23 July 2015

Official Statement from the Church Administration about the Controversial Youtube Video

OPISYAL NA PAHAYAG
MULA SA PAMAMAHALA NG
IGLESIA NI CRISTO UKOL SA
“CONTROVERSIAL YOUTUBE
VIDEO”

Official Statement from the Church Administration regarding the “controversial youtube video”
Please watch this video


 BINASA na ngayon sa mid-week pagsamba ng Iglesia Ni Cristo ang sirkular ukol sa pagtitiwalag sa kanila “Ka Tenny” (Cristina V. Manalo), “Ka Angel” (Felix Nathaniel V. Manalo), “Ka Mark” (Marco Erano V. Manalo) at “Ka Lottie” (“Lolita Manalo-Hemedez). Ang sirkular na ito ay nilagdaan mismo ni Kapatid na Eduardo V. Manalo.

Ginawa ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ang desisyong ito pagkatapos na i-upload sa youtube ang video na kung saan ang kaniyang kapatid na si Felix Nathaniel (“Angel”) at ang kaniyang ina na si Cristina (“Ka Tenny”) ay humihingi ng tulong dahil diumano’y nanganganib daw ang kanilang buhay. Ipinahayag ni Kapatid na Bienvenido C. Santiago, ang Pangkalahatang Ebanghelista ng Iglesia Ni Cristo ang pagtitiwalag sa kanila sa isang news conference ngayong Huwebes, 23 Hulyo 2015.

Sa nasabing news conference ay ipinahayag ni Kapatid na Bienvenido ang sumusunod:

"Masakit man sa loob ng Kapatid na Eduardo Manalo ay ipinasya nila na itiwalag yung mga lumilikha ng mga pagkakabaha-bahagi sa Iglesia. Kaya sa mga pagsambang isasagawa ng Iglesia ni Cristo, simula sa araw na ito ay ipaaalam iyon sa lahat ng kapatid."

Ginawa nila ang videong ito kaugnay ng pagnanasang makakuha ng simpatiya mula sa mga kapatid para maisulong ang kanilang nilalayon na maiposisyon sa Pamamahala sa Iglesia ang nais nilang mailagay sa posisyon.

Sa nasabing sirkular na binasa sa mga pagsamba na nakalagda ang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo ay binanggit niya ang sumusunod:

"Masakit man sa loob ko subalit katungkulan ko na ipagpauna ang kapakanan ng Iglesia."

Dahil dito, maluwag din na tinanggap ng buong Iglesia ang nasabing pagtitiwalag sa apat na kapamilya ni Kapatid na Eduardo. Dito ay lalong hinangaan ng mga kapatid ang kasalukuyang Tagapamahalang Pangkalahatan. Hayag na hayag ang kaniyang kagitingan sa pagdadala ng tungkulin na nahanda siyang ipataw ang disiplina sa lahat, maging sa kaniyang mga kaanak at malalapit sa kaniya.

Ang pangyayaring ito ay kaugnay rin ng mga pangyayari sa nakaraan na may mga naglabasan sa social media na paninira at pagbatikos sa Pamamahala ng Iglesia ng mga taong itinatago ang kanilang pagkakakilanlan o gumagamit ng “dummy accounts.” Nagsagawa ang buong Iglesia ng pagpapanata na mahayag ang mga gumagawa ng ganitong paninira at pangugulo. Sumasampalataya tayo na ito’y itinulot ng Diyos upang mahayag kung sino talaga ang nasa likod ng mga kumakalaban sa Pamamahala ng Iglesia.

Kung sa mga kapatid sa Iglesia ay masakit sa atin ang nangyaring pagkatiwalag nina Ka Tenny, Ka Angel, Ka Mark at Ka Lottie sapagkat sila’y minahal natin, kaya tiyak na higit na masakit ito kay Kapatid na Eduardo V. Manalo sapagkat sila’y kaniyang mga kapamilya. Alam nating ang hapis at pighati na nararamdaman ngayon ng Ka Eduardo. Kaya, ipanalangin natin sa Diyos na palakasin at patuloy na gabayan ang ating mahal na Tagapamahalang Pangkalahatan upang patuloy na matupad niya ang kaniyang gampanin na maihanda ang buong Iglesia sa pagsalubong sa ating Panginoong Jesucristo.

1 comment:

  1. Talagang mahahayag ang mga taong lumalaban sa pangangasiwa. Masakit pero talagang magiting at kahanga hanga ang ka Eduardo Manalo. Mahal na mahal po namin kayo at lagi po namin kayong ipinapanalangin sa Ama na gabayan kayo sa lahat ng Inyong pasya sa Iglesia. Tunay po kayong alagad ng Dios. Salamat sa Ama.

    ReplyDelete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)