23 July 2015

Walang dapat ipangamba dahil di totoo ang sinasabing nanganganib ang kanilang buhay




ANG KATOTOHANAN UKOL SA
“CONTROVERSIAL YOUTUBE VIDEO”:

Nanganganib nga ba talaga ang buhay
nina Ka Angel at Ka Lottie?

 NOONG hatinggabi ng July 22, 2015 ay ini-upload sa Youtube ang isang video kung saan ay nagsalita si Angel Manalo na humihingi ng tulong sapagkat ang kanila raw buhay ay nasa panganib. May kalakip itong “audio” ni Ka Tenny (Cristina V. Manalo) na humihingi ng tulong para sa kaniyang mga anak na sinasabi ring nasa panganib ang kanilang buhay.

Kanina namang hapon (July 23, 2015) ay mayroong naglabas ng papel sa labas ng bintana at pinalalabas na sila’y “hostage.” Upang gawing lalong “sensational” ay nagpost ang isa nilang kasamahan ng ganito:
Image 01

Ano talaga ang katotohanan ukol sa videong ito? Tunay bang nasa panganib ang buhay nina Ka Angel at Ka Lottie na ginamit pa nila ang kanilang ina na si Ka Tenny para palabasin na nanganganib nga ang kanilang buhay?

Pagdating nang maghahating-gabi ng July 24, 2015 ay dumating si General Pagdilao ng Quezon City Police Department upang mag-imbestiga at tiyakin kung ano talaga ang kanilang kalagayan. Bago magsagawa ng attempt si Gen. Pagdilao na makapasok sa compound ng tirahan nina Ka Angel at Ka Lottie ay dumating muna si Kapatid na Edwil Zabala at nagsagawa ng maikling press conference.

Kaharap ang mga tao ng media ay ipinahayag ni Ka Edwil na “Ang compound na ito ay property ng Iglesia Ni Cristo. Subalit, gaya ng inyong nakikita ay wala sa control ng Iglesia Ni Cristo sapagkat ito’y housing para sa mga natiwalag na miembro ng pamilyang Manalo. Ngunit gaya ng inyong nakikita ay wala kaming control sa gate at sa property na nasa loob ng compound na ito.” Idinagdag pa niya na, “Narito po si Gen. Pagdilao upang mag-imbistiga at tiyakin ang tunay na sitwasyon. Sapagkat ang properties na ito’y pag-aari ng Iglesia Ni Cristo kaya binibigyan po ng pahintulot si Gen. Pagdilao na pasukin ang nasabing compound upang makapag-imbistiga.”

Bago mag-attempt si Gen. Pagdilao na pumasok sa compound ay sinabi pa ni Ka Edwil na, “Dito po ninyo malalaman kung totoo bang sila’y hostage o abducted o nasa panganib na gaya po ng kanilang isinaad sa video at sa sinabi nila kaninang hapon. Saksi po ang mga pulis at kayong mga taga-media upang malaman kung nagsasabi ba sila ng totoo o nagsisinungaling. Kung nagsisinungaling sila sa pagsasabing sila’y abducted o hostage o nanganganib ang buhay ay paano pa natin ngayon papaniwalaan na totoo ang iba pa nilang mga sinasabi.”

Pagkatapos nito ay kumatok na si Gen. Pagdilao sa gate ng compound na kinaroroonan nina Ka Angel at Ka Lottie. Habang kumakatok si Gen. Pagdilao na nasa likod niya ang mga tao na mula sa iba’t ibang media firm ay nag-post ng nagpost si Ka Lottie at si “Sher Lock” sa social media (FB) na kesyo papasukin na raw sila ng mga pulis, na kesyo naglagay na raw ng mga hagdan sa bakod ang mga pulis, na kesyo nagpadala na raw ng Sanggunian ng mga pulis para sila pasukin, na kesyo si Ka mat Pareja raw ang nagbigay ng order sa mga pulis na sila’y pasukin, kaya humingi raw sila ng tulong sa mga kapatid na protesiyunan ang “pamilya ni Ka Erdy”.

Image 02

Pansinin na una: wala si Mat Pareja sa vecinity, wala siya roon kundi ang kausap ng media at mga pulis ay si Ka Edwil Zabala; ikalawa, naroon ang mga pulis hindi dahil sa utos ng Sanggunian kundi dahil sa pagresponde dahil sa kanilang “claim” na nanganganib ang kanilang buhay; at itaklo, isang tambak ang media sa likod ni Gen. Pagdilao kaya tiyak na naroon ang mga pulis hindi sapagkat may masamang layunin kundi upang makita ang tunay na sitwasyon at kung sakali ay sila’y matulungan.

Kumatok ng kumatok si Genb. Pagdilao, subalit walang sumasagot. Hanggang paglipas ng ilang minuto ay nakipag-usap si Ka Angel kay Gen. Pagdilao (na nasa likod ang maraming taga-media), subalit hindi binuksan ang gate, kundi nakipagpusap sa maliit na butas lamang ng gate. Ipinakiusap ni Ka Angel kay Gen. Pagdilao na bigyan sila ng privacy dahil nais na nilang magpahinga dahil sila raw ay pagod na. Nang hilingin ni Gen. Pagdilao na kung maaaring makapasok (na ilang beses niyang hilingin) ay tumanggi si Ka Angel. Nang tanungin kung sila ba’y hostage o may panganib ba sa kanila, sumagot si Ka Angel na hindi sila hostage at walang panganib sa kanila roon (nakalimutan ata ni Ka Angel ang sinabi niya sa video na humihingi siya ng tulong dahil sa nanganganib raw ang kanilang buhay).

Pagkatapos ng maikling pag-uusap ni Ka Angel at ni Gen. Pagdilao ay nagsagawa ng maikling press con ang huli. Ipinahayag niya na nasa mabuting kalagayan, ligtas at walang panganib sa kanila Ka Angel at Ka Lottie at sa kanilang mga kasama (teka,teka, pansinin po natin na ipinahayag ni Gen. Pagdilao sa harap ng maraming taga-media na “Ka Angel denies that there are threats against their lives” o itinanggi ni Ka Angel na may panganib sa kanilang buhay).

Maya-maya ay dumating naman si Mayor Herbert Bautista ng Quezon City. Siya naman ang nakipag-usap kay Gen. Pagdilao at nagsikap na makapasok sa loob. Pagkalipas ng ilang minuto ay si Mayor Herbert naman ang humarap sa media at nagpahayag na huwag nang mag-aalala dahil wala naman daw panganib sa buhay nina Ka Angel, Ka Lottie at ng mga kasama (teka, teka, pansinin natin ang ipinahayg ng mayor ng Queazon Ciy na WALANG PANGANIB sa buhay nila).

Nagkaroon ng second attempt si Gen. Pagdilao na makiupag-usap at upang papasukin siya sa loob ng compound. Sandaling bumukas ang gate subalit hindi pala para ppasukin si Gen. pagdilao, kundi upang papasukin ang pagkain. Kitang-kitang nagtawanan ang mga taga-media.

Ang lahat ng ito ay napanood sa iba’t ibang istasyon ng TV gaya sa ABS-CBN 2 at sa ANC. Pagtapos nito ay nakitang medyo nag-disperse na ang mga taga-media. SA PANGYAYARING ITO AY KITANG-KITA NA WALANG KATOTOHANAN ANG PARATANG SA “CONTROVERSIAL YOUTUBE VIDEO AT ANG IPINANGANGALANDAKAN NILA SA SOCIAL MEDIA NA “NASA PANGANIB” RAW ANG KANILANG BUHAY.

Bilang katunayan, agad ay mababasa natin na headline ito sa GMA News Online na kapo-post lamang ngayong 12:09 am (July 24, 2015):

Image 03

QCPD chief Pagdilao: 'No abduction' situation in Manalo compound
July 24, 2015 12:09am

“Police Chief Superintendent Joel Pagdilao said he and his fellow police officers who went into the Manalo housing compound late Thursday evening did not find any indication of any "abduction" situation affecting the residents.
“Pagdilao, director of the Quezon City Police District, told news media gathered outside the Manalo residence that the occupants of the house are safe.
"Bale nagpapasalamat tayo dahil dumungaw si Angel, at yun nga, medyo maliit lang yung dungaw na ibinigay niya sa atin. Ang pinaka-importante ay nakausap natin sila," he said.
“He repeatedly said that the situation seemed to be an internal matter for the Iglesia ni Cristo and the Manalo family.
“Mayor Herbert Bautista, who said he was at the scene for a personal update, said that the local government and the police will monitor the situation, but also repeatedly said that it is an internal matter.
“Earlier, a spokesman of the Iglesia ni Cristo said the church has "no control" over the residential area, where the apparently estranged relatives of the church's Executive Minister Eduardo Manalo had claimed they were held against their will.
“The spokesman, who identified himself as Kapatid Edwin Zabala, also said in a huddle with news media along Tandang Sora Avenue in Quezon City, that they are posing no objection or hindrance to Pagdilao's request to enter the housing compound to ascertain the condition of the residents.



Ito ang makikitang headline ng bawat “news online” na pinatutunayan na HINDI NANGANGANIB sina Ka Angel at Ka Lottie:


Image 04

Mappansin din na hindi binabanggit sina Ka Marc at Ka tenny. Hindi rin po dapat mag-aalala sa kanila dahil ayon po sa report ng iba’t ibang media firm ay sina Ka Angel at Ka Lottie lang po ang nasa nasabing compound, at sina Ka Marc at Ka Tenny po ay wala po sa nasabing compound, Sila po’y nasa ibang bansa (gaya nang amin na pong naipahayag sa inyo ng una) kaya wala rin pong panganib sa kanilang buhay.

WALA PO PALA TAYONG DAPAT IPAG-ALALA MGA KAPATID DAHIL HINDI PO PALA TOTOO ANG SINASABI NINA KA ANGEL AT KA TENNY SA CONTROVERSIAL YOUTUBE VIDEO NA NANGANGANIB ANG BUHAY NINA KA ANGEL AT KA LOTTIE, SAPAGKAT ANG LAHAT PO NANG ITO AY GAWA-GAWA LAMANG UPANG GALITIN ANG MGA KAPATID AT MAHIKAYAT NA SUMAMA SA KANILA SA PAG-AAKLAS LABAN SA PAMAMAHALA.

2 comments:

  1. Ano naman po itong sinasabi ni ka Jun Samson na "tumakas" daw sila sa compound? Di po kaya katunayan iyon na siya nga si AE? Dahil kung wala siyang kinalaman sa mga nangyari, bakit siya "tumakas"? At bakit sinasabi niyang mayroon ngang ministro na dinukot?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Doon pa lang sa "tumakas" huli na siya sa bibig.

      Walang (hypothetical na) guard ang ganoong kadaling utuin na sasabihin mo lang na sasamba ka tapos papalabasin ka na. Ano yun, four years old? Halatang kuwentong barbero.

      Delete

Know why more and more people worldwide convert to Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ). Learn more about this Church and find out what makes it unique.

Learn More About Iglesia Ni Cristo (Church Of Christ)