiwalag kay Lito Fruto:
Image 03
Ang isinasaad sa sirkular na
dahilan ng pagkakatiwalag sa kaniya ay “pamumuhay na labag sa pagka-Cristiano
at paglaban sa Pamamahala. ANG TOTOO AY ANG KAMPO MISMO NI ANTONIO EBANGELISTA
AY SUMASANG-AYON AT NAGPAPATOTOO NA ITINIWALAG SI LITO FRUTO DAHIL SA PAGLABAN
SA PAMAMAHALA. Ganito ang inilakip na larawan ni Antonio Ebangelista sa
kaniyang artikulo ngayong July 14, 2015:
Image 04
Ang kampo mismo ni Antonio
Ebangelista ang may saad na si Fruto ay itiniwalag dahil sa pagsasalita ng
laban sa Pamamahala. Ang sabi nila sa “picture” na sila rin ang may gawa ay “expelled
critic of the Iglesia Ni Cristo.” Baka naman ang sinasabi ni Lito Fruto
patungkol sa Pamamahala ay napakaliit na bagay lamang para siya ay itiwalag? Gaano
ba katindi ang mga sinasalita ni Fruto laban sa Pamamahala? Pansinin ninyo ang
mga screenshots natin mula sa account mismo ni Lito Fruto. Ganito ang halimbawa
ng kaniyang mga sinasabi laban sa Pamamahala:
Image 05
Image 06
KAYA, mga kapatid, kayo ang
magpasiya. Wala bang katarungan ang pagtitiwalag kay Lito Fruto o tama lang na
siya’y itiwalag dahil sa totoo naman na nagsasalita siya at gumagawa ng
paglaban sa Pamamahala? Tandaan din natin na maliban sa “paglaban sa Pamamahala”
ay itiniwalag din si Fruto dahil sa pamumuhay ng labag sa pagka-Cristiano.
KONKLUSYON
WALANG KATOTOHANAN ANG
IPINAPARATANG ng kampo ni Antonio Ebangelista na hindi na raw nasusunod ngayon
ang “proseso ng pagtitiwalag.”
Mayroon nga bang pagbabago
ngayon sa proseso ng pagtitiwalag? SAKSI ANG LAHAT NG MGA MAYTUNGKULIN SA MGA
PUROK, LOKAL AT DISTRITO NA WALANG NAGING PAGBABAGO SA PROSESO NG PAGTITIWALAG –
PATULOY NA MAY DELIBERATION NG PUROK, DELIBERATION NG LOKAL AT DELIBERATION SA
DISTRITO. Ang tuntunin ukol dito na
ipinatutupad noon ay siya pa ring tuntuning ipinatutupad ngayon.
Sa kabuuan ay nasusunod pa rin
ang proseso ng pagtitiwalag. Kung mayroon mang purok, lokal o distrito na na “hindi
nasunod” ang tuntunin, hindi ito rrpleksiyon ng KABUUANG KALAGAYAN NG IGLESIA.
Ito ay mga “isolated case” na hindi pinahihinyulutan ng Pamamahala. Di ba’t
mayroong mga nadisiplina na mga maytungkulin dahil sa pagkakamali sa bagay na
ito? Dito lang sa Metro Manila ay mayroong mga may katungkulan pa sa distrito
at distinado ng lokal na naksiyunan dahil sa “pagkakamali” ukol sa bagay na
ito.
KAYA, kahit si Antonio
Ebangelista, ang mga taong nasa likod niya at ang mga kasamahan niya ay HINDI NILA
MAAANGKIN na sila ay hindi binigyan ng pagkakataon. Sa pangkalahatang pulong na pinangasiwaan ng Tagapamahalang
Pangkalahatan noong July 9, 2015, saksi ang lahat (at salamat sa iyo Antonio
Ebanghelista dahil sa pagpost mo ng audio ng pulong sa internet ay SAKSI ngayon
hindi lang ang lahat ng mga ministro at manggagawa kundi ang mga kapatid at
maytungkulin) ang Pamamahala mismo ng Iglesia ang NAGBIGAY PA NG PAGKAKATAON sa
kanila. Kaya, hinding-hindi nila malilinlang ang lahat ng mga tunay na kapatid
na “basta na lang sila itiniwalag” o hindi idinaan sa “due process” ang
pagtitiwalag sa kanila at sa mga nasa likod nila. TANDAAN NINYO ANG ISINASAAD
NG BANAL NA KASULATAN:
I Corinto 5:12-13 NPV
“Ano ang
karapatan kong humatol sa mga taga-labas ng iglesya? Hindi ba kayo ang hahatol sa mga nasa loob? ANG
DIOS ANG HAHATOL SA MGA NASA LABAS. "ITIWALAG NINYO ANG MASAMA NINYONG
KASAMAHAN.”
To Antonio Ebanghelista and the people
behind him, remember this:
ANG MGA TUNAY NA KAPATID
AY GALIT NA GALIT SA KATIWALIAN,
SUBALIT LALO KAMING GALIT
No comments:
Post a Comment
Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.